Chereads / BREAK MY LIES / Chapter 10 - Fragments

Chapter 10 - Fragments

Chapter 8. Fragments

DALE took the full responsibility of Christine. Siya na ngayon ang magiging guardian-cum-doctor ng babae habang nasa ospital pa rin ito. Hindi na niya ito maipagkakatiwala kahit kanino.

Sa ngayon ay halos kadarating pa lang nila probinsya para sa selebrasyon ng kaarawan ng kanyang lola. He knew that Christine doesn't remember anything yet but he wanted to take the risk. Pero sisiguraduhin naman niyang babantayan at aalagaan niya ang huli.

Napalingon siya rito at napansin niya na hindi ito mapakali. "Ayos ka lang?" tanong niya.

She gulped before she answered him, "Mm..." tumango ito. Lumingon ito sa paligid. She really looks lovely. "G-Ganito ba talaga sa inyo? Ang dami ninyo!" komento pa nito. Ang tinutukoy nito ay ang buong angkan niya. Mula sa mga may asawa na't anak, mga dalaga't binata, dalagita't binatilyo, pati na rin mga bata.

Ngumiti siya at tumango. "Oo," aniya. "Kulang pa nga kami n'yan kasi 'yong ilang kamag-anak namin sa ibang bansa na nakatira."

"Talaga?!" 'Di makapaniwalang bulalas nito. Natawa siya sa reaksyon nito. She really never fails to amuse him.

Tumango siya. "Halika, ipapakilala kita," yaya niya rito at pinagsiklop ang kanilang kamay. Igigiya na sana niya ito sa magugulo niyang kamag-anak nang biglang binawi nito ang kamay nito.

"T-Teka, baka akalain nila na girlfriend mo ako," nahihiyang sambit nito.

Nagtatakang tiningnan niya ito. Kung ganoon ay 'yon ang nasa isip nito kanina pa? Kaya ba parang hindi ito mapakali dahil sa iisipin ng mga kamag-anak niya na baka kasintahan niya ito? Nagkibit balikat siya sabay sabing, "I won't mind."

Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi nito at agad naman itong yumuko. Ngumisi siya.

"Come." Hinawakan muli ang kamay nito. Malapad ang pagkakangiti niya habang isa-isang sinasalubong ang mga kamag-anak.

"NARITO na pala ang napakagwapong Psychiatrist ng angkan," anunsyo ng isang ginang na una nilang nilapitan ni Dale. Agad naman silang sinalubong ng mga kamag-anak ng lalaki.

"Kuya! L-um-evel up ka na, a! May dala ka ng babae ngayon!" napangiwi siya sa pagbating iyon ng isang binatilyo. Sinuway ito ng ginang na sumalubong sa kanila kanina.

"Pasensya ka na, malapit kasi sa isa't isa kaya ganyan mag-usap," dispensa ng ginang. Isa-isang pinakilala ni Dale ang lahat ng mga taong naroon sa kanya. Natawa naman ito nang mapakamot siya ng ulo.

"Ano, kaya pa ba ng memorya mo?" panunukso pa nito. Mukhang alam nito na nalilito na siya sa mga pangalan ng mga kamag-anak nito.

"Duda ako'ng maalala ko lahat ng mga pangalan nila mamaya." pagbibiro niya pa.

"Kumain na muna tayo." At iginiya siya nito sa buffet table.

Pagkatapos makakuha ng pagkain ay pumwesto sila ni Dale sa mesa na hindi gaanong napagigitnaan ng mga tao.

Habang kumakain ay malayang pinagmasdan niya ang tanawin. Malawak ang bakuran ng ancestral house ng pamilya nila Dale. Sa tingin niya ay malayo rin ang pagitan bago makatanaw ng kapitbahay. Kung walang okasyon, nasisiguro niyang tahimik sa lugar na 'yon.

Napansin niyang may isang parte ng lugar na tila papunta sa isang gubat. O baka marami lang talagang nakatanim na puno, Komento niya sa sarili.

"That's a forest trail." Narinig niyang nagsalita si Dale sa kanyang tabi.

"Kung gano'n, may gubat talaga rito?" manghang tanong niya.

"Actually, it's just a mini-forest trail," anito na itinama ang unang sinabi. Tumawa pa ito na animo't may nakakatawa sa sinabi.

Naningkit ang kanyang mga mata. "Niloloko mo ata ako, eh?"

Umayos ito ng upo at pinigilan ang pagtawa.

"Hindi kita niloloko. Totoong forest trail nga 'yan... Sa dulo n'yan, may talon."

Lalo siyang namangha sa siniwalat nito. "Talon? As in, falls?"

Tumango ito.

"Sa inyo ba 'yon?" tanong niya.

"No. It's our family's friend private property." Tila nag-iingat na tugon nito. Medyo nadismaya siya sa nalaman. Ibig sabihin, hindi sila maaaring makapunta roon?

"Pwede ba tayong pumunta ro'n?" she still asked, hoping that they could.

"Oo naman. Malapit sa pamilya namin ang pamilyang may-ari ng property na 'yon. So you see, we have this access to go there."

"Whoa! It's... amazing!"

"Really is. Gusto mo na bang pumunta ro'n?"

Parang pumalakpak ang tainga niya sa narinig at gusto na niyang pumunta ro'n. Agad-agad.

