Richard's POV
Hinihintay ko ngayon si demonyo kasi may gagawin akong katarantaduhan na alam kong matutulungan nya ako. Inip na inip na ako dito sa kwarto. Walang magawa at maraming bawal. Actually hindi talaga kami mag eeml.
"Annyeonghaseyo! Rich kid!"
/annyeonghaseyo-hello/
biglang sigaw ng demonyo nang makapasok sya
"Huy! Tara na!" ani ko dabay hawak sa braso nya
"Oh, bakit? Diba maglalaro tayo ng ml?" agad nyang tanong
"Hindi tayo maglalaro ng ml. Tatakas tato dito!" sagot ko
"Huh?! Bakit naman?!" tanong nya ulit. Hay nako, ang daming tanong ng demonyo.
"May pupuntahan tayong importante at kailangan ko ng tulong mo!" sagot ko
"Game! Alam ko namang pupuntahan mo si Ate Annie kaya let's go!" huh?! Paano nya nahulaan?
Dumaan kami sa lugar kung saan walang tao. Bantay sarado sila. Tingin dito, tingin doon. Maaasahan talaga yung demonyo pagdating sa ganito.
"Huy! Marlon, Lim! Ayusin nyo yung sasakyan ko! May misyon tayo!" bulong ng demonyo. Grabe talaga. Isang utos lang matatapos na. Maaasahan talaga sya.
Nakababa na kami pero bago kami makapunta sa pinagpark ng sasakyan nila ay nilagyan muna nila ako ng jacket na may hoodie. Sakto! Malamig eh.
Aba! Kakaiba yung pinagpark nila. Dun pa talaga sa hindi agad agad makikita. Talino!
.....
Nagdadrive ngayon ang demonyo. Yung tropa nya tulog, yung iba naman nagseselpon. Kakaiba, parang walang pake alam malintikan ng demonyo.
Aaminin ko, takot ako sa kanya. Ang daming rules ang kailangang sundin at pag hindi iyon sinunod baka kung anong mangyari. Pero hindi iyon ang kinatatakutan ko. Strikto kasi sya sa.....
"Rich kid, may kapalit ang lahat ng ito." bigla nyang saad.
"Huh?! May kapalit?" tanong ko
"Oo, ang demonyo hindi yan tutulong ng walang kapalit. In advance, tsaka mo na malalaman kung ano yon kahit napag isipan ko na." sagot nito. Nababasa nya ang isipan ko. Alam nya kasi ang susunod na tanong ko.
Napahinto ang sasakyan dahil traffic. Nakita kong nagselpon muna ang demonyo. Kita ko rin ang sulat sa kamay nya. Nakakapanghinayang lang kasi hindi naman sila bata para magsulat ng ganoong mga bagay. Ang mas nakakuha ng atensyon ko ang cursive na R. Nagtataka lang ako kung bakit hiwalay yung sulat na yon. Yung mga maraming sulat ay nasa likod ng kamay nya tapos yung R, nasa harapan.
"Nagtataka ka ba kung bakit may sulat kamay ko?" saad ng demonyo. Nahuhulaan nga nya. Gagsti, ang talino.
"Parang ganun na nga." sagot ko
"Tsaka ko na sasabihin ibig sabihin nito kapag buo na tiwala ko sayo." grabe sya ah. Mukha ba akong loko loko? Pasalamat sya may takot din ako sa kanya.
"Ang tagal!!!!" sigaw ng demonyo. Matagal talaga. Hindi ko na yata maaabutan si Annie. Gumawa ka naman ng paraan please!
"Kung hindi tayo makakaabot nang mabilis pwes dun tayo sa mas mabilis." saad nito
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Naku! Pag tayo nadisgrasya.
"JUST WATCH AND LEARN" Tanging sinabi nito
Nagmaneho sya sa ibang lugar kung saan walang tao. Kinakabahan ako baka maospital na naman ako. Pero mas lalo pa akong kinabahan nung pabilis nang pabilis yung takbo ng kotse.
Huminto ito pagkalipas ng ilang minuto. Hilong hilo yung tropa ng demonyo sa likod. Eto namang demonyo, walang pake alam.
"Rich kid baba!" sigaw nya sabay tulak sa akin. Hindi na ako nakapagsalita dahil umalis agad. Aba kapal ng mukha iniwanan agad ako ni hindi ko nga alam kung nasaan si Annie.
