Chereads / My Beast Boss / Chapter 41 - 40. Faded Memories

Chapter 41 - 40. Faded Memories

Kaagad akong bumaba nang sasakyan nang ihinto niya yung kotse sa harap ng bahay. At halos mag-gagabi na rin nang maihatid niya ako dito sa bahay.

Sinabi ko kasi sa kanya na i-diretso niya ako sa bahay, dahil wala na akong balak na bumalik sa trabaho at wala na rin akong balak na bumalik sa sariling kompanya niya.

Naiinis kasi ako sa kanya. Kaya simula kanina hanggang sa biyahe namin, hindi ko siya kinausap. Bahala siya sa buhay niya. Naiinis ako.

Bago pa ako maka-pasok sa loob, napa-hinto ako sandali ng maramdaman ko ang kamay niyang dumapo sa kaliwang kamay ko.

"I'm sorry. Please forgive me, Marsha.." naramdaman kong nangingilid na ang mga luha ko. Pero sinubukan kong 'wag umiyak. Sinubukan kong harapin siya.

"Naiinis ako sa'yo, Logan. Umalis ka na." walang gana kong sabi. Alam kong masama ang hindi magpa-tawad pero parang nasaktan kasi niya ako. Saka hindi ko man gusto na sabihin ko iyon sa kanya, at hindi naman ako masamang babae para gawin 'yon sa kanya. Pero kasi, naiinis kasi ako mga ginawa niya.

"I won't, I will not leave unless you forgive me, Marsha." sa pagkakataon na 'to ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkaka-hawak niya sa kamay ko. Lumapit pa siya ng bahagya at sinubukan niyang haplusin ang mukha ko, na hindi ko alintanang tumulo na pala ang luha ko. Pero kaagad kong inalis ang palad niya doon.

"Umalis ka na, Logan. Nakakainis ka kasi. Pinapaiyak mo pa ako. Letse.." sabay pahid ko sa luha ko sa'king pisngi. Pero nakita kong nag-matigas parin siya dahil hindi pa rin siya umaalis.

Anong klase ba 'tong halimaw na 'to? Bingi ba siya? Hindi ba pina-paalis ko na siya? Nakaka-inis na talaga!

"Marsha. I'm sorry, okay? Forgive me. I'm just doing this because.."

"Because ano? Saka hindi naman kita boyfriend ha? Bakit mo ba kasi ginawa 'yon? Pati rin pag-mamanipula sa buhay ko, kung anong gusto mo ang masusunod. Nakakainis ka, Logan!" sabay napa-hikbi ako ng bumuhos ang pag-iyak ko. Alam ko ang salitang sampal pero wala akong lakas na gawin 'yon sa kanya. At hindi ko alam kung bakit pinipigilan ako ng sarili ko na 'wag ko siyang sampalin.

Naramdaman ko ang pag-kulong niya sa'kin ng maramdaman kong niyakap niya ako, at isinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya habang hinihimas niya ang buhok ko. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Ssshh. I'm sorry okay? I'm just doing this all to you Marsha because I want you always at my side. I don't like being you with someone, instead only for me. Yeah, say anything that I'm selfish but because..I love..I just love you, Marsha. I thought you know my true feelings for you. It's fucking hard to control but when every time I'm trying to force myself not to, I'm becoming fucking insane. That's why I'm doing this to you. Please understand me, Marsha.." pinunasan ko ang mga luha ko at saka ko inalis ko ang pagkaka-sandal ko sa dibdib niya. Inalis naman niya ang pagkaka-yapos niya sa akin.

Mahal? Ano bang nasa kokote niya at may gana pa siyang biruin ako? Akala ba niya maniniwala ako?

"Kung mahal mo ako, Logan. Hayaan mo muna akong mag-isa. Ayoko muna kitang makita.." alam kong nasasaktan siya, ang mga mata niya ay pinipilit na tumingin sa'kin ng tuwiran pero alam kong pinipilit niya lang ang sarili niyang ipukol ang mga tingin niya sa'kin.

