|| Marsha Sandoval ||
Tumungo kami sa loob ng isang mall matapos niyang iparada ang sasakyan.
At oo, magka-hawak na naman ang kamay namin sa isa't-isa. Pero masasabi ko na parang nawala ang init ng ulo ko sa Stella na 'yon. At parang guminhawa naman ako.
Pero hindi ibig sabihin rin na gusto ko 'tong ginagawa sa akin ni Logan. Ugh! Bakit ba gustong-gusto niya akong palaging hawakan?
Hindi ko alam kung bakit pero sinubukan kong iwalang-bahala nalang 'yon. Saka tutal, wala rin naman akong karapatan na kagalitan siya dahil wala naman siyang masamang ginawa sa akin. At hindi ako gumaganti 'no, bahala siya kung magalit siya sa akin basta alam kong walang ginagawa ang isang magandang tulad ko sa kanya na masama.
Napansin kong dumiretso kami sa isang store. Pumasok kami doon at nakita kong bilihan pala iyon ng cellphone. Nagtaka naman ako.
Ano namang gagawin namin dito?
Inutusan ni Logan yung isa dun sa mga babaeng nag-bebenta ng cellphone, at pagdaka'y napansin kong umalis ito sandali. Pagkatapos ay iniabot iyon kay Logan.
"Kompleto na po 'yan lahat sir." aniya nung babaeng mukhang nag-papansin kay Logan, at panay ang tingin niya.
Nakita kong may inabot na card sa kanya si Logan, at mukhang kinaltas na nung babae doon yung perang pam-bayad sa cellphone. Pagdaka'y ibinalik na ito kay Logan.
"Thank you for purchasing our new brand phone. Hope you to come back again." maarteng sabi nung babae. Napag-hahalataang nag-papansin.
Pero binalewala lang 'yon ni Logan nang hinila na niya ako palabas ng lugar na 'yon.
Nagpalakad-lakad kami at napansin ko na naka-tanaw naman sa amin yung iilang nadaanan naming mga tao. At sari-sari ang mga reaksyon nila.
Ano bang meron sa amin? mga artista ba kami? bulong ko sa sarili. Naalala ko na ganito rin yung napansin ko nung pumunta kami noong nakaraan sa isang mall, pinag-pipiyestahan kami ng mga mata nila. Jusme. Ano bang nangyayari sa kanila?
Hanggang sa napadpad ang mga paa namin at nang dalhin niya ako sa isang open place na restaurant. Ang ganda ng view sa paligid at iilan lang ang tao sa loob.
At napansin ko rin na mukhang mamahalin ang mga bilihin dito. Jusko po! Baka mabutas lang ang wallet ko sa pag-halukay ng pera. Bakit ba hilig niyang kumain sa mga pang-mayayaman. Meron namang mumurahin? Pero sabagay, mayaman naman kasi siya eh. Hindi ko nga lang ma-afford. Oh diba.
Hindi ko na uli pang nagawa na mag-tangkang pigilan siya, para sana iba nalang kumain. Ang dami kasing tumatakbo ngayon sa utak ko, at hindi ko na na-alintana na nasa loob na pala kami. Kasunod ay, napa-upo nalang ako, kaharap niya.
Nakita ko ang pag-lapit sa'min nung waiter. Pagkatapos ay, nag-order na siya. Hanggang sa umalis na yung waiter na lalaki.
Pero sandali, bigla kong naalala na kailangan pala niyang pumunta ngayon sa La Costa. May schedule siya doon ngayon.
"L-logan, diba may schedule ka ngayon sa La--" hindi pa ako tapos mag-salita nang sumingit na siya. Bastos ng halimaw na 'to.
"I know." walang gana niyang sabi. Naka-dekwatro siya at may kinakalkal sandali sa cellphone niya.
"Okay." tanging sabi ko at napa-kurba ako ng labi. Bumuntong-hininga nalang ako.
Habang hindi pa dumating yung pina-order niya, inilibang ko nalang muna ang sarili ko. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid. May mga puno at masarap ang simoy nang hangin, ang presko. Mukhang mala-probinsiya rin ang style ng lugar na 'to.
Habang naka-ngiti ako ngayong naka-tingin sa paligid, naging matiwasay ang isip ko at marahil ay dahil siguro sa kaabalahan ko sa pag-tanaw sa paligid. Pero sandali, may nadaanan akong isang bagay na pumukaw ng atensiyon ko.
