Chereads / Military Lovers / Chapter 20 - Party

Chapter 20 - Party

Annie's POV

Unti unting bumukas ang pinto at ang iniluwa nito ay----

"G-glaidel?!" gulat kong wika

"Ako nga." walang emosyong turan nito sa akin

"Ghod! Buhay ka pa pala?" di makapaniwalang saad ko. Kamakailan lang nawala tapos ngayon aarte na parang walang nangyari. Ghod!

"Buhay pa naman ako. Para ka namang nakakita ng multo." wika nito at lalapit na sana ako para yakapin sya kaso---

"At saan ka naman nanggaling Glaidel Garcia?!" singit ni Ate Louise

"Dito parin naman sa Earth. Hindi pa ako pumupunta ng Mars kaya chill ka lang." ghod! Pilisopa talaga itong panda duck na ito.

"Grrr! Alam mo bang halos mamatay na kami sa pag aalala?!" si Ate Louise

"IKAW lang ate." pagtatama ko sa kanya

"Hindi ko alam." tingnan nyo? Kahit sumabog pa kami sa galit, mamimilosopo yan. Ganyan yan kademoynita. Ghod!

"Grrr! Edi sana isiisip mo na mamatay ako sa pag-aalala nung mga araw na nawawala ka" sigaw ni Ate Louise

"Edi mamatay ka." si Glaidel

"Huh?! Ano?!" si ate

"Tss, mas mabuti nang mamatay ka sa pag-aalala kesa sa tama ng baril o sa sakit na tinamaan ka sa taong hindi ka naman kayang mahalin pabalik."

"Mas mabuti nang mamatay sa tama ng bala o dikaya sa sakit basta alam kong ligtas sya o dikaya masaya na sya!"

Tsh, usapang pampamilya napunta sa usapang lovelife. Iba na talaga ang mundo ngayon.

"Minsan kailangan mo ring mag sakripisyopara sa kanya" tuloy ni ate

"At kailangan nya ring magsakripisyo para sa iyo. Wag mong hahayaan na ikaw palagi ang magsasakripisyo masasanay yun at pag nangyari yun, pangako... Bubugbugin ko yun." onting angas pa Glaidel. Tsk, tsk, tsk.

"Umiiba na ang usapan! Alam mo bang tinanong na namin lahat makita ka lang?!" si ate

"Hindi ko rin alam." tsh, kita nyo na?

"Argh! Saan ka ba kase nagsisisuot kang bata ka ha?!"

"Sa company"

"S-sa company lang?!"

"Bingi ka ba loumador? Sa company nga. Tinanong nyo na ba si chairman?"

"H-hindi"

"Tss, akala ko ba natanong nyo na lahat maski aso, damo, libro o di kaya ano pa mang uri ng tao yan. Baket?"

"Anong baket?"

"Baket nyo hindi tinanong kay chairman?"

"Kase pag nalaman nya na may nawawala sa mga anak ni Ryan Michael Garcia, sasabog yun sa galit."

"Tss, yun lang?"

"Oo, pero bakit ka nagpadischarge agad? Wala na bang sumasakit sayo?" ang inis na pinakita kanina ni ate ay napalitan agad ng pag aalala

"hahaha, wala na ate at oa naman kung limang araw akong magpapaconfine diba? Natamaan lang ng bala... Besides gising na ako. Wala rin namang magawa sa ospital. Wala narin akong balak bumalik doon." sagot ni panda duck

"Tsh, e pano yan? Nasa field ka ng medicine ka pa naman. Babalik at babalik ka parin sa opsital." singit ko

"Tanga! Bumalik bilang pasyente kasi."

"Makatanga naman to oh."

"Hahhahahaha" luh? Parang baliw, biglaang tumatawa.

"Bakit ka tumatawa panda duck?"

"Flex ko lang si Lounador. Navideohan ko kasi yung mga panahong praning na praning sya kakahanap sa akin."kaya pala. Naandoon sya, nagtatago lang.

