"IPINAGPALIT ko ang isang romantic luxury cruise with Adrian… for this?"
"Hindi pa tuyo 'yang prosthetics mo. Huwag ka masyadong masalita."
Sa halip na tumalima sa mungkahi, lalo pang napa-labi si Euphemia 'Mia' Castillo. Not the 'supermodel pout' na ilang taon din niyang pinagsanayan sa harap ng salamin mula pa noong high school, kundi isang expression na mas tugma sa isang pre-adolescent bratinella. Hahalukipkip din sana siya, kung hindi lang hinihintay na mag-'set' ang itinapal na mga 'pigsa' sa kaliwang bahagi ng kanyang torso. "Pero Weng…"
"Pero Mia," balik ng bonggang-bonggang talent manager—na Wenceslao Gapas ang pangalang tunay, "Ilang beses mo bang balak ihimutok 'yan? Aba'y naka-tatlong araw na tayo rito sa Palawan eh 'yan pa rin at 'yan 'yang sine-say mo! Um-attend tayo sa story-con, 'di ba? Inabisuhan ka na hindi kagandahan ang fez ng character mo."
Mia threw up her arms. "Ang sabi du'n sa script eh 'partially disfigured'!" hirit ng dalaga. "Kamalayan ko ba namang ang ibig sabihin pala no'n eh pagmumukhain akong mumu."
Napangiwi siya, remembering how she looked that very moment. Ginawa talagang 'Sisa' ang hitsura niya, alinsunod sa tradisyon ng mga babaeng may malalang diperensya sa pag-iisip. 'Sisa' na lapnos at pulos pigsa ang upper left na bahagi ng katawan, half of her perfectly oval and well-proportioned face included. Ang kanyang hairdo ay cross between Rastafarian dreadlocks (emphasis on the 'dread' part) at ng kay Valentina, ang babaeng ahas. Chaka, sa madaling say. Malayong-malayo sa natural nitong silky, black and tangle-free state, na minsan nang pinadaanan ng suyod sa isang commercial para sa Moonsilk shampoo and conditioner. And as if hindi pa sapat ang mga kalapastanganang iyon, ang flawless na 'peaches and cream' complexion ng kanyang balat, na literal na nakapagpatumba ng isang busload ng mga kalalakihan sa ad campaign ng Eva green papaya soap, ngayon ay animo'y tubal na t-shirt sa isang washing detergent commercial sa pagkamarumi. 'Yung parang ilang linggo nang hindi nakakatikim ng paligo. Uling at water-based paint ang ipinahid sa kanya upang ma-achieve ang ganoong 'look', pero Mia had the sneaking suspicion na higit pa sa tatlong banlaw ang kakailanganin in order to eradicate all traces ng naturang makeup sa katawang-tao niya.
Suma total, sa kasalukuyang hitsura niya, kahit pa siguro ang identical twin sister niyang si Louisa ay hindi siya makikilala.
Mia wondered, not for the first time since primerang nasilayan ang kanyang nakapangingilabot na 'transformation' sa salamin, kung karma ito. Marahil ay sinisingil na siya ng tadhana sa nagawa niyang panlilinlang hindi lamang sa sariling kapatid, kundi pati na rin kay Adrian, ang boyfriend ni Mia ng may isa't-kalahating taon. Na samantalang masayang nagliliwaliw ang dalawa sa 6-day Asian cruise na pinalagpas ni Mia sa ngalan ng kanyang career, heto siya ngayon, well on her fourth day ng pagiging ugly crazy chaka girl.
"Temporary lang naman eh." Ikinumpas ni Weng ang kamay na parang nag-shu-shoo-away ng langaw, saka nag-may-I-conspirational-whisper sa kanya. "Spoiler sa 'kin ni Didi eh baka gumanda ka rin daw."
"Kelan?" curious na usisa naman ni Mia, na napabulong na rin. Si Didi ang isa sa mga writers ng show, at ex-college org-mate and katukayo ni Weng.
Bumungisngis ang bakla. "May makikita kang mahiwagang batong panghilod sa batis," kuwento nito. "Lulunukin mo 'yon. Tapos sisigaw ka ng 'Darna!'—"
"Talaga lang, ha—"
"—Pero siyempre, 'pag 'di ka na-type-an ng EP eh malamang mabibilaukan ka lang at ma-de-dedo. The end."
