Chereads / Military Lovers / Chapter 19 - Missing

Chapter 19 - Missing

Annie's POV

kanina pa tingin ng tingin etong richard nato. Pinaghihinalaan ata ako ng loko. Dapat nga si Gliding Fortnite yung paghinalaan nya, hindi ako.

"Hoy gunggong, ano pinagtitingin mo dyan ha?" hindi na ako makapagtimpi. I hate that kind of stare.

"H-huh? A-ako?" tsh, mangmang

"Sino pa ba gunggong dito?"

"Sira ba ulo mo?! Sa gwapo kong to gunggong ako?! Bulag kaba?!"

"Well, yun ang nasa paningin mo. Masyado kang defensive. Pag defensive ka..... Totoo yun. Tsaka hindi pa sira ulo ko. Buo pa to." tsh, nahahawa na ako sa kapatid ko. Nagaya ko yung linya nya.

"So sinasabi mo ngang gunggong ako?"

"Yah, and that's my point." napairap nalang ito

"Abay--- you're so lucky, I can't punch ladies." tss, pagentle man pang nalalaman

"Annie, Richard... Pumunta na tayong ospital. Bibisitahin natin si Glaidel." singit nila ate at kinuha na ang gamit nila. Thank god so much at makakaalis narin. Hindi naman sa ayaw ko sa resto ng kapatid ko, I just hate stares from other men here in the resturant.

Nagsarili kami ng masasakyan. Yung mga Walter sa sasakyan ni Kuya Shin. Tapos kaming mga Garcia sa sasakyan ni Ate Louise.

A.N: Si Shin po ay si Kyle. Kyle Shin Walter ang pangalan nya.

Nakarating na kami sa ospital kung nasaan si Glaidel. Pinuntahan namin agad agad ang room nito. Kaso---

"Ano po ginagawa nyo dito ma'am and sir?" biglang bumungad sa amin ang isang nurse

"Binibisita ang kapatid ko. Why?" si ate

"Ay miss senator wala na po si Ma'am Glaidel. Nagpadischarge na po sya." sabi nung nurse. Lahat kami ay di makapaniwala.

"What?! Nagpadischarge sya without our permission?! Kailan pa?!" hindi makampante si ate sa nalaman nya I mean NAMIN.

"Kani kanina lang po. Puntahan nyo na po sya sa labas baka maabutan nyo pa po sya." yung nurse

"Yung batang yun talaga!" sabay takbo papaalis

Lumabas kami ng ospital pero wala kaming makita ni isang bakas ni Glaidel.

......

Limang oras na ang lumilipas at hindi parin sya bumabalik sa family house. Kaya naisipan ni ate na pumunta na ng police station.

Nagmamadaling tumakbo si ate sa pulis nang makarating kami.

"Officer! Tulungan nyo po kami. Di namin makita kapatid ko!" naluluhang wika ni ate

I pity her.....

"Ma'am, kalma lang po." sabi nung pulis

"Paano ako kakalma?! Kapatid ko nawawala! Tell to me kung papaano ako kakalma!" halos mawalan na sya ng balanse dahil napapraning na

"Wag po kayong mag alala ma'am mahahanap natin yung kapatid nyo ma'am. Ilang oras na po ba sya nawawala?" yung officer

"Mga limang oras na sir." si kuya Shin

"Eh limang oras pa po pala yun eh. Ang batayan po natin, bente kwatro oras. Bumalik nalang po kayo." sabi nung officer. Tama naman sya. After 24 hours na hindi pa bumabalik ang isa, tsaka na irereport sa pulisya. Eh etong si ate hindi mapigilan.

"E sir! Pagkadating namin ng ospital wala na sya! Hindi namin alam kung saan ba sya nagsuot banda. Kung may nangyari naba sa kanya? Naaksidente ba siya ulit? Hindi namin alam!!" praning na si Louise Garcia.

"Sorry po ma'am. Bumalik nalang po kayo." huling wika ng pulis sa amin tsaka kami lumabas.

