Richard's POV
Naandito kami ngayon sa mall ni kuya, bumibili ng damit para sa ceremony. Tsk, ang rami na nga ng damit sa bahay bibili pa. Parang babae.
"Anong suit gusto mo?" tanong ni kuya
"Dinner suit nalang kuya. Black tie."
"Ganoon nalang din ang sa akin. Maghanda din tayo ng summer suit kasi next day pupunta tayong beach."
"Ano na naman yan?"
"Doon gaganapin ang birthday party ng anak ng presidente."
"tsk, kahit normal summer outfit nga lang okay na eh."
"Pero anak kasi ng presidente."
"Oh eh kaano ano naman natin yun?"
"Pinsan sya ng girlfriend ko Richard. Kaya invited tayo."
"Bumili na nga lang ta---"
'bopgsh'
'sukilik'
'tiieeeng'
God dengit! Nadulas ako!!
"Richard!!!!........" hindi ko na narinig si kuya sa sobrang sakit ng katawan ko
"Tch tch tch. Lalapitin ka talaga ng aksidente binata." y-yan na naman si tanda
"I-ikaw yung s-secret admirer n-ni Glaidel d-diba?" utal utal kong tanong
"Secret admirer daw, ampucha! Hahahhhahahah hahahhahshsh!!!!!"
"Kung h-hindi, s-sino ka?"
"Bukas na, naghihintay sila sayo oh."
.......
"Sunod sunod ang karma ng ugok na to talaga." babae ang boses.. Si Annie!!!!
"N-nasaan ako?"
"Tsh, sabi ko na nga ba at yan ang sasabihin mo. Nasa mall parin tuleg!"
Huh? Mall parin?
Tiningnan ko ang paligid. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, tingin sa taas, tingin sa baba, tingin sa harap.
"OA mo. Tayo bilis!"
"Ang sama mo!"
"Talaga!" tsk, now I hate her
"Oh, gising ka na?" salamat nalang at dumating si Ate Lou
"Hindi ba halata ate? Ayan oh! Tulog na tulog dalhin nyo na sa ospital." sarkastikong wika ni Annie
"Tsk, buti nalang at nakabili na akong damit. Kain muna tayo, magtatanghali na rin naman." si kuya
"Kuya, suggest ko sa Thai Tanic tayo kumain." si Annie na akala mo sya yung totoong kapatid kung makatawag ng kuya
"Taiwan foods!" masiglang wika ko
"Thailand foods tanga." makatanga naman to oh
.......
Nakarating na kami sa resto at talagang parang nasa Thailand ka. Maging ang kasuotan nila ay iba.
"Ma'am and sir here's your seat." automatic ah
Binigay sa amin isa isa ang menu. Kung makikita mo ang presyo ng bawat isa ay hindi ito bababa ng P375.
Ang mahal!
"Ah bigyan mo kami ng apat na Tom Yum Goong.... Apat na curry... At apat na Khao Phat. Dagdagan mo na ng drinks, yung pinakamasarap." gastos talaga ni kuya. Mas magastos pa nga sya kesa kay Ate Lou eh.
"Your order can be serve within 15 minutes." saad ng waiter tsaka umalis patungong counter
"Haaaayyyy, grabe na si Glaidel ah." biglang saad ni Annie
"Bakit naman napasok sa usapan si demunyo?" tanong ko.
"Tsh, wala ka pa talagang alam."
"Hoy! May alam ako!"
"So may alam ka sa koneksyon ng resto na to kay Glaidel?"
"M-may alam ako p-pero hindi l-lahat."
"Tsh, nauutal pa ang g*go."
"Hmmp! Ano nga ba ang koneksyon ni demunyo dito sa resto?"
"Mood swings... Halika.." yaya nya sa akin. Bubulong ata nya sa akin.
Lumapit ako sa kanya para marinig ang ibubulong nya sa akin. Akma na nya sana akong bubulungin kaso-----
*Wooosh*
Gagi! Nakakakiliti! Hindi nya binulong pero hinanginan nya tenga ko!! Teka... Tama ba expression ko?
