Chereads / Military Lovers / Chapter 3 - Issue

Chapter 3 - Issue

Richard's POV

Malalim ang pag iisip ko ngayon. Sigurado akong pag nalaman ni kuya ang issue ko, magsesermon nanaman yon.....

"Bro, kanina ka pa tulala ahhhh. Iniisip mo na naman ba yung sa issue?" tanong ni Tyler

"Oo..... Mamaya baka pumunta si kuya kila Ate Lou at pagsermonan naman ako." walang emosyong pananalita ko

"Hahhahahhaha yun lang? Natatakot ka sa kuya mo? Hahahahhah" nakakainis niyang sambit

Hindi ko na sya pinakinggan at sinagot bagkus ay tumingin ako kay Annie. Napatulala ako ng ilang minuto. Sa sobrang ganda nya ay hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya.

"Bro..... Bro.... BRO!!!!" Sigaw ni Tyler na nagpatigil sa pagtingin ko kay Annie

"Siguro nga totoo yung issue kaya kinakabahan ka sa kuya mo. Tingnan mo nga oh kanina pa kita tinatawag tapos ngayon ka lang namansin. Kanina ka pa kaya nakatulala kay Annie." saad nya

Para sabihin ko sayo Tyler hindi totoo ang issue.... Kahit gusto ko mang sabihin sayo ay hindi ko magawa. Hindi mo lang din kasi alam kung paano magalit si kuya.....

(time check) 12:10 pm

Mabilis ang oras kaya lunch na agad. Pansin kong maraming kausap si Tyler kaya nagsariling upuan nalang ako. Maraming babae ang pumunta sa upuan ko para tumabi sa akin pero hindi ko sila pinayagan.

"Ah. Kuya paupo muna. Wala nang upuan eh." wika ng isang pamilyar na boses kaya agad akong napatingin.

"A-annie?" pautal-utal kong tanong.

"Huh? Richard?" mahinahon nyang tanong

"hahahhaha, bakit ka naman nawalan ng upuan?" tanong ko ulit

"Ewan ko ba dyan sa mga kaibigan ko, ayaw ata akong katabi." sagot nya

"Sa tingin mo.... Ano kaya masasabi o magagawa ng mga kapatid natin kapag nalaman nila ang issue?" tanong ko ulit

"Ewan ko... Di ko naman hawak ang utak ni ate.. At tsaka wala na akong pake alam doon... Teka takot ka malaman ng kuya mo ano?" sagot neto na may kasamang nakakaasar nitong tanong

"parang ganun na nga. Hahhahaha" sagot ko na nagsimula ng tawanan

Pansin naming pinagtitigan kami ng mga estudyante pero wala na kaming pake alam... Gumaan  ang loob ko sa kanya pero sana ganun din sya.

(time check) 12:30 pm

Nagsimulang nagring ang bell kaya isa isa nang nagalisan ang mga estudyante sa cafeteria. Sumunod na kami at gayun na nga magkasabay ulit. Madami akong nalaman sa kanya at ganun din sa akin. Masarap pala syang kasama. Eto din pala ang totoong Annie.... Pero di ko namalayan na unti unti na akong nahuhulog sa kanya.

Mabilis ang oras kaya uwian na ngayon, sa tingin ko hindi muna ako sasabay kay Ate Lou. May iba muna akong pupuntahan.

"Richard, Annie!" tawag sa amin ni Ate Lou, tumakbo na kami papunta sa kanya.

"Ahh. Ate Lou.... Sa tingin ko hindi muna ako sasabay sa inyo." pagpapaalam ko

"Oh sige... Pero saan ka naman pupunta?" tanong nito

"I think.... May kailangan akong kausapin Ate...." saad ko

"oh sige, mauna na kami!" pagpalaalam nito

" bye Richard!" paalam ni Annie habang nakangiti.

By now, naghihintay ako ng taxi para pumunta sa mansion namin. Buti nalang merong dumaan na isa kaya nakapunta na ako ng maaga sa mansion....

"Good Afternoon sir Richard!" sabay sabay na bati ng mga katulong at guard namin dito sa mansion.

Dumiretso na ako dahil gusto ko nang kausapin ang mga magulang ko

" Madam Sarah nandito po si Senior Richard" rinig kong wika ng isa sa mga katulong namin

"Oh sya, papasukin ang anak ko." utos ni mama

Nakapasok na ako at agad akong nagsalita.

"Mom... We need to talk about something...." saad ko

"Bago ka pa makapunta dito alam na namin."saad ni mama

Alam na nila!! Kalat na kalat talaga pag ganyan. Hayssst...

" Yeah, your mom is right..... Kalat na kalat ito sa social media pati na rin sa dyaryo. Look here....." wika ni papa

Agad kong inagaw ang dyaryo pati narin ang cellphone... Ang daming comments!! Mas marami ang positibo kaysa sa negatibo... Kilig na kilig ang iba at yung iba naman ay humihiling na sana sila nalang si Annie...

" Alam mo Richard, sa kadami dami mong issue.... Eto ang nagustuhan namin." sambit ni papa

Seryoso ba sila? Ganitong issue pa naman ang nagustuhan nila. Pati sila nakikisali na. Pero baka si kuya hindi pero mas okay na yun kesa mangasar pa sila.

"Mom, Dad, mauna na ako..." pagpapaalam ko

Naaasar na ako sa ganito. Pati ba naman sarili kong magulang nakikisali sa mga ganitong issue.

Bigla nalang ako napahinto nang may narinig akong boses...

"At saan ka naman pupunta" napalingon ako nang narinig ko ang mga katagang ito.

"K-kuya?" iyan ang unang lumabas sa bibig ko.. I am speechless 😶. Siguro mapapagalitan nya ako sa harap mismo ng mga magulang namin.

"Napabigla ka ata?" tanong ni kuya Kyle

"Paano naman hindi ako mapapabigla e nandito ka kuya" banggit ko habang nakayuko

"At tsaka alam mo na diba yung tungkol sa issue?" banggit ko uli at hanggang ngayon nakayuko parin ako. Ayoko muna makita agad ang galit na mukha nya mamaya.

"Oo." tanging salita nya

"So.... Papagalitan mo ako?" tanong ko. Kinakabahan na ako sa susunod na sasabihin nya.

"At bakit naman kita papagalitan?" tanong nito na syang naging dahilan para tumaas ang ulo ko

"Huh? Bakit naman? Diba nagkaissue ako? Hindi ka man lang magagalit?" sunod sunod kong tanong

"Sa tingin mo ba papagalitan kita dyan sa issue mong love life?" nakakainis nitong tanong

Pati ba naman sya?! Sarili kong pamilya inaakala na nagdedate kami ni Annie. Hay nako naman ang buhay. Wala na akong kakampihan kundi.... Si Annie na lang talaga.

"tsk." salitang lumabas sa bibig ko.

........