Ibinagsak ko ang ulo ko sa ibabaw ng desk at ipinikit ko ang mga mata ko. Kanina pa talaga gustong bumigay ng mga mata ko, at hindi ko na kayang hindi muna mag-pahinga.
Ilang oras na naging ganon ang posisyon ko, pero parang ayaw naman ata ng katawan ko na matulog.
**kring***
Kaagad akong napa-angat ng ulo ng bigla kong narinig na tumunog yung telepono. Napa-pitik nalang ako sa noo ko. Lintek! Istorbo!
Pagdaka'y sinagot ko ang tawag.
"Good morning, is this the secretary of Mr. Figueroa?"
"Uh, y-yes. po. Sino po sila?" sambit ko sa kabilang linya.
"I'm Mr. Launcelot." aniya. "Well, I would like to address the info to Mr. Figueroa about the launch of our new commerce, and as the commodities are prepared here already." Habang sinasabi niya iyon ay sinusulat ko naman sa papel.
"And we'll having a conference this Saturday, at one o'clock."
"Okay po, copy sir. Salamat po sa info." magiliw kong sabi.
"Oh, well. Thank you also, Ms. Sandoval." pagka-sabi niya niyon ay, binaba ko na yung telepono. Saka ko ulit naisipang ipatong ang ulo ko sa desk. At sinubukan ko uling matulog.
"Marsha?" wala pang isang minuto ng bigla naman akong nakarinig ng boses nang tumawag sa'kin. Kaya, walang gana kong ina-ngat ang ulo ko. At nakita ko naman si ms. Lailani na nasa harap ko.
"O-oh, ms. Lailani..." sinubukan kong ayusin ang sarili ko at pilit na ngumiti sa kanya, kahit na sa totoo lang, kanina ko pang gustong matulog. Pero, ang daming hadlang.
Lumapit siya sa akin ng bahagya at nakita kong umupo siya sa harap ko.
"Marsha, ayos ka lang ba?" nag-tataka niyang sabi. Pilit pa rin akong ngumiti.
"A-ahh, opo. Bakit?" pero sa totoo lang, gusto ko sanang sabihin kay ms. Lailani na 'hindi ako okay, sabog ako'. Jusmiyo.
Napansin kong napa-suri pa siya sa akin sandali at sabay napa-tango tango nalang siya, at ngumiti sa akin.
Pagdaka'y, nakita kong may inilapag siya sa ibabaw ng desk ko na ilang mga folder.
"Ahh, Marsha, pwede mo bang paki-dala 'to ngayon kay sir?" sabi niya ng mailagay na niya sa desk ko iyon. "Saka ito?" sabay may dinagdag pa ulit siya. Medyo napa-uwang naman ang bibig ko.
"Pasensiya na ha, may hinahabol pa kasi akong mga paperworks eh, saka kailangan ko pang i-assist yung every department dahil mukhang nagka-aberya ata eh.." halata sa ekspresyon ng mukha niya na, medyo napapagod na ata siya, at nag-susumikap nalang siyang matapos yung trabaho niya.
Okay. Mukhang wala ata silang balak na pahingahin ako. Hays.
Pero sa totoo lang, naawa ako kay ms. Lailani. Buti pa ako, may lakas ng loob na matulog dito pa mismo sa opisina ha. Kapag nagkataon at nakita ako dito ni Logan, baka itaboy at sipain pa ako palabas. Ginawa ba namang bahay yung pinag-tatrabahuan ko. Hays.
"A-ahh, sige po. Ako nalang mag-aabot sa kanya nito ngayon, para at least mabawasan na rin yung ginagawa mo.." concern kong sabi sa kanya.
"Salamat Marsha ha." pagdaka'y tumayo na siya at inayos ang mga dala-dala niyang mga folders. "Oh siya, babalik na ako 'don sa department ko. Salamat ulit sa'yo, Marsha.."
"Okay po, walang anuman.." pagka-sabi ko niyon sa kanya ay naglakad na siya palabas nang umalis na siya. Speaking dito, malapit lang naman yung department niya sa akin kaya mukhang nara-rush na rin ata talaga siya.
Naisipan kong ayusin yung mga binigay ni ms. Lailani sa akin. Naisip kong isama nalang ring ibigay yung bagong nai-schedule ko ngayon kay Logan.
Bago ako tumayo, ilang segundo ko munang inayos ang sarili ko. Chineck ko ang mukha ko at buti nalang at hindi ako halatang puyat. Woah. Ganun pala talaga kapag maganda ka. Palaging blooming.
Pero, hindi naman sa nagpapa-ganda kay Logan, ayoko lang rin na mapuna pa niya na puyat ako. At baka kung ano na namang isipin sa akin nung halimaw na 'yon.
Nang maayos ko na ang sarili ko, tumayo na ako sa kina-uupuan ko at lumabas na ako ng opisina.
Binaybay ko ang daan patungo sa elevator. Nang maka-pasok na ako sa loob ay pinindot ko na ang 25th floor kung nasaan ang office niya.
Huminga ako ng malalim at inayos ko ang sarili ko. Naalala ko na parang kailan lang, ganito rin yung ginawa ko nung mag-aaply palang ako ng trabaho dito. Hays. Ang bilis nga naman ng panahon. Napa-ngiti ako. Baka sa susunod may-ari na ako nito. Joke. Haha.
Nang maka-labas na ako ng elevator, agad ko nang tinunton ang opisina ni Logan. Ewan ko pero parang bigla naman akong kinabahan. Pero kinalma ko lang ang sarili ko.
Pero sandali, bigla kong naalala yung sinabi niya sa akin kanina na gusto niya kaming mag-sabay na mag-lunch.
Pero, akala ko pa naman makaka-lusot na ako sa kanya, hindi pala. Takasan ko na kaya siya pagka-abot ko nitong mga folders sa kanya?
