Chereads / My Beast Boss / Chapter 35 - 34. The Continuation

Chapter 35 - 34. The Continuation

Binitawan niya ang kamay ko nang ibinagsak niya ang katawan niya sa sopa, pagka-pasok namin sa loob. Habang ako, nakatayo sa harap niya at pinag-mamasdan siya.

Napagtanto ko na pagod ata siya sa trabaho niya at wala siya halos sigurong pahinga.

Hays. Masyado niya sigurong binabad yung sarili niya sa trabaho. Pati sarili niya, hindi na niya naasikaso. Saka, di ba sabi niya mag-papaturo siya mag-facebook? Mukhang hihilata lang ata siya dito sa'min eh. Feeling bahay lang niya?

Hindi naman ako sa nag-iilusyon 'no. Saka 'yon rin siguro talaga yung dahilan ng pag-punta niya dito. Pero okay lang naman, basta mag-babayad siya.

"L-logan, gusto mo bang pag-timplahan kita ng kape?" Naisipan ko lang itanong sa kanya tutal 'yon naman yung palaging pinag-titimpla niya sa akin tuwing umaga sa trabaho. At ganun rin kapag gabi. Mahilig siya sa kape.

Hindi siya umimik, ini-hakbang ko nalang ang mga paa ko papunta sa kusina. Pero hindi pa ako nakaka-punta doon, narinig kong may sinabi siya.

"Marsha. Come here." Napa-pitlig ang ulo ko sa kanya ng tapunan ko siya ng tingin.

Dumako naman ako malapit sa kanya habang naka-tayo roon.

"Sit here.." pag-uutos niya sa akin ng senyasan niya ako na umupo sa tabi niya. Kaya, umupo ako sa lapag, malapit dun sa tapat ng mukha niya.

Ewan ko ba. Bakit palagi nalang nag-iiba yung pakiramdam ko kapag malapit ako sa kanya, bumibilis ang tibok ng puso ko at may wirdo akong nararamdaman sa tiyan ko.

Grabe, baka kinukulam na ako ng halimaw na 'to. Ghad. Sa ganda kong 'to? Subukan lang niya.

"L-logan, pag-titimplahan muna kita ng kape mo. Baka sakaling mawala 'yang pagod mo.."

Ano ba 'tong pinag-sasabi ko? Saka wala naman akong maisip kasi na sabihin sa kanya. Nagiging okupado na naman ang isip ko. Jusme!

Saka alam kong masama ang pagka-adik sa kape pero alam kong 'yon kasi ang choice ko eh sa ngayon, ang pag-titimplahan siya. Malay natin, effective.

"I don't want it. Because I have it now." Napa-kunot noo ako dahil sa pagtataka sa sinabi niya.

"Nasaan naman?" Ginala ko ang mga mata ko sa paligid at hindi ko naman nakita yung sinasabi niya. Nako. Mukhang kailangan niya talagang mag-kape, malakas na ang tama.

Nakita kong bumukas ang mga mata niya at tumingin siya sa akin. Napa-tingin rin ako sa kanya.

"I have you. So better stay here so I'll be still don't feel fatigue, my energy.."

Ha? Ako? Paki-ulit nga. Baka lasing siya?

Jusme. Ang slow mo talaga Marsha! Energizer ka niya! Di mo gets? Yung parang milo. Nag-bibigay energy.

"So, will you teach me now about that facebook?" Napukaw ang atensiyon ko dahil kinaka-usap niya pala ako.

"A-ahh, oo.." sabay tumango-tango ako.

Dumukot siya sandali sa bulsa ng pantalon niya at nakita kong kinuha niya doon ang cellphone niya. Ibinigay naman niya sakin iyon pagkatapos.

Walang password ang cellphone niya kaya nabuksan ko kaagad iyon. Pag-bukas ko nang cellphone niya, bumungad kaagad sa akin yung wallpaper niya. Naka-upo siya at naka-patong ang magkabilang kamay niya sa desk niya at naka-saklop, walang ekspresyon ang mukha niya. At mukhang sa office pa niya ata 'tong larawan sa wallpaper niya.

Habang tinitignan ko 'yon sandali, masasabi ko pa rin na guwapo pa rin siya, kahit saang anggulo. Pero syempre, sa totoo lang, may pagka-guwapong halimaw rin siya sa wallpaper niya.

Ano ba talaga Marsha?

"Don't worry, you'll be the one whom will change it later. And I prefer a picture with you.." ewan ko pero parang nakuryente ako sinabi niya at umakyat ito hanggang ulo ko. Pilit kong ngumiti sa kanya.

"A-ahh, okay lang. Saka tama lang at ang guwapo mo naman dito sa wallpaper mo eh.." hindi ko nalang inalam ang reaksyon niya ng mabilis kong tinungo ang Facebook app.

Hoy, Marsha! Ano na naman bang lumalabas diyan sa bibig mo! Baka ano na namang isipin niyan ni Logan! Jusmiyo marimar.

Hanggang sa lumabas yung type email at password.

Napaisip ako sandali kung baka may existing account ba 'yon? Basta siya o wala pa.

"May account ka na ba sa Facebook?" tanong ko ng sumulyap ako sa kanya.

