Chapter 2. Hey, Doctor
"SABIHIN mo sa 'kin kung bakit mas pinili mo'ng mag-isa."
There it goes again. Narinig na naman ni Christine ang boses ng lalaking palagi niyang napapanaginipan. Gaya nang nagdaang gabi, hindi niya ito sinagot. Nagpanggap na wala siyang naririnig.
"Christine? 'Wag kang matakot. Hindi kita sasaktan. Makikinig ako sa sasabihin mo. Hindi kita huhusgahan. Gusto ko lang na sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit mas pinili mo'ng kalimutan na nabubuhay ka pa." Napakislot siya.
Why does it feel so real? His serious yet caring voice felt so familiar. Sa huli ay pilit niyang inisip na isa lang ito sa mga masasamang panaginip na nangyayari sa kanya.
"Nakikiusap ako. Pakawalan mo na ang sarili mo. 'Wag mo ng pahirapan pa ang iyong pag-iisip. God! You don't know how much I want to see you alive and full of joy again."
Bakit iba ang pakiramdam niya sa sinabi nito? Humaplos sa puso niya ang mga salitang binitiwan nito.
Kung sagutin ko kaya ang mga tanong niya? naisip niya.
Hell, no! 'Wag mong pahirapan ang sarili mo. Hindi mo na kailangang balikan ang nakaraan. Masaya ka na ngayon, di ba? May mga taong nag-aalaga sa 'yo. Wala na ang mga taong mananakit sa 'yo, Sagot ng kabilang bahagi ng kanyang isipan.
Tama. Bakit ba naisip niya'ng sagutin ang boses ng lalaking kumakausap sa kanya? No! She would not let herself feel that excruciating pain again. Hindi niya kakayanin kung patuloy na babalik ang kanyang alaala. Mas makabubuting manahimik na lang siya. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa kumakausap sa kanya. Masyado na siyang natatakot na buksan muli ang alaalang matagal na niyang binaon sa kanyang pagkatao.
"Christine—" She didn't let him finish talking. Sumigaw siya sa abot ng kanyang makakaya. Paulit-ulit na sumigaw at itinaboy ang pilit na nagpapabalik sa masasakit niyang karanasan.
Nagwala siya. Naisip tuloy niya na kung sa totoong buhay nangyari ang panaginip niyang 'yon, malamang ay bugbog-sarado na ang lalaking kumakausap sa kanya.
"Christine, stop. Hindi na kita tatanungin basta itigil mo lang 'yan."
Sumigaw siya bilang kasagutan. Alam niyang umiiyak siya ngunit hindi niya maintindihan kung bakit at paano niya nalaman. Naramdaman niya ang pahyakap ng kung ano sa kanya.
"Hush now.. I'll stop asking. Just... just hush now, please." The voice was trembling in pain. Naramdaman niya ang paghihirap sa boses nito. Bago pa man siya makapagsalita ay nawala na ang kanyang panaginip.
Great! Aniya sa sarili. I'm an escapee again.
NAGISING si Christine dahil naramdaman niya ang pagkauhaw. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata dahil nasisilaw siya sa sinag ng araw. Nang makapagmulat ay sinalubong siya ng nakangiting mukha ni Nurse Chen.
"Good morning," bati nito.
"Good— tubig." hindi niya naibalik ang pagbati nito dahil uhaw na uhaw na talaga siya.
"Ah! Pasensya na. Sandali, ikukuha kita ng maiinom," anito at madaling tumungo sa may bedside table.
Tatayo na sana siya ng higaan nanag maramdaman na naman niyang nakatali ang kanyang mga kamay. Napakunot ang kanyang noo. Hindi na siya nag-abalang magtanong kung bakit nakatali na naman siya.
"Pasensya ka na kung itinali ka na naman namin," sambit nurse. Kinalagan siya nito at ibinigay ang isang basong tubig. Pagkatapos uminom ay ibinalik niya rito ang baso.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito.
