Military Lovers
°Chapter 6°
Annie's POV
Pinagkatiwalaan ako ni sir kaya gagalingan ko. Wala na akong pake alam sa lalakeng yon dahil medyo magaan na ang loob ko sa kanya....
Wait! Teka sinabi ko bang magaan ang loob ko kay Richard? Hindi, masama pa pala. Ewan ko na ba! Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko basta kakaiba...
"Mag usap tayo mamaya sa storage room...." isang bulong ng babae na hindi pamilyar sa akin
Wala na akong ibang magawa kaya sumunod nalang ako. Medyo boring na kasi at ayaw kong pakinggan ang mga asar nila Lyka at Marga..
A couple of minutes later ay nakarating na ako ng storage room...
" E-ella?!" bigla kong tanong
Yes tama nga, si Ella ang bumulong sa akin. Si Ella nga pala ang biggest fan ni Richard. Siya rin ang palagi kong naririnig sa mga bulong bulungan. And last but not the least she is also a girl heartthrob pero di pinapansin ni Richard.
"Mukhang gulat ka yata ah?" boses nyang sa tanong palang ay parang nagbabanta na
"Well, huwag na natin pahabain ang usapan. What do you want to say?" tanong ko
"Well, marami sana akong itatanong sa iyo." saad nito
"Then what is it?" pagmamadaling tanong ko sa kanya
"First question, magkaano ano ba kayo ni Richard?" tanong nya
"We are only friends and that's it." sagot ko sa kanya
"Kung magkaibigan lang kayo, bakit sabay kayong pumapasok? Doon ka pa talaga nakasakay sa kotse nyang Mercedes-Benz huh." tanong nya ulit
"Well that is simple, his brother and my sister are bestfriends. Nagkataon lang talaga na tuwing umaga na ang appointment nila kaya si Richard ang naghahatid-sundo sa akin." paliwanag ko sa kanya
"Yan ba talaga? Naniniwala naman ako sayo pero I know Richard. Alam na alam ko ang pagkatao nya dahil sa segu-segundo kong pagstalk sa kanya." saad ni Ella
"W-what do you m-mean?" pautal-utal kong tanong
"Simple lang naman. Richard is a little bit choosy. Never pa syang nagdate ng isang babae kaya halos lahat ng may gusto sa kanya ay gustong maging first date nya. Halos kami pa nga ang dapat na magmakaawa sa kanya para makipagdate lang sa kanya." paliwanag nito
"Then, what's your point?" tanong ko
"Ang point ko lang naman..... Hindi naman sya ganyan, hinding hindi sya nagsusundo ng babae galing sa bahay ng girl or else may gusto siya doon and also ang pahatid nya ay walang kapalit.." sagot nya sa akin
"Baka naman napag utusan lang siya ni Kuya Kyle kaya niya ako hinahatid at sinusundo, diba?" tanong ko pabalik
"Hinding hindi magpapautos si Richard kahit pamilya pa man niya iyan o hindi." Her answer that make me confused 😕
Huh? Tama ba ang narinig ko? Na baka may gusto sa akin si Richard. I-i don't know na talaga. I am very confused....
"So yun lang ba sasabihin mo Ella?" tanong ko sa kanya para masiguro ko na kung aalis na ba ako o hindi
"Hindi pa, meron lang akong ipapaalala sa iyo Annie" sagot nya
"Then what's it?" tanong ko
Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ni Ella. Baka mamaya umabot na ito sa sabunutan kasi sa boses palang nya parang nagbabanta na eh.
"Gusto ko lang namang ipaalala sayo na h'wag na h'wag mong aagawin sa akin si Richard." sagot nito sa akin
Huh? Seryoso ba sya? E, si Richard nga itong buntot ng buntot sa akin.
"Ang tanong, kayo ba?" pangiinis ko sa kanya
"Meron man kami o wala basta h'wag mo lang subukan na agawin si Richard sa akin Annie." sagot nya
"Aagawin ko sya sayo? Para saan? Ibahin mo ako sa iba Ella, hinding hindi ako mangingialam ng buhay ng tao maliban kung kinakailangan" paliwanag ko
"Mabuti naman kaya mas mabuting wag ka nang lumapit kay Richard." huling salita nito sa akin habang papaalis ng storage room
Grrrr, ang sarap sabunutan ang ganong mga babae, masyadong papansin! Pero iinisin ko nalang sya, lalapit parin ako kay Richard. Tingnan nalang natin kung anong magagawa nya.....
"Annie!" rinig kong kaboses ni Richard
"A-ah Richard, n-nandito ka pala. " pautal utal kong salita sabay ngiti
My gosh Annie! Ba't kaba ganyan! Dumaan lang si Richard nahihiya ka na! Ano nabang nangyayari sa akin!!!!!!
"A-annie may hihingiin lang sana akong pabor sayo." mahinahong saad ni Richard
"Sige! Ano ba yon?" tanong ko sa kanya
"P-pwede bang k-kumain tayong dalawa sa l-labas mamaya?" pautal utal nyang tanong
"Game! Total wala naman akong gagawin mamaya." awtomatikong pagpayag ko
Annie!!!!!! Ano ba!! Ewan ko na. Kahit ayaw ng ko napaoo na ako. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin!!!!!!
...
Richard's POV
Ayos! Pumayag sya! Di ko na nga alam kung bakit ko ginagawa to at kung bakit sobrang saya ko.
(time check) 12:10 pm
Hanggang ngayon ay nakatitig parin ako sa magandang mukha ni Annie. Yeah she is stunning especially when she is smiling. Hindi ko alam kung papaano nya nakuha ang loob ko. 'Pero parehas lang ba kami ng nararamdaman?'. Tanong na tumatak sa isip ko
Ano ba yan Richard ano bang pinagsasabi mo?! Ngayon lang lumambot ang puso ko ng ganito. Pero pakiramdam ko...
"BRO! KANINA KA PA TULALA!" sigaw ni Tyler sa akin
"Ano ba bro, ang sakit sa tenga!" sigaw ko sa kanya
"Eh, kanina pa kaya kita tinatawag. Hindi mo ako pinapansin, halos isang oras ka nang nakatitig kay Annie." saad nya
"E, ano bang pake alam mo! Buhay ko to!" sambit ko sa kanya
Umalis na ako sa cafeteria pero hinintay ko nang patago si Annie. Gusto kong ako ang makasama nya pagpasok ng classroom.
....
Matagal akong nakapagpost. Inulit ko pa ang panonood sa buruto eh hehe. Downt wori. Mauupload uli ako PERO KAKAIN MUNA AKO NG BREAKFAST.