'ring!!! Riiiiinnnggg!!' tumunog yung phone ko
Tiningnan ko kung sino nagmessage.
Waaaaaaaaaaaaa!!!!!! Demonyo nag message sa akin!!!!
DEMON: YUNG RESTURANT NA SA HARAP MO, NAANDYAAN SI ATE
AKO: BAT MO KO TINULAK?!
DEMON: BASTA, ENJOY YOUR TIME!
Kapal talaga ng mukha. Pero ayus nadin yon kasi alam ko na kung nasaan na si Annie.
Parang bata naman magisip ng strategy si Jake. Dun pa talaga sa Jollibee dinala. Puntahan ko na nga!
....
Annie's POV
"Sayang naman."saad ni Jake
"Bakit?" tanong ko
"Hindi kasi ang first kiss mo. Iba, yung hindi nangliligaw sayo." saad ni Jake
"Selos ka naman?" tanong ko
"Oo" sagot nito. Naku yan na naman sya.
'I'm so sorry but it is a fake love! Fake love! Fake love!' tumunog phone ko
Nakita ko ang message ni Glaidel. Sinagot ko naman ito.
GLAIDEL: MAY SURPRISE AKO!!!!
Eto naman ang surprise ni Glaidel. Baka mamaya may dalhin syang package na may pampagulat at siguradong mapapahiya ako. Hanggang ngayon hindi parin natatapos ang Garcia War 2. Nagkaroon kami ng away kasi dati. Ayoko nang balikan pa. Maayos na kami ngayon kaya hindi ko na dapat balikan pa ang masasamang alaala.
"Sige Annie mamaya na. Punta muna ako ng comfort room." pagpapaalam ni Jake sa akin. Nagscroll muna ako sa facebook at hanggang ngayon patok na patok parin ang issue namin ni Richard. Hay nako! Nakalimutan ko ang tungkol dito!
"Busy ka yata ah." rinig kong sinabi ng isang lalaki galing sa likod ko kaya agad akong lumingon.
"Richard?!" yes si Richard nga. Ano naman kaya ginagawa nya dito? Diba dapat nasa ospital sya?
"Anong ginagawa mo dito?"
"Gusto kitang makita."
"Diba dapat na sa ospital ka?"
"Tumakas ako."
"Huh?! Bakit mo naman ginawa yon?!"
"I hate Hospitals."
"Yun lang? Kailangan mong magpagaling."
"Magaling na ako." sus! Ang kulit!!!
"Tanungin mo pa sa demonyo."dag dag nito. Nandamay pa.
Teka may kinalaman si demonyo? Matext ko nga muna.
Putek! Yon ang surprise! Pag yun nakita ko sisipain ko na sya
Putek! Yon ang surprise! Pag yun nakita ko sisipain ko na sya. Kaso naawa ako sa kapatid ko. Babae na may injury pa. Mamaya hindi na yon makapaglaro ng baseball dahil sinipa ko injury nya.
"Oh. Tingnan mo. Sarili mong kapatid tinulungan ako." ani ni Richard
"Nandito ka pala Richard!" sambit ni Jake sa likuran
"Nandito talaga ako. Susunduin ko na si Annie total hapon na at malapit nang maggabi." nakakaloka. Si Jake ang nangliligaw hindi ikaw!
"Ako ang nanliligaw kaya ako ang maghahatid kay Annie pauwi." saad ni Jake
"I lived in the same house as Annie lives. Kaya ako ang magsusundo sa kanya." naku po beast mode na. Hinila ako ni Richard pero pinigil ni Jake.
"Don't you dare get my girl away from me." ano daw? My girl? Pinaninindigan talaga ni Jake ah. 1 point for Jake hahhaha.
"Ako na lang mag isang pupunta sa bahay. Kesa naman mag away kayo dahil sa akin." saad ko. Aalis na sana ako pero biglang humarang sa akin ang babaitang kapatid ko na demonyo.
"At saan ka naman pupunta?" striktong tanong ni Glaidel. Naku po mabebeast mode ang demonyo. Susundin ko nalang kesa ma grounded pa ako. Ako nga mas matanda pero kung umakto parang sya mas nakakatanda.
"Uuwi." tipid na sagot ko
"Sumabay ka kay kuya rich kid." utos nito
"Huh?!" gulat kong sambit. Bakit naman ako sasabay? Loko loko ba sya?