"I haven't. Why?"napasapo ako sa noo ko. Ang shunga ko. Kaya nga siya magpapaturo sa'yo sa facebook eh, at kasama na rin muna 'don ang pag-gawa mo ng account sa kanya. Jusme Marsha.

Binalingan ko nalang ng tingin yung cellphone niya at gumawa na ako kaagad ng account niya.

Hanggang sa nakagawa na ako ng account niya, at napa-lapad ang ngiti ko at masayang napa-palakpak pa ako. Tumingin ako sa kanya.

"Logan! May facebook kana!" Masaya kong sabi sa kanya.

"Then now, teach me." napa-tingin ako sa kanya ng sambitin niya iyon. Naka-tingin lang siya sakin. Sandali, bumaba ang tingin ko sa kanyang labi.

Iniwas ko kaagad yung tingin ko sa kanya ng ibinalik ko ang tingin ko cellphone.

Umayo ka Marsha! Nag-gegreen na naman 'yang isip mo.

"A-ano bale, kapag na-open mo na yung Facebook mo, pi-pindutin mo lang 'tong notification mo sa taas..." sabay sulyap ko sa kanya. Sabay balik ko ng tingin sa cellphone at ipinag-patuloy ko pa rin yung pag-tuturo ko sa kanya.

Pero napapansin ko, habang tinuturuan ko siya, hindi siya sa cellphone naka-tingin. At tama nga ako, nahuli ko siyang naka-tingin sa akin. Bumilis ang kabog ng puso ko. Napa-sulyap ako sa kanya sandali.

"A-ahh, Logan. N-nasundan mo ba 'yung tinuturo ko sa'yo?" tanong ko na medyo nauutal. Ghad. Kinabahan na naman ako! Jusme Marsha!

Sa halip na sagutin niya yung tanong ko, tinitigan niya ako sandali. Saka siya nagsalita.

"Tell me, Where are you that night when I called you? Why didn't you answering my calls? Is there something happened on you that night? " sunod-sunod niyang tanong. This time, napalitan naman ng kaba ang naramdaman ko.

Sasabihin ko na ba sa kanya na nanakaw ang cellphone ko na bigay niya? At si Steven ang tumulong sa akin nung gabing 'yon? Paano kapag maging halimaw na naman 'tong si Logan?

"A-ahh, Logan..ano kasi.."

"I really don't want my self waiting for something. Tell me the truth, Marsha. Please.." blanko na mukha niyang sabi.

Sandali, ngayon ko lang napansin na halos magkalapit na pala ang mukha namin sa isa't-isa. Naka-harap ang buo niyang katawan sa akin habang ako, naka-tingin pa rin sa kanya.

Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya, inuyuko ang ulo at napakagat-labi ako. Saka ako nagsalita. "L-logan, nanakaw sa'kin yung cellphone nung gabing 'yon, kaya hindi na ako naka-sagot sa mga tawag o text mo. P-asensiya na. Ibabalik ko nalang yung pe-"

"Why you didn't immediately told me about that? Don't you know how I'm fucking confused that night thinking if you're just okay or not? After I heard that there's something shouting in your line looking for a help?!" kinagat ko ang ibabang labi ko at napa-pikit.

Jusko! Hindi ko alam na nag-alala pala siya sa'kin. Saka kasalanan ko naman kasi eh. Bakit ko pa kasi dinisplay sa labas yung cellphone eh. Letse. Hays.

Pero, narinig pala niya yung pag-sigaw ko para humingi ng tulong? At kaya talaga siya siguro napa-balik kaagad dito? Tama nga si Dwayne.

"Marsha.." naramdaman ko ang mainit niyang palad na dumapo sa'king baba. Kaya mabilis kong binuksan ang nga mata ko nang inangat niya iyon, at iniharap ang mukha ko sa kanya.

"I'm sorry if I hurt you.." maamo niyang sabi.

"A-ahh, wala 'yon...saka ako dapat humingi ng sorry sa'yo. Sorry Logan.." sambit ko. Gusto kong umiwas ng tingin sa kanya pero hindi ko magawa.

Hanggang sa napa-titig lang kami sa isa't-isa, at hindi na niya nagawang tumugon kaya bumalot ang katahimikan sa paligid namin. Naninigas na naman ang buo kong katawan.

Jusko. Nandito na naman kami uli.

"I have something to tell you.." habang tinitigan ang mapupungay niyang mga mata, mahabang pilik-mata, matangos na ilong at ang mamula niyang labi, sinubukan kong ibuka ang bibig ko para magsalita.

"A-ano 'yon? L-logan?" naghuhuremantadong puso ko ang dumagundong ng magbitiw siya ng salita niya.

"I don't know why I'm doing this. But I feel that, I'm fucking falling on you.."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sabayan ng kabog ng puso ko, parang tumigil ang mundo ko. Naninigas parin ang buo kong katawan at parang naudlot ang dila ko.

Gusto kong batukan ang sarili ko na baka panaginip lang ang lahat. Pero totoo pala. Lalo na nang napansin ko, habang ilang segundo kaming nagka-titigan, nakita kong unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin.

Hanggang sa dumampi ang mainit niyang labi sa akin. Hindi ko mapag-wari pero parang ang saya-saya ng puso ko.