Hindi ko alam pero parang nasasaktan rin ako. Parang tinutusok ng ilang karayom ang puso ko. Lalo pa nang tumalikod na siya sa akin ngayon habang naka-halukipkip.

Ano bang puso 'to? Bakit ba parang dinudurog! Nakakainis!

"I'll wait for you, Marsha. I'll wait and I'll come back for you.." pagkasabi niya niyon ay pumasok na siya sa loob ng kotse niya. Pagkatapos ay, pina-takbo na niya niyon hanggang sa tuluyan na itong mawala sa mga paningin ko.

Para akong nanlulumong pumasok sa loob ng bahay at kaagad na tinungo ang kwarto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama, at nag-talukbong ng kumot.

Nakakainis! Bakit ba parang nasasaktan ako? ano ba 'tong puso ko? Dapat hindi ako naapektuhan eh. Dinudurog, Letse!

Saka sa totoo lang, hindi naman sa ayaw ko siya talagang makita, pero gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko lang pawiin ang inis ko. Gusto kong payapain ang sarili ko.

Habang sinasabi ko ang mga bagay 'yon sa sarili ko, naalala ko ang naging reaksyon niya kanina. Pero bakit ganun? Parang nasasaktan rin ako para sa kanya? Saka, m-mahal niya ako? Mag-hihintay siya para sa akin? ang galing niya talagang paikutin ako! Ang lakas niyang mag-biro sa'kin ha? Letse siya.

Naramdaman ko ang pag-tibok ng puso ko. Parang sandaling napalitan ng kakaibang pakiramdam ang kaibuturan ko. Sa halip na mainis pa ako lalo sa kanya, parang napapa-ngiti pa ako. Mabilis akong napa-bangon sa higaan ko.

Nakakainis! Mali 'to! Hindi totoong mahal niya ako! Umayos ka Marsha!

Ano bang nangyayari sa akin? Kailangan ko na sigurong magpa-hinga. Tama. Ipapa-hinga ko nalang 'to.

---

"Hoy! ate! Wala ka bang balak pumasok? Anong oras na kaya!" napa-ungol ako ng marinig ko ang nakaka-rinding boses ni Dwayne.

Iminulat ko ang mga mata ko at sabay ikinusot iyon. Natanaw ko naman siyang naka-tayo sa tabi ng higaan ko na naka-pulupot ang mga bisig sa kanyang dibdib.

"Hay nako, ate. Hindi ka pa ba babangon jan?"

"Hindi ako papasok." pagkasabi ko niyon, bumangon na ako at tumungo sa kusina. Napansin kong naka-sunod sa akin si Dwayne.

"Pero, bakit? Nagsawa ka na ba trabaho mo? Aba! Akala mo ba, napaka-dali mag-hanap ng trabaho? Susmaryosep ka ate." narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

Matapos kong mag-hilamos at mag-mumog, hinarap ko si Dwayne. Nakataas ang mga kilay nito at naka-cross arms pa rin.

"Basta. Ayaw ko lang pumasok, saka wala ka na 'don." sambit ko saka ako kumuha ng baso para mag-timpla ng gatas.

Bakit ba pinipilit niya akong pumasok? Siya kaya papasukin ko 'don?

"Hays. Di naman kita mapipilit." buti nalang at naawat na siya sa katatanong niya. Ang aga-aga niraratrat kaagad ako ng mga tanong niya eh. Hays.

Umupo ako sa upuan kaharap ang mesa. Ipinatong ko doon ang kape ko. Napa-lingon naman ako kay Dwayne na naka-upo sa harap ko at mukhang mag-aalmusal pa lang rin. At napuna ko na mukhang hindi siya pumasok.

"Dwayne, hindi ba may pasok ka? Bakit hindi ka pumasok?" nag-tataka kong sabi. Ngumiti muna siya sa akin matapos kumain ng tinapay.

