Chereads / Military Lovers / Chapter 8 - Car accident

Chapter 8 - Car accident

Military Lovers

°Chapter 8°

Louise's POV

Nakita kong umuwi si Annie nang hindi kasama si Richard. Sinubukan ko syang kausapin pero hindi sya tumugon dito. Nag alala tuloy ako na baka kung ano na ang nangyari...

"Kapatid ni Senator Kyle Walter, NADISGRASYA." rinig kong boses ng isang babae sa tv

Ano?! Nadisgrasya si Richard! Eto na nga ba ang sinasabi ko.

Agad ko namang pinuntahan ang mga kapatid ko. Inuna ko muna si Glaidel para matigil na ang paglalaro nya ng ML.

"Glide! Tumayo ka na dyan may importante tayong pupuntahan!" sigaw ko

"Ano nanaman ate? Kailangan paba akong pumunta dyan?" nakakainis nyang tanong. Hayssst puro ka nalang laro.

"Oo Glaidel kailangan mong sumama dahil nadisgrasya si Richard!" sigaw ko ulit

"Ha?! Si kuya rich kid nadisgrasya?! Abay pumunta na tayo dyan at wala na akong pake alam sa rank ko ngayon dito sa ml!" gulat nyang bigkas

Umakyat kami sa second floor papunta sa kwarto ni Annie. Underground kasi ang kwarto ni Glaidel. Gusto nya ng malaking espasyo para sa mga wants nya....

"Teka... Ano na nga pala rank mo sa ML?" tanong ko sa kanya

Tingnan ko lang kung may maipagmayabang sya sa araw araw nyang paglalaro.

"Mitic payb!! Alangan malakas na ako. I'm a gamer you know. Hahahah" sagot nya

Aba may napagmayabang nga. Matingnan ko nga ang account nya sa ml kung totoong Mythic Five na sya...

"Annie! Bilisan mo at may pupuntahan tayo!" sigaw ko nang makarating kami sa kwarto nya

"Bakit? Ano bang nangyari at aalis tayo?" wala sa modong tanong nya

"E ano pa nga ba? Nadisgrasya naman itong si Mr. First kiss mo" diretsang sagot ni Glaidel

"Nadisgrasya si Richard?!" gulat nyang tanong

Teka! May alam ata silang hindi ko alam ah. FIRST KISS? Di bale na, ang mas importante si Richard.

"By the way let's go. Glaidel tawagan mo si Kyle kung nasaan ang hospital." utos ko

Nandito na kami sa kotse. Hinihintay nalang namin ang sagot ni Kyle kung nasaan ang hospital na sinugod si Richard...

"Oh, kuya Kyle. Tanong ko lang nasaan ba sinugod si Kuys Richard?" tanong ni Glaidel sa tawag

"Nandito kami sa Quezon City General Hospital" sagot nya

"Ah ok. Papunta na kami."tugon ni Glaidel

" Ate sa Quezon City General Hospital daw. Medyo malayo layo." saad nya sa akin

" Oo malayo pero makakaabot pa tayo" huling bigkas ko sa kanya

Habang nagmamaneho ako ay bigla kong napansin si Annie nagaalala. Hindi sya mapakali. Parang alam ko na. Mahal ata ni Annie si Richard kaya sya nagkakaganyan. Hindi lang nya inaamin kaya sya mas lalong nahihirapan. Sana parehas lang sila ng nararamdaman ni Richard, sa mukha palang ni Ric ay nagkakagusto na sya dito.

"Richard Walter" agad kong salita nang makarating kami sa ospital

"Sa room 54 po senator. " pahayag ng nurse

"Okay thanks." pagpapasalamat ko sa nurse

......

"L-louise." mangiyak ngiyak na salita ni Kyle

"Oh Kyle... What's the update?" pagaalala ko

"He's still in the operating room... Lou! H-help me! My brother is inside! My brother is inside" pagwawala ni Kyle kaya agad ko naman itong pinatahan

"It's okay, it's okay. Malalampasan natin to. Wag kang magalala. Kyle wag kang mag alala...." saad ko sa kanya

Alam ko ang nararamdaman ni Kyle. Kailangan nya ng karamay sa mga oras na ito. Minsan na kong muntikan mawalan ng kapatid....

Few years ago nang nagkaroon kami ng misunderstanding ni Glaidel. Then dahil nga nagkaaway kami.... She decided na pumunta ng Japan. I think 2 years passed ay hindi parin sya nakakabalik sa amin. Nabalitaan nalang namin sa news na nagkaroon ng barilan sa Germany and... Nakita ko nalang ang apilyedo naming magkakapatid sa balita. I was shocked! Nabaril si Glaidel! Kaya nagmadali kaming pumunta sa Germany. Ang pinagtataka ko nga lang kung papaano napunta si Glaidel sa Germany.....

