Chereads / My Beast Boss / Chapter 48 - 47. Looking for Him

Chapter 48 - 47. Looking for Him

Pilit kong kinalma ang sarili ko na kanina pa nag-huhuramentado sa kaba. Ewan ko ba. Simula kasi nung maalala ko yung pinag-usapan namin ni Dwayne kagabi, hindi na ako makapag-hintay na sabihin 'yon kay Logan.

Tinungo ko ang elevator ng maka-pasok na ako sa loob, matapos ko ring batiin sila manong Harold at Lito doon.

Speaking dito, naka-salubong ko rin kanina si ms. Lailani. Sinabi niya sa akin kung bakit hindi na daw ako pumasok nitong mga nakaraang-araw, pero hindi nalang muna kinuwento sa kanya dahil masyadong mahaba. At kailangan ko na rin kasing puntahan 'don si Logan sa opisina niya.

Nang makarating na ako sa tweny-fifth floor ay lumabas na ako ng elevator at kaagad ko diretsong tinungo yung opisina niya ng naka-ngiti.

Hindi na ako kumatok doon dahil alam ko namang hindi niya ako pag-bubuksan. Kaya dahan-dahan ko nalang binuksan ang pinto, pagka-bukas ko 'non ay pumasok na ako sa loob.

Iginala ko ang mga mata ko sa paligid at napansin kong mukhang wala ata siya dito. Alam kong masyadong mabilis pero hindi na kasi ako makapag-hintay na sabihin 'yon sa kanya. Pero mukhang wala pa ata siya dito.

Naisipan kong lumabas na at tumungo na 'don sa opisina ko. Hanggang sa marating ko na ang floor ng opisina ko nang gumamit ako ng elevator ay, dumiretso na ako sa loob.

Umupo ako sa swivel chair ko naka-ngiting sinimulan ang trabaho ko. Sa halos ilang araw kong hindi pag-pasok, tambak na yung mga papel sa ibabaw ng table ko. At mukhang kailangan ko nang bilisan para matapos ko kaagad lahat 'to, dahil sinabi rin sa akin ni ms. Lailani na kailangan niya na 'to bago mag-eight. Kaya, kailangan ko nang matapos 'to.

Ilang oras na ang nagugol ko sa pagty-type sa computer. Sinubukan kong i-concentrate ang sarili ko dahil gumugulo sa isip ko kung babalik ba ako doon sa opisina si Logan para sabihin iyon sa kanya, pero ayaw ko namang sumang-ayon ng katawan ko.

May iilan na rin akong tawag na natanggap, mga schedules at appointments sa mga susunod na araw.

Napa-sandal ako sandali sa backrest ng kinauupuan ko nang magpa-hininga ako sa sandali.

Masyado na atang nasobrahan yung ganda ko sa pag-tytype, kaya kailangan ko muna sigurong mag-pahinga.

"O, Marsha. Ayos ka lang ba?" napa-ayos ako ng upo ng marinig kong may boses na nagsalita sa'king harapan. Natanaw ko naman 'don si ate Cecil na naka-tanaw sa akin ng may pag-tataka.

"A-ahh, oo.." medyo kinakabahan kong sabi. Sana hindi niya narinig na nababaliw na ako dito habang kinakausap ko kung nasaan ba si Logan. Hindi lang talaga ako mapakali kanina pa.

"Sabihin mo nga sa 'kin sis, inlove ka talaga kay boss Logan 'no? Alam mo, bagay talaga kayo!" masayang sabi niya. Pagdaka'y umupo siya sa sa upuan na nasa harap ko at nangalum-baba habang malapad siyang naka-ngiti sa akin.

"A-ahh, hehe..halata ba?" Sinimulan ko nang abalahin ang sarili ko sa pagtytype sa computer. Kasabay ng pagsulyap-sulyap ko sa kanya, at pilit na ngumingiti. Napansin kong parang kinilig pa ata siya.