Tumigil ako sa paglalakad nang nasa harap na ako ng office niya. Kumatok naman ako ng tatlong beses.
Ilang segundo akong nag-hintay na pag-buksan niya ako ng pinto pero walang nag-bukas sa akin.
Letse. Ano, Logan? gusto mo pa bang ulo ko ang i-umpog ko para marinig mo na may tao dito sa labas?
Ay, oo nga pala. Hindi pala niya alam ang salitang pag-buksan ako. Ewan ko ba dun, maganda naman ako. Dapat pinag-bubuksan niya ang tulad ko 'no.
Nag-pakawala ako ng hininga at sinubukan ko uling kumatok. Pero, mukhang wala ata siya sa loob, nang ilapit ko ang tenga ko sa pinto at hindi ko narinig na nagsalita siya ng malakas para papasukin niya ako sa loob.
Naisipan kong buksan nalang ang pinto at saka ako pumasok sa loob. At bumungad naman sa akin ang opisina ni Logan, at tama ngang wala siya dito ngayon sa loob.
Hays, nasaan kaya yung halimaw na 'yon?
Nagkibit-balikat nalang ako at naisipan kong ilagay nalang sa ibabaw ng desk niya yung mga binigay sa akin ni ms. Lailani, pati yung bagong naka-aline na schedule niya.
Sandali, bago ako lumabas ay sinulyapan ko ang wall clock at magee-eleven na pala. Nag-madali na akong lumabas doon at saka ko isinara ang pinto.
Mabilis ko nang binaybay ang daan papunta sa elevator. Gusto ko na talagang taguan ngayon si Logan, dahil kanina ko pa talagang pinipilit ang sarili ko na hindi antukin. At kanina ko pa gustong mag-pahinga. Kaya, mukhang pagkakataon ko na 'to habang wala siya.
Pero, hindi pa ako nakarating sa elevator, napasulyap ako doon sandali malapit sa kinatatayuan ko ngayon, nang may iniluwa itong babae galing doon. At napansin kong nag-lalakad na ito ngayon papunta sa kinaroroonan ko.
Pinasadahan ko siya ng tingin sandali at okay. Masasabi ko na, maganda siya at sexy. Naka-suot siya ng fitted na red dress na maiksi, makinis ang balat, at sexy talaga siya. Naka-suot pa siya ng shades, hanggang balikat ang itim na buhok at medyo magkasing-tangkad lang ata kami.
Duh. Exotic ganda ko at kahit sabihin na maganda siya, wala pa rin siyang binatbat sa ganda ko 'no. Saka sino ba 'yang babae na 'yan?
Napansin kong tumigil ito sandali sa harap ko. Inalis niya ang shades niya nang kausapin niya ako.
"Who are you?" medyo mataray na tanong niya sa akin ng pasadahan niya ako ng tingin.
"Ako po pala si Marsha. Sekretarya po ni sir Logan. Kayo po? sino kayo?" syempre 'no, mas maigi nang malaman ko kaagad kung sino 'yang babae na 'yan. Parang akala mo eh kung sino. Saka sa tono palang ng pananalita niya at pag-kilos niya, parang may pagka-mataray at maldita.
Duh, pasalamat siya mabait ako. Baka patulan ko rin siya sa pagka-mataray niya. Hehe.
Imbis na sagutin niya ang tanong ko, tinaasan niya lang ako ng kilay.
"So, you're the secretary niya pala?" sabay nag-cross arms siya. Medyo mataray ang asta ng tingin niya sa akin. "Will you tell me, ms. secretary if where is Logan now?" pagdidiin niyang sabi. Aba, hoy! porke't sekretarya ako, marangal pa rin trabaho ko 'no. Baka sa club lang 'to nagta-trabaho.
"Ahh, hindi ko po rin alam eh. Saka kagagaling ko nga lang rin sa opisina niya at wala siya doon. Baka may pinuntahan po siya." aniya ko. Napansin ko na medyo nairita ata siya sa sinabi ko.
May mali ba sa sinabi ko?
"Excuse me, I'm not an old to say po on me. Didn't you?" sa pagkakataon na 'to, inirolyo niya ang mga mata niya. At sabay matalim na tumingin sa akin.
Ano namang problema ng babaeng 'to? Maka-asta kala mo naka-aangat na siya sa ganda ko. Tumba ko pa siya eh, malapit na. Joke.
Bahagya kong iniyuko ang ulo ko sa harap niya.
"Sorry po. Este, ms.."
"Stella? What are you doing here!?" sandali akong napa-angat ng ulo ko at natanaw ko na ngayon sa harap namin si Logan. May pagtataka ang ekspresyon ng mukha niyang naka-tingin dun sa babae.
Sandali, ano daw? Stella? So siya pala yung Stella? Baka nag-kamali lang ako ng pandinig ko?
"Oh, honey. You're finally here. I miss you.." rinig kong sambit ni Stella kay Logan, at bahagyang nakita ko pa itong niyakap si Logan nang ipulupot niya ang mga braso niya sa katawan ni Logan.
Parang nanikip sandali ang dibdib ko. Naisipan kong iyuko muli ang ulo ko at dahan-dahang umalis sa kinatatayuan ko.
Pero hindi pa ako nakaka-alis, naramdaman kong may mainit na palad ang pumigil sa akin nang hawakan nito ang kamay ko. Napa-tingin ako doon.
"Marsha.." sa pagkakataon na 'yon, napa-sulyap ako kay Logan na naka-tingin na sa'kin ngayon. Napa-sulyap ako sandali sa Stella na 'yon at nakita kong nagulat siya sa ginawa ni Logan. Pagdaka'y masama na ang tingin nito ngayon sa akin.