"You okay?" sandali akong napa-sulyap sa kanya ng napukaw ang atensyon ko. "It looks like you're sad.."
"A-ahh..oo. Ayos lang ako.." sabay binigyan ko siya ng ngiti. "Masaya kaya ako. Tignan mo oh.." sabay binuka ko ng bahagya ang aking bibig gamit ang magka-bilang hintuturo ko. Natanaw kong napa-tawa siya ng marahan.
"Sabi sa'yo eh.." at sabay nalang kaming na-tawanan. Ilang oras kaming naging ganon at hindi ko na alintana ang mga bagay na kanina pa gumugulo sa isip ko.
Sa totoo lang, parang nakaramdam lang talaga ako ng lungkot. Iniisip ko kasi si Logan, at hindi ako mapakali sa kaka-isip sa kanya kanina pa. Gusto kong isantabi muna 'yon, at buti nalang at nandito si Steven para pakalmahin yung isip ko.
"We're now here.." sinilip ko ang labas at mukhang yun na ata yung restaurant na tinutukoy ni Steven.
Ipinarada muna niya ang sasakyan, kasunod 'non ay mabilis na siyang umikot papunta sa akin. Inalalayan niya akong maka-baba ng pag-buksan niya ako ng pinto.
"Dito ba tayo magdi-dinner?" tanong ko habang sabay naming tinatahak papunta doon sa restaurant.
"Yeah. And I know you'll enjoy this night with me." naka-ngiti niyang sabi. Okay, aaminin ko ring nakakalaglag panga yung mga ngitian niya. Hays. Ang guwapo kasi eh.
Naramdaman ko sandali ang pag-hawak niya sa likod ko ng tumigil kami sa entrance, at pinag-buksan naman kami 'don ng attendant na nandoon.
Pansin ko na hindi pa rin inaalis yung kaliwa niyang kamay sa'king likuran, hanggang sa marating namin yung bakanteng area na pag-kakainan namin.
Okay, hindi naman ako maarte at may balak na magpahawak lang sa kanya 'no. Pero parang di kaya, tumitiyempo siya sa akin? Hays. Sabagay, baka gentle lang talaga siya.
"Ladies first." Binigyan niya ako ng mauupuan, at umupo naman ako doon.
"Salamat." aniya ko ng bahagyang naka-ngiti sa kanya. Pagdaka'y umupo na rin siya sa harap ko.
May nakahanda nang menu na nakalagay sa ibabaw ng table. Kinuha naman iyon ni Steven at tinignan niya.
Napa-baling ako ng tingin sa waiter na kaagad ay lumapit sa amin ng makita kong tinawag ito ni Steven.
"Good evening sir, maam. How can I help you?" magiliw na sabi niya sa amin. Nilapag muna niya sa table yung menu bago siya nagsalita.
"Just gave us two wine. please."
"How about you ma'am?" tinignan ko muna yung menu na nasa harap ko. Bale ngayon ko lang napansin na meron ring menu si Steven pati ako.
"A-ahh, bigyan mo nalang ako nito.." tinuro ko sa kanya dahil masyadong mahirap bigkasin yung pangalan pati nung pagkain.
"Okay po ma'am, sir, coming in.." pagkasabi niya niyon ay umalis na siya.
"You look cute when you're like that.." naramdaman kong medyo namula ang pisngi ko, kaya napa-yuko ako ng bahagya.
"Anyway, where are you on that time when I called you awhile ago?" inangat ko ang tingin ko sa kanya.
"Ahh, nasa trabaho ako.." tugon ko.
"Oh, I see." sabay napatango-tango pa siya. Iminuwestra niya ang magkabilang paa niya at nag-dekwatro, isinandal niya ng maayos ang kanyang likuran. Habang ang magkabilang kamay niya ay nasa ibabaw ng table.
"By the way, does Logan knew about this?"
Speaking kay Logan. Parang kinabahan ako bigla ng banggitin niya ang pangalan ni Logan. Saka hindi niya alam na niyaya ako ni Steven.
Saka ano naman kung pumayag ako na mag-dinner kami ni Steven? Pati, hindi naman 'to date eh.
"Why, is there something wrong?" nagdumali akong tumingin sa kanya.
"A-ahh, wala, wala. Hehe.." sabay patago kong kinagat ang ibabang-labi ko. Jusme, baka siguro napansin niyang iba na naman timpla ng mukha ko.
Ugh! Kailangan kong ibaling ang atensyon ko kay Steven sa ngayon at saka ko nalang muna iisipin ang tungkol kay Logan.
