Chereads / Military Lovers / Chapter 9 - Station

Chapter 9 - Station

Annie's POV

Dinala ako ni ate sa kwarto ko. Medyo kinabahan din ako kasi baka magalit iyon sa akin.

Baka pagdudahan nya ako sa aksidenteng nangyari kay Richard. Mahal nya ang lalaking yon na para bang kapatid na nya. Tinuring nya itong kapatid dahil kay Kuya Kyle ang bestfriend nya...

"Annie... May ilang katanungan lang ako." saad ni ate

"W-what's it?" pautal utal kong tanong

"Nagkita ba kayo ni Richard bago mangyari ang aksidente?" tanong nya

"Y-yes." pautal utal kong sagot

"Tell me... Ano ang ginawa nyo bago mangyari iyon?" tanong nya

"Well... Inanyaya nya ako na kumain sa labas. Pumayag naman ako and...." sagot ko

"And?" striktong tanong

"Nagkaroon lang ng disappointment sa aming dalawa kaya umalis agad ako. Yun lang." sagot ko

"Okay" saad nya kaya nagmadali akong umalis

"Annie!" tawag nya. Lalakad na sana akong papuntang pinto kaso bigla nya akong tinawag.

"Yes ate?" agad kong bigkas nang makaharap ko uli sya

"Isang tanong lang ang kailangan mong sagutin...." seryosong saad nya sa akin

"And what's it?" tanong ko

"Annie.... Tell me the truth.." saad nito sa akin

Medyo nairita na ako. Bakit hindi pa nya ako diretsuhin. Hindi ko nalang muna ipapadiretso dahil halatang bad mood sya.

"Ate... I already told you the truth.. Bakit ang hirap mong maniwala?" pagmamatigas ko

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin Annie.." saad nito sa akin

"Eh. Ano?!" napasigaw ako ng onti

"Mahal mo ba si Richard?!" agad nyang saad nang napasigaw ako sa kanya

"So hindi ka makasagot ngayon? I already knew it. Mahal mo nga sya.." wika nya

"N-no.... Hindi! Kung iyan ang inaakala mo pwes nagkakamali ka ate. Never akong maiinlove sa kanya." agad kong saad. Matagal tagal din akong hindi nakaimik.

"Pero Annie... Iba na ang kinikilos mo... Ibang iba na sa dating ikaw." saad nya sa akin

"W-what do you mean ate?" agad kong tanong

"Hindi ka madaling mabad mood Annie pero ngayon palagi ka nalang wala sa mood. Paminsan minsan nga nakikita kitang pinupunasan ang luha mo sa tuwing dadating ako sa harapan mo or kahit sinong tao ang nakakaharap mo. And last but not the least.... You are obviously curious about yourself. Hindi mo na maintindihan ang nararamdaman mo ngayon!" mahabang sagot nya

'riiiiiing!ring!' pagtunog ng phone ni ate na magpatigil ng usapan

" Sige na Annie... Mauna na ako may importante lang akong gagawin." wala sa modong pagpapaalam nya

"Sige ate" tugon ko

(time check) 10:11 pm

Hanggang ngayon gising parin ako. Palagi kong naaalala ang tinanong sa akin ni ate. Kahit sarili kong sagot.... Kumirot ang puso ko.....

Hindi ko alam!!! Ang sakit sa puso! Malakas ako pero... Pero bakit ganito! Lahat ng lakas ko dumaan sa luha.

Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kanina... Kung hindi lang sana ako naapektuhan edi sana hindi mangyayari ito. Nadamay pa tuloy pati ang ibang tao sa nararamdaman ko.

.......

Louise's POV

After kong matanggap ang tawag ay natulog na ako. Sobrang daming nangyari ngayong araw. Ang raming meeting, appointment, etc. Hindi ko naman masisisi ang iba dahil gayan talaga. Matutulog muna ako para makapagpahinga din naman. May isang bagay akong dapat gawin tungkol sa aksidente ni Richard bukas. But for now I need to rest a bit.

(time check) 5:30 am

Tama lang sa oras ng gising. Naligo, nagbihis, at kumain na ako pagkatapos. Pupuntahan ko ko na si Kyle dahil isasama ko sya sa gagawin ko...

>>>>>Kwarto ni Kyle<<<<<

"Kyle!" tawag ko sa kanya

"Oh, nandito kana pala. Hinihintay kita. Tara na at sabay tayong pupunta sa senado." pagaanyaya nya sa akin

"Kyle.... Hindi muna tayo pupunta sa senado." saad ko

"Bakit naman?"

"May natanggap akong tawag kagabi at tungkol yun kay Richard.." saad ko sa kanya

FLASHBACK

"Yes? Who is this?" agad kong tanong nang sagutin ko ang tawag

"Madam, this me..... Carl." sagot nya

Si Carl..... Ay oo si Carl. Sya ang pinagkakatiwalaan ko pagdating sa pagiimbestiga. May nakuha ata syang impormasyon. I better know it.

