Chereads / My Beast Boss / Chapter 36 - 35. Make it Real

Chapter 36 - 35. Make it Real

Nagka-titigan kami sandali ng humiwalay na ang aming mga labi sa isa't-isa. Hindi ko alam kong iimik pa ba ako o ano.

Para pa rin akong istatwa sa pwesto ko at parang hindi ako nahimasmasan.

Jusko Marsha. Gusto mo pa atang magpa-halik ulit sa kanya eh.

Nang sandali, biglang nag-ring ang cellphone niya na hawak-hawak ko pa rin pala ngayon, at nabigla naman ako.

Saka napukaw ang atensiyon ko nang sumulyap ako sa cellphone niya, at nakita na lumabas sa screen yung pangalang Stella nang tumawag ito sa kanya.

"A-ahh, Logan. M-may tumatawag sa'yo.." sabay abot ako sa kanya nung cellphone. Pero napansin kong pinasadahan lang niya iyon ng tingin.

"Just press the red button. I don't want to have an interlude in our night.." sabay umayos siya ng pagkaka-higa niya at ipinag-saklop ang mga kamay niyang naka-patong sa ibabaw ng tiyan niya.

Pero sandali, parang nakaramdam ako ng kilig sa sinabi niya. Jusmiyo marimar! nalintikan na talaga.

"P-pero, baka importante 'to?" mapilit kong sabi. Tumingin muna siya sakin sandali at mukhang nag-iisip muna siya, bago niya abutin sa akin yung cellphone niya.

Pagdaka'y tumayo na siya. Isinisiksik ang kaliwang kamay niya sa bulsa at saka sinagot ang tawag.

Habang may kausap siya sa cellphone niya, pinag-masdan ko lang muna siya ng ilang segundo at napapansin kong paiba-iba ang reaksyon ng mukha niya. At nahihiwagaan ako sa pag-uusap nila ng Stella na 'yon.

Sandali, napa-isip naman ako sa Stella na 'yon nang tumawag siya kay Logan.

Stella? Pero wala pa akong narinig na binanggit 'yan ni Logan o nabanggit man. Sino ba yung Stella na 'yon at anong meron sa kanila ni Logan?

Sa pag-iisip ko niyon, parang may kumirot sa dibdib ko. Parang nalungkot ako. Pero, isinawalang-bahala ko nalang muna.

"Marsha, I have to go." napa-sulyap ako kaagad sa kanya ng kausapin niya ako.

"A-ahh, sige.." hindi ko alam, pero sa pagkakataon na 'yon, parang ayaw ko pa siyang umalis.

Hays. Ano na bang nangyayari sa akin? Parang hindi na ata ako ang magandang si Marsha na nabubuhay sa mundo. Ugh!

Bago ko siya nakitang umalis, humarap muna siya sa sakin.

"I'll fetch you here tomorrow morning. So, we'll go there in my company together." sambit niya.

"U-uh, pero, ka--"

"Nah. I would be happy if I know that you're in safe." dugtong niya. Tanging pag-tango nalang ang naging tugon ko at pilit akong ngumiti sa kanya.

Siguro, kaya niya ginagawa 'to ay dahil sa nangyari sa akin nung gabing nanakawan ako ng cellphone. Pero, hindi naman niya kailangang gawin 'yon sa akin eh. Hays. Bahala na nga siya. Hanggang sa nakita kong umalis na siya.

Isinara ko na ang gate ng mawala na sa paningin ko ang sasakyan niya nang sinubukan kong sumunod sa kanya palabas. Kasunod ay, sinara ko na rin ang pinto ng bahay.

Nang naka-balik na ako sa loob, napa-sapo ako sandali sa ulo ko ng ibinagsak ko ang katawan ko sa sopa. Ikinagat ko ang ibabang labi ko at saka ako napa-pikit.

Ang daming tumatakbo ngayon sa isip ko at isa na 'don nang halikan niya ako. Napahawak ako sandali sa dibdib ko at ang bilis na naman ng pintig nito.

Jusko! Kasalanan 'to ni Logan eh, palagi na lang nagiging abnormal yung pagsikdo ng puso ko dahil sa kanya.

Pero sandali, napa-mulat ako nang mga mata nang pumasok sa isip ko yung mga mata ni Logan, habang naka-bukas ang mga mata ko ng halikan niya ako. Parang may bumubuong katanungan sa isip ko na hindi ko maunawaan. Lalo na ng maalala ko rin yung nangyari sa amin sa cebu.

Inayos ko ang sarili ko at naisipan kong tumungo na sa loob ng kwarto ko para matulog.

Speaking sa matulog, hanggang ngayon, tumatakbo pa rin iyon ngayon sa isip ko iyon. Habang naka-higa na ako sa higaan at naka-pikit ang mga mata.

Isa rin sa bumabagabag sa isip ko ngayon yung pangalang Stella na tumawag kay Logan kanina.

Kumuha ako ng unan at tinakpan ko nang unan ang mukha ko. Pero, hindi pa rin 'yon umaalis sa isip ko.

Ilang beses akong parang abnormal na nagpa-ikot ikot sa higaan pero patuloy pa rin ako niyon ginagambala sa isip ko.