Nakita ko yung babaeng tuwid na naka-upo sa upuan niya at mukhang mag-isa lang ata siya.
Napansin ko ring naka-tingin siya 'don sa dalawang lalaki, di-kalayuan sa pwesto niya at nag-lalambingan sila.
Sinuri kong mabuti ang babae at hanggang sa napansin kong mukhang tumutulo na ang luha nito sa kanyang pisngi. Habang ganun pa rin ang postura niya at patuloy na naka-tanaw doon sa dalawa.
Ewan ko kung anong nag-tulak sa akin na tapunan ko siya ng atensiyon. Sinubukan kong umiling dahil baka ilusyon ko lang iyon.
Pero, habang tumatanim iyon sa isip ko, parang sandaling sumakit ang ulo ko nang may maalala ako.
Naka-upo ako sa tabi ng isang puno--naka-suot ng uniporme sa school ko, at naka-sandal ang likod ko doon habang nasa lap ko ang bag ko.
Hinihintay ko siyang dumating, pero halos ilang oras na akong nag-hihintay at hindi siya sumipot para mag-paramdam o mag-pakita manlang sa akin.
Pinilit kong tibayan ang loob ko at sinubukan kong ngumiti. Hanggang sa naisipan kong umalis na lang doon.
Pero sa di-inaasahan, nakita ko siya na napa-daan medyo may kalayuan sa pwesto ko, at may kasama siyang babae na hanggang balikat ang buhok, at may dala-dalang maleta.
Sinundan ko sila ng mga mata ko, at hanggang sa nakita kong sumakay na sila sa loob nang isang itim na kotse, pagdaka'y umalis na ito.
Parang sandali, nakaramdam ako ng sakit at pan-lulumo matapos iyon mag-balik sa mga alaala ko ang tungkol kay papa. Iniwan niya kami nila mama at Dwayne nang nag-karoon siya ng ibang asawa.
Hindi ko napansing tumulo na pala ang luha ko. Bumalik naman ang ulirat ko ng mapansin kong kinaka-usap pala ako ni Logan. Mukhang nag-aalala ito sa akin habang naka-hawak ang mainit niyang palad sa kamay ko na nasa ibabaw ng table.
"Hey, are you alright? Tell me, is there anything wrong?" alala niyang sabi, at halatang nag-tataka rin siya.
Pagdaka'y naramdaman ko ang mainit niyang palad na dumapo sa aking pisngi. Saka niya pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang hinlalaki. Inayos ko naman ang sarili ko at pinunasan ko rin ang mga luha ko, sabay sinubukan kong ngumiti sa kanya.
"A-ahh, oo. A-ayos lang ako, may ano kasi eh...bigla nalang sumakit yung mata ko.." palusot kong sabi. Bumaba ang kamay niya nang hawakan niya ulit ngayon ang kamay ko.
"Tell me, I know there's something that you just hiding on me. Isn't it?" normal niyang sinabi. Pilit ko nalang siyang nginitian.
"A-ah--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang dumating yung waiter. Sabay inilagay niya sa ibabaw ng table namin yung mga inorder.
"T-thank you.." sambit ko dun sa waiter matapos kaming hainan ng pag-kain,. Tumango ito saka umalis.
Napa-dapo naman ang mata ko sa ibabaw ng desk at namilog ang mata ko sa nakita ko. Ang dami kasing inorder ni Logan. Anong meron? Birthday ba niya?
"It's all for you.." napa-baling ang tingin ko sa kanya ng sabihin niya 'yon.
"H-ha? Para sa akin?" taka kong tanong.
"Yeah. I don't want you to be hungry, As we will go there also to La Costa after this.."
Speaking sa La Costa, bigla kong naalala si Steven. Jusko! May dinner pala kaming mamayang eight! Kailangan kong maka-uwi ng maaga ngayon. Pero paano? Ugh!
"By the way, get this.." sa pagkakataon na 'to ay napa-tingin ako sa kanya. Napansin kong may ini-abot siya sa akin nang mapa-dapo naman ang tingin ko doon. "I buy it for you. So I can contact you always." pagkasabi niya niyon ay tinapunan ko pa rin 'yon ng tingin.
Sa akin? Pero sobra na 'to ha. Hindi ko naman sinabi sa kanya na bilhan niya ako ng bagong cellphone. Nahihiya na talaga ang ganda ko sa kanya. Saka, pangalawang beses na niya akong binilhan ng cellphone.