"Bakit ka napatawag Carl?" tanong ko sa kanya

"Madam, may nakuha po akong tawag galing sa pulisya tungkol sa aksidente ni Richard." tugon nya

"So what's the update?" tanong ko

"Madam, may isang saksi sa nangyari kanina and agad naman nya itong sinabi sa mga pulis." sagot nito

"Okay..... Then?" pagaalam ko sa impormasyong nakuha nya

"Madam, yun lang ang kasulukuyang update. Baka bukas po mayroon nang update." saad nya

"Basta bantayan mo kung anong mangyari jan.... Ikaw muna bahala at bukas pupunta ako dyan. Pakitext nalang ng lugar. Bye" utos ko bago ko I end ang tawag

PRESENT

"Ok. Tara na. Narecieve ko na ang text ni Carl." saad ko

"Ako na ang magdadrive. Ikaw nalang ang tumanggap ng Updates." saad ni Kyle

Hindi na ako tumanggi. Wala naman kasi syang number ni Carl lalo na't bago ang sim card nya. Alam ni Kyle ang tungkol kay Carl. Tauhan nya din iyon. Perehas namin syang pinagkakatiwalaan dahil isa sya sa mga kababata namin. Sadyang gusto lang kami tawagin na para bang mas nakakataas kami sa kanya. Pero nung mga panahong sobrang gulo ng bansa..... Nadamay pati magulang nya. Kaya tinulungan namin syang makabangon nang mamatay ang mga magulang nya. Kaya iyon ang naging trabaho nya. Pero kahit ganun lang naging masaya sya.

...........

Kyle's POV

Nakapunta na kaming police station. Hindi na ako makapaghintay na alamin ang nangyari dahil kapatid ko ang naaksidente. Hindi ko na hahayaang mawalan ulit ng kapatid.

"Kyle!" rinig kong tawag sa akin. 'Baka si Carl yun.'

"Oh ikaw pala!" bigkas ko nang makita ko si Carl sa entrance ng pulisya.

~~~~~~~~~

"Sir, ang sabi ng nakakita. Nasa tamang line naman ito nung una pero unti unting nawawala sa linya." saad ni Carl

"So it means na lumabag sya sa traffic rules?" tanong ni Louise. Ano?! Si brother lumabag sa rules? Hindi naman yata nya yun magagawa. Hindi sya tanga para lumabag at magpakulong.

"No. Hindi sya nakalabag kahit isa ayon sa officer. Ganun parin naman, nasa linya daw. At sadyang parehas din ng saad ang mga pulis tsaka ng nakakita na yung trak mismo ang nawala sa linya. Kita rin na nasa matinong pagiisip ang driver ng truck pagkatapos mangyari ang aksidente at hindi naman sira ang preno nito." paliwanag nitong si Carl

" So sinasabi mong sanadya ang nangyari?" bigla kong tanong. Sinadya nga ba. Maayos naman ang lahat ah.

" Baka yun na nga." sagot ni Carl "Kung ano man ang kaso. It is better na hindi ito malaman ng mga bata." saad ni Louise. Tama nga sya. They didn't need to know it. Baka magalala pa sila sa amin. But first of all we need to know kung sino ang mastermind kung sinadya nga ba talaga at ang dahilan kung bakit nya ito ginawa....

..........

Annie's POV

Naghanda ako ngayon dahil may pupuntahan ako. Yung lalaking baliw na nagpasagasa nang bigla biglaan. Bibisitahin ko lang para inisin ang gagong yun...

"Hay.... Sarap ng buhay..." rinig kong wika ng mokong nayun. Aba nagpapakasarap e kakagaling lang sa banggaan. Loko talaga yung lalaking yun. Magaan na nga loob ko mas lalo pa akong ininis. Aaaaahhhhhh!

"Hoy baliw!" agad kong saad nang mabuksan ko ang pinto

"Ay LETSE na yan!" gulat nyang saad. Aba! Dumaan lang ako nagmura na sya!

"Anong letse?! Ka aga aga nagmumura ka na!" sigaw ko. Ang aga magmumura. Nakakasira ng araw ang lalaking yan.

"E bigla biglaan kanalang pumapasok sa kwarto ko!" sigaw nya pabalik. Wala na kaming pakealam kung marinig ng iba pinagsisigaw namin. Ekasi naman itong gagong to eh.

"O. Edi sorry! Ikaw nga bigla biglaan naaksidente!" sigaw kosa kanya. Annie!!!!!! Bat mo naman yun sinabi! Ang tanga lang!

"Wow. So sinasabi mo na ako ngayon may kasalanan." saad nya. Aba wala akong sinasabing ganyan. Humanda ka talaga sa akin mokong ka.

"Wala akong sinasabing ganyan. Gusto mo flashback?" patunay ko. Kala mo ah. Hindi ako papatalo. Letse ka baliw!

"O bakit ka pala nandito?" tanong nya

"Ayyy... Di ba halata. Binibisita kita oh. Dapat pala hindi na ako pumunta dito para hindi ko na makita yang makapal mong mukha!" saad ko sakanya. Nakakainis talaga. Gusto ko nang sapakin, swerte sya nandito sya sa hospital. Kung di kona mapigilan sarili ko... Hay nako. Madadagdagan ang pasa nya sa katawan nya.

" Himala! Bakit? Miss mo ko?" asar ng baliw. Grabe naman sya. Porket hinalikan nya ako ay ganyan sya. Taas ng pride e noh.

"Baliw! Binisita kita para humingi ng tawad sayo!" saad ko sakanya. Hindi ko na mapigilan sa sarili ko. Imbis na pag usapan namin ng maayos ayun sigawan ang abot.

.......