Chereads / BREAK MY LIES / Chapter 9 - It's An Overdose

Chapter 9 - It's An Overdose

Chapter 7. It's An Overdose

HANGGANG sa makarating sila sa ICU ay buhat-buhat pa rin si Christine ni Dale.

"Ibaba mo na ako," nahihiyang tugon niya. Alam niyang pulang-pula na siya.

"Sandali na lang." Marahang tinitigan siya nito. Nag-iwas siya ng tingin ngunit hindi rin nakatiis kaya ibinalik din ang pagkakatitig dito.

Napalunok pa siya nang mapansin niya ang paraan ng pagtitig nito sa mukha niya pababa sa kanyang labi.

"Alam mo ba'ng matagal na kitang gustong lapitan?" simula nito. "'Coz I want you to be closer with me... like this."

Literal na napanganga siya sa tinuran nito.

Dahan-dahan siya nitong inihiga sa kama at pagkuwa'y hinaplos ang kanyang mukha. Nagsitayuan lahat ng kanyang balahibo dahil sa kakaibang sensasyon na kanyang nadarama. Ibinuka niya ang bibig at isinara rin dahil wala siyang maapuhap na salita.

She then heard him chuckle. "I really want seeing you running out of words... and you're flustered face, so adorable," nakangiting turan nito at kinurot ang kanyang ilong. Nanatili ang isang bisig nito na nakaunan sa kanya habang ito nama'y nakaupo sa tabi niya at bahagyang nakayuko, tinititigan ang kanyang mukha.

Naamoy niya ang mabangong hininga nito sa sobrang pagkalapit ng kanilang mukha. Unti-unting bumababa ang mukha nito sa kanya. Mukhang alam na niya ang susunod na mangyayari.

Bigla siyang natauhan. Tinulak niya ito at nagmamadaling umupo. Luminga siya sa paligid para hanapin ang restroom. Nang mahagilap ay biglang siyang tumayo at nagkulong doon. Maluwang ang restroom at may paliguan din doon. May espasyo rin doon para sa bihisan.

Napasandal pa muna siya sa pinto bago tuluyang sinipat ang sarili sa salamin.

"I look like a mess," pakikipag-usap niya sa sarili.

Naalala niya na muntikan na siyang halikan ni Dale kanina at muntikan na rin siyang nagpahalik.

"Nakakahiya! Hindi pa ako literal na nagtu-toothbrush!" singhal niya. Tinapik-tapik pa niya ang sariling mukha para kahit paano'y maibsan ang hiyang nadarama niya.

"Christine, ayos ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong nito habang kinakatok ang pinto.

Huminga muna siya ng malalim. "Ayos lang ako. Naiihi lang ako!" Naiihi sa sobrang kilig! "Ano, pwede bang pakikuha ng mga gamit ko? Hindi ko alam kung nandyan, pakitingnan na lang. N-Nanlalagkit kasi ako. Gusto ko munang maghilamos. Hindi pa ako nag-toothbrush," pakisuyo niya rito.

Hindi niya narinig ang pagsagot nito. Inumpisahan na niyang hilamusan ang kanyang mukha. Nagmumog din siya ng ilang beses bago marinig ang marahang pagkatok nito sa pinto.

Binuksan niya ng kaunti ang pinto. Sumilip siya sa siwang at nakita niyang may bitbit itong isang pamilyar na pouch.

Hinablot niya iyon at agad na isinara ang pinto. "Maraming salamat!" malakas na sambit niya. Narinig niya muli ang bahagyang pagtawa nito.

"Ayos lang 'yon, alam mo ba? Bilisan mo riyan dahil sisingilin pa kita."

Namula siya sa tinuran nito. Agad siyang kumilos, kinuha ang kanyang toothbrush at pagkuwa'y nilagyan iyon ng toothpaste. Nagsimula na siyang mag-toothbrush.

I should brush my teeth five times! Piping aniya habang nakatitig sa salamin. Iniisip na maaaring matuloy nga ang naudlot nilang paghahalikan ng kanyang doktor.

Parang tukso namang bumalik ang imahe ng labi nito sa kanyang isipan. As if it was inviting her to kiss him but she collapsed on the floor while thinking of him.

ISANG linggo matapos niyon ay nag-focus ang lahat sa recovery ni Christine. Nang nasa loob kasi siya ng banyo ay bigla siyang tumumba at tila hindi maikilos ng maigi ang sariling katawan. Dahil tatlong araw ngang na-comatose ay naging apektado ang pagkilos niya dahil nakaratay lang siya sa kama sa buong durasyon na wala siyang malay.

