Chapter 10 - 10

"I mean 'yong mahilig kumain, maganang-magana sa pagkain basta grasya hirap 'yan tanggihan." Kuwento pa ni Hysocine, feeling tuloy niya ay nahihiya na siya.

"Bakit hindi natin siya isama bukas?" ani Yas.

"Sige sasabihin ko."

"Nice to see you again, Twynie," ani Yas, nagulat siya nang biglang niyakap ng binata ang pinsan niyang biglang natulala dahil sa ginawa ng lalaki. "I am really so happy to see you again, you are still so cute like the old times." Nakangiting sabi ni Yas, nagulat na lang siya nang mabilis itong bumaling sa kinaroroonan niya at ngumiti sa kanya, nahihiyang ngumiti na lang din siya sa binata.

Nang makaalis na ang binata ay nagmamadali niyang pinuntahan ang pinsan at naupo siya sa tabi nito. Nakatulala pa rin ito at nagpapakurap-kurap at nakangitin sa kawalan.

"Okay ka lang ba?" tanong niya dito.

Nagulat na lang siya nang mabilis itong bumaling sa kanya. "Do you like Yasser?" kapagdaka'y tanong nito. Hindi niya napaghandaan ang itinanong nito sa kanya, kaya mabilis siyang napailing. "Wala nang bawian, ha." Nakangiting sabi nito.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong niya.

"I think crush ko na si Yasser, Twynie!"

"C-Crush mo na agad?" tanong niya. Kung makapagsalita ka dyan, eh, ikaw din naman e, kakikita mo lang sa kanya, crush mo na agad! Gusto niyang mag-reklamo at sabihin sa pinsan niya na hindi niya ito maaaring crush-in, ngunit ano'ng magagawa niya kung mas bagay nga naman ang dalawa, kaysa sa kanya?

"Narinig mo ba ang sinabi niya kanina? Niyayaya niya akong sumama sa kanya bukas!"

"Ang sabi niya isasama ninyo daw ako." aniya.

"Huwag na, baka mas mapagastos pa siya sa 'yo." Natatawang sabi nito, alam niyang nagbibiro lang ito pero hindi niya alam kung bakit uminit bigla ang ulo niya, nasasakyan naman niya ang mga jokes nito—pero nainis na lang siya bigla. "'Uy, joke lang, 'to naman hindi ka na mabiro, ngayon ka lang natamaan sa joke ko, ah." anito, napansin yata kasi nito ang pagkunot ng kanyang noo.

"Oo na, alam ko." Sabi na lang niya. "'Yong mga pinagkainan mo sa mesa, nandoon pa, kaya linisin mo muna bago ka umalis." Aniya.

"Oo na po." Sabi na lang nito.

DEAR DIARY,

Bakit kaya bigla na lang uminit ang ulo ko kay Hyoscine? Dahil ba sa pagkakalapit nila ni Yasser? O dahil sa pag-amin ng pinsan ko na crush na niya agad si Yasser? Eh, 'di ba ginusto ko naman itong nangyayari? Saka gusto ko rin naman siyang mag-move on sa ex niya, pero ayokong si Yas ang dahilan. Kailanman ay hindi ako nakipag-kompetensya kay Hyoscine pero feeling ko nang mga sandaling ito, siya ang magiging karibal ko kay Yas. Oo na, kasalanan ko kung bakit nagkakilala ang dalawa—pero hindi ko naman kasi inaakala na magkakasundo sila, e. Paano kaya kung tuluyang magkagustuhan ang dalawa, paano na ako?

Bagay na bagay pa naman sila! Paano na ang tagong nararamdaman ko para kay Yasser? Paano na ang lihim kong katauhan? Kung malaman ba ni Yasser na ako si Twynie, sa akin siya makikipaglapit? Pero hindi kaya ma-disappoint siya dahil from sexy and beautiful Hyoscine to the balyena Twynsta? Ang sad lang, diary. Pero syempre pa, kung saan masaya ang lahat, doon ako, kahit masakit.

May date nga pala ang dalawa bukas, gusto kong sumama dahil gusto kong makasama si Yasser. Matagal-tagal na rin naman simula nang magkasama kami, na-miss ko siya nang husto.

Salamat diary, I love you!

Love,

Twynsta Ranillo

HABANG abalang nagkukuwetuhan sina Yasser at Hyoscine tungkol sa nakaraan ng binata ay panay kain naman ni Twynsta sa sa iba't ibang orders ng tatlong pizza, chicken at spaghetti. Sinundo silang dalawa ng pinsan niya with his black four wheels. Nasa Shakeys silang tatlo nang mga sandaling 'yon para kumain, galing sa pag-i-stroll nila kanina, abala kanina ang ang dalawa sa walang ampat na kuwentuhan, nagmumukha tuloy siyang chaperone ng mga ito, pero wala na siyang pakialam, at least marami na siyang nalalaman tungkol kay Yasser.

Narinig niyang sinabi ng binata, may music studio daw na ipinatayo ang parents nito sa States at madalas ito ang nagtuturo sa mga batang nag-e-enroll sa kanila doon, his parents were a good singers, nalungkot din siyang malaman na namatay pala sa sakit na lung cancer ang daddy nito five years ago, kaya malungkot silang nakipagdalamhati ni Hyoscine.

At bumalik lamang daw si Yas sa bansa dahil bukod sa gusto nitong dalawin ang maternal grandparents nito, medyo may misunderstanding din daw ito at ang mommy nito.

