Chereads / Military Lovers / Chapter 12 - Mu-Sick

Chapter 12 - Mu-Sick

Annie's POV

Takas nang takas si mokong sa ospital kaya nabinat. Ang taas ng lagnat! Buti nga wala si ate eh. Pero..... Nasaan kaya si demunyo pati si ate senador?

*riiiiiinnnggggg!* sino kaya tumatawag?

"Hello?"

[Hi Dora!] putek na yan. Nasa iisang bahay pero tumatawag! Ano yon?!

"Magpahinga ka na."

[Punta ka sa kwarto ko. Hindi ko alam kung nasaan tablet ko.] tumawag pa, uutusan lang pala ako.

"Eh bakit ako pa ang gagawa?"

[Wala si manang. At tsaka may sakit ako diba?]

"Huh?! Nasaan sya?!"

[Ewan ko.]

"Pupunta na nga ako dyan. Basta matulog kalang mokong!" inend ko na ang tawag. I am curious lang. Nung una wala si demunyo pati si ate. Tapos ngayon si manang naman.

Nakapasok ako sa kwarto ni Mokong. Tulog na tulog si mokong ahhahahhaa. Mahanap na nga ang tablet nya.

Ayun! Nakita ko na.

"Huy dora!" haysst yan na naman sya

"Bakit nanaman?!" inis kong tinanong. Wala na bang oras para hindi ko sya makasama? Sumusunod na ang kamalasan.

"Wag kang high blood. Akin na yan!" grrrrr! Masyadong bossy

"Oh eto! Aalis na ako!" pagkatapos non ay umalis na talaga ako

.......

"Ija! Tawag ka ng ate mo!" saad ni manang. Nandito na si ate.

"O sige po. Pakihatid nalang po ng juice." para may relaxation din naman baka mabidtrip si ate eh

"O sige ija." saad ni manang tsaka umalis

"Kamusta na ang Dora?" asar, asar, asar. Ganyan din si ate sa akin dahil sa dati kong bangs. Bakit si demunyu, may teddy bear naman na maliit. Demunyung mahilig sa sweets at teddy bear nyang si Bearmon. Hahaha.

"Dora asan na si Rich kid. Pinaalaga ko yun sayo diba?" wala kang sinabing ganun demunyu. -_-

"So pinatakas mo Glide si Richard?" sige lang, pinapunta nyo ako dito kayo lang pala maguusap.

"Ano paba ang gagawin ko? Gusto ko ng kalokohan eh." demunyu talaga

"May kinalaman ka ba dito Dora?" luhh! Nandamay pa!

"Wala yang kinalaman. Pinapaalaga ko lang kasi alam kong mabibinat si rich kid." pls rate nyo na kademunyuhan netong babaitang to

"Demunyu ka talaga Glide."sus! Sinabi mo pa!

"Ate Dora! Speechless?" wag mo akong tawaging dora! 😑

"Bakit may kailangan ba akong sabihin?" niirita kong sagot

"Oo! Ang tagal na kaya nating hindi nakakapagsisterhood meeting." oo nga pala! Simula nung nagbati kaming tatlo hindi na kami nakakapag usap magkakapatid. Ibang klaseng away ha! Hindi yung pambata.

"Hayyy. Gusto ko nang magpahinga demunyu. May pasok pa bukas." pagod na pagod na ako. Makapagpahinga nga muna!

"Tanghali palang ah. Advance mag isip?" la akong pake

"Pwede namang gigising ng hapon di ba?" gusto ko lang magpahinga

"Edi hapon! 'Wag kang magsisi kung hindi ka na magising ah!" grabe sya!!!! Demunyu talaga.

Nakapasok na akong kwarto. Magpapatugtog muna ako ng music. Icoconect ko na lang sa Bluetooth.

Buwan(Parody)

Ako'y sayo ikaw ay aken

Ganda mo sa panengen

Ako ngayon nagiisa

Sana ay tabehan na!

Sa elalem ng puteng elaw!

Sa delaw na buwan!