"Anyway, how's the two of you now?" pagpapatuloy niya ng usapan.
"A-ahh, okay lang naman kami. Wala namang nag-bago." sambit ko. Nakita ko naman ang pag-silay ng ngisi niya.
"Marsha.." diretso ko siyang pinukulan ng tingin. Maging siya rin ay, naka-tingin rin sakin ng ganon.
"Y-yes?" bubuksan na sana niya ang bibig niya ng makita kong biglang dumating yung waiter, dala-dala yung mga inorder namin.
Pagdaka'y maingat naman niya iyon inilapag sa ibabaw ng table namin. Nag-excuse siya sa'min pagkatapos ay, umalis na siya. Medyo napa-nganga ako sa mga pagkain na nasa harap ko ngayon. Kaya hindi na ako nag-atubiling lantakan iyon.
Pero bago 'yon, matapos kong manalangin ay saka na ako kumain. Napuna kong hindi ata siya umiimik, kaya sinubukan kong tapunan siya ng tingin. At napansin kong mukhang naka-masid lang siya sa akin habang kumakain ako. Napa-kunot noo ako.
"H-hindi mo ba ako sasabayang kumain?" inorderan ko rin kasi siya ng pagkain dahil wine lang ang inorder niya. Sumimsim muna siya ng wine niya saka siya nag-salita.
"I'm already full because of you.."
Ano bang trip niya sakin? Inaano ba siya ng ganda ko? Pinapamula niya yung pisngi ko. Jusme, Steven.
Itinuon ko nalang muna ang atensyon ko sa pagkain dahil bukod sa hindi ko na magawang tumingin sa kanya, baka mag-mukha na ako nitong magandang kamatis dahil sa pamumula ng pisngi ko.
"A-ahh, siya nga pala, ano pala ulit yung sasabihin mo?" pag-puputol ko ng katahimikan. Sa pagkakataon na 'to ay, nilakasan ko ang loob ko na tignan siya. At ngayon naman ay, naka-hawak siya sa kopita niya at sandaling naka-tingin siya doon.
"I just wanted if you'll let me to have dinner with you always. If it's okay for you.." tumigil siya sandali. Inilapag niya ang kopitang hawak niya. "So, should I?" saka naman siya tumingin sa akin na walang ekspresyon. Sumimsim siya pagkatapos ng alak.
"A-ahh, sige. O-okay lang sa'kin.." bahagya kong ipinantay ang labi ko. Napansin ko namang lumapit siya sa akin ng bahagya. Ipinag-saklop ang mga kamay niya na naka-patong sa ibabaw ng table.
"Thank you for allowing me, Marsha. You'll not regret for being with me.." parang may kakaiba sa pakahulugan ng sinabi niya, o baka iba lang 'yon ng ibig sabihing sa akin. Nagkibit-balikat nalang ako at binalewala ko nalang.
Ilang minuto rin kaming nag-kwentuhan at nag-tawanan. Marami ring akong nalaman tungkol sa kanya, at nag-kuwento rin ako sa kanya tungkol sa akin. Hindi ko na alintana ang takbo ng oras at patuloy pa rin kami sa bagay na 'yon.
Hanggang sa matapos na kaming mag-dinner. Lumabas na kami doon at binalikan na namin yung sasakyan niya. Pagkatapos ay pinasakay niya na ako sa loob at saka siya umikot papunta sa drivers seat.
Nang naka-pasok na siya sa loob ay binuksan na niya ang makina at saka niya pinatakbo ang sasakyan.
"Ay, siya nga pala, Steven. May gusto sana akong itanong sa'yo.." pag-bubukas ko ulo ng usapan habang ngayon ay nasa biyahe na kami.
"Sure. What is it?" hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis ang ngiti niya sa kanyang labi ng tapunan ko siya ng tingin.
"Uhm, gusto ko lang sana itanong kung ikaw ba yung sumagip sa akin nung na-aksidente ako. Nasabi kasi sa'kin ni Dwayne na ikaw yung sumagip at tumulong sa'kin." ilang segundo ang lumipas at hindi ko siya narinig na nagsalita. Pinag-masdan ko siya ng ilang sandali habang naka-tuon ang mga tingin niya sa daan.
"Okay lang kahit hindi mo na sabihin. Pero, maraming salamat ha? Alam kong ikaw 'yon at kung siguro ay, hindi mo ako sinalba ay wala na siguro ako ngayon. Hehe..." napa-tawa nalang ako ng marahan.