Thanks to the physical therapist, she's doing better now. Normal na ulit ang mga kilos niya.

She took a bath inside the hospital bathroom and wore the hospital gown. Matapos ay lumabas na siya ng banyo at mabungaran niya ang isang damit na nakaladlad sa kanyang kama sa ospital. It's a red slevelees dress with white baby colar. Sa tingin niya ay above knee ang haba ng damit. Lumingun-lingon siya sa paligid ngunit hindi niya nakita si Dale. Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang lalaking kanyang hinahanap. May bitbit itong isang kahon na sa pakiwari nita ay lalagyanan ng sapin sa paa.

"Isuot mo 'to. Iterno mo na rin sa sandals na 'to," bungad nito sa kanya at binuksan ang kahon na naglalaman ng sandalyas. It's a pair of black stilettos silk tie.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya. Hinagod niya ng tingin ang itsura nito. Ngayon lang niya napansing naka-white suit pala ito and he looks way hotter than usual. Umiling siya para itaboy ang nasa isipan. Alam niyang sa pagnanasa na naman mauuwi ang pagkilatis niya rito.

"Pupunta tayo sa ancestral house namin sa probinsya. It's my grandmother's eighty-eight birthday," sagot nito na nagpabalik sa katinuan niya

"Bakit kasama ako?"

"'Cause I'd like to ask you out. Pero nataon namang birthday ni lola kaya do'n na muna tayo pupunta."

Saglit na natahimik siya sa tinuran nito. Kung gano'n, balak talaga niya akong yayaing lumabas? As in, date? Ngunit may naalala siya, "Pero... pwede ba akong lumabas ng ospital?"

"Don't worry, may pinirmahan ako'ng waiver," anito tsaka siya kinindatan.

Natameme siya sa ginawa nitong pagkindat pero sa kaloob-looban niya ay masaya siya. Kailan nga ba siya huling lumabas? Kailan na nga ba siya huling nakihalubilo sa ibang tao? Mangiyak-ngiyak na siya nang tumikhim ang lalaki.

"Magbihis ka na. 'Wag ka nang umiyak.. H-Hindi ko alam ang gagawin ko 'pag nakita ulit kitang umiiyak," nauutal pa na sambit nito.

Pinunasan niya ang luhang nakatakas sa kanyang mata at huminga ng malalim. "Masaya lang ako. Salamat talaga. I'm so thankful that you came to my life, Jerome Dale Sanchez!" Niyakap niya ito habang pilit na pinipigalan ang pagluha dahil sa tuwang nadarama.

Natigilan ito't namumungay ang mga matang tumitig sa kanya. "Do you remember now?" umaasang tanong nito.

"Remember what?"

"How did you know my name?" Maging siya ay nagtaka rin. Hindi kailanman niya nalaman ang buong pangalan nito. She just knew him as "Dale" or Dr. Sanchez.

Kumalas ito mula sa pagkakayap niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at kinintalan ng halik sa kanyang labi. Napalunok siya.

"Magbihis ka na, para maaga tayong makarating kina lola," nakangiting sambit nito at iginiya siya pabalik sa loob ng banyo.

"Teka, iaabot ko ang damit mo." Nang maiabot nito ang damit ay agad siyang nagbihis.

Pagkalabas niya ay napansin niyang napako ang tingin ni Dale sa kanyang katawan. Kinikilatis siguro nito ang damit na suot niya. Pagkuwa'y umangat ang tingin nito sa mukha niya. Napalaunok siya. She swear she saw fire in his eyes. O baka namamalikmata lang siya? Dahil ang pares ng matang nakatingin sa kanya ngayon ay nakangiti at sinasabing ang ganda niyang tingnan sa suot niyang damit.

Assuming, beh?

"You look... cute," puri nito sa kanya.

Tumabingi ang ngiti niya. Cute lang?

Nagulat sila nang biglang bumukas ang pinto. Sabay silang napalingon nang makita nila si Nurse Demi na humahangos. Mukhang tumakbo iyo papunta roon.

"Oh, Gee! Mabuti at naabutan ko kayo," anito sa pagitan ng paghabol ng paghinga.

"Bakit, Nurse Demi? Kinuha ko na pala 'yong sandals. Hindi ko na nasabi sa 'yo, wala ka kasi sa kwarto ni Christine," sambit ni Dale.

"Kinuha ko kasi 'tong bag ko. Nandito ang mga pampaganda ko." Hinihingal pa rin sambit nito.