"I delete mo yan!" si ate na nag uusok na naman ang ilong at tenga

"Ayoko nga."

"Delete mo sabi!"

"Pag AYOKO, AYOKO. Ispell ko pa sayo?"

"Mga anak! Maghanda na kayo. Ngayon ang party diba?" biglaang sumingit si Manang Elizabeth na bihis na bihis na ngayon

"Woah!!!!! Ganda natin ngayon manang ah!" papuri ko sa kanya

"Maganda ka ba?" -_- masasampal ko si Glaidel nang wala sa oras

Napuno ng tawanan ang sala.

"Mano po manaynay." tsh, nang asar pa kay manang

"Ikaw talagang bata ka. Halika nga. Hug kita." so sweet. Parang sya na yung nanay ni Glaidel. Kaso hindi sya yung nanay namin.

.......

Nakapaghanda na kami para sa party. Nagdala narin kami ng mga damit dahil lahat ng aatend ay didiretso sa beach pag madaling araw na.

Nakasuot ako ngayon ng long white halter dress na binili namin sa mall.

........

Nakapunta na kami sa venue kung saan gaganapin ang party. At himala, naandito ang gunggong. Lapitan ko nga

"Oh, gunggong.. Dito ka pala."bungad ko agad sa kanya

"G-gunggong? Sino?" tsh, mangmang

"Sino paba kinakausap ko? Hangin?"

"Malay ko." -_-

"Ikaw yun tanga."

"Ako?! Sa gwapo kong to?! Gunggong ako?!"

"So ano ka? Gurunggong?"

"tangina naman oh." wika nya saka humarap sa akin at tiningnan ako mata sa mata "Alam mo, bawas papogi points ka eh noh." syempre babanat ako. Gagayahin ko muna linya ni Glaidel. "Hindi ko alam."

"Oh! Mamaya na kayo maglandian! Kakahiya naman eh. Hindi ko mabibigyan ng hustisya ang mga single dito." singit ni Glaidel na nagpatawa sa BUONG CROWD.

........

Richard's POV

Kakainis etong Annie na to. Grabe! Lakas mangtrip! Tang1na naman oh.

Pumunta kami sa kanya kanyang lamesa. At minamalas pa nga ako dahil kasama namin sa iisang table ang mga Garcia. Tsk, tsk, tsk. Tadhana nga naman oh.

"Chairman G!" sabay sabay na bungad ng mga Garcia sa matanda. Lolo nila ata. Buhay pa pala lolo nila.

Umupo ang matanda sa bakanteng upuan na natitira. Naupo narin ang mga Garcia. At kay malas ulit, nasa harapan ko si Annie.

Nag-usap saglit ang mga Garcia kasama ang lolo nila. Tawag nila chairman. Parang medyo familiar sya.... Ewan ko! Basta! Kinausap din ng matanda ang mga magulang ko.

"Ah, ikaw diba ang boyfriend ni Louise?" tanong ng matanda kay kuya

"Yes po sir." masiglang sagot nito

"Don't call me sir... Chairman nalang." tsaka lumingon ang matanda sa gawi ni Ate Lou

"Ang galing mong pumili ng lalaki Louise. Matalino, gwapo, mayaman. At higit sa lahat mabait. An ideal man na talagang magugustuhan ng mga babae." wika nito. Lumingon naman sya sa gawi ko

"You are?" tanong nito

"Richard Jace Walter po. Kapatid po nya." sabay turo kay kuya. Malayo kasi sa akin. Napapagitnaan kami ng mga magulang namin

"You had a nice name huh."

"Thank you chairman." me trying to be formal infront of them

"You're welcome. Pero teka lang, may namamagitan ba sa inyong dalawa ng aking apo na si Annie?" agad na nanlaki ang mga mata ko pati narin si Annie

Dug dug dug dug dug

"Hell none!" sabay pa kami

...........

Ǥℓ♛﹄𝒩eͥveͣrͫ𐐚r͢͢͢𝓸ke﹃