"Twynsta, are you alright?" mayamaya ay baling sa kanya ni Yasser.

Akmang sasagot naman siya nang mabilis sumingit ang pinsan niya. "Yes, she's okay, basta may food, ayos siya." Nangingiting sabi nito.

Okay, alam niyang joke lang uli ni Hyoscine 'yon—kung bakit tumataas na naman ang dugo niya sa inis—hindi kaya dala lang 'yon nang pagseselos niya dito? Dahil imbes na siya ang kasa-kasama at kausap ng lalaki ay ito na—dahil nga ito naman ang pinakiusapan niyang magpanggap na siya, kaya huwag niyang masisisisi ang pinsan niya dahil siya ang ugat nang lahat. Nahiling niyang sana rin ay hindi magulat ang binata kapag dumating ang time na handa na siyang ipagtapat ang lahat dito.

"I'm okay, sige, usap lang kayo." Aniya, saka na lang niya inabala ang sarili sa pagkain. Nang mga sandaling 'yon, pagkain na lang talaga ang pwede niyang matakbuan at makasama sa nararamdaman niya. She never had been insecure before, ngunit nang mga sandaling 'yon, nahiling niyang sana sexy at maganda na rin siya para hindi na siya nahihiyang magpakilala kay Yasser.

Who would've thought that the guy she was dreaming about was her chubby grade school bff—Yasser! Mas lalo niyang binilisan ang pagkain niya hanggang sa mabulun-bulunan siya, kaya mabilis tumayo si Yasser para abutan siya ng tubig at hagurin ang kanyang likuran. Kaya mas lalo niyang pinag-iilusyunan ito, dahil hindi lang ito guwapo, ramdam din niya ang kabaitan ng puso nito.

"Okay ka lang ba, Twynie—I mean, Twynsta?" tanong ni Hyoscine.

Tumango-tango naman siya sa pinsan niya saka niya binalingan ang binata. "Okay na ako, Yas, salamat." Aniya.

"Dahan-dahan lang sa pagkain." Ani Yasser sa kanya. Tipid na lamang siyang ngumiti dito. At dahil abala na naman sa pag-uusap ang dalawa ay muli na naman niyang inabala ang sarili sa kinakain niya nang may tumapik sa balikat niya.

"Twyns, ikaw ba 'yan?" mabilis naman niyang binalingan ang lalaking tumapik sa balikat niya. Nabungaran niya itong nakangiti sa kanya.

"Ahm?" kinikilala niya ang lalaking tumapik sa balikat niya.

Ngumiti ang lalaki. "Si Cloud 'to!" saglit naman siyang napatigil sa pag-iisip nang mapapitik siya sa ere.

"Ulap? Ikaw na ba talaga 'yan?" anito, kinakapatid niya dahil inaanak ito ng binyag ng mama niya at siya naman sa mama nito. "Oh gosh!" mabilis siyang napatayo. "Ang guwapo mo na!"

"At ang cute mo pa rin." Nakangiting sabi nito, nagulat siya nang mabilis siyang yakapin nito nang mahigpit. "I really love hugging you." Nakangiting bulong pa nito sa kanya. Natawa tuloy siya. Huling beses silang nagkita nito no'ng first year high school siya at second year naman ito, hindi na kasi sila madalas magkita since lumipat ang mga ito ng bahay.

Guwapo si Cloud, para itong si Gerald Anderson, matangkad din ito at maganda ang pangangatawan. Nagkakausap sila ni Cloud no'n nang makarinig siya nang malakas na pagtikhim—si Yasser, na noon ay nakatingin sa kanilang dalawa ni Cloud.

"Mind if you introduce your friend?" ani Yasser sa kanya.

Saglit siyang natigilan, nagalit ba ito dahil ang ingay niya sa pagwe-welcome niya at sa pagkikita nilang muli ni Cloud? "Si Cloud Jackson, kinakapatid ko." Pagpapakilala niya. Hindi ito kilala ni Hyoscine kaya ipinakilala niya ang dalawa sa lalaki.

"Cousin, siya na ba?" mayamaya ay nakangiting tukso ni Hyoscine sa kanya.

Akmang sasagot siya nang mabilis tumayo si Yasser sa kinauupuan nito, may tatawagan lang daw ito saglit—napansin niya ang kunot-na kunot na noo nito, na hindi na lang niya inintindi at muling kinausap si Cloud, akala nga daw nito ay kamukha lang niya ang nakikita nito—siya pala talaga. Nagkapalitan sila ng numero ng lalaki, actually, dumaan lang daw ito sa Mall na 'yon dahil may bibilhin ito at pauwi na rin ito noon nang makita siya.

Pagbalik ni Yasser sa mesa ay tuluyan na ring umalis si Cloud.

"Boyfriend mo?" mayamaya pa ay tanong ni Yasser sa kanya.

Mabilis naman siyang umiling. "Hindi naman 'yon magkakagusto sa akin."

"'Yan ka na naman sa self pity—"

Hindi nito naituloy ang sasabihin nang mabilis siyang sumingit. "Joke lang. Pero malay natin, magkagusto siya sa akin." Natatawang dagdag niya.

Nagulat siya nang biglang kumuha ng chicken si Yasser at kumagat doon—ang sabi kasi nito kanina ay hindi ito kakain ng chicken except for Pizza, pero mukhang nakalimutan nito ang sinabi nito.