Chereads / My Beast Boss / Chapter 46 - 45. His Unanswered Questions

Chapter 46 - 45. His Unanswered Questions

Dinala niya ang aking mga sa garahe kung nasaan nandoon yung sasakyan niya. Tumigil kami sa paglakad ng marating na namin 'yon.

"Get in." sa pagkakataon na ito, napagtanto kong alam rin naman pala niyang gawin yung pag-buksan ka niya ng pinto. Dahil naalala ko na alam kong ngayon lang niya ginawa 'yon sa'kin. Hays. Eh di mabuti, mas maganda kung palagian niyang gagawin sa magandang tulad ko.

Sumakay na ako sa loob, pagkatapos ay sinara ko ang pinto at nag-kabit ng seatbelt. Saka ko naman siyang nakitang umikot kaagad sa drivers seat. Hanggang sa maka-sakay na siya at pinatakbo na niya ang sasakyan.

Habang nasa biyahe na kami, hindi ako mapakali. Gusto ko kasing malaman kung saan ba ako dadalhin o kung saan ang pupuntahan namin, matapos kong pumayag sa hiling niya.

Oo, wala na rin akong nagawa. At masasabi ko na magulo lang talaga ako. Hays, ewan ko ba. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.

Speaking dito, chinat ko na si Dwayne kanina na baka gagabihin na akong umuwi. Nakakaloko lang dahil nireplayan ba naman ako ng enjoy your day. Paano ba naman kasi, sinabi kong kasama ko si Logan, at malamang ay magiging malawak na naman ang iisipin 'non. Kung bakit ko pa kaso binanggit yung pangalan ni Logan sa kanya eh. Hays.

Bukod dito, sinabi ko kay Logan kanina na uuwi muna ako. Syempre 'no, ayoko namang maging mabantot sa paningin niya. Pero hindi naman siya pumayag, inutusan nalang niya yung tauhan niya na bumili nang damit para sa'kin. Dahil bukod dito ay biglaan kasi at hindi na niya ako pinauwi.

Sinamantala na niya yung pagkakataon na maligo siya. Napa-isip naman ako dahil mukhang wala na ata yung hangover niya. Napapaisip nalang ako 'don. Habang ako, wala na lang rin nagawa kundi libutin yung loob ng bahay niya habang iniisip 'yon.

Nalaman kong bahay niya pala 'yon. Sinubukan ko kasing itanong 'yon sa kanya kanina. At akala ko pa naman ay si Roxie ang may-ari ng bahay.

Alam ko naman kasing ganun siya kayaman, saka hindi na rin nakakapag-taka.

Speaking kay Roxie, nalaman ko kay Logan na bumalik na pala siya sa States kaagad. Umuwi lang pala siya dito para sa birthday ni Troy. At speaking naman kay Troy, malamang ay kasama na naman niya si Dwayne ngayon.

Lumuwag naman ang kalooban ko dahil matapos kaming umalis 'don kanina ni Logan sa bahay, tinanong ko siya kung naihatid ba niya si Dwayne kagabi.

Wala na rin kasi akong balita kung ano nang nangyari sa birthday niya nung gabing 'yon. At 'yong lalaking mana sa tito niya, niloko ba naman akong 'wag na ako umuwi sa bahay. 'Don na daw siya titira kasama si Dwayne. Lintek na bata 'yon.

Bumalot ang katahimikan sa paligid namin nang wala ni-isang umiimik sa'min. Pero sandali matapos ang ilang minuto, bigla namang may pumasok sa isip ko, kaya naisipan kong kausapin siya.

Wala naman sigurong masama kung kausapin ko siya? Bahala na nga.

Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag ko, at naisipan kong buksan ang account niya. Sabay inikot ko ang katawan ko para maka-harap sa kanya habang naka-upo ako sa tabi niya.

"L-logan, kailan mo pala lalagyan ng picture yung facebook mo?" naalala ko kasing wala pa niyang picture 'yon. Pero yung sa akin, nilagyan na ni Dwayne dati pa.

Speaking 'don, ipakita ko pa kaya sa kanya 'yon?