Hindi na rin ako mag-tataka kung napuna niya ang kahibangan ko kanina. Hays. Ano na naman ba kasing sumapi sa'kin? Saka nasaan na ba kasi si Logan! Naiinip na ako.

Nag-cross arms siya at malapad na nakangiti habang naka-tanaw na siya ngayon sa malayo. "Alam mo, nakaka-inggit kayo. Kailan rin kaya ako magkaka-boyfriend ng katulad sa'yo?" pagdaka'y napa-baling siya ng tingin sa'kin at napa-kurba ang labi. Nangalumbaba siya ulit sa harap ko.

"Sa akin?" medyo taka kong tanong. Napa-tango naman siya at medyo naka-ngiwi na siya ngayon. "A-ahh..darating rin 'yan. Saka wala kang dapat na ika-inggit sa'kin 'no, ate Cecil. Hindi naman kami ni Logan eh.." ngumiti ako sa kanya, sabay ipinukol ko sandali ang tingin ko sa computer habang patuloy pa rin ako sa pag-dipa doon.

"Hindi mo boyfriend si sir Logan? Hindi ba palagi kayong mag-kasama? Ang sweet niyo pa nga eh. Paanong hindi mo siya boyfriend?"

Sa pagkakataon na 'to, gusto kong batukan ang sarili ko. Bakit ko ba nasabi sa kanya? Paktay! Ang daldal ko talaga!

Pero hindi naman talaga kami ha? Ayokong mag-sinungaling kay ate Cecil 'no. Saka naturingan ko pa naman siyang kapatid ko na.

Oo, sa tinagal na rin niya dito, siya na rin halos yung nakaka-bonding ko tuwing break time. At kachikahan ko rin madalas. Masaya siyang kasama kaya komportable ako sa kanya.

Speaking kay ate Cecil, ilang buwan na rin diya dito nung simula simula siyang mag-trabaho dito. Dahil kasi kay Roxie, pinayagan na rin noon pa ni Logan na magkaroon na ng mga empleyado na babae--simula nung nag-trabaho ako dito. Kaya may iilan na rin ang empleyadong babae doon sa department. Pero si ms. Lailani, matagal na daw pala siya dito.

"A-ahh, ano kasi.." napa-uwang ang bibig niya ng kaonti, matamang nag-hihintay.

Paano ko na tuloy aaminin sa kanya? Tama. tama, yung tungkol sa kontrata. 'Don naman talaga 'yon nag-simula eh..na hindi naman talaga totoong kami.

"A-ahh, kung sasabihin ko ba sa'yo, isesekreto lang natin?" para naman siyang batang atat na atat na marinig yung sasabihin ko sa kanya.

"Sus, huwag kang mag-alala, hindi ako ipinanganak na madaldal kaya nothing to worry..." sabay kindat-kindat pa niya sa akin.

Ikinuwento ko naman sa kanya ang lahat at naggulat nalang siya nang malaman niya na nag-simula 'yon sa kontrata. Kaya naintindihan niya na kung bakit hindi talaga kami.

Napa-takip naman siya ng bibig ng ilang sandali matapos kong ikuwento ko sa kanya ang lahat.

"Pero akala ko pa naman, in a relationship na kayo. Halos alam pa naman ng lahat ng mga ka-trabaho natin dito na kayo na. Sayang naman.." sabi niya ng may pang-hihinayang. Parang lumungkot ang mukha niya.

Sandali, ano daw? alam na halos ng mga ka-trabaho ko dito na may namamagitan sa amin ni Logan? Nakakaloka ha. Pero sa totoo lang, wala naman talaga eh.

Kaya rin pala napapansin ko madalas yung malalagkit nilang mga tingin sa amin ni Logan. Ay, oo nga pala. Naalala ko rin na malamang siguro rin ay, yung pag-papakilala sa akin ni Logan noon sa cebu na girlfriend niya ako. Kaya sa dami siguro ng bubuyog, lumaganap na rin 'yon dito kaya 'yon yung akala nila.

