"L-logan.." sinubukan kong salitain dahil patuloy pa rin siya sa pag-halik sa akin. Nagiging marahas na kasi siya at parang hindi na siya si Logan na nakilala ko.
"Fuck!" humiwalay ang labi niya sa akin. Napa-ilag nalang ako nang bigla siyang napa-suntok sa kotse niya. Sinuklay ang kanyang buhok pagkatapos ay humalukipkip siya.
"Get in." pagkasabi niya ay mabilis niyang binaybay ang loob ng kotse at pumasok doon sa loob. Naramdaman ko na parang kanina pa nangingilid ang mga luha ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Pagdaka'y sumakay na ako sa loob ng kotse.
Naka-tanaw lang ako sa labas habang nasa biyahe kami. Ayoko munang kausapin si Logan dahil parang na-trauma pa ako sa nangyari.
Hindi ko alam, pero sa pagkakataon na 'yon ay parang hindi ko nakilala ang tunay na Logan. Hindi ko rin inaasahan na aabot sa ganito, kahit na alam ko rin namang may pagkakataon na nangyari na sa amin 'yong bagay na 'yon ay, parang nasumpungan ko kasing kakaiba siya ngayon. Sinubukan kong alisin muna 'yon sa isip ko nang pakalmahin ko muna ang sarili ko. At baka ma-stress lang ako.
Hanggang sa maka-rating kami sa isang parking lot. At ipinarada niya 'don ang sasakyan.
Hindi ko alam kung saang lugar 'to. Pero naalala ko na may schedule pala siya sa La Costa at baka ito na ata yung lugar na 'yon.
"Bear with me, Marsha. You must be there with me." sambit niya pagkatapos ay bumaba na siya ng kotse. Habang naka-upo pa rin ako sa loob.
Anong bear pinag-sasabi niya, bahala siya sa buhay niya. Nainiis ako sa kanya.
Oo, alam kong hindi naman talaga ganito ang ugali ko pero hindi ko lang mapigilan ang mainis sa kanya. Abnormal na halimaw 'yon, bigla-bigla nalang pabago-bago yung takbo ng utak, daig pa yung weather eh. Letse. Kung bakit ko pa kasi hinayaan na mangyari 'yon sa'min eh. Kasalanan ko rin kasi eh. Pero naiinis pa rin ako sa kanya.
Nakita ko siyang nag-lalakad na ngayon papalayo sa'kin habang hindi pa rin ako lumalabas sa loob ng kotse. Naka-suksok ang magkabilang kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon na ngayon ay naka-talikod sa'kin, habang patuloy pa rin siya sa pag-lakad niya.
Susunod ba ako sa kanya? Paano kung mag-wala na naman yung halimaw na 'yon?
Tss. Bahala siya sa buhay niya, hindi ko siya susundan 'don. Ipapa-hinga ko nalang ang sarili ko dito. Tama. Buti pa nga.
I-nilock ko ang magka-bilang pinto ng kotse, pagkatapos ay maayos kong isinandal ang likod ko sa backrest ng inuupuan ko. Saka ko pinikit ang mga mata ko para matulog.
Ilang beses kong inikot ang katawan ko dahil kahit anong pilit kong matulog, hindi na ako dinalaw ng antok. Binuksan ko ang mga mata ko sandali.
Letse talagang halimaw na 'yon, kasalanan niya 'to eh. Hindi tuloy ako maka-tulog! Urgh!
Naisipan ko munang lumabas sa kotse nang maram-daman kong naiihi ako. Tinanggal ko ang lock ng pinto at pagkatapos ay binaybay ko ang daan kung saan siya kanina dumaan.
Ginala ko ang sarili ko sa paligid dahil sa sobrang lawak nito at may mga pasikot-sikot pa, hindi ko alam kung nasaan ba naka-pwesto ang cr. Bukod dito, ngayon lang ako naka-tuntong dito. Baka pag-nagkataon ay, sumakit pa ang pantog ko nito kapag hindi ko kaagad 'to nailabas.
Nakahinga naman ako nang maluwag dahil buti nalang at natagpuan ko na 'yon matapos ang thirty seconds kong pagli-libot.
Matapos kong mag-bawas ay lumabas na ako ng cubicle at tinungo ko ang gripo. Nag-hugas ako ng kamay pagkatapos ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
Okay. Kahit na mukhang sabog ako dahil kulang ako sa tulog, hindi naman halatang puyat ako. Buti nalang at maganda ako. Hays.
Pero sandali, habang tinitignan ko ang sarili sa salamin, napa-baba ang tingin ko sa mga labi ko. Sabay napa-hawak ako doon.
Aaminin ko. Masarap humalik yung halimaw na 'yon pero naiinis pa rin ako sa kanya. Letse siya! kung maka-halik, akala mo boyfriend ko na siya eh. Eh, hindi naman, saka hindi ko na hinihintay na mangyari 'yon. Bahala silang dalawa ni Stella mag-sama.
Naisip ko lang na baka rin siguro niloloko lang ako ni Logan lalo na ang feelings ko. Para ano? Ugh! Nakakainis!
Inalis ko ang palad ko sa aking labi nang inayos ko ang sarili ko, at maisipang lumabas na ng cr. Naisipan ko ring bumalik nalang ulit 'don sa kotse dahil baka madatnan ko pa doon na wala ang kotse ni Logan.
Subukan lang niya akong iwan dito, lalagasin ko lahi nung halimaw na 'yon.
Paliko palang ako sa dinaanan ko kanina pabalik sa parkingan, nang biglang napa-tigil sandali sa pag-lalakad ko nang bumunggo ako sa isang matigas na bagay na nasa harap ko.
"Aray.." sabay himas ko sa ulo ko na tumama 'don. Saka ko sinubukang i-angat ang ulo ko.