"Doc! How is my sister?!" tanong ko agad sa German doctor

"She is dead. She was shot on her left forehead." nakakagulat na saad nya

"D-dead?" pautal utal kong tanong

"Yes... But... Her body is only dead... Luckily her brain survived." paliwanag ng doktor

"S-survived?" tanong ko

"Yes survived. All we have to do is to find a body that suits to her brain. Shall I go?" saad ng doktor

"Yes.. You may go." sagot ko naman sa kanya

Yes, hindi nga katawan ni Glaidel yon. Pero ang paraan kung papaano sya mag isip ay ganoon parin. Ganun pa rin ang pagkakaibigan nila Glaidel at William. Walang nagbago pagkatapos n'on maliban sa katawan nya at sa nasirang pagsasama namin.....

"Ate... Nagcheck in na kami ni Glaidel sa malapit na hotel.. Isesend ko nalang ang pangalan ng hotel para hindi nyo malimutan. Tsaka magpapaiwan muna si Glaidel dito at mauna na ako ate.." pagpapaalam ni Annie na nagpagising sa akin sa nangyari noon

"S-sige" saad ko

"Lou... Paano si Ric. Paano si Ric!" pagwawala ni Kyle

Ilang beses ko syang pinatahan pero di parin sya tumitigil. Isang bagay lang ang kailangan kong gawin para naman matigil na ang pagwawala nya...

"Kyle!" sigaw ko sakanya sabay halik sa labi nya

Napatigil ito sa pagwawala at tumugon sa halik ko. Hinalikan ko nalang sya total boyfriend ko naman sya.. Yes he is my boyfriend but hindi ko sinabi ito sa mga kapatid ko. We want to keep private. Ayoko rin naman magkaroon ng issue pero kailangang gawin...

"A-ate... Did I saw it right or am I blind?" biglang tanong ni Glaidel

"A-ate.... Did I saw it right or am I blind?" biglang tanong ni Glaidel nang makita nya ang paghahalikan naming dalawa

"You're just dreaming." sagot ko habang inikot ko ang aking mata

"Hahahahahaha. Kailan pa 'to ate? Kailan naging kayo?" tanong nya ulit

"Dati pa... Matagal na. We're just hiding to you." sagot ko

"Haha. Ok ate. You two need to go. Kailangan nyong magpahinga sa magkahiwalay na kwarto nga lang hahahhaha. Ako na ang magpapaiwan dito. Eto ang hotel kung saan kami nagcheck in." nakakainis na pahayag ni Glaidel

"Ok sabihan mo nalang kami sa updates ha." utos ko

"I know. I know, wag mo na akong utusan gabi na. Total biyernes naman ngayon kaya pwede akong magpuyat. Kaya ko ang sarili ko wag kayong mag alala." saad nya

Bago kami umalis ay hinalikan ko sya sa noo sabay gulo sa buhok nya.

....

"Ah... Lou, ako na ang magdadrive." saad nitong si Kyle nang makapunta kami sa parking

"No. Hindi ka pa medyo ok and kailangan mong magpahinga, marami kang ginawang trabaho sa senado kanina." wika ko sa kanya

"Wag mo nang intindihin yon. Kaya ko na to."pagmamatigas ni Kyle

" Pag sinabing hindi, hindi. You need to rest, baka makaabala pa yan sa pagdadrive mo." strikting saad ko sa kanya

Wala na syang ibang magawa pa kundi sumunod nalang. Hinalikan nya nalang ako sa noo. I care for him kaya hindi pwede. Sino pa bang girlfriend ang hindi mag aalala? Siguro ang mga pekeng girlfriend.

...

Nakapunta na kaming hotel. Hiniga ko na si Kyle sa kama nya sa hotel. Mga ilang hakbang ang kailangan bago makapunta sa kwarto ko. Saktong sakto nakita ko si Annie sa daan. May kailangan sana akong tanungin sa kanya ng diretsuhan...

"Oh Annie! Bakit di ka pa tulog?" tanong ko agad

"Hindi pa ako inaantok ate. Magpapahangin lang sana ako sa labas.." malumanay nyang sagoy

Parang may mali sa kanya.. Hindi naman sya ganyan dati. May nagbago talaga...

"Sige ate mauna na ako." malumanay uli nyang sagot

Hindi sya malumanay makipagusap kanino man. Masigla sya palagi galit man o masaya o di kaya malungkot.

"Teka Annie!" saad ko sakanya sabay hawak sa braso nya bago sya umalis

Naalala ko tuloy ang tungkol kay Richard.

"Why ate?" tanong nya sa akin

Hinila ko muna sya papunta sa kwarto ko para masigurong pribado kaming makapag usap...

.....

oh!!!! WAg mabiten ha? May susunod pa ahhahah

Xhaw chaw!