Chereads / My Beast Boss / Chapter 44 - 43. Be with me

Chapter 44 - 43. Be with me

Hindi ko maalis ang mga mata ko sa paligid. Masyadong nalulula ang mga mata ko sa laki nitong bahay na tinatanaw ko ngayon. At kung tutuusin, wala pang binatbat ang bahay ko sa ganitong kalaking bahay.

May sasalubong sa'yong fountains sa front yard ng bahay pag-pasok. May mga malalagong halaman rin sa tabi at malawak ang labas.

Napansin ko ang ingay na malapit sa pwesto ko, may iilang tao ang naka-kalat sa paligid at nagka-kasiyahan. Ano kayang meron?

Nawala ang atensyon ko sa paligid ng mapa-lingon ako kay Roxie, nang mapansin kong tumigil ito sandali sa pag-lalakad. Napa-sulyap naman ako sa harap namin ng may taong naka-tayo ngayon doon. At mukhang mas matangkad pa kami ni Roxie ds kanya. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha dahil medyo madilim sa kinatatayuan niya.

"How's your tito? Are he's still in wild?"

"Yeah. I think his too drunk.." sabay nakita kong napa-iling pa siya. Tinitigan ko pang mabuti kung sino ba yung kausap ni Roxie, pero natatakpan pa rin ng dilim ang mukha niya. At malamang ay, lalaki siya base sa boses na narinig ko mula sa kanya. Pero parang pamilyar, parang boses ni Troy? Hays. Baka nag-kamali lang ako ng pandinig.

"Oh, by the way, is that the girl whom you're referring, tita?" napa-lingon sa'kin sandali si Roxie, pagdaka'y binalik niya ang tingin dun sa kausap niya.

"Yeah. She's Marsha which I already said to you.." napansin kong hindi muna umimik yung kausap ni Roxie. Tinapunan ko siya ng tingin at nakita kong humakbang siya malapit sa amin.

Matapos ang ilang sandali, napa-uwang ang bibig ko at nanlaki ang mga mata ko ng malaman ko kung sino iyon.

"Ate Marsha?"

"Troy?" gulat niyang sabi nang sabay pa kaming nagsalita. Napa-salubong naman ako ng kilay.

Paanong.. naguguluhan ako. Pero sandali, tama nga ako. Si Troy 'yon. Pero, bakit nandito si Troy? Pero yung narinig ko kanina, tita niya si Roxie? Tapos tito niya si Logan? Okay. Masyadong komplekado. Naguguluhan ang utak ko. Ugh!

"Do you know each other?" napa-lingon ako ngayon kay Roxie na may pag-tataka ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Yeah. S-she's..she's my girlfriend's sister.." nakita kong napa-kamot pa sa ulo si Troy at napa-yuko.

Sandali, ano daw? Girlfriend? So, ibig sabihin, mag-jowa na sila ni Dwayne? Aba! ayos ha. Bakit hindi manlang sinabi sa akin ni Dwayne? Nalintikan na.

Ibinalik ko naman ngayon ang tingin ko kay Roxie na ngayon ay naka-ngisi.

"Oh, I see.." sabay nag-cross arms siya.

"Oh, anyway. Dadalhin ko lang 'to doon si Marsha. The rest will be your day." lumapit si Roxie kay Troy at tinapik ito sa balikat.

Pagdaka'y hinawakan niya na ulit ako sa braso ko nang magsimula hinakbang na niya ulit ang mga paa niya. Pero bago pa kami maka-alis, hinawakan ko muna si Troy sa braso niya. Napa-tingin naman siya doon.

"Kasama mo ba si Dwayne? Nasaan siya?" saka naman siya napa-tingin sa akin.

"She's over there." sabay turo niya sa akin. "Don't worry, ate Marsha. As long as she's with me, she'll be okay.." sabay napa-ngiti siya at kinindatan pa ako.

"Okay. Basta kargado mo na siya ha?" sabay ngisi ko sa kanya. At alam kong naunawaan niya yung sinabi ko. Kaya napa-thumbs up siya sa'kin. Saka siya umalis.

Napapalagay ang loob ko kay Troy dahil alam kong babantayan niya si Dwayne, at dahil nag-titiwala rin ako sa kanya.

"Marsha, let's go." sabay marahan niya ulit akong hinila, at mukhang nag-hihintay na pala siya sa akin.

Dinala niya ako sa loob ng bahay. Iginala ko naman ang mga paningin ko at napapa-uwang nalang ang bibig ko sa pagka-mangha.

May chandeliers, mga antique vases sa bawat sulok, marbled floors at made of glass ang mga pader. At naaninag ko ang labas.