"Rumaket ka rin bilang writer ng teleserye dati, ano, Weng?"
"Charush, at ni-rhetorical pa akech," masiglang bitiw ng manager. "Ang punto ko po, mahal kong Mia-Primadonna, ay huwag kang masyadong ma-reklamo. Ayaw mo'ng mag-pose sa mga men's mags, ayaw mo ring mag-leading lady du'n sa action movie ni Mayor Pantog…" Weng ticked off his fingers one by one, matiyagang in-e-enumerate ang mga tinanggihang proyekto ng ramp and commercial model na alaga, "… Aba, eh pasalamat ka at sa itinagal-tagal ng moderately 'wholesome' na projection mo, heto't sa wakas ay kusang lumapit na sa 'yo ang grasya!"
"More like 'grasa'," Mia retorted sourly, sabay nangingiming-hila sa moss green na plastic lumot at icky brown 'dreadlocks' na mag-se-serve bilang wig niya for the duration of the shoot. Malagkit na mamasa-masa pa rin ang pintura nito. Ugh. "As in 'taong-grasa ng tabing-dagat'."
"Taong-grasang lukaret ng tabing-dagat, Mia," sadistically cheerful namang dagdag ni Weng. He clapped his hands once. "Mangyari't ano pa man, kung talagang gusto mong maging full-blown artista, you'd have to be the best taong grasang lukaret this side of Palawan. Pagbutihan mo 'yang pagganap sa role mo." Kinalabit pa ng bading ang hangin gamit ang hintuturo nito sa pagitan nila bago ituloy, "Remember, this may very well be the 'break' na mag-la-launch sa 'yo to super-duper-stardom. 'Wag mo'ng sayangin sa pag-iinarte."
Napataas man ang kilay sa monologue na iyon, napangiti rin si Mia sa huli. He's right… Not that kakayanin ng powers ng dalaga na aminin ito outright. "Ang taray, ha."
"But of course," mala-Doña-Señora-Madame na bira ni Weng. "Ako ang iyong manedj, pangga. Part na ng job description ko ang pag-e-ensure na makuha mo ang 'yong recommended daily allowance ng sermon."
"Fine." Bumuntong-hininga na lang si Mia. "Pakisuyo na nga uli du'n sa script at mag-re-rehearse ako."
Ginawaran siya ni Weng ng maaliwalas na ngiti. "That's my girl."
Pahamak Kong Puso: Scene 16, C, take 3.
COLD OPEN
EXT. BEACH – DUSK
Dapithapon. Papalubog na ang araw sa ibayong kanluran, pinagwaring binubuan ng ginto ang asul na dagat. Dalawang pigura ang matatanaw sa baybayin: si Almira, ang balik-bayang apo at pinangalanang heredera ni Don Julian Severino. Si Ophelia, ang gusgusing dalagitang kung tawagin ng mga taga-nayon ay 'Felyang Lukring'.
"… Talaga?" maingat na tanong ni Almira kay Ophelia. "K-kung ganoon… kung gano'n, ano ang nakita mo, Felya? Puwede mo bang ikuwento sa akin?"
Hindi kaagad umimik si Ophelia. Bagkus ay nagpatuloy ito sa paghuhukay sa buhangin, ikinakalaykay ang dala nitong patpat.
"Ang bangka…" pagkuwa'y ibubulong ng dalaga. Halos ka-edad lang nito ang beinte-tres años na si Almira, subalit kung magsalita ito ay animo'y batang paslit. "Isinakay nila si Kuya sa bangka. Tulog si Kuya… parang si Teddy…" Umiling-iling si Ophelia. "Itinanong ko sa kanya kung saan nila dadalhin si Kuya, pero sabi nila, 'Quiet!'. Ssh. Ssh. Tulog kasi siya, baka magising. Alam mo na…" Naglakad ito, napaliyad nang kaunti, nabitawan ang patpat. Nang yumuko si Ophelia para pulutin iyon, hinawakan ni Almira ito sa balikat.
"Pero sino ang nagdala sa kanya?" usisa ng heredera. "Sino?"
