Chereads / My Beast Boss / Chapter 42 - 41. He Saved My Life

Chapter 42 - 41. He Saved My Life

Pinilit kong huwag alalahanin ang mga sinabi ni Dwayne pero hindi ko mapigilan na mapa-isip tungkol sa bagay na 'yon.

Ano bang meron sa amin ni Logan dati? Bakit hindi ko 'yon natatandaan? Gusto kong malaman!

Nang sandali, umupo ako sa may hapag ng sandaling magbalik-tanaw sa akin ang mga sinabi ni Dwayne kanina. Pero hindi ko pa rin maalala ang lahat ng mga nangyari, masyadong malabo.

Nilapitan ko si Dwayne na ngayon ay busy sa librong binabasa niya. Napa-tigil siya sandali at napa-baling sa'kin ng umupo ako sa tabi niya.

"Dwayne, gusto kong malaman ang lahat. Sabihin mo sa'kin ang lahat ng mga nangyari.." pag-susumamo ko at napa-tingin muna siya sa akin sandali. Pagdaka'y, ilang segundo muna ang lumipas bago siya nag-simulang mag-kuwento.

"Natatandaan ko nung araw na 'yon na pumasok ka niyon dun sa school mo. Sinabi mo sa'kin na 'yon na yung huling araw mo na makakapag-aral ka 'don at 'yon na rin yung huling araw na makikita mo siya, dahil titira na tayo ng probinsiya. Kinuwento mo noon sa akin na gusto mo siya, at nag-lakas loob kang sabihin 'yon sa kanya kahit na alam mong imposibleng magka-gusto rin siya sa'yo. Pero, dahil nga sa di-inaasahan ay nahulog ang loob mo sa kanya. Pero pinilit mong aminin 'yon sa kanya kahit na alam mo na hindi kayo para sa isa't-isa. Dahil bukod 'don ay, ayaw mong ilihim nalang 'yon sa sarili mo ang nararamdaman mo para sa kanya dahil nahihirapan ka.." pagkatapos ay tumigil siya sandali. Iniwas niya ang tingin niya sa akin at pagdaka'y nag-salita ulit siya. "Nang maka-uwi na tayo ng probinsiya, para doon mag-simula ng bagong buhay kasama si mama--dahil sa pag-tataksil ni papa ay, di inaasahang ilang buwan ang nag-daan at namatay siya dahil sa sakit niya, at nabura ang lahat nang iyon sa'yo.."

"P-pero papaanong nangyari 'yon? Bakit hindi ko natatandaan?" binalik naman niya ang tingin niya sa akin at binuka niya ulit ang bibig niya.

"Nag-kasakit 'non si mama matapos niyang mabalitaan ang nangyari kay papa.." napansin ko ang pangingilid ng mga luha niya, pero nagpa-tuloy parin siya sa pag-kwento niya. "Namatay si mama dahil sa depresyon. Alam kong mahirap tanggapin yung nangyari kay mama at kay papa, lalo na't dahil naulila na tayong dalawa. Sinubukan mong mag-hanap ng trabaho nang lumawas ulit tayo dito sa maynila. Naipundar na itong bahay noon ni mama. Pero nung isang araw na papa-uwi kana galing sa trabaho mo--nang mag-karoon ka ng trabaho ay, naaksidente ka. Nabunggo ang sinasakyan mong taxi sa isang puno, at naging sanhi iyon ng pagka-karoon mo ng amnesia nang mag-karoon ka ng malalang pinsala sa'yong ulo matapos mong maumpog ng malakas sa isang matigas na bagay..."

Habang sinasabi iyon ni Dwayne, parang unti-unti rin iyon bumabalik sa isip ko. Kahit na di ko masyadong maaninag dahil malabo ang mga iyon sa isip ko. Pero pinipilit ko paring isipin ang mga sinabi ni Dwayne. Habang unti-unti iyon bumabalik sa aking alaala. Pero sandali ay, bigla namang sumakit ang ulo ko. Napa-hawak naman doon.

"Ayos ka lang ba ate?" nag-aalalang niyang sabi. Isinandal ko muna ang likod ko sa sandalan at ipinikit ko ang mga mata ko.

Pilit kong tinatanong ngayon sa sarili ko kung paano at saan ang lahat ng iyon nag-simula. Gusto kong malaman ang lahat. Gusto kong maliwanagan sa mga nangyari. Pero kahit subukan ko man, hindi basta iyon bumabalik sa isip ko. Sa pagkakataon na ito ay, hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Eto ate, uminom ka muna ng tubig.." napamulat ako nang maramdaman ko ang presensiya ni Dwayne sa tabi ko.

Inayos ko ang pagkaka-upo ko at dahan-dahan kong ininom ang tubig na iniabot niya sa akin. Pagkatapos ay, inilapag ko naman ang baso sa mesa nang mainom ko na ang tubig.

"Ate, kailangan mo munang mag-pahinga.." napa-tango nalang ako kay Dwayne at inalalayan naman niya ako papunta sa'king kwarto.

Inihiga ko ang sarili ko doon, at saka ko pinikit ang mga mata ko para makapag-pahinga. Kailangan ko munang mag-pahinga. Naniniwala akong maalala ko rin ang lahat.

---

Napa-bangon ako sa higaan ko ng magising ako. Napa-sulyap ako sa labas ng bintana at mukhang nag-didilim na ang paligid sa labas.

Bago ako maisipang lumabas ng kwarto, nakuhanan ko ng pansin ang wallet ko na nasa ibabaw ng cabinet ko na nasa gilid.

Naalala ko na ibinigay ito sa'kin ni Logan nung araw na magkasama kami, at napagtanto kong siya ata ang naka-kita ng wallet na 'to na matagal ko nang hinahanap.

