Military Lovers
°Chapter 4°
Annie's POV
Nakauwi na kaming hindi kasama si Richard.... Ewan ko ba parang namiss ko sya.... Napagaan ng onti ang loob ko sa kanya ngayong araw... Di ko na talaga alam sa sarili ko...
"Pabayaan ko na nga lang to" bulong ko sa sarili
"Dalawa kong ate, buti naman at nakauwi na kayo sa bahay nating komportable." pagtutula ng pandak na demonyo
"Hay nako Glaidel nagtutula ka nanaman..... Oh, nandito pala si William.. Kamusta kana?" wika ni ate
"Ayos lang po Ate, pumunta po ako dito para maglaro ng Fortnite sa bestfriend kong si Glaidel." sagot ni William
Si William nga pala ang bestfriend ni Glaidel simula noong pinanganak sila. Haystt minamalas ka nga naman. Mas okay kung si Glaidel lang pero pag magkasama na ang dalawa hindi lang dobleng kalokohan ang magagawa nila kundi triple.
" Teka lang may naalala ako....." wika ni Glaidel
"Ano naman yun?" wala sa mood na pananalita ko
"Ngayong araw lang nangyari, nakalimutan mo na agad." saad ni Glaidel
"Ay oo nga pala, Annie ano nanamang nabalitaan naming nagdedate kayong dalawa ni Richard?" tanong ni ate
"Hahahhahaha, nakulong lang sa kwarto nagdate na agad. Grabe ah, sinagot mo na ba sya?" pangaasar ng demonyo
"tsk, kung ano mang nabalitaan nyo hindi totoo yon! Sadyang....." sigaw ko
"Sadyang alin?" pangaasar uli ng demonyo
"H-hinawakan nya lang k-kamay ko." pautal utal kong salita
"Aguy!!!!!!!!! Si ate pumapag ibig na. Hahhahahah. Sana ol!" asar nya ulit
"grrrrr" tanging sinabi ko
Hahampasin ko na sana sya pero ayoko namang makipag away... I'm a good girl duh..
Kaya umalis na ako, mas mabuti pang magpahinga muna kaysa mastress pa, traffic pa naman kanina. Hayssst. Matulog na nga!
(time check) 6:48 am
Handang handa na ako kaya oras na para pumunta sa campus. But suddenly wala ang kotse ni ate.. Ano bayan nakalimutan kong may appointment pa sila ni ate tsaka ni kuya Kyle ngayong umaga. Kay malas ng buhay. Wala na rin si Glaidel, actually magkaschool mate lang kami kaya parang sya na ang nagsisilbing cctv ko sa campus.....
'Beep beep ' ring kong tunog ng kotse
Sigurado akong si Jake yon kaya pumunta na ako. Buti naman at nandito sya para sunduin ako. Pagkatapos sumakay na ako sa kotse.
"Ah. Jake salamat nga pala." sambit ko
"Huh sinong Jake?" wika ng isang pamilyar na lalaki pero hindi boses ni Jake kaya napalingon ako agad
"I-ikaw pala Richard." gulat kong sambit
"Oo ako nga, nalaman kong may appointment sila Ate Lou tsaka ni kuya at alam ko namang ate mo palaging naghahatid sundo sayo, e ngayon wala sya kaya ako nalang. At sino nga pala si Jake na sinasabi mo?" paliwanag at tanong nito
"Si Jake..... Wala lang yun!" di ko na alam ang sasagutin kaya sinabi kong wala lang si Jake
"Ah... Akala ko kung sino na" wika nito
Nagkaroon kami ng onting pag uusap. Halatang may mga ngiti sa mga labi namin kaya pagkababa ng kotse ay nagbubulong bulungan ang iba pero hindi na namin yon pinansin.
(time check) 1:05 pm
Mabilis ang oras kaya medyo boring na ako. Pero bigla nalang dumating si Captain De Leoz....
"Ok class, magkakaroon tayo ng activity... Magsasparing ang bawat isa sa inyo, by pairs. Dito sa PMA wala dapat na ikaarte, kaya girls umayos kayo!" striktong saad ni sir
Medyo naganahan ako. Sa mga subject ni sir ako palaging na eexcite dahil palaging may surprise. Ang ayaw kong surprise naman nya ay ang surprise test.