"P-pero, sobr--" kinuha niya ang kamay ko nang pina-hawak niya sa akin yung cellphone.
"Take it. You need it and so I can check you always." napa-yuko nalang ako ng ulo. Sabay kinagat ko ang ibabang labi ko.
Bakit ba ginagawa 'to sakin ni Logan? Ano ba talaga ako para sa kanya?
Habang iniisip ko 'yon, sandali akong natigilan. Ang engot mo Marsha! May gusto na nga siya sa'yo diba? At nage-effort na siya sa'yo. Hay nako.
--
Matapos naming kumain ay, tumungo na kami sa parking area. Siya nga pala, nai-kwento na sa yung tungkol kay papa. At medyo lumuwag naman ang pakiramdam ko dahil kahit papaano ay, nakinig rin naman siya 'no. Akala ko kasi, puro ka-halimawan lang siya.
Nang marating na namin ang sasakyan, napa-tigil ako sandali nang mapansin kong tinawag niya ako.
"Marsha.." napa-tayo ako sa tabi ng sasakyan habang naka-tayo siya harap ko at naka-halukipkip. Medyo inangat ko ang ulo ko dahil matangkad kasi siya sa'kin.
"My nephew will celebrate his birthday this Sunday. And I want you to be there with me.." sambit niya. Naamoy ko naman ang mabango niyang hininga na halos sumampal na sa mukha ko dahil mag-kalapit kami sa isa't-isa.
"A-ahh, okay lang sa akin.." pagkasabi ko niyon, binaba ko na ang tingin ko sa kanya nang sinimulan ko nang ihakbang ang mga paa ko papasok ng kotse.
Oo putakteng puso ko. Umaal-boroto na naman. Kaya kailangan kong dumistansiya.
Pero bago pa ako naka-pasok sa loob, narinig kong nag-salita ulit siya.
"Is this from you, right?" napa-lingon ako sa kanya at nakita ko ang naka-angat niyang kamay habang hawak-hawak ang isang pirasong picture. At nang suriin ko ito sandali, nanlaki ang mga mata ko.
P-paanong? Naka-lagay 'yan sa wallet ko ha? Paano 'yan napunta sa kanya?
"Tell me, Marsha. Is it the picture is you?" sa pagkakataon na 'to, nagmala-halimaw na naman ang mukha niya. Nagla-lamlam ang mga mata nito dahil matalim ang mga tingin nito sa akin. Pagdaka'y inabot niya sa'kin 'yon. Kaagad ko namang kinuha sa kanya.
"Ako 'yan. P-pero..p-paanong napunta 'to sa'yo?" nagtataka kong tanong. Medyo naguguluhan rin ako dahil sa nagiging reaksyon niya.
"So, you are!? Fucking life! Hindi nga ako nag-kamali.." hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya. Naguguluhan ako.
Kanina hindi naman siya ganyan ha? Ano bang nangyayari sa kanya? Ano bang meron sa picture ko?
Naisipan ko na talikuran na siya ulit para pumasok sa loob ng sasakyan, pero mabilis niya akong kinulong sa mga bisig niya. Kaya napa-sandal ako sa gilid ng kotse. Dahan-dahan naman niyang inilalapit ang mukha niya sa akin.
"Don't you know that I'm fucking looking on you for so many years? huh? I'm damned looking for you, Marsha! and you left me in a pain!" pagalit niyang sabi. Parang napuna ko na hindi na siya yung Logan na nasa harap ko ngayon.
"L-logan, ano bang s-sinasabi mo? H-hindi kita maintindihan.." kinakabahan na ako at ang bilis ng pintig puso ko.
Ano bang nangyayari sa kanya? Saka ano bang gusto niyang sabihin. Naguguluhan na talaga ako.
"Marsha, you violated me again.."
"L-logan, hindi tala--"
Hindi ko na naituloy ang dapat kong sabihin, nang isang mainit na halik niya ang dumampi sa labi ko.
Marahas niya akong pinugpog niyon at naramdaman ko na parang umangat lahat ng kuryente sa ulo ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang may nag-liliparan sa tiyan ko, lalo pa't lumalalim na ang pag-halik niya sa akin.
Jusko. Pigilan niyo 'tong lalaking 'to. Nahihibang na talaga siya!