Chereads / Military Lovers / Chapter 13 - THAESM ORGANIZATION

Chapter 13 - THAESM ORGANIZATION

Glaidel's POV

Matapos ang isang mahabang byahe ay nakarating narin kami kung saan kami pupunta.

"Glide! Saan ba tayo pupunta?! Baka malate pa tayo nan sa auditions! Hindi pa tayo matanggap!" si Angel na masyadong praning dahil gustong gusto nya talagang makapasok sa isang grupo.

"Kailangan natin ng swerte." sagot ko sa kanya

"Swerte?! Eh naandito nga tayo sa sementeryo! Maraming patay dito alin ang swerte dun?!" praning na talaga ang beauty guru

"Ulul! Dito nakalibing sila tito at tita! Respeto naman sa magulang ni Glaidel oh!" Himala! Ang bida bida naging active na naman! Si Marlon yun ano ba kayu!

"Matagal tagal na rin kasing hindi nakakadalaw si Glaidel dito dahil abalang abala tayo sa practice natin para sa audition." cold na pagkasabi ni William. Kahit kailan talaga, sya ang serious extravert ng grupo.

"Maniac! Savage!" naglalaro nanaman ng ml si Lim. Jusko! Kahit sa sementeryo ay naglalaro padin!

"Umayos kayo! Dadalawin na nga natin ang mga magulang ko nag iingay padin kayo!" suway ko sa kanila

"Kahit nakalibing na ang magulang nya, feeling parin nya na buhay sina tito't tita. Ganon nya kamahal sina tito't tita." seryosong saad ni William

"Kahit na! I know my parents, they don't want some much noise!" napasigaw nalang ako. I am so over acted! Iniisip nila na para sa akin ay buhay parin ang parents ko, but it is not the reason. I just want respect. Hindi ko lang nirerespeto ang mga magulang ko kundi ang ibang nakalibing dito.

"Galet na galet! Gustong manaket!" si Lim na busing busy kakaml

"Aggghhh. Please not now! I don't want to get pissed. May audition pa tayo!" hindi ko na alam kung anong gagawin sa mga taong to

"But you are already pissed Glaidel. Kasimpleng bagay umiinit na ang ulo mo. Ang bilis mo talagang mabadtrip." si Lim

"Alam nyo, mauna na kayo sa arena. Susunod nalang ako. Mas nakakainis kung sasamahan nyo pa ako dito. Chupe!" sambit ko sabay paalis sa kanila.

"Eto na! Basta besh ha. Wag kang malelate. Malaking organisasyon yon." pagpapaalala ni Angel

"Oo. Wag rin kayong mag alala may sasakyan akong tinago kaya mabilis akong makapunta doon." saad ko sakanila tsaka sila umalis

Pinuntahan ko nang tahimik ang puntod ng aking mga magulang. Matagal ko na ring hindi ito nabibisita. Dito kasi ako nagpapalakas ng loob sa tuwing kinakabahan ako. Hindi man halata sa akin na kabahan pero sa kaloob looban sobrang kabado ako.

"Naandito ka pala." boses ng isang pamilyar na lalaki

"Huh?" salita ko sabay lingon

"Wazzup Glaidel." bati nya

"Kuya!!!!!" ang tagal ko nang hindi nakikita si Kuya Kyle. Yes si Kuya Kyle nga. Mahug nga sya. Tsk parang bata naman kilos ko, 22 years old na ako tapos ganito parin ako. Hehe

"Bakit ka pala naandito? Diba may pasok ka pa?" tanong ni kuya

"Kuya may sinasalihan kami. Auditions. Kasama ng tropa ko." nakangiting sagot ko

"Oh edi nasaan sila?" tanong nya ulit

"Pinauna ko na. Alam mo namang mainitin ang ulo ko." natatawang sagot ko sakanya

"Ikaw talagang babaitang ka." natatawang saad nya

"Ano pala ang audition na sasalihan nyo?" my ghad! Hindi pedeng malaman ni kuya ito

"Basta! Yung audition na yon ay hindi basta basta pwedeng salihan ng lahat. It is a unique audition. Kailangan mo doon ng katalinuhan, lakas, bilis, pati pasensya. Bibihira lang ang mga taong nakakapasok doon. Kaya hindi dapat namin ito sayangin." buti nalang at hindi ako nadulas sa pagsasalita

"Alam na ba ito ni Louise?" tanong nya

"Hindi pa kuya." nakangiting sagot ko.

"Now kailangan kong sabihin sa kanya." WHAAAAAAT?

