Chereads / Military Lovers / Chapter 5 - After

Chapter 5 - After

Military Lovers

Β°Chapter 5Β°

Annie's POV

Grahhh!!!!! Seryoso ba talaga sya?! Yun yung naisip nyang taktika?! Nakakaloka!!!!!

"Annie!" rinig kong boses ni Lyka pero hindi ko sya pinansin

"Huy Annie, ano ka ba? Ayos ka lang ba?" tanong nito sa akin

"Sa tingin mo magiging maayos ako pagkatapos ng nangyari kanina!" sigaw ko naman

"Ikaw naman oh, di mo man lang na appreciate. Huy Annie kapatid mismo yun ng senador!" paliwanag nya

"Ano naman pake alam ko dun?" walang modong tanong ko

"Alam mo Annie.... Perfect na si Richard..... Matalino, matangkad, gwapo, at tsaka malakas na kaya kang protektahan sa kahit ano mang bagay.." paliwanag nito sa akin

"Pero meron parin akong hindi nagustuhan sa kanya..."saad ko

"Ano naman yun?" tanong nito sa akin

"E ano paba? Ninakaw nya lang naman first kiss ko at wala pang permisyo!!!" sagot ko

"tsk, makaalis na nga!" saad ko

...

Richard's POV

Pagkatapos ng ginawa kong katarantaduhan ay agad naman akong kinausap ni Capt. De Leoz

"Mr. Walter ano yung ginawa mo kanina?" tanong nito sa akin

"E ano pa ho ba sir? Edi hinalikan ko sya." sagot ko

"Kakaiba ka talagang bata ka" wika nya na nagsimula ng tawanan

"Teka, totoo bang nililigawan mo sya?" tanong ni sir

"Hindi sir pero gagawin ko rin yon balang araw...." sagot ko

"Oh sige, naiintindihan ko naman sitwasyon mo kaya tutulungan kita nang walang kapalit. Ako na ang bahala sayo." pahayag ni sir sabay alis

Hahahhaha. Ayos! Nakachamba rin! Wala na akong pake alam kung anong sasabihin nila. Ang kailangan ko lang gawin ay kung papaano poprotektahan si Annie dahil sigurado akong may mangbubully sa kanya.

(time check) 5:30 pm

"Ang tagal mo naman Annie." bulong ko sa sarili

Nakita ko si Annie na may kasamang ibang lalaki. Hindi pamilyar ang mukha nya kaya imposibleng isa sya sa mga kapatid ng sino mang nakaupo sa gobyerno. Pero seryoso ba sya?! Pagkatapos ng halik ko sa kanya kanina sasama sya sa ibang lalaki!

"Ah, sige Jake mauna na ako" saad ni Annie

"So sya pala si Jake?" selosong tanong ko

"Oo ako nga si Jake, ah Jake Monteverdes nga pala, manliligaw ni Annie" sagot nito sa akin

"Richard Walter, ako nga pala first kiss ni Annie" pagpapakilala ko na naging dahilan para lumaki ang mga mata ni Annie sa akin

"Ah, Richard mauna na tayo." saad ni Annie

"Hindi maguusap pa kami" pangungulit ko

"Richard siguraduhin mong walang mangyayaring gulo dito." bulong ni Annie sa akin

"Oo, pumasok ka na nga sa loob at mag uusap pa kami." tugon ko

Nakapasok na si Annie sa kotse ko at sa wakas makakausap ko na ng harap harapan itong manliligaw ni Annie...

"Jake, isang paalala lang sayo ha.. Wag kang basya basta susulpot sa maginhawang buhay ko." wika ko

"Diretsohin mo na ako..... Ano bang gusto mong ipahiwatig?" tanong ni Jake

"Madali lang naman.... Ang gusto ko layuan mo si Annie bago maging malala ang lahat." sagot ko

"Sorry ah. Pero sino ka naman para maging strikto sa lovelife nya?" tanong nya na medyo nagpainit ng dugo ko

"Malalaman mo rin balang araw..... Hindi ko masasabi sayo sa salita pero sa gawa.... Oo" huling sinambit ko

Pagkatapos ng usapan ay agad na akong pumasok sa kotse para umuwi....

"Ah, Richard ano pala pinag usapan nyo kanina?" tanong ni Annie

"Ah yun ba, nako requirements lang yon." saad ko

Nagsinungaling nalang ako kahit ayaw ko. Ayaw ko rin naman kasi malaman ni Annie ang tungkol kanina. Nakakainis talaga! Sa oras na makita ko silang dalawa na magkasama, hinding hindi ako magdadalawang isip na bugbugin sya sa harap mismo ni Annie.

.....

Nasa kotse parin kami. Wala ni isa sa amin ang umimik pagkatapos ng sagot ko kay Annie. Bigla nalang tumugtog ang kantang dati sa kotse. Hindi ko naman ito hininto kundi sumabay narin sa kanta.....

"Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari." kanta ko

"Ako yung prinsesang sagip mo palagi." sabay ni Annie sa kanta

Gad!!!! Damn her voice is so beautiful! Maganda na nga sya, malakas, matalino at maganda pa ang boses! I am very impressed with her.

"Ngunit ngayo'y marami nang nagbago't nangyari." sabay naming kanta

'Tsitsikgigik' rinig kong tunog galing sa radyo kaya pinatay ko na ito

(time check) 6:17 pm

Nakauwi na kami sa mansion nila Annie. At alam ko namang makakasalubong namin ang demonyo pero patuloy parin kami sa pagdaan na may ngiti sa aming labi.

"My gahd cassie! Antagal nyong dalawa ah. Nagdate siguro kayo no?" pang aasar ni Glaidel the demon

"Glide, kung sinasabi mong nagdate kami pwes tama ang hinala mo kaya bigyan mo naman kami ng oras makapagpahinga kaya umalis ka na dyan sa pintuan." sagot nito

"Sus di ka lang mabati." saad ni Glaidel

Huh?! Sinabi ni Annie na totoong nagdate kami? Hindi ko na sasabihing nasisiraan sya ng ulo dahil nagustuhan ko ang sinabi nya. Hindi ko na alam sa sarili ko, nababaliw na ata ako.

"Annie!" tawag ko sabay tingin sa akin

"Ah Annie, yung kanina pala bakit ka nagsinungaling?" tanong ko agad sa kanya

"Ahhhhh. Yung kanina? Bakit ayaw mo?hahahba, ayaw ko lang naman pahabain ang usapan." sagot nito

Dumiretso na agad kami sa sarili naming mga kwarto. Hindi ako makatulog. Iniisip ko si Annie, di ko alam. Talagang hindi ko na alam kung bakit ko sya iniisip ngayon. Haysst tama na nga ang drama ko, makatulog na nga!

Annie's POV

(time check) 8:05 am

Mabilis ang oras kaya nakarating na kami ni Richard sa campus. Katulad kahapon sabay kaming pumasok, nakangiti, at hinding hindi pahuhuli sa lahat ang mga bulong bulungan ng mga chismoso't chismosa.

(time check) 8:15 am

"Ok class, next week Saturday ay magkakaroon ng ceremony for senators, governors, and other government officials dito sa campus ng PMA. Ms. Garcia and Mr. Walter kayo ang maglelead sa team. Tutulong kayo sa mga pulis at sundalo na bantayan ang event." Announcement ni sir

" Yes sir!" sabay naming sagot

Ayos! Pinagkatiwalaan ako ni sir kaya gagalingan ko!

.....

Posted na ang chapter na ito!! Wuhoooo!!! Matagal tagal narin hehe

Magpopost ako uli pagkatapos kong manood ng Buruto. Uulitin ko pa!!!!