"Just put your picture. Then show it to me after." napa-lingon ako sa kanya ng kausapin niya ako. Nag-salubong naman ang kilay ko.

"P-picture ko? Hindi ba dapat picture mo ang ilalagay ko?" tanong ko.

"Then, put our last picture in restaurant."

Ano daw? Pero nakalagay na 'yon sa profile ko ha.

"Pero nasa profile ng facebook ko na 'yon. Hind--" nabigla ako ng napansin kong itinigil niya yung kotse sa gitna ng dinadaanan namin.

Binalingan ko siya ng tingin. Napansin kong lumapit siya sa akin ng bahagya, hindi ko naman maigalaw ang buong katawan ko. Dahil baka pag-nagkataon ay, magkamali ako at mag-dikit na naman ang labi namin sa isa't-isa. Dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin at naamoy ko na rin yung hininga niya nang nagsalita siya.

"Take a picture on us now together. Then it'll be my profile pic." napakurap-kurap pa ako habang naka-tingin lang ako sa kanya ng ilang segundo.

Saka naman ako natauhan at kaagad ko nang pinindot yung camera sa cellphone ko. Sabay iminuwestra ko 'yon nang bahagyang naka-taas ang kamay ko.

Saka ako kumuha ng litrato. Pagdaka'y nakita ko siyang lumayo na at sabay pina-andar na niya ulit yung sasakyan.

Medyo nanginginig yung kamay kong tinitignan yung gallery habang bahagyang akong naka-yuko. Napalunok nalang ako sa nakuha kong picture ng tapunan ko ito sandali ng tingin.

Mag-katingin kami sa isa't-isa nang malapit, at masasabi kong sakto at tama lang ang pagkaka-kuha ko kung tutuusin.

Parang may kung anong bagay na naman akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Dumako nalang ako sa facebook nang lisanin ko na ang gallery.

Ipopost ko ba talaga 'to? Nagdadalawang-isip pa ako kung gagawin ko ba 'yon o hindi.

Hays. Ang engot ko kasi eh. Bakit ko pa kasi sinabi 'yon sa kanya! Ang daldal ko talaga. Ugh!

"Are you done posting it?" napukaw ang atensyon ko ng magsalita siya. Dahil sa medyo pagkataranta ko, napindot ko na yung picture hanggang sa napost ito.

Ugh! Paktay! Baka ano pa sabihin ng halimaw na 'to kapag tinanggal ko. Ugh! Bahala na nga.

"May I see?" nag-aalinlangan akong iabot sa kanya yung cellphone ko. Napansin kong hinihintay niya akong ibigay ko sa kanya 'yon. Napa-buntong hininga muna ako sandali. Sabay napag-desisyunan kong ibigay nalang 'yon sa kanya nang hindi naka-tingin, hanggang sa kinuha na niya iyon.

Urgh! Sa susunod lalagyan ko na ng type yung bibig ko. Malamang, baka ano na namang masamang isipin ng halimaw na 'yan.

Patago ko siyang sinulyapan at napansin kong wala manlang ekspresyon yung mukha niya ng sulyapan niya iyon sandali.

Pagdaka'y inalis ko na ang tingin ko sa kanya kaagad ng mapansin kong iginawi niya ang kanyang tingin sa'kin.

"Took it." ibinalik ko ulit ang tingin ko sa kanya ng kinuha ko sa kanya yung cellphone. Pagkatapos ay diretso ko nang ibinalik sa loob ng bag ko.

Ano kayang iniisip ng halimaw na 'yan ngayon? Bakit wala manlang siyang naging ekspresyon? Hays. Sana naisip niya na burahin nalang 'yon, baka magka-virus pa yung facebook niya dahil sa magandang tulad ko. Sana nga.

Dinalaw ako ng antok matapos ang ilang oras na biyahe namin. Mukhang malayo-layo pa siguro yung pupuntahan namin. Hindi ko naman alam kung saan dahil ayoko na ring mag-tanong sa kanya, baka kung saan na naman mapunta yung itatanong ko sa kanya.