"Para saan?" sabat niya.

"Para sa 'yo! Naku, sabi ko na nga ba't babagay sa 'yo ang damit na 'yan," pamumuri pa nito sa kanya. "Isuot mo na ang sandals mo para maayusan na kita."

"Kung gano'n, sa 'yo galing ang mga ito?"

"Hindi. Nagpatulong lang sa akin si Doc. So literally, sa kanya nanggaling ang mga iyan," sagot nito at natahimik na lang siya.

Nang maisuot niya ang sandalyas ay agad na siyang inayusan ni Demi. Hinayaan nitong nakalugay ang alun-alon niyang buhok. Nilagyan lang nito ng dalawang clip na may mga perlas sa isang banda. Nagpaalam naman sandali si Dale na may kukunin lang.

"'Yan. Perfect!" she exclaimed.

"Hindi mo na naman na ako kailangang ayusan, Nurse Demi.. B-Baka nahuli na kami sa—"

"Demi!" Naputol ang sasabihin niya nang biglang pumasok si Nurse Chen.

"O, Nurse Chen? Kumusta ka na?" bati niya sa isa pa niyang Nurse.

Nginitian lang siya nito at pagkatapos ay sinamaan ng tingin si Demi. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya si Demi.

"Nilagyan ko ng butiki 'yong bag niya," bulong nito sa kanya tsaka humagikgik.

"Ikaw nga ang naglagay?" sabad ni Chen sa kanila. Hinila niya si Demi at lakad-takbong lumabas sa kwarto. Sakto namang pagdating ni Dale na katulad niya ay nagtataka rin.

"Ano'ng nangyari ro'n?" tanong nito.

Nagkibit-balikat lang siya. "Tara na ba?" tanong na lang niya.

Walang salitang nilapitan siya nito at kinintalan ng mabilis na paghalik sa labi.

"Sorry if I shocked you. But I can't stop myself from kissing you." Lumapit ito ng bahagya sa kanya at bumulong, "You look gorgoeus." Lumakas ang pagkabog ng kanyang dibdib sa sinabi nito.

"Kanina, cute lang ako. Ngayon, gorgeous na?" She chuckled. Pampatanggal ng nerbiyos.

"Kahit cute o gorgeous ka pa, hindi no'n mababago na gusto kita."

Ano ba'ng nangyayari? Bakit ganito? Bakit very vocal niya ngayon? tanong niya sa sarili.

"Mind if you tell me what were you thinking?" Ah, his voice. It makes her want to kiss him more.

Hindi siya sumagot. Napako ang paningin niya sa labi nito. I think... I'm going to be addicted to your kisses, Piping sambit niya. Wala sa sariling nakagat niya ang ibabang labi. Naramdaman na lang niya ang muling pagdampi ng labi nito sa kanyang labi. Palalim nang palalim ang halik na iyon. Napakapit siya sa batok nito nang maramdaman niyang ikinulong siya nito sa bisig nito. Hanggang sa putulin nito ang paghalik sa kanya. Kapwa hinahabol ang paghinga.

"Don't you ever bite your lip again. Baka makalimutan ko kung nasaan tayo."

Napatanga siya at napatitig sa mga mata nito. Now she's so sure that she's seeing fire in his eyes  na agad namang napalitan ng amusement.

Magaan na hinalikan uli siya nito sa kanyang labi. "You know what? I think I'm addicted with your lips," nakangiting sambit nito habang nakayakap pa rin sa kanya. Parang kasasabi ko lang no'n kanina, ah? Aniya sa sarili.

Hinalikan siya nitong muli na ikinabigla niya. Hindi na yata siya masasanay na bigla na lang nanghahalik ang napakagwapong doktor niyang ito. "I don't mind if I get overdosed by your lips." Kinintalan siya nito ng magaan na halik pagkatapos sambitin ang mga katagang iyon. "..as long as I could kiss you like this," anas nito at hinalikan siyang muli.

"Tama na nga, baka mahuli na talaga tayo," pigil nito, parang mas pinipigilan ang sarili. Doon pa lang siya nito pinakawalan. Bahagya nitong ginulo ang kanyang buhok. "You're really adorable when you're being speechless," sambit nito na ikinabalik ng kanyang huwisyo.

"Why..." Hindi niya natuloy ang itatanong nang ipagsaklop nito ang kanilang mga kamay at nagsimula ng maglakad.

Why would I ask him why did he kiss me? I like it, anyway, Piping sambit niya at nagkibit-balikat na lang.