Nauwi sa tawanan ang tatlo habang ako badtrip na badtrip dahil sa ginawa sa akin ni Annie.
"Bunso.... Hindi ko pa nasasabi sayo to pero..... Ang resto na ito ay isa sa mga pag aari ni Glaidel. Namana nya ito sa ama nya I mean sa lolo nya..." wala nga talaga akong alam
"So sya yung heiress?"
"Dati"
"dati?"
"Dati"
"Dati?!"
"Dati nga daw ang kulet! Sarap ibalibag kay gguk eh." biglang sumingit si Annie.
Sino si Gigook? Mga babae nga naman oh
Maya't maya pa ay dumating na ang pagkain.
Ang saaaaarrrrraaaaaapppp!!!!!
Una kong tinikman ang tinatawag nilang Tom Yum Goong.
"K-kuwa.... A-ang ahang!!!!!" hindi ako makapagsalita ng maayos dahil maanghang to
Taaaaangggggggnnnnaaaaa!!!!!
Natawa pa ito bago ako tulungan. Ang sama niya! Agad akong pinainom ng malamig na tubig. Hindi ko talaga kaya ang anghang nito!
Mga isang minuto bago mapawi ang anghang. Tiningnan ko si Annie na tuloy tuloy lang sa paghigop ng Tom Yum.
Hindi ba sya naaanghangan?
"B-bat parang sarap na sarap ka pa ata jan sa kinakain mo? Hindi ka ba naaanghangan?" tanong ko kay Annie
"Hindi." tipid nitong sagot
"Paano nangyari yun?"
"Simple lang.. Si lola kasi bicolano. Diba ang mga taga Bicol nakakakain ng maanghang?"
"Tsk, swerte mo."
"Hahahahhaha" tumawa sya at tinuloy ang pagkain nya ng PAGKAIN.
Kinain ko naman ang tinatawag nilang Khao Phat. Masarap ito. Parang fried rice lang pero Thialand version.
Kinain ko naman yung curry. HINDI CHICKEN CURRY. Masarap din naman pero mas masarap yung Khao Phat para sa akin.
Umorder ulit si kuya dahil nga magastos sya. Kaya nung dumating yung mga pagkain ay isa isa ko naman itong kinain.
Una kong kinain ang Tom Kha Gai. Parang may lasa syang coconut.
Pangalawa naman yung Gaeng Daeng or Red Curry. Masarap sya.
Tapos kumain naman ako ng Pad Thai. Fried noodles sya tapos parang may pa curly yung itsura. Ang sarap.
Lahat ata masarap eh. Hindi ko lang siguro pinagtuunan ng pansin to kahit nakapunta na kaming Thailand. Puro ako Caldereta eh.
Pero... Nagiging misteryoso na si Glaidel ah. Isipin mo sya yung...
Stockholder ng ASIA. Yung paaralan na nag aaral kami ngayon.
May ari netong resto.
Ewan ko nalang yung iba. Siguro kailangan kong isulat yun sa notebook ko. Dalawa palang ang nalalaman ko tungkol sa kanya.
"Tsh, sarap na sarap ka dyan ah." boses ni Annie
Ako ba kinakausap nya?
"A-ako?"
"Alangan! Sino pa ba ang kausap ko? Multo?!"
"Baka lang kasi sila ku---" hindi ko natuloy kasi nakita kong wala sila kuya at Ate Lou.
"Sa sobrang tutok mo dyan sa pagkain mo, hindi mo sila nakitang pumunta sa office ng manager."
"Office ng manager?! Anong meron?!"
"Tsh, panic ka agad eh. Alangan kakamustahin nila itong resto. Para makapaghatid ng balita sa kapatid ko."
"Ahhh" hindi na nya ako pinansin bagkus tinuloy na nya ang pagkain nya. Sya yung sarap na sarap eh.
Hindi ko tuloy maiwasang titigan sya..
Tugdug....tugdug.....tugdug.....
..........
Wala na akong ma io author's note. Okay na to
Nagmamahal bilang kaibigan (haha prendzown ka)
🖊️G.L Neverbroke