Okay. Ngayon lang naman kasi ako naka-pasok sa ganitong magandang bahay sa buong tanan ng buhay ko. Napaisip ako. Bahay kaya 'to ni Roxie? Ang yaman naman niya kung ganon. Ako kaya? kailan yayaman?

Napansin kong nag-lakad kami paakyat ng hagdan, pinigilan ko muna sandali si Roxie bago kami maka-akyat sa taas.

"R-roxie, saan tayo pupunta? Ano ba talagang nangyari?" naalala ko sandali ang tungkol kay Logan. Nawala kasi sa loob ko kanina. Pero, ano na nga ba talaga ang nangyari sa kanya?

Tumigil kami sa harap ng pinto nang maka-akyat na kami sa taas. Binitawan na ako sa braso ni Roxie. Pagdaka'y napa-baling ako sa kanya nang may pag-tataka.

"He's there. I know that he'll be shut kapag nakita ka na niya.." nag-salubong ang kilay ko.

"A-ano bang nangyari sa kanya? Pwede ko bang malaman?" nag-cross arms siya sabay nag-kibit balikat.

"He's too drunk. Nag-wawala siya simula pa nung umuwi siya dito kanina. He didn't listening on us kaya naisipan kong tawagan ka to help us. Besides, birthday ni Troy and I don't want naman na masira pa ang araw ni Troy dahil lang sa kalokohan na naman niya.." sabi niya habang naka-tingin sa akin. Napa-isip naman ako sandali ng maalala kong natukoy sa'kin ni Logan na birthday daw ng pamangkin niya.

Saka ko rin naalala na sinabi ni Troy kanina ang pag-banggit na tito kay Logan. So, ibig sabihin, si Troy pala yung tinutukoy ni Logan? At kaya pala kanina may malakas na tugtog 'don sa labas? At mukhang mga kaklase niya ang mga 'nandon para mag-celebrate ng birthday niya. At naalala ko rin na nabanggit sa'kin ni Troy na naka-tira siya ngayon sa tito at tita niya, at 'yon nga sila Roxie at Logan.

"I'll go back now na kay Troy." umayos siya ng tayo at napansin ko ang pag-lapit niya sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabila kong kamay at tinignan niya akong mabuti.

"I bet you Marsha for my brother. And I trust you because I know Logan will be happy with you. Please don't leave him. I'll be happy also if I see you both happy with each other. Okay? Please?" nang sabihin niya iyon ay gumuhit ang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Napiliitan naman akong ngitian siya pabalik.

Medyo nagulat pa ako ng yakapin niya ako. Pagkatapos ay humiwalay na siya sa'kin at naka-ngiti pa rin siya habang naka-masid lang ako sa kanya. Hanggang sa makita ko siyang tumalikod na sa'kin at ini-hakbang ang mga paa niya paalis. Natanaw ko naman siyang naka-baba na sa hagdan.

Bumuntong-hininga ako ng iharap ko ang sarili ko sa pintong nasa harapan ko ngayon. Inayos ko muna ang sarili ko bago ko sinubukang kumatok sa pinto.

Ilang segundo akong nag-hintay sa labas pero hindi bumukas ang pinto. Siya nga pala, hindi pala alam ni Logan ang salitang pag-buksan.

Tinapunan ko nalang nang tingin ang doorknob at naisipan kong ipihit nalang iyon. Hanggang sa bumukas ang pinto at napagtanto kong hindi pala iyon naka-sara.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka ko natanaw ang kabuuan ng loob ng kwarto. Medyo madilim ang loob dahil walang masyadong ilaw ang naka-bukas. Inalis ko muna ang tingin ko sa paligid ng hagilapin ko muna si Logan kung nasaan siya.

Sinara ko ang pinto nang maka-pasok na ako sa loob. Tahimik ang paligid at hindi ko natagpuan si Logan.

Nasaan na 'yon? Akala ko ba nandito siya?

Humugot ako ng hininga nang marahan kong nilibot ang paligid. Marbled floors, may bedsheet sa bandang kanan, may malaking wardrabe ba 'yon? Ay basta yung lagayan ng mga damit. Hays.

May mga vases rin naka-display sa bawat sulok at may iilang paintings ang naka-sabit.

Napa-tigil ako sandali sa pag-lilibot ko ng marinig kong parang may nabasag, banda sa kaliwa ko.

Napansin kong may puting kurtina ang naka-harang doon at bakas dito ang anino ng tao. At baka nga siguro ay may tao nga 'don sa loob.