"Bitawan nyo ako!" nagulat kami nung sumigaw sya

"Ate, may katuwiran naman po yung pulis. After 24 hours tsaka irereport. Mga limang oras pa naman e. Sabihin ko pa sayo yung laman ng article---" paliwanag ko sa kanya pero hindi ko natuloy

"Kahit na! Wala tayong alam kung nasaan siya! Wag mo akong ma article article dyan dahil alam ko rin ang batas!!!!" sigaw nya uli

"o e alam mo pala." ako

"Hindi ka ba nag aalala Annie? Kapatid mo yun!!!"

"Nag aalala syempre. Kaso may control pa ako sa sarili dahil limang oras palang ang lumilipas. Tsh." wika ko

"Kunsabagay nasa iba tayo ng posisyon. Pangalawa kalang at ako ang panganay! Patay na ang mga magulang natin kaya bilang panganay ako ang may obligasyon sa mga kapatid ko!!" napatigil ako sa sinabi ni ate at napalingon ako sa gawi nya

"Obligasyon ko kayong ingatan, alagaan, PROTEKTAHAN, pasayahin, at higit sa lahat MAHALIN..." tuloy nito at hindi makaimik ang bawat isa sa amin. May punto sya.

"Naramdaman na natin kung gaano kasakit mawalan ng kadugo kaya WAG NA NATING HAYAAN NA MAULIT PA IYON!!" Tuloy nya "Kung away ng mga pulis tumulong.... Ako mismo ang kusang hahanap sa kapatid 'KO'" tsaka sa umalis sa kinatatayuan nya

"L-lou!/ate!!/ ate lou!" sabay sabay naming pagtawag pero hindi parin ito nagpaawat bagkus ay nagpatuloy parin ito.

.......

Nagtanong tanong kami sa mga kakilala ni Glaidel kung alam ba nila kung nasaan ang batang yon. At palagi lang nilang sinasagot ay hindi.

Sinubukan din naming puntahan ang mga lugar na posibleng naandoon siya. Kaso wala kaming makita ni isang bakas nya. Gusto kong puntahan ang sarili niyang bahay kaso hindi namin alam kung nasaan ito. Nilibot na namin ang buong Laguna pero hindi namin siya makita.

Iisa nalang ang posibleng puntahan nya.

Sa sarili nyang isla

Kaso malayo iyon. Nasa dulo ng Pilipinas. Sa may bandang Batanes.

........

Wala kaming makita ni isang bakas ni Glaidel. Halos mamatay na si Ate Louise sa pag aalala dahil labin dalawang oras na ang lumilipas. Wala kaming mapala kaya napagdesiayunan naming umiwi muna.

Nang makarating kami sa bahay, nag aabang na doon si Manang Elizabeth. Alalang alala dahil sa nangyayari. Pinagpahinga muna nito si ate at hinatidan ng pagkain. Pagkababa nya ng hagdan ay kumuha ito ng malamig na tubig at ibinigay sa akin ang baso saka nya ito nilagyan. Kumuha din sya ng kanyang maiinom.

"Ano bang nangyari ija?" bungad agad nito sa akin.

"Bumibili po kami ng mga damit na masusuot sa birthday ni Jenalyn. Nakasalubong namin sila Kuya Shin at si Richard naman po nahimatay dahil nauntog. Nung magising sya, kumain nalang po kami sa resto ni Glide pagkatapos napagdesisyunan namin na bisitahin si Glaidel sa ospital. Pagkapunta namin.... Sinabi ng nurse na nagpadischarge na sya. Doon na nagalala si ate."

Kinuwento ko ka ang ibang nangyari kasama na doon ang pagwawala ni ate sa pulisya.

......

Thursday

Hindi parin umuuwi si Glaidel at wala pa kaming contact sa kanya.

Friday

Ganun padin. Same sa Thursday.

Saturday

Birthday na ni Jenalyn at wala pa din sya. Walang tigil sa pag iyak si ate dahil di parin umuuwi sa bahay ang mahal naming bunso.

*front door opens*

Agad kaming napalingon at nagulat kami kung sino ito.

S-sya?!

..........

Okay uwu!!!!!

Sino si 'sya'? Si Glaidel kaya? O may iba pa?

G.L Neverbroke 💎

GlevDaredevil