"At bago nga pala..... Annie, Richard kayo ang mag partners...." wika nyang nagpawala ng excitment ko
"Ano!" sabay naming wika ni Richard
"Bakit may angal?!" striktong tanong nya
"No problem sir!" sigaw naming dalawa
Strikto si sir, halata palang sa boses nya kaya hindi na kami umangal pa
...........
Richard's POV
"Bakit may angal?!" striktong tanong ni sir
"No problem sir!" sigaw naming dalawa
Ha! Ano ba naman, sa kadami daming babae dyan si Annie pa! Pero di bale, gusto ko naman e hahahhahaha.
"Proceed to the field!" utos ni sir
Nakapunta na kaming field kung saan kami magsasparing by partners. Tinuro sa amin ni sir ang mga basic defense at attack pero wala akong pake alam, sigurado akong ganun din ang nasa isip ni Annie.
Well trained na kami at mga kapatid namin mismo ang nagturo. Ang pagkakaiba, hindi kami magkasamang nagtraining kaya these days ko lang sya nakilala.
"Ok let's start the battle."pahayag ni sir
Ayos laban na! At dito ko malalaman kung gaano kalakas itong si Annie at malalaman nya din kung gaano ako kalakas...
" Garcia, Walter! Demonstrate it!" utos ni sir na ikinabigla namin. Apilyedo namin ang tinawag kaya nabigla kami.
"Handa ka na ba?" tanong nya sa akin
"Oo naman, baka hindi mo lang nalalaman well trained din ako katulad ko?" sagot ko
"Handa ka na bang matalo?" pangaasar nito sa akin pero binalewala ko na lang ito
"Fight!" signal ni sir para magsimula ang laban namin ni Ann.......
"gruph!!" sigaw ko nang masapak nya ako
Grabe ang lakas nya! Sya pa nakafirst hit!
"Ang sakit nun ah! Lagot ka sa akin!" banggit ko habang inaatake sya
Tuloy tuloy ang pag atake ko habang sya tuloy tuloy parin sa pagdepensa.
Dumating din ang oras nang umatake sya nang hindi ko namamalayan..
Ang isang kamay nya nakahawak sa damit ko na nakapwesto na parang gusto akong sakalin habang ang isa ay nakahawak sa leeg ko na nakapwesto na ng pangsakal.
"Oh panis!!!!" sigaw ng mga kaklase namin
Pero agad ko naman itong tinanggal at humawak sa uniform nya at hinila sya na naging dahilan nang pagbagsak namin. Sa ngayon hindi sya makawala dahil nakaharang ang katawan ko sa kanya at ang braso ko naman ay nakaharang sa leeg nya...
"Woahhhhhhh!!!!!" sigaw ulit nila
Sobrang kulit nito at konting kapabayaan ko lang makakawala sya kaya wala na akong ibang ginawa kundi ang halikan sya sa mismong labi nya.
"woahhhhh! Sana ol!!!!!!" sigaw ng mga kaklase ko sa kilig
Napatigil ito sa pag galaw at tumugon sa halik ko pero mga limang segundo palang gumalaw ito ng biglaan kaya agad itong nakaatake....
"Bakit mo yun ginawa?!" galit na tanong nito
"Wala na kaya akong naisip na taktika kaya ayun. Aray!!!!! Nasasakal ako tama na!" paliwanag ko habang nasasakal ako
Sinakal nya ako gamit ang hita nya at ang isang kamay ko naman ay hinihila nya na para bang puputulin nya....
Sa wakas ay pinakawalan nya na ako. Naghabol tuloy ako ng hininga. Pansin kong umalis na ito at habang ngayon nangaasar itong si Glaidel at may kasama syang lalaki. KAPATID NI SEN. JOSEPH LIBANGAN!!! Pati sya demonyo! Haysst. Nahawa na ata ito sa demonyong bunso nila Ate Lou...
"Unang araw palang minahal na kita ahh. Bakit ba ganito ang akong nadama..." pagkanta nila na may kasamang nakakaasar na sayaw
........
Sorry po sa errors
Uwuuuu! Kahit ako kinilig ahhahah.