"M-Maayos naman na," nauutal na sagot niya.
"Mabuti naman. Pero sana... sana umayos na nang tuluyan ang pakiramdam mo."
Hindi siya sumagot. Alam niya ang ibig ipakahulugan nito. Na sana, umayos na ang takbo ng kanyang pag-iisip. Lumungkot ang kanyang itsura.
"Hey! I didn't mean to say it that way," pukaw ng nurse sa atensyon niya. "H'wag ka nang malungkot. May pasalubong ako sa 'yo." Sumigla na muli ang tinig nito.
Bago pa niya matanong kung ano ang pasalubong na sinasabi nito ay nakita niyang inalis nito sa pagkakabalot ang isang libro.
Napahiyaw siya sa tuwa.
"Sabi na nga ba't magugustuhan mo 'to," masayang ambit ni Nurse Chen.
"Mukhang nagkakasiyahan kayo, ah? Kumusta na ang napakaganda nating pasyente?" Sabay silang napalingon ni Nurse Chen sa nagsalita.
"Doc? Good morning!" Bati ni Nurse Chen dito.
Napamaang siya nang makita niya ang nagsalita. Ito ang lalaking naghatid sa kanya kagabi! Natitigan na naman niya ang mapupulang labi nitong mapang-akit na animo'y nag-iimbita para mahalikan ang mga ito.
"Hmm..." wala sa sariling napaungol siya.
"Christine?" pukaw ni Nurse Chen sa atensyon niya.
"H-Ha?" tanong niya. "Hmm... Nam~" Wala sa sa sariling nakagat niya ang ibabang labi. Nakita niya ang pagtataka sa gwapong mukha ng lalaki. Pagkuwa'y ngumisi ito. Di he get what she's saying? Na malinamnam ang labi ni— Ugh! She should stop thinking about his red lips.
Alam niyang pulang-pula na ang kanyang pisngi sa naiisip niya na gustong halikan ang lalaki. She heard him chuckled. And that chuckle turned into laughter. Literal na napanganga siya nang mapakinggan ang pagtawa nito.
Lumingon siya kay Nurse Chen at nakita niya ang pagpipigil nito ng tawa. Gayunpama'y halata ang pag-aalala rito. Padabog na tumalikod siya at humiga sa kanyang kama.
"Sige na nga. Uuwi na ako. Hindi ko na guguluhin pa ang napakaganda nating pasyente. Baka pagbuhulin pa niya tayo." Hindi niya ito liningon. Halata rin na nagpipigil ang mga ito sa pagtawa.
Nakakahiya!
"Sige, Doc. Mag-iingat ka sa pag-drive."
"Sige. Maiwan ko na kayo. And Christine," bumaling ang doktor sa kanya. Pinilit niyang h'wag itong tingnan pero nabigo siya. "It's nice to see you awake. By the way, it's 'Dale'. But 'Nam' would be fine though," anito at ngumisi. She's also sure she saw amusement in his eyes before he left the room.
"Stop teasing, Nurse Chen! Nakakainis ka na," saway niya sa kanyang nurse na walang habas siyang inaasar simula ng umalis si Doc Nam— este, Dale kanina. Naiinis siya sa sarili niya. Baliw na nga siya!
"Sorry, Christine. Pero dapat nakita mo ang sarili mo kanina. Tinakasan ka ng kulay." Tumawa ito ng malakas. Inismiran niya ito at hindi na kumibo.
"O sige na. Titigil na ako. Hindi na kita aasarin," suko nito.
"Mabuti naman kung gano'n. Pero siya ba talaga ang doktor ko? Akala ko kasi nurse din siya rito. Napakabata naman niya."
"Uyy.. Interesado siya kay Doc. Nam..." panunukso nito.
"Heh! Hindi ha!"
"Gusto mo siya?"
"Nurse Chen!" bulyaw niya rito. Tumahimik na naman ang huli subalit mahahalata pa rin ang pagpipigil nito ng tawa.