Pakenggan mo ang akeng segaw!

Sa delaw na buwan!

Ayokong mabuhay ng malungkot

Ekaw ang nagpapasaya

At makakasama hanggang sa pagtanda

Halena't tayo'y humega

Sa elalem ng......

"Huy! Ang ingay!" muntikan nang mahulog phone ko!

"Ay sheteng kalabaw! Sinalo ng palaka!" yan na naman tayo sa surprise words

"Paano naman masasalo ng palaka ang kalabaw? Ano yon weightlifter?" hahaha. Nagjoke tawanan nyo!

"Diba may sakit ka? Bakit ka nandito?" nagsasakit sakitan lang ata eto eh

"Ang ingay kaya! Alangan namang sumigaw ako galing sa kabilang kwarto at sabihing hoy Dora! Ang ingay mo! Eh hindi mo nga yon maririnig dahil ang ingay ng music dito! Para na akong tanga pag sumisigaw, akala mo may kausap! Yun pala yung kausap nya, nagpapamusic ng malakas at hindi man lang naisip na maiistorbo ang kapitbahay nyang kwarto!" haba ah. I am speechless. °_°

"So hindi k-ka ngayon m-makai---" na out of balance si mokong! Sige takas pa more!

"Dapat kasi nagpahinga ka nalang! Tingnan mo!" hindi ko ugaling magkaganito pero himala! Nanenermon ako!

"P-pahiga. N-nandidilim paningin ko." pinahiga ko naman. Naku dadalhin ko na 'to sa ospital

"Maghintay ka. Dadalhin kita sa ospital." may ghad cassie! Kung ichecheck mo yung temperature nya. Naku!!!!!!!! Para kang napunta sa bulkan.

"Ayokong pumunta sa ospital." mahinang saad nya. Hahahhahaha tingnan mo nga naman itsura nya.

"hahahaha" mahinang tawa ko

"Anong tinatawa tawa mo dyan?!" narinig pa nya yon?!

ANG MALAS NG BUHAY!!!!!!

Nalock na naman kami!!! Si demunyu ang may kagagawan netoh.

'vvvvvv....vvvvvvv.....vvvvvv' sunod sunod na nagvibrate phone ko

Pagkatingin ko, aba!!!! Lahat sila wala dito! Kami lang dalawa ni Mokong naiwan sa mansion!!

Si manang nasa palengke, si ate nakipagkita kay Kuya Kyle, at si demunyu naman..... May gagawing kalokohan este misyon. Uuwing may pasa nanaman ang babaitang yon.

Mabuti nalang at may medical equipments ako. Yung simple lang naman, hindi yung feeling professional doctor na kailangan may syringe at kung ano mang iba pa.

"Mokong, ilalagay ko 'to sa ulo mo." paalam muna syempre. Baka mamaya manghampas yan.

"Uminom ka na rin ng gamot." feeling nurse eh noh

"Tempra lang painumin mo sakin." bossy mokong

"Para ka yatang boss kung makautos ah." Inner me: Ihahampas ko na sayo 'tong kahon. Kala mo kung sino pag naka utos.

"Syempre pasyente mo ako at ikaw ang nurse ko. Kaya dito kalang sa tabi ko kahit anong mangyari." sarap batukan

"Huhubaran kita. Magpalit ka ng damit." nako kinakabahan ako dito ah.

Tumango nalang sya. Ayaw ata magsayang ng boses. Dahan dahan kong hinubad ang damit nya baka mas lalo pa syang magkasakit kung bibiglain ko.

"Titig ka naman sa abs ko dora." may sakit tapos mangaasar. Anong klase energy netoh

"Asa ka! Buti nga sayo ko pa 'to pinahiram." hindi ako masyadong gurly para pagtitigan ang abs nya

"Bakit sa akin mo pinahiram? Sayo ba yan? Mukhang panglalaki yan ah." nakangisi pa!