"… And cut!" sigaw ni Direk Jet mula sa 'di kalayuan. Kuntento nitong tinanguan ang na-capture na eksena sa video monitor bago bumaling kina 'Ophelia' at 'Almira'. Binigyan sila nito ng thumbs-up. "Good take, ladies."
"Success!" masayang bulalas ng dalawa, sabay appear. Samantalang kausap ng director ang video operator na si Tito Ricks, inalalayan ni 'Almira' si 'Ophelia' na umayos ng huwisyo.
Si 'Ophelia', of course, ay si Mia, chakang costume, mas chakang cosmetics, at kasuklam-suklam na prosthetics and all. At si 'Almira' naman ay walang iba kundi si Miss Virna Dejaro, ang tinaguriang 'Prinsesa ng Primetime' ng MBN Channel 8, at bidang aktres ng pinakabagong naka-lineup na teleserye ng naturang network, ang Pahamak Kong Puso. Ang costume nito ay hindi chaka, kundi Chanel. Ang cosmetics nito ay ginawang mala-diyosa-ng-kagandahan ang already strikingly pretty nitong mukha. And unless totoo ang sabi-sabi na nagparetoke umano ito ng boobs, ang pang-FHM's-Sexiest nitong katawan ay absolutely prosthetics-free.
Hindi naman sa naiinggit or nai-insecure siya kay Miss Virna or anything. Comparison lang. Besides, kung natural na ganda rin lamang ang laban ay kumpiyansa si Mia na kayang makipagsabayan ng beauty niya, ano. Totoo.
"Basta," pagmamatigas ng dalaga. She stomped the ground beneath her right foot for emphasis.
Alalang napatingin tuloy si Miss Virna sa kanya. "Is something wrong?"
Naman eh. "Ah, um, wala," kaila na lamang ni Mia. Nag-smile siya, sabay peace-sign, at sa kabila ng samu't-saring ipinagtatapal sa kanyang fez, sinikap pa ring mag-project. "May biglang naalala lang."
BANDANG ALAS-SAIS pasado na nang mag-isang akyatin ni Mia ang malawak na batong hagdanan pabalik sa Johaira Seaside Bed and Breakfast, ang resort lodge na tinutuluyan nilang mga Pahamak cast and crew since day one ng pamamalagi nila sa isla.
Iyon ang unang beses na hindi siya lubusang ginabi o inumaga sa taping nila roon; bukod kasi sa ubos na ang mga critical scenes sa tabing-dagat na kailangan ang presensya ni Felyang Lukring, eight a.m. sharp naman bukas ay sa simbahan ng nayon ng Tanglad ng biyahe niya, para i-shoot ang ilang eksenang may 'kausap' na hindi-makitang tao ang karakter niya.
Sa ngayon, however, malaya siya na magpahinga at magliwaliw. More importantly, malaya na rin siyang tuluyang i-wash-away ang buwakanang pang-Halloween na mga kolorete sa wangis niya.
Mia absently tapped the side of her face. Isang paligo, iyon lang ang bottomline na lamang ni Miss Virna sa kanya. Bagay na hindi na gaanong mahirap solusyunan, given na for the most part ay tinanggal na ni Jaz, ang makeup artist na nakatoka sa kanya, ang mga pigsa sa mukha at upper body niya. Ang bad-hair-day wig at taong grasa dress and balabal ensemble naman niya ay pawang ipinagtatabi na sa costume storage. Isang banlaw na lang, isang session sa ilalim ng chlorinated na tubig sa shower, and voila, may approximately 13 hours na siya as her normal gorgeous self. As none other than Euphemia Castillo, Mia for short, ang nakakatanda—by five whole minutes—na Castillo twin.
As for the younger Castillo twin—meaning Louisa Castillo, 'Louie' for short, well, may kulang-kulang na tatlong araw pa itong nalalabi para magpanggap bilang siya. Granted na magpahanggang-ngayon ay hindi pa rin nakakahalata si Adrian na hindi talaga si Mia kundi ang kanyang kakambal ang kasama nito sa cruise.
Ang una ko sanang super-romantic reunion with my boyfriend a year after ma-destino siya abroad, and I don't get to go, muling buntong-hininga ng diwa ni Mia.