Naisipan kong kunin iyon at binuksan ko ang zipper. Naka-suksok doon ang luma kong litrato na tanging naging isang alaala sa akin nung araw na buo pa ang pamilya ko. Pero nalaman ko nga kay Dwayne ang lahat, at iyon ay nagpa-guho sa mundo ko.

Naramdaman kong nangingilid ulit ang mga luha ko dahil sa pagkakataon na ito ay bumalik ulit sa isip ko yung kinuwento sa akin ni Dwayne tungkol kila mama at papa.

Pero bakit wala man lang akong nagawa? Bakit hindi ko manlang naalala 'yon? Bakit pati iyon at nakalimutan ko pa?!

Pinunasan ko ang mga pumatak kong mga luha sa'king pisngi. Pagdaka'y ibinalik ko sa loob ng wallet ko ang litrato na kinuha ko doon.

"Ate, gising ka na pala.." inayos ko ang sarili ko nang makita kong lumapit sa akin si Dwayne at umupo sa tabi ko. Sinubukan ko siyang ngitian ng humarap ako sa kanya.

"Umiyak ka ba ate?" iniwas ko ang tingin ko sa kanya ng napagtanto kong naka-titig siya sa akin.

"Hindi 'no. Saka bakit naman ako iiyak?"

Sa totoo lang, nag-papasalamat pa rin ako dahil nandito ang kapatid kong si Dwayne sa tabi ko. Naging mabuti siyang kapatid sa'kin, at pinag-papasalamat ko rin na nandyan siya para tulungan ako sa kalagayan ko ngayon. Bukod dito, naalala ko na nag-tampo pala siya sa akin nung araw na ako mismo ang umamin kay Troy na gusto siya ni Dwayne. Pero, pagkatapos 'non ay naging okay naman kami. Dahil wala na rin siyang nagawa kaya napasang-ayon nalang siya sa akin.

"Oh, bakit ngumingiti-ngiti ka jan, ate? Ano na naman 'yang iniisip mo?" inalis ko ang ngiti ko sa labi ng lingunin ko si Dwayne matapos niyang sabihin iyon. Halata sa kanya ang pag-tataka.

"A-ahh, wala. Masaya lang ako dahil naging kapatid kita at palagi kang nasa tabi ko para damayan at tulungan ako. Salamat, Dwayne.." pero sa totoo lang, hindi naman 'yon ang iniisp ko. Hays.

Napakurap-kurap sandali si Dwayne nang mataman niya akong tingnan sandali. Sabay nakita kong napa-yuko siya.

"Ate, salamat rin ha. Dahil kahit wala na sila mama at papa, hindi ka nag-sasawang alagaan ako. Kahit na ang dami na nating pinag-daanan, nandiyan ka rin para sa'kin.." sa pagkakataon na 'to ay hindi ko na mapigilang maluha.

Napansin ko rin ang pag-luha niya ng inangat niya ang tingin niya sa akin. At bakas rin kasi sa pananalita niya ang pag-garalgal nito.

Mabilis kong inundayan ng yakap si Dwayne at niyakap niya rin ako.

"T-thank you ate Marsha..." umiiyak na sabi niya.

"Thank you rin sa'yo Dwayne. Mahal ka kasi ni ate! Ano ka ba!" sabay parehas kaming napa-tawa. At pagkatapos ay nag-hiwalay sa isa't-isa.

Sa pagkakataon na 'to ay nakalimutan ko ang lahat ng alalahanin ko sa buhay. Kailangan ko lang munang payapain ang sarili ko sa kakaisip sa mga bagay-bagay. Kailangan ko munang maging masaya, saka hindi dapat nalulungkot ang magandang tulad ko 'no, nakakawalang-gana.

Sa pag-iisip ko ay napansin kong kinakausap pala ako ni Dwayne. Kaya napukaw ang atensiyon ko.

"Ate, siya nga pala. Maalala ko na pumunta pala dito yung Steven kagabi, at hinahanap ka.." nawala ang ngiti ko sa'king labi ng natigilan ako sa sinabi ni Dwayne.

Saka ko namang naalala na may dinner pala kami dapat ni Steven nung gabing 'yon.

"Ate, huwag ka sanang mabibigla ha. Pero parang siya yung namumukhaan ko na tumulong sa'yo nung araw na naaksidente ka. Bigla ko kasing naalala. At kung hindi ako nag-kakamali, Steven rin ang pangalan niya, at malamang ay siya iyon.."

Sa sandaling ito, nahiwagaan ako sa sinabi ni Dwayne. Bakas ang seryoso sa kanyang mukha at halatang nag-sasabi siya ng totoo.

Si Steven? Yung lalaking tumulong sa'kin nung naaksidente ako? Pero paano nangyari? Paanong dumating siya sa buhay ko? bulong ko sa sarili nang balutin na naman ako ng maraming katanungan. Hanggang sa pagkakataon na ito ay naka-tingin lang ako kay Dwayne at ganun rin siya sa akin.

"Ate, mukhang pinagtagpo talaga kayo ni Steven. Akalain mong magkikita pa ulit kayo.." sabay napa-kamot si Dwayne sa ulo at napa-iling iling. Sinubukan kong itanim ang lahat ng iyon sa isip ko at sinusubukan kong alalahanin ang lahat ng 'yon.

"Siya nga pala ate, paano si Logan? Ano nang balak mo ngayon?" sa sandaling ito ay ang dami na namang gumulo sa isip ko nang bigla kong naalala si Logan.

Napa-pikit nalang muna ko sandali ng mata at saka napabuntong-hininga.

Paano ko ba masaagot ang lahat ng mga tanong sa isip ko? Hindi ko na kaya! Pinasasakit na ang ulo ko!