Chereads / Military Lovers / Chapter 7 - Date

Chapter 7 - Date

Military Lovers

°Chapter 7°

Richard's POV

Mga ilang minuto din ang hinintay ko para makita si Annie at sa wakas ay nakita ko na sya. Pero nakita kong may kasama syang ibang lalaki... Si Jake! What the, si Jake pa talaga? Binantaan ko na sya ah.. Grrr, Fuck! Makaalis na!!!!

Pumunta ako ng classroom ng mag isa at nasa bad mood. Nakakainis talaga ang Jake na yon. Sinabi ko na ngang wag lapitan, nilapitan pa! Mabuti nalang umalis ako kaysa sa makaharap ang lalaking yan! Baka mapahiya pa.

(time check) 2:30 pm

"Bro! Are you ok? Kanina ka pa wala sa modo ah." bigkas ni Tyler

"Ya, I'm ok. May nangyari lang na di inaasahan." tugon ko sa kanya

"Then, what happened?" tanong ni Tyler

"You know bro, mas mabuti pang di mo muna malaman kaya tumahimik kana!" bulong ko kay Tyler sabay pasok ng next subject teacher namin....

I am not on my mood. I don't know why. Hindi naman ako ganito dati sa mga lalaki ah. Hindi naman ako basta basta magpapakulo ng dugo sa mga tao. I do not know why I felt this way sa tuwing kasama ni Annie si Jake. Kakakita ko lang sa kanilang dalawa, nakakaramdam ako ng inis. Ano na ba ang nangyayari sa akin. Am I.....

"Ah, Richard?" a familiar voice came

Tumingin ako sa kanya and it was Ella! My biggest fan!

.......

Annie's POV

Kakatapos lang ng paguusap namin ng mga kaibigan ko nang mapalingon ako kay Richard. Kasama nya si Ella. And because of that napatulala ako. I don't know why. Parang may nararamdaman akong kakaiba nang makita ko silang dalawa.

Bigla kong naisip ang paguusap namin ni Ella kanina. I think yon ang ibig sabihin nya, na gusto nya na mapasakanya si Richard at ilayo ito sa akin para hindi sya mahulog sa akin.

Medyo akong naging matamlay at bad trip simula nung makita ko silang dalawa na naguusap...

"Annie" pamilyar na boses kaya napalingon ako agad. It is Jake! Isa sa mga nangunguna sa pangliligaw sa akin.

"Oh Jake, nandito ka pala." bigla kong sagot

"Ah, Annie may hihingiin sana akong pabor sayo. Kung pwede lang ba? " saad nya sa akin

"Of course! What is it?" tanong ko

"Pwede bang kumain tayo mamaya sa labas?" tanong nya sa akin

Huh? Kain sa labas. Teka parang may naalala ako..... Yup, kakain din kami sa labas ni Richard mamaya. Pero di naman pwede na ipagsabay ko silang dalawa. Pumayag na ako kay Richard e. I think kay Richard muna ako sasama.

" A-e..... Jake may pupuntahan din kasi ako mamaya...." tugon ko

"Ahhhh. Ganun ba, sige mauna na ako" wika nya na parang nalungkot sya sa sinabi ko

"Teka lang Jake!" tawag ko sakanya

"Why?" walang modong tanong nya sa akin

"Baka bukas... Ah. Pwede?" I suggest to him.

Bumalik naman ang ngiti nya.

"Why not? I agree to it." agad nyang sagot

Ayoko syang malungkot nang dahil sa akin kaya baka bukas pwede, total I am free tomorrow.

...

Richard's POV

"Richard, pwede bang kumain tayo mamaya?" Ella asked me

"Sorry may special date pa kasi ako." agad kong sagot kasi gusto kong makasama mamaya si Annie

"Ganun ba, o sige..." huling bigkas nya sa akin sabay alis

Pagkaalis ni Ella ay bigla ko namang nakita sila Annie at Jake naguusap. Hindi ko mapigilang mainis. Hindi ko na talaga alam. Tsaka na nga! Aalamin ko nalang to sa susunod dahil marami pa akong gagawin.

....

Annie's POV

Tapos na ang klase nang hindi ko namamalayan. Medyo nakaramdam ako ng excitement. Siguro dahil kakain kami sa labas ni Richard.....

"A-annie?" kaboses ni Richard

"Yes?" agad kong bigkas

"Can we go now?" agad nyang tanong

"Sige" sagot ko

(time check) 5:40 pm

Matagal tagal ang byahe namin. Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin...