"Marsha.." napa-lingon ako sa kanya ng napa-gawi kanina ang tingin ko sa daan.
"Bakit, Steven?" napansin kong bakas ngayon ang seryoso sa kanyang mukha. Tinignan ko lang siyang mabuti habang hinihintay siyang magsalita.
"I don't want to lie on you. But as I think you already remembered that thing--I'm that man who helped you that night when you was in that accident.." hindi na nakakapag-taka, dahil 'yon naman rin ang inaasahan ko sa kanya. Buti nalang at nasabi kaagad sa akin ni Dwayne at kaagad kong nalaman iyon.
Napansin kong tumigil na ang takbo ng sasakyan ng makita kong huminto na ito sa harap ng bahay namin.
Pinag-buksan niya ako ng pinto hanggang sa makalabas na ako. Saka niya sinara ang pinto doon.
"Salamat pala Steven. Masaya akong naka-sama kita ngayong gabi." naka-ngiti kong sabi sa kanya nang naka-tayo ako sa harap ng gate ng bahay. Ilang segundo ang nag-daan na wala kaming kibuan. Hanggang sa nagsalita siya.
"Marsha, I have to tell on you something.."
"Ano 'yon, Steven?" napansin kong lumapit siya sa akin ng bahagya. Medyo nabigla ako ng napa-tingin ako sa kanan kong kamay ng kinuha niya iyon at hinawakan niya. Pagkatapos ay seryoso siyang tumingin sa akin.
"Marsha, I know you won't abruptly believe me for what will I say now on you. But the truth is, you're the girl whom I looking for so long.." napa-salubong naman ang mga kilay ko ng magtaka ako sa sinabi niya.
A-ako? Baka nag-bibiro lang siya?
"H-ha? A-anong ibig mong sabihin?" parang biglang bumugso ang dibdib ko sa kaba. Pero pilit kong kinalma ang sarili ko.
"Marsha, I am your fiancee. After I saw you on that car where you're in--after it bumped into another a tree, I'm the one who saw that incident. Then I abruptly brought you in the nearest hospital until you become fully recovered in your injuries and wounds. And after that time, you started your new life with me. Until we've been for long and until we both fell inlove on each other. And you agreed to me after I ask you to be my fiancee. But I know you already forgot it now.." Nanigas ang mga tuhod ko sa kinatatayuan ko. Bumagal ang tibok ng puso ko at napa-bagsak ang mga balikat ko.
Malamlam ang mga mata niyang naka-tingin sa'kin. Parang nararamdaman ko yung nararamdaman niya, pero hindi ko mapagwari kung ano ang ibig pakahulugan. Masyado mabilis ang mga pangyayari.
Nag-bibiro lang siya diba? Alam kong nag-bibiro lang siya.
Pero bakit ganun? Naguguluhan ako. Anong ibig niyang sabihin? Na may nakaraan kami? Pero paanong nangyari? Ugh! Naguguluhan na naman ako.
"S-steven, sabihin mo nga sa'kin ang totoo. Nag-bibiro ka lang diba? Na may nakaraan tayo? At hindi naman talaga nangyari?" tumigil ako sandali. Pilit kong ngumiti sa kanya. "Hindi ba tinulungan mo lang ako noon? Pero parang nag-iba ata kaagad ang ihip ng hangin?" sa pagkakataon na 'to ay lumapit pa siya sa akin ng bahagya, naramdaman ko ang palad niyang dumapo sa pisngi ko.
"I'm telling the truth Marsha, and I'm not kidding you. Everything was true. But if you'll not believe me, I understand. But I hope soon you'll realize what did I've said to you..that I'm your fiance. And now that I found you, I don't want you to lose again." ngumiti siya sa'kin at nawala naman ang ngiti ko. "Let's start again, Marsha. Let's start it tonight.." inalis ko ang kamay niya sa aking pisngi, pati ang kamay niyang naka-hawak sa akin.
"G-gabi na, Steven. Papasok na ako sa loob.." pagka-sabi ko 'non ay kaagad na akong pumasok sa loob at iniwan ko na siya doon sa labas, at hindi ko rin siya nagawang lingunin.
Kaagad kong tinungo ang kwarto ko at sinara ko ang pinto. Isinandal ko naman ang likod ko doon.
Balot ako ng lungkot. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa.
Naguguluhan ako. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Akala ko ba, si Logan lang ang nakaraan ko? Pero bakit pati si Steven? Hindi ko maintindihan. Naguguluhan na ang isip ko!