"Bakit nam---" itutuloy ko na sana kaso biglang sumingit ang demonyo.
"Susunod ka or el---"
"Oo na." pinutol ko ang pangungusap nya. Alam ko naman ang pananakot nya na ayaw kong malaman ng iba. Ayaw kong mapahiya. Gagu ka talaga Glaidel!!!
"Rich kid, gamitin mo Bugatti Veyron ko." seryoso ba sya? Ipagkakatiwala nya ang pagmamay ari nyang top 1 car sa buong mundo sa isang mokong 'to? Eh nabangga na nga ni Ric ang sarili nyang Mercedes-Benz yung Bugatti Veyron pa ni demonyo? Sabagay mas mayaman ang demonyo kesa sa amin ni sister senator.
"Ayus yan ah." saad ni Ric
"Annie let's go." yaya ni Ric
"Papaano si Jake?" tanong ko
"May sarili yang kotse. Iwan na natin yan. Sya ang mag aadjust total sya ang manliligaw." seryosong sinabi nya. Ang sama ng tingin kay Jake. Ewan ko ba sa mokong yan kung bakit mainitin ang ulo kay Jake.
....
"Hoy dora! Gising na!" aaargh! Sakit sa tenga!
"Ano ba Glaidel ba't mo ako gini--- Richard?" anong ginagawa ng mokong 'to sa kwarto ko?
"Oo ako nga. Meron pabang iba?" hayst ka aga aga binabadtrip ako ng mokong 'to
"Hoy mokong anong trip mo para gisingin ako?!" nakakaasar na sya ha!!!
"Gusto lang kitang asarin. Mas gusto kong makita yung mukha mo kapag naaasar." sige asar pa sa susunod bali na yang buto mo
"Umalis ka na dito mokong!!" sigaw ko sakanya
"Hindi ako aalis dito dora!" sigaw nya pabalik.
"Wag mo akong tawaging dora!"
"Eh gusto ko. No one can stop me. Dora. Ang cute mo kaya dito. May bangs ka pa oh." kakainis ka na!!!!!
"Bakit mo naman ako ginising mokong?!" inis kong tanong. Ang sarap ng tulog ko sinisira nya!
"Magsisimba tayo! Linggo ngayon noh!" Ay oo nga pala! Linggo ngayon! Salamat nalang at ipinaalala ni mokong.
"Hoy dora! Bilisan mong maligo at baka mahuli pa tayo!" tsk, kung makautos kala mo kung sino.
"Oo na! Eto na oh! Maliligo na! At umalis kana!" tinulak ko nga palabas
....
(time check) 8:46 am
"Dora!!!! Bilisan mo at malapit na magsimula!!!!" ingay mo mokong
"Palabas na nga oh!" sigaw ko pabalik
"tsk, simpleng bagay ang tagal magawa." bumulong pa rinig ko naman
"Tara na nga! Ikaw magdrive!" utos ko kay mokong
"Hindi ako alipin para pag utusan mo. Pero gagawin ko 'yon para sayo." huh?! Ano sabi nya?
"Ha?! Anong sabi mo?!" check ko lang baka nabingi lang ako
"Hakdok! Napakabingi naman neto. Ang sabi ko hindi ako alipin para pag utusan mo. Pero gagawin ko dahil magsisimba pa tayo." yun pala. Bingi lang talaga siguro ako.
....
Hayyyy. Salamat at tapos na ang pagsamba. Nung tumutunganga si mokong parang parehas sila ni Jake kung tumunganga. Parang medyo may pagkakahawig lang ang dalawa.
"Huy mokong! Antok na antok ka ah." yes antok na antok sya dahil ata kanina
"A-ang dilim----" my ghad! Nahimatay si mokong!
"Mokong! Mokong!" hindi 'to prank. Patay ako neto.
Binuhat ko si mokong papuntang sasakyan. Ako muna ang magdadrive total may licence naman ako. Tsaka malapit lang naman ang bahay galing dito. Problema nga lang.... Ang bigat!
"Oh ija! Anong nangyari?" nag aalala na si Manang Elizabeth
"Nahimatay po." tipid kong sagot
"Di ba dapat nasa ospital iyang si Richard?" Naku oo nga pala! Tumakas sya kahapon sa ospital!
"Eh tumakas po itong si mokong este Richard. Tinulungan pa ni demonyo. Kaya siguro ito nabinat." paliwanag ko.
....