"Marsha.." napukaw ang atensyon ko ng napa-baling ako kay Cecil. Walang ekspresyon ang kanyang mukha.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Kung sa tingin mo ay desperada ako, pwede bang akin na lang si sir Logan? tutal, hindi naman kayo eh.." nawala sandali ang ngiti ko sa labi ko. Parang kumulo ang dugo ko at nairita ako sa sinabi niya.

Aba. Ang bilis naman niya ata? Saka marami namang lalaki pa diyang natitira, bakit si Logan pa?

"Eto naman, joke lang!" sabay napa-halakhak siya ng tawa. "Alam ko at alam mo naman na hindi kailanman 'yon magka-kagusto sa akin." sabay napa-tawa siya ulit.

Nangti-trip lang ba talaga siya sa akin? Hays. Buti naman kung ganon.

"Alam mo, Marsh. Kahit na baligtarin man natin ang mundo, imposibleng hindi siya magka-gusto sa'yo 'no. Kahit na sabihin na nating dahil lang sa kontrata niyo ang lahat, alam kong magkaka-tuluyan rin kayo niyan." tumigil siya sandali, napa-buntong hininga siya. "Saka halata sa'yo girl, inlove ka sa kanya 'no? nag-iiba timpla ng mukha mo matapos lang kitang lokohan kanina eh. Hay nako.."

Ano bang trip nito ni Cecil? Ako inlove? Hays. Oo na. Inlove nga ako sa kanya. Kaya naiinip na ako at medyo naiinis na dahil hindi ko pa masabi-sabi sa halimaw na 'yon yung nararamdaman ko para sa kanya.

"Ate Cecil.." tinigil ko sandali ang ginagawa ko ng harapin ko siya. Sumeryoso naman ang kanyang mukha.

"Oh ano? tama ako, diba? inlove ka sa kanya?" hindi na ako nag-atubiling tumango nalang sa kanya. Napailing naman siya.

"Gusto kong aminin sa kanya yung nararamdaman ko. Kaso lang, hindi ko masabi dahil wala siya kanina sa opisina niya pag-punta ko doon kanina.."

Parang tinutusok yung dibdib ko. Nasasabik na akong makita siya. Kung sakali kayang bumalik ulit ako 'don sa opisina niya? Nandon na kaya siya doon ngayon?

"Marsha, mukhang hindi mo ata 'yon masasabi ngayon sa kanya.." itinuon ko ang atensyon ko sa kanya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtaka ako.

"Hindi mo ba nalaman? Narinig ko kasi sa ibang ka-workmates natin dito na napa-sugod siya sa States kanina lang umaga. At mukhang aabutin siya doon ng ilang araw.."

Napa-bagsak ang balikat ko matapos kong marinig 'yon mula sa kanya.

Pero bakit? Bakit hindi ko nalaman? Bakit bigla nalang siyang umalis?

"Na check mo na ba yung monitor? Baka naka-lagay 'yon sa schedule niya." mabilis kong tinignan sa monitor at isa-isa kong tinignan yung mga schedules niya.

Alam kong ako ang responsable sa bagay na 'to pero wala akong natatandaan na may schedule siya ngayon doon sa States. Naoinis yung beauty ko sa kanya.

Iniisa-isa kong tinignan ang lahat nang iyon pero hindi ko nakita.

"I think, kailangan mong mag-hintay sa kanya ng ilang araw, or worst--"

"Or ano? ate Cecil? Gusto kong malaman!" kinabahan ako. 'Wag niyang sabihing mamalagi siya doon ng ilang buwan, o taon? Pero paano na ako? Paano ko masasabi yung nararamdaman ko sa kanya?

humugot siya ng hininga. "Or worst, Baka matagalan ang pag-balik niya dito. Dahil may malaking problema ang nangyari doon sa kompanya niya.."

Parang sumakit yung dibdib ko. Naninikip iyon at parang nanlulumo ako.

Bakit? Bakit pa ngayon 'yon nangyari kung kailan aamin na ako sa kanya?