"Ric, saan tayo pupunta?" tanong ko dahil ilang restaurant na ang nilampasan namin

"To a special place." his answer made me curious

Especial? At saan naman yon? Nako mas lalo pa talaga akong na excite.

Ilang minuto rin ang nagtagal bago kami huminto. Hindi pamilyar ang lugar. Bakit nya ako dito dinala?

"Wait bago ka bumaba.... Magblindfold ka muna."

"B-bakit ako magbablindfold?" nerbyosong tanong ko

"It is a special surprise kaya kailangan mag blindfold ka." sagot nya

Hindi ko alam ang ibig sabihin nya kaya mas lalo akong kinabahan. Baka mamaya may iba syang gawin sa akin.

"Wag ka namang kabahan. Gagabayan naman kita papasok. Medyo lubak lubak kasi ang daan." saad nito

Medyo nawala ang kaba ko nang sabihin nya iyon.

"Okay" yan na lamang lumabas sa bunganga ko

Naglakadlakad kami ng kaunti. Totoo nga, lubak lubak ang daan kaya kailangan ko ng alalay nya.

Ilang minuto nang huminto kami. Tinatanggal na nya ang blindfold at halos maging singkit ang mga mata ko dahil matagal tagal itong nakapikit. Nagmukha tuloy akong bagong gising.

Nang buksan ko ng tuluyan ang aking mata ay bigla akong napanganga sa pagkamangha.

"Woah. A-ang ganda!" bigkas ko

"Anong lugar to? Nasaan tayo?" tanong ko

Eto ang espesyal na lugar na sinasabi nya? Ang ganda! Ang simoy ng hangin, awit ng mga ibon, taas ng mga puno. Lahat ng yon nakita ko na hindi ko nakita sa buong buhay ko. Sa syudad ako lumaki kaya ngayon ko lang nakita ito.

" Annie, ito yung sinasabi kong espesyal sa akin. Hindi mo ito makikita sa syudad dahil puro building lang ang meron doon." saad nya

"Paano mo ito ginawa?" tanong ko

"Hindi ko to ginawa. Nakita ko lang ito, sobrang ganda. Dinesignan ko rin sya ng onti para mas lalong gumanda. Napansin ko puro gusali nalang kasi ang nandito kaya I decided to keep it a secret. Ayaw ko kasing may sumira pa ng ganda nito." mahabang sagot nya

" Alam ba ito ni Kuya Kyle o di kaya ng mga magulang mo? "tanong ko

" Actually hindi. Ako lang talaga nakakaalam ang tungkol dito at ikaw ang unang taong pinagsabihan ko." sagot nya

" Bakit ako ang unang nakaalam? "tanong ko ulit

" Cause you are special to me." sagot nya

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko ulit

"E-espesyal a-ako?" pautal utal kong tanong

'Cause you are special to me

Cause you are special to me

Cause you are special to me

Paulit ulit na tumatak sa utak ko. Naguguluhan na ako! Ano ba talaga?

"Yes you are special." sagot nya

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko ulit

"Annie.... I like you...." sagot nito at wala na akong ibang magawa kundi ang manlaki ang mata

Huh?! G-gusto nya ako? P-paano? H-hindi.... Hindi ko na talaga alam!!

"T-tama ba ang narinig ko na gusto mo ako?" tanong ko sa kanya para masiguro

"H-hindi. Mali ang narinig mo. Akala ko kasi ikaw yung.... Basta mali yon! Akala mo ba magkakagusto ako sayo ng basta basta? Hahahahha" sagot nya na naging dahilan para kumirot ang puso ko

Hindi ko alam. Bakit ba masakit sa puso. Ang sakit talaga. Sobra ata akong napaasa.

"Ahhhh. Sige aalis na ako" pagpapaalam ko

"T-teka, Annie!" yan na lamang ang huli kong narinig sa kanya tsaka ako tuluyang umalis.

...

Richard's POV

Nagkamali ako. Ewan ko ba! Hindi ko gawain ang manakit ng damdamin ng iba. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito.

Nasaktan ko ang damdamin nya. I'm so disappointed to myself

"Shit! Fuck! Ano bang pumasok sa isip mo Richard!!!" sigaw ko sa sarili

Pumunta na akong kotse at nakita kong wala si Annie doon. Nag alala ako na baka nawala sya sa daan, nakablindfold pa naman sya kanina kaya di nya nakita kung san kami banda pumasok.

I'm driving now and I am still thinking of her...

'Beeeeep' rinig kong tunog na nagpagising sa akin

"Wah!!!" tanging lumabas sa bibig ko dahil sa pagkabigla

'Booogsh'

H-huling n-narinig k-ko