"Una sa lahat, may sakit ka at bawal kang matuyuan ng pawis. Pangalawa hindi sa akin toh. Pangatlo sa....." hindi ko na tinuloy. Ayokong maalala pa ulit ang masakit na pangyayari na naranasan ko sa buhay kong toh.

"Sa???" gusto talagang malaman

"Basta. Wala kana don." potek! Kumirot ang puso ko nung titigan ko yung damit!

"Lumungkot ka ata." kung alam mo lang Mokong, kung alam mo lang

"Hindi ako malungkot. Disappointed ako dahil nakasama pa kita ulit sa kwartong to!" nagsinungaling nalang ako. Ayoko rin namang maging malungkot nang tuluyan ngayong araw.

"Matutulog na nga ako! Sakit mo magsalita!" parang bata

Matutulog muna ako dito sa sofa. Ayokong katabi si mokong. Naghanda na ako ng unan sa baba ng sofa baka mahulog ako eh.

.......

Glaidel's special POV

Umuwi akong may pasa sa mukha pati narin sa katawan. Nako! Pag sesermonan na naman ako ni ate pati ni manang.

"Anak! Anong nangyari sayo?!" nagaalalang saad ni manang

"May pasaway hong pumasok sa teritoryo namin." sila naman talaga nagsimula. Kung hindi sana sila pumasok edi sana wala yung pula sa mukha ko.

"Ikaw talagang bata ka. Kababae mong tao nakikipagbugbugan ka." martial arts lang naman po. -_-

"Ganun din naman si ate dora ah." mangdadamay talaga ako

"Nakikipaglaban pero hindi bugbugan." pinagtanggol pa talaga

"Sabunutan." saad ko kaya napatawa ako

"War freak talaga kayong magkakapatid. Manang mana sa tatay nyo." manang mana talaga

......

Annie's POV

Ang hirap bumangon. Anong oras na kaya?

Haaaa?!?!?! Gabi na! Putek nasaan ako?

Nasa kama lang pala. Ha!! Kama! Diba nasa sofa ako?

"Dora..... Halika.." bulong ng isang babae. Si demunyo pala.

"Bakit?" buti nalang gising na ako kung hindi nabadtrip agad ako

"Manonood tayo ng Hotel de Luna. Wala si ate. Nadownload ko na sa usb ko yun. Confirmed din na walang vurus. " ayus!!!! Pag nandito kasi si ate, hindi kami nakakapanood. Puro balita pinapanood nya eh.

"Dahan dahan lang baka magising si rich kid. Maayos na sya. Kailangan lang nya ng pahinga." nandito pa pala si Mokong. So.... Ibig sabihin... Katabi ko sya!!!!

"Paano ako nakapunta sa kama eh nasa sofa ako?" tanong ko

"Nilipat kita. Malakas kaya ako kaso ang bigat mo. Mahilig kasing kumain." nangasar pa

"Mahiya naman sayo na demunyung mahilig sa sweets. May teddy bear pa!" hahahahah. Nakabawi den.

"Tara na. Hanggat tulog pa si ate pwede tayong makapanuod." sabi nya wala tapos ngayon tulog?

"Eto na oh. Eto na." nakakainis na kasi

Naramdaman kong may gumalaw at maramdaman ko ring may humawak sa kamay ko. Sigurado akong si Mokong 'yon.

"Mukhang hindi ka makakapanuod ah. Bantay sarado si rich kid sayo eh." pinatabi pa kasi ako!!

"tsk. Panira talaga ng moment si Mokong." panira talaga. Manunuod na sana kami kaso paharang naman itong si Mokong.

"Woah. May cs na kayo ah. Kayo na?" waaaaaaah! Hindi ko na kaya kademunyuhan ng mga to!!!

"Manood ka mag isa!" manonood nalang ako sa ibang araw. Bahala syang mapuyat sa klase. Basta matutulog nalang ako.

"Bahala ka! Tatapusin ko na yon! Habang nag eml ako. Hahaha" mythic na nga sya tapos ml ulit. Hindi ako mahilig magml. Hindi rin ako katulad nya na demuyung highschool crush dati.

.....