"I'm sorry. Did I hurt you?" napa-uwang ang bibig ko ng makita ko ngayon sa harap ko si Steven. Naka-suot siya ng formal attire at mukhang kasama siya ata sa konperensiya nila Logan doon sa business nila.
P-pero, bakit siya nandito? Diba dapat nandoon siya?
"I'm glad for seeing you again, Marsha.." matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi habang naka-tayo pa rin siya sa harap ko, at bahagyang naka-angat ang ulo habang naka-tingin sa kanya.
"S-steven? Paano mo nalamang nandito ako? S-saka diba dapat nandoon sa konperensiya ninyo?" nag-tataka kong tanong. Ngumisi siya sabay napa-dapo ang mga mata niya sa malayo.
"We'll already done on it." aniya, sabay binaling niya ulit ang mga tingin niya sa akin. "Oh anyway, I know Logan will be here with you so I take this opportunity so I can see you. Aside from it, I mind this to give it back to you as I saw it in my guess room. I think you left it over there.." may inabot siya sa aking sling bag. Sabay humalukipkip siya nang makuha ko na iyon sa kanya. Napa-ngiti ako.
Oo nga pala, naiwan ko pala 'to sa bahay nila. Buti nalang at nandito si Steven at nagkataon na naidala pa niya itong bag ko dito para ibigay sa akin.
"S-salamat, Steven.." masaya kong sabi sa kanya. Hindi ko alintana ang pagka-inis ko kay Logan dahil sa saya ko na naibalik na rin sa akin ang bag ko. At lalo na dahil masaya ko siyang nakita ulit.
"I know that it's important to you. So it's a good thing that we see each other again. Am I?" napatango-tango ako habang hawak-hawak ko ang bag ko, at tinignan ko ang loob. Sabay nginitian ko siya ulit ng binaling ko na ang tingin ko sa kanya.
"By the way, I can't wait to see you in our dinner later.." hindi pa rin maalis ang ngiti niya.
"A-ako rin.." pagdaka'y napa-yuko ako. Parang binalot na naman ako nang hiya sa harap niya.
Naalala ko ulit na may dinner pala kami mamaya. Pero, paano na ako nito ngayon? Kasama ko si Logan at baka maging hadlang pa siya sa'min ni Steven? Ugh!
"What does it mean, Marsha?! Huh?!" sabay kami ni Steven na napa-tingin sa kanya ng marinig ko siyang nag-salita sa likuran ko. Base sa pananalita niya ay kino-kontrol lang niya ang sarili niya na hindi magalit, pero alam kong nagagalit na talaga siya sa lagay na 'to.
Pero bakit ba siya nagagalit? Saka wala naman siyang dapat ika-galit ha? Buti sana kung may masamang ginawa sa'kin si Steven, eh wala naman eh.
Walang ekspresyon ang mukha niya habang naka-tingin siya sa amin ni Steven. Naka-tayo siya at naka-suksok ang magkabilang kamay niya sa kanyang pantalon.
"L-logan, bakit ka nandito?"
Ay ang engot. Malamang, tapos na siguro ang konperensiya nila. Pati sabi na din ni Steven. Paktay ka Marsha!
Bigla akong inatake ng kaba nang makita ko siyang lumapit sa akin. Sa pagkakataon na 'to, bumilis rin ang pintig ng puso ko. Jusmiyo. Saka, hindi ako natatakot 'no. Bahala siya jan na mag-borito sa galit. Naiinis pa rin ako sa kanya.
"Its nice to see you again, mr. Logan Figueroa.." rinig kong sabi ni Steven kay Logan habang naka-talikod ako ngayon sa kanya.
Napansin ko ang pag-tapon niya ng tingin ni Logan kay Steven, sabay tumingin siya sa akin at bumalik ulit ang paningin niya kay Steven.
"Watch your next words, Mr. Steven Montefalco. You wrongly did it twice again to my fiance.." madiin at nag-ngingitngit na sabi ni Logan. Pagdaka'y nabigla ako ng hinawakan niya ako sa kamay ko at hinigit paalis kay Steven, kaya hindi ko na nakita ang reaksyon ni Steven.
Sa pagkakataon na 'to, bigla na naman ulit akong nainis sa kanya. Ano na naman bang problema nitong halimaw na 'to? Saka a-ano? Fiance? Ako? Nahihibang na ba siya? Anong pinag-sasabi niya?
Sinubukan kong alisin ang mahigpit na pagkaka-hawak niya sa kamay ko, at saka ko siya hinarap.
"Bakit ka ba ganyan ha? Kita mong kinakausap ko pa yung tao, bigla mo nalang akong nilayo sa kanya. Nakakainis ka!" hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Totoo naman eh, parang ang laki ng galit niya sa mundo. Pati si Steven, dinadamay pa.
Hindi na siya nag-salita at sa halip ay, pumasok na siya sa loob ng kotse niya. At iniwan lang ako sa labas.
Letse talagang halimaw na 'to! Ano ba talagang problema niya? May menstruation ba siya kaya siya nagkaka-ganyan? Nasisiraan na rin ata siya ng bait!
Kaagad akong pumasok sa loob ng kotse at malakas kong sinara 'yon. Wala akong paki kung masira ko 'yon, basta naiinis ako sa kanya.
Pagdaka'y bigla niyang pina-takbo ng mabilis yung sasakyan. Buti nalang at naka-seatbelt na ako dahil kundi, baka lumabas ako sa salamin sa harapan ko.
Ano na bang nangyayari sa kanya? Dahil lang ba sa nakita niya akong nakikipag-usap ko kay Steven kanina, nagagalit na siya? Gusto pa niya ata akong tumalsik palabas ng kotse eh. Letse talagang halimaw na 'to!