"Hell no!" no no no no! Hindi pwede!

"Then why? Para kung makapasok man kayo ay matutuwa sya." my ghad! Sa isang big time organization kasi kami papasok!

"Basta! Big time yung papasukan namin! Hindi nya dapat malaman! Magtatanong naman iyon ng isang katerba at baka madulas ako!" nasigawan ko tuloy sya

"Organization ba yang papasukan nyo?" seryosong tanong nya

"O-opo" nakayukong sagot ko

"Ano ba yang organization na yan?" seryosong tanong uli nya

"T-thaesm organization." nakayuko pa rin ako

"Hmm. Not familiar. Pero sa oras na malaman ko yang Theasm org na yan at kapahamakan pa ang dala, isusumdong kita sa girlfriend ko." Louise nalang sana ang itawag wag ng girlfriend. Sobrang proud eh.

"Please wag!!" pagmamakaawa ko

"Bakit naman?" tanong nya

"B-basta" pautal utal kong sagot

"Bakit ka naman kasi takot sa ate mo?" takot na kung takot basta ayaw kong malaman nya

"Ilalagay na naman nya ako sa 13th floor ng Raquvuis Hotel nina William." nahihiyang sagot ko

"Haha! Yun lang?! Pamahiin yun gide!" palibhasa hindi nya alam nadanas ko nung mga araw na nandoon ako

" Eh kung ikaw kaya kuya ang pumunta doon!" inis kong sambit

"hahahahahahahaha! Wag na!" I hate this creature dude

" Bakit ka ba naandito?" pagiiba ko ng topic

"Binibisita ko lang naman magiging manugang ko." advance magisip tong sensdor na to ah

"Sus! Si mama lang pala binisita mo! Alis na ako. Bye kuya!" tsaka umalis na ako

Hindi na ako inabala pa ng boyfriend ng ate ko. Balak atang magpropose na. Hindi ako papayag. Kung magpapakasal sila, hindi na ako dadalo.

Sumakay na ako sa Dodge Tomahawk V10 Superbike ko. Ganyan ako ka big time hehe. Tinago ko lang banda sa sementeryo para hindi madaling makita.

Pinaandar ko yung motor tsaka pumunta sa arena. Baka malate ako huhu!

After 24.09 minutes ay nakapunta na ako sa arena. Kitang kita na alalang alala si Angel. 30.45 minutes pa. Sus! Over Active.

"And your demon is here!" agad kong saad nang makalapit sa kanila

"Nasaan ang tatlo?" tanong ko kasi si Angel lang ang nakita ko

"Glide! Nagsimula na! Unang inatake yung tatlo!" waaaaaaaaaaat?!

"Nagsimula na?! Diba ladies first?!" biro ko

"E gago ka pala!" oo na ako na tong gago

"Eto ang pinasok natin. Wag kang mag alala dahil ilang araw na pag eensayo natin, hindi yon mabibigo." seryosong saad ko

"Magagamit nila ang lakas nila depende sa ugaling pinapakita nila." saad ko uli

"Huh?! Wala naman yan sa training diba?!" si Angel

"Wala nga pero pwede nila yun magamit. Para mahirapan ang mga kalaban, kailangan nilang ibahin ang mga ugaling nakuha nila sa pag iimbestiga nila sa atin. Segu segundo kong nakikita ang mga sunod sunuran nila. Iniimbestigahan nila tayo para malaman nila kung anong kahinaan natin. Si Lim na madalas na mag chicks. Kahinaan nya ay maganda at sexing babae. Kaya ko sya pinalaro ng todo kanina para puro gaming skills ang magamit nya sa laban. Si Marlon naman na pabida. Kahinaan nya ay magyabang. Why? Kase habang nagyayabang sya ay pwedeng umatae ang mga kalaban. Si William. Normal lang at hindi ko mabasa ang kahinaan. Kailangan nyang magpatuloy sa pagiging cold nya para mahirap mabasa. At ikaw Angel. Maarte ka. Pero sa oras na hawakan ka nila ay bugbod sarado yung mga yun. Problema nga lang pranka ka. Alam ko na kung anong gagawin ko. At paghahaluhaluin ko yon." pagkatapos ay pumunta na akong arena para simulan ang audition ko

.........

Wazzup!!!

Xhaw chaw! New update!

May kasosyo na ako ngayon kaya nasali ko ang THAESM ORGANIZATION. Ipopost ko nalang kung sino ang kasosyo ko. Nakalimutan sa dami ng projects eh. Hintayin nyo nalang ang gagawing kalokohan ng RED SINS.