Jusko! Patulugin niyo naman ako! Baka mapag-kamalan ako nitong zombie bukas kapag hindi ninyo payapain ang isip ko! Naiistress na ang beauty ko!

---

Kinabukasan, di-diretso lang akong naglakad papasok sa loob ng elevator. Aaminin kong hindi talaga ako naka-tulog ng maayos kagabi, dahil sa mga pesteng gumagambala sa isip ko nung gabing 'yon.

Pilit kong ibukas ang mga mata ko kahit na gusto na nitong pumikit. Pero sandali naman ay, naramdaman kong may mainit na palad ang humawak sa kamay ko, kaya parang nawala ang antok ko nang napa-baba ang tingin ko doon.

"I think you'll be feeling well if I hold your hands.." napa-angat naman ngayon ang tingin ko kay Logan na nawala sa loob ko na kasama ko pala ngayon.

Yeah. Sinundo niya ako nang maaga kanina sa bahay at sabay kaming dumating sa trabaho. Ilang minuto ko siyang hindi kina-usap sa kotse niya kanina dahil promise, lutang talaga ako ngayon at wala pa akong tulog.

Wala na. Tatanda talaga ako nito ng maaga pag-nagkataon. Hindi na ako magiging maganda! Lintek!

Hanggang sa makalabas kami ng elevator, hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. Halos napapansin kong bawat nakakakita sa'min ay iba ang tingin nang magulat sila sa'ming dalawa ni Logan, nang makita nilang magka-hawak ang mga kamay namin sa isa't-isa. Napa-yuko nalang ako hanggang sa hinatid pa niya ako papasok sa sarili kong opisina.

"Marsha.." iniikot ko ang katawan ko sa kanya nang naka-talikod ako sa kanya hanggang sa pag-pasok ko sa loob. Parang nag-aalalang aura ng mukha niya ang tumambad sa akin.

"Tell me, are you just okay?" maamong sabi niya at animo'y nagtataka siya. Tumango ako at pilit na ngumiti sa kanya.

"O-oo, ayos lang ako. Huwag kang mag-alala.." tugon ko sa kanya at bahagya kong iniyuko ang ulo ko, sabay kinagat ko ang ibabang labi ko. Pero gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi, napuyat ako dahil sa'yo. Jusmiyo.

"I'll go back here later, we'll eat together this lunch.." pagka-sabi niya niyon, agad niya nang binitawan ang kamay ko at tumalikod. Pero kaagad akong tumugon sa kanya, kaya napa-tigil siya sandali.

"A-ahh, Logan. Pwede bang hindi muna ako sasabay sa'yo? U-uhh, ano...may gagawin pa kasi ako eh.." nakita ko ang pag-harap niya sa akin at humalukipkip siya.

"About what?" napa-yuko ako sandali para mag-isip ng palusot ko. Sa totoo lang kasi, gusto ko lang matulog muna mamayang lunch para makapag-relax yung isip ko. Nabubugbog na sa di-maawat na mga pesteng gumagambala sa isip ko.

"U-uhmm.."

Ano nga bang ipapalusot ko? Jusme! Ayaw gumana ng isip ko.

Napansin ko ang pag-kunot noo niya at pinag-masdan ako sandali. Hinihintay pa rin niya ang sasabihin ko.

"A-ahh, ano. May tatapusin pa akong paper works. Saka, kailangan na rin kasi 'yon ngayon isumite.." Inangat ko ang ulo ko at tumingin ako sa kanya matapos kong sabihin iyon.

Sana umipektib. Please..Bulong ko sa sarili.

Nakita ko ang pag-taas nang isa niyang kilay. "So, is that your only reason?" paninigurado niya.

Ano pa bang sasabihin ko? Lintek! Hindi sumasang-ayon sa akin yung isip ko! Ugh!!

"Ano...May schedule ka rin pala mamayang twelve sa La Costa. May appointment ka doon.."

Tama. Sana tumalab na talaga! Naalala ko kasi bigla na may na-scheduled pala ako sa kanya na appointment dun sa La Costa nung nasa States siya. Syempre 'no, hindi pa naman ako ganun ka-ulyanin.

Napansin kong pinag-masdan muna niya ako sandali, saka siya nagsalita.

"I'll just assign your works to my other employee.." aniya. Saka siya nagpa-tuloy. "We'll still have our lunch together before twelve.." dugtong niya. At nakita ko ang bahagyang pag-lapit niya sa akin.

Ano? Akala ko pa naman lusot na ako! Naknang!

"Remember the contract, Marsha? It will not end until we'll not make it to real. Understand?" saad niya ng mahina at may ngisi sa kanyang labi. Pagdaka'y tumalikod na siya sa akin at umalis.

Speaking sa kontrata namin, naalala ko naman 'yon. Pero, ano? Ano bang gusto niyang mangyari? Nahihibang na ba siya? Napa-hilod nalang ako sa ulo ko at napa-sandal sa pader.

Nahihibang na talaga yung halimaw na 'yon. Hindi pala, mukhang nagsisimula na siyang mahibang sa akin. Bulong ko sa sarili.