Saglit siyang lumingon pabalik sa dalampasigan, sa dakong sa tantsiya niya'y paharap sa timog-kanluran. Matataas na ang mga along paulit-ulit na humahagupit sa dalampasigan. Gaano ba kalayo mula sa Palawan ang Malaysia, anyway? Ang Malacca? Ang Kuala Lumpur? Ang sea route na tatahakin ng barkong Sunshine Opal pamula at patungo sa mga naturang siyudad? At nanganganib na ba siyang maging real-life Felyang Lukring kung seryoso niyang kino-consider na mang-comandeer ng motorboat sa pinakamalapit na pantalan upang somehow ay makasunod kina Adrian?
'Well, base sa haba ng internal monologue mo, my answer would be yes, pangga,' matulunging tugon ng inner Weng ng isip niya. 'That and the fact na pinagsasalita mo ako sa iyong mind in the first place. Medyo nakaka-freak-out na nakakabahala na nakaka-touch, ha. Lumafang ka na nga at matulog nang mahimbing. Gutom at stress lang 'yan. Pero just in case nanunuot na nga sa katawang-tao mo ang first ever tv drama role mo, dearest, I advise na you make paligo muna before attempting both.'
"Hay, siya nga, ano?" anas ng dalaga, smiling ruefully at that. Mia cast one last longing look at the evening seascape and continued on her way. A bath, a hot meal, and a long, restful sleep. At siguro ilang dakot ng Boy Bawang in between. Those were what she needed first and foremost.
Nakasindi na ang mga ilaw sa loob, subalit deserted ang front lobby ng lodge nang makarating si Mia roon. Wala rin siyang ibang nakasalubong on the way up sa kuwarto nila ni Weng sa second floor. Not even Weng o ang iba pang mga taga-production na hindi muna kasali sa shooting para sa hapong iyon, o kahit ang may edad na katiwala ng lodge na si Aling Shirley. Maliban sa malayong tunog ng mga alon sa dalampasigan at sa mangilan-ngilang wind chimes na ikinakaway ng nagdaraang hangin, tahimik. Sobrang tahimik.
Para naman akong naligaw sa isang eksena sa isang suspense/horror/thriller film.
Never mo siyang matatawag na matatakutin, pero may bahid ng kabang nilapitan ni Mia ang nakasarang pinto ng kanyang silid. Pinihit niya ang doorlatch; nakakandado ito. Kumatok siya, tinawag si Weng in case na nasa loob ito, subalit walang sumagot.
Samantala, sa silid sa pinakadulo ng pasilyo, may naulinigan siyang lagislis ng tubig. May ilaw na maaaninag mula sa nakaawang nitong pinto.
Mia frowned. W-wala namang occupant dapat doon, ah, kagyat na gunita niya. Not since nag-check-in kami rito.
May bagong guest sa lodge, kung ganoon? Isang taga-crew na nag-request na magpa-palit ng room? Isang ligaw na kaluluwang napiling magmulto kung kailan si Mia lamang ang naroroon?
A, B, or C?
"Weng...?" muling tawag niya. "Pearl? Aling Shirley?" Dahan-dahan siyang naglakad papasok sa kuwarto, not entirely sure kung ayos lang ba na wala siyang dalang pamalo o kung ano kung sakaling—
Isang malakas na kalabog. Nagmula iyon sa banyo, tunog na kagyat ding sinundan ng hiyaw ng kung sino man iyon na nasa loob.
Nagmamadaling sumugod si Mia sa banyo. She flung the door wide open—hindi iyon naka-lock, awa ng Diyos—and rushed in.
She blinked.
Isang lalaki ang nakahandusay sa sahig ng bathroom. To be more specific, isang matangkad na lalaki ang nakahandusay sa sahig, basa ang buhok, basa ang malalapad na mga balikat, ang maskulado nitong mga bisig at dibdib. Basang-basa ang matipunong katawan mula ulo hanggang paa, in fact, 'di tulad ng asul na bath towel na hagip nito sa isang kamay.
Asul na bath towel na mabisang natalukbungan ang brasong humablot dito, true, but as for the rest...
Napalunok si Mia.
As for the rest, shall we say na... na-shock-and-awe ang dalaga. Especially nang mabanaag niya kung gaano kalaki ng, ah... Ng bahaging nabigong takpan ng tuwalya.
And the worst part of it was, the naked man before her wasn't a stranger.
"Ren?" inkredulosong bitiw ni Mia.