"Sabado kaya ngayon. Malamang walang pasok." inirolyo niya ang mga mata niya, sabay kagat niya ng tinapay.

Sabado pala ngayon? Bakit hindi ko manlang namalayan? Ugh!

"Siya nga pala ate, kamusta na kayo ng boss mo? Nagkakama-butihan na ba kayo?" masaya niyang sabi habang kumakain siya ng tinapay at naka-tingin sa akin.

Napa-awat ako sa paghigop ng gatas ko ng sambitin niya iyon. Speaking dun sa Logan na 'yon, bigla ko na naman tuloy naalala yung mga nangyari kahapon ng unti-unti na namang bumabalik ngayon sa isip ko.

"Bakit ate? May problema ba?" nawala ang saya sa mukha ni Dwayne nang tapunan ko siya ng tingin. Pagdaka'y inalis ko ang tingin ko sa kanya ng itinuon ko ang paningin ko sa basong may lamang gatas.

"A-ahh, wala ayoko lang siyang pag-usapan.." sabay sinimsim ko na ang gatas ko at inubos na 'yon. Sabay kumain ako tinapay.

"Sabihin mo nga sa'kin ate, nag-away ba kayo ni Logan? Ayan ha, mukhang nagkaka-mabutihan na nga kayo. Naka-busangot ka oh." pag-bibiro niya sakin. Napansin ko ang malapad niyang ngiti ng napa-sulyap ako sa kanya sandali.

"Ano bang pinag-sasabi mo Dwayne? Saka hindi kami nag-away. At kung mag-away kami nung halimaw na 'yon, wala akong paki sa kanya." sambit ko at tuloy-tuloy parin ako sa pag-kain ng tinapay nang nang-gigigil.

Naiinis na naman ako. Ang aga-aga, yung pangalan ni Logan na naman yung bumungad sa akin. Hindi ba pwedeng makalimutan ko muna siya kahit isang araw? Ugh.

Napansin kong hindi na umimik si Dwayne, pero ilang segundo ang lumipas at kina-usap niya ulit ako.

"Ate, wala ka na ba talagang naaalala sa kanya?" bago ko pa maisipang tumayo, napa-dapo ako ng tingin sa kanya ng mag-pantig iyon sa mga tenga ko.

"A-anong ibig mong sabihin, Dwayne?" humugot muna siya ng hininga bago siya nag-salita ulit.

"Ate, ayaw ko mang sabihin 'to sa'yo. Pero ate, siya si Logan. Yung dating minahal mo.."

Natigilan ako sandali sa sinabi ni Dwayne. Napa-tawa ako nang marahan ng sambitin niya iyon.

"A-ano bang sinasabi mo, Dwayne? Nakulangan ka pa ata sa pag-kain mo ng tinapay. Oh, eto." sabay abot ko sa kanya niyon, pero napansin kong sumeryoso ang mukha niya. Ibinalik ko sa plato ang tinapay.

"Hindi ako nag-bibiro ate. Totoo lahat ang sinasabi ko sa'yo. Siya yung lalaking nagustuhan mo noon. At matagal mo nang minahal, at siya si Logan ate. Siya yung tinutukoy ko." habang sinasabi 'yon ni Dwayne, sandaling may mga bagay na unti-unting bumabalik sa isip ko.

S-si Logan? Yung minahal ko dati? Nag-bibiro ba siya?

"Alam kong mahirap iyon paniwalaan ate. Pero 'yon ang totoo, na pinag-tagpo ko kayo dahil alam kong siya ang makaka-tulong sa'yo na ibalik ang mga alaala mo.."

Alaala? Ano bang pinag-sasabi ni Dwayne? Siya ang tutulong na maibalik ang mga alaala ko? Ano na naman ba 'tong kalokohan na 'to? Hindi totoo lahat ng sinasabi niya. Hindi iyon maaari!