Anong meron dun? Hindi kaya may multo dito? Jusko, irerekomenda ko kay na ipa-basbas 'to. Oh, baka si Logan lang 'yon? Sana nga.

Kahit na may kaba akong naramdaman ay tinangka kong dalhin ang mga paa ko doon. Hinawi ko ang kurtina, at nakita ko ang kabuuan nito sa loob.

Napa-takip ako sa bibig ko ng makita kong may mga bubog na nag-kalat sa sahig--at mukhang bote iyon ng alak, nang masulyapan ko ang ilang bote na naka-patong sa mesa at maging ang kopita.

"M-marsha?" napa-sandal ako sa pader ng bigla namang niya akong marahas na itinulak sa pader at kinulong niya ako. Marahas rin niya akong hinawakan sa'king baba at bahagya niyang inangat iyon. Halos naamoy ko na rin ang bibig niya na matapang na amoy ng alak nang nagsalita siya.

Hindi ko magawang mag-salita dahil naka-takip ang palad niya sa bibig ko. Halos ubos lakas naman akong humuhugot ng hininga. Kaya napa-tango nalang ako. Kapagdaka'y, kinalagan na niya ako nang makita kong lumayo na siya sa akin at tuma-likod. Nagsalin siya ng alak sa kopita at ininom niya iyon, habang naka-suksok sa kanyang bulsa ang isa niyang kamay.

"So, you're the real Marsha?" napa-masid lang ako sa kanya sandali habang naka-talikod pa rin siya sa akin. Saka ako umimik.

"L-logan.." marami na siya sigurong nainom kaya pati ba naman ako, hindi na niya nakilala.

Hays. Bakit ko pa ba pinuntahan 'tong lalaking 'to dito? Baka papulutin lang ako ng mga binasag niya. Gawin pa akong katulong.

Halos mapa-talon ako sa gulat ng makarinig ako ng isang bagay na nabasag at sabay napa-hawak rin ako sa puso ko. Sinulyapan ko si Logan na ngayon ay napa-lumapasay na sa sahig.

Mabilis ko siyang nilapitan dahil may mga bubog na nag-kalat sa sahig, at sinubukan ko siyang itayo.

Jusko. Ano na ba 'tong pinasok ko? Balak ba niya talaga akong gawing katulong niya? Ugh! Ano ba kasing naisipan nang lalaking 'to at nagpa-kalango sa alak? Wala rin siyang isip eh.

"L-logan! Bumangon ka diyan.." humugot ako ng lakas para buhatin siya. Naramdaman ko ang pag-pulupot niya sa bewang ko. Ipinulupot ko ang magkabilang bisig ko sa leeg niya hanggang sa tuluyan ko na siyang naitayo.

Susmaryosep. Ang bigat niya ha! Sa susunod hindi ko na gagawin 'to. Bahala siyang tumayo mag-isa. Pinapagod niya ako!

Inalalayan ko siya sa pag-lakad dahil pagewang-gewang na siya, at kung ano-ano nang lumalabas sa bibig niya. Naririndi na ako dahil paulit-ulit niyang binabanggit yung pangalan ko.

Okay, lasing na talaga siya.

Ibinagsak ko siya sa higaan. Hanggang sa naka-higa na siya doon, naka-latag ang magkabilang braso niya.

Napansin kong naka-suot pa pala siya ng damit pang-trabaho niya. Medyo nalukot na nga iyon at naka-bukas pa ang dalawang butones sa bandang kwelyo niya. Iniwas ko nalang ang tingin ko at umupo muna ako sa gilid ng kama niya.

Jusme. Ano nang gagawin ko sa lalaking 'to? Iwan ko na kaya siya dito para maka-uwi na rin ako? Pinagod lang ako para lang buhatin siya! Ugh!

Sinulyapan ko siya sandali at mukhang naka-tulog na ata siya. Binalikan ko ang yung lugar na pinang-galingan niya kanina para balikan ang bag ko doon na nalaglag sa sahig. Saka ko ini-hakbang ang mga paa ko papunta sa pinto.

Sinulyapan ko siya ulit sandali, at mukhang mahimbing na nga ang tulog niya. Tumalikod na ako nang inihakbang ko ang mga paa ko papunta sa pinto.

Bago ko pa mabuksan ang pinto, napa-tigil ako sandali ng marinig ko siyang nagsalita.

"S-stay with me, Marsha. D-don't leave.." parang sandali, ay may pumigil sa mga paa ko. Kaya hindi ko na nagawang umalis. Sinulyapan ko siya mula dito sa kinatatayuan ko habang nasa harap pa rin ako ng pinto.

Aalis pa ba ako?