Isinandal ko nang maayos ang likod ko sa backrest ng inuupuan ko, nang maramdaman kong bumibigay na yung talukap ng mga mata ko. Kanina pa rin ako hinihikab.

Napa-pikit nalang ako ng mga mata ko hanggang sa naka-tulog na ako.

---

Napa-bangon ako kaagad sa hinihigaan ko matapos kong ibukas ang mga mata ko, at dahil sa hindi pamilyar sa'kin ang nakikita ko ngayon sa paligid ko.

Iginala ko ulit ang mga mata ko. Nahagip ng aking paningin na may balkonahe doon sa'king kanan, malapit sa hinihigaan ko. At tanaw na tanaw ko mula dito sa pwesto ko ang view sa labas.

Napa-ngiti nalang ako ng sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko papunta doon, at bumungad naman sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Kaya napa-yakap ako sa katawan ko hanggang sa maka-rating na ako doon.

Papalubog na ang araw mula sa likod ng bundok na natatanaw ko. Ang ganda ang set ng tanawin at napaka-gandang pag-masdan ng paligid. Napapa-ngiti nalang ako sa mga nakikita ko dahil na rin sa pagka-mangha.

"So, you're now awake.." naglaho sandali ang malapad kong ngiti sa'king labi nang marinig ko siyang nagsalita mula sa'king likuran. Naramdaman ko ang presensiya niya doon at malamang ay naka-tayo siya doon.

"N-nasaan pala tayo?" pagbabago ko ng usapan. Naalala ko kasing sinabi niya sa akin kanina na may pupuntahan kami. At marahil ay ito na siguro 'yon.

"Like what you see now, we're in Tagaytay.." kaagad kong inikot ang katawan ko paharap sa kanya. Napansin kong naka-suot na siya ngayon ng puting v-neck na long-sleeves, naka-ngisi ang mapula niyang labi ng napa-lingon ako sa kanyang mukha.

At napansin kong naka-tingin rin siya sa akin. Napa-sulyap naman ako sa buhok niya na bahagyang tinatangay ng hangin habang naka-halukipkip siya.

"Don't you like it?" tinignan ko lang siya sandali ng ibalik ko ang tingin ko sa kanya. Sandali ay, gumuhit ang ngiti ko sa'king labi. Napa-iling ako.

"Nagustuhan ko." sabay yuko ko sandali ng ulo ko. "S-salamat, Logan. Dahil dinala mo ako dito.." sabay inangat ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko pa rin inaalis ang ngiti ko sa'king mga labi.

Oo. sa totoo lang masaya ako, dahil matagal ko na ring gustong pumunta sa mga lugar na katulad nito. Pero hindi ko akalain na siya ang tutupad 'non para sa akin.

"Marsha.."

"B-bakit?" hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko pati rin siya.

"Will you come back to your job for me?" napakurap ako sandali. Napa-yuko ako ng ulo nang mapa-isip ako sandali sa tanong niya.

Babalik na ba ako? Pero kung tutuusin, dahil sa ginawa kong hindi pag-pasok nitong mga ilang araw, dapat tinanggal niya na ako. At hindi ko naman siya masisisi kung 'yon man ang mangyari.

"Are you really don't have feelings for me?" sa pagkakataon na 'yon ay, hindi ko pa rin binabalik ang tingin ko sa kanya.

Masyadong nagiging mabilis para sa'kin ang lahat. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa mga tanong niya. Kailangan ko munang makapag-isip ng maayos.

Magsasalita na sana ako ng mapansin kong naglalakad na siya ngayon papalayo sa akin kasabay ng pag-angat ko doon ng tingin.

Naisipan kong pag-masdan nalang ulit ang tanawin doon. Patuloy namang bumabagabag sa'kin yung mga bagay na sinabi ni Logan kanina. At habang tumatakbo ang mga iyon sa isip ko, parang nakokonsensiya ako at parang nakakaramdam ako ng sakit.

Sino ba talaga siya para sa'kin? Ano nga bang nararamdaman ko sa kanya?

Ugh! Naguguluhan na naman ako.