"Pero bukas na lang. Aabutan tayo ng dilim 'pag nagpunta na tayo ngayon," pagbibigay-alam nito na ikinabagsak naman ng kanyang balikat. "Hey, don't be disappointed, may bukas pa naman." He tapped her shoulders as if he's saying there's nothing to feel disappointed to.

Dahil wala sa pagkain ang kanyang isipan ay hindi niya napansin ang basong nakalapag sa tabi ng kanyang pinggan. Natabig niya iyon at natapunan siya.

Napasinghap siya. "S-Sorry.. Hindi ko sinasadya," natatarantang sambit niya dahil nakatingin sa kanya ang mga kamag-anak nito. Ang iba'y napatigil pa sa pagkukwentuhan.

"No, don't say sorry." Hindi niya napansing nakatayo na pala siya at nasa tabi niya si Dale. "Let's come inside, magpalit ka ng damit."

"Pero, wala akong dalang damit."

"Flare!" tawag nito sa isang babae. Naalala niyang ito ang kasa-kasama ng matanda sa bahay na 'yon. Mabilis naman itong tumalima.

"Bakit, kuya Dale?"

"Pahiramin mo muna ng damit si Christine. Natapunan kasi ng juice ang damit niya."

"Sige. Tara ate." Magiliw na bumaling ito sa kanya. Agad naman siyang sumama rito.    

"Hintayin mo na lang kami rito, kuya Dale. Sandali lang naman kami."

Tumingin pa muna sa kanya si Dale at pagkuwa'y tumango siya at nagpatuloy na sila sa paglalakad.

"P-Pasensya na talaga. Naistorbo pa kita," hinging-paumanhin niya ng makapasok na sila sa loob.

"Naku, wala 'yon."

Natigilan siya nang makapasok na sila sa loob ng bahay. It's a typical Spanish era house. Luma na iyon pero na-preserve pa ang kagandahan ng bahay na iyon. Sa palagay nga niya ay na-reconstruct ang bahay at pinanatili ang lumang estilo. Bigla ay tila may pumitik sa kanyang sentido na ikinasama ng kanyang pakiramdam.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Flare.

"Ah, oo..." pagsisinungaling niya. Ang totoo ay may biglang rumehistro sa isipan niya, isang bahay na katulad ng pagkakadisensyo ng bahay na iyon. Ang kaibahan lang ay ang mga kasangkapan at muwebles na naka-display roon.

Nang papanhik na sila ng hagdan ay napasinghap siya nang tila parang may nakikinita siya sa kanyang diwa na isang lalaki na nakahandusay sa paanan ng isang hagdanan. Buhay pa ito ngunit naliligo na sa sariling dugo.

"Christine... Umalis ka na rito. P-Papatayin ka nila..." Biglang rumehistro sa isip niya ang mga katagang iyon. Hindi sa bahay na ito niya iyon nakikita, sa ibang lugar ngunit parang may kung ano sa bahay na iyon na nagpapabalik ng mga alaalang pinilit niya nang kalimutan.

Napakapit siya sa laylayan ng damit ni Flare at hinihingal na hinawakan ang dibdib.

"A-Ayos ka lang ba? Teka, tatawagin ko si kuya," natatarantang ani nito.

Umiling siya. "Ayos lang ako. Saan ba ako magpapalit ng damit?" tanong niya at pilit ba pinakalma ang sarili. Fragments of her memories are coming back and she couldn't just ignore it. She let herself remember.

Hanggang makarating sila sa silid ay hindi pa rin mawaglit ang pangyayaring naaalala niya. Bakit ba pinili niyang ibaon sa limot iyon? Bakit pinili niyang kalimutan kung sino siya? Hindi pa malinaw ang lahat sa kanya ngunit isang bagay ang sigurado siya,

Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa pamilya natin, Kuya...

Nang nakapagpalit na ng damit ay agad siyang niyaya ni Flare na lumabas na. Ni hindi man lang niya nasipat ang sarili sa salamin.

Napansin niyang hindi ito mapakali kaya nagtanong siya rito. "Masama ba ang pakiramdam mo, Flare?"

Napakislot muna ito bago sumagot, "Oo... Tara na, naghihintay na sila," yaya nito at nauna lang nakalabas sa kanya.

Kasalukuyang nagkukwetuhan ang mga pinsan ni Dale. Natutuwa siya dahil ang kuukulit ng mga ito. Kung mag-usap, akala mo'y mga batang paslit na naglalaro sa daan. Nagpasya siyang umupo malapit sa fountain.

"Lalim, ng iniisip natin, ah?" pukaw ni Dale sa atensyon niya.

Ngumiti siya. "Masaya lang ako. Hindi ko pa kasi naranasan ang ganito sa pamilya ko." Hindi ko naranasan dahil pinagkait nila.

"Bakit naman?"

Hindi siya sumagot.

"Forget that I asked," sabi nito. Kunsabagay, wala rin naman siyang maisip na sasabihin.

"Kuya, pwede ba kitang makausap sandali?" sabad ni Flare sa kanilang dalawa ni Dale.

"Sige."

"Doon tayo sa loob," sambit nito nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Bakit nakatingin siya sa akin?

"KUYA, I swear, something was wrong with her a while ago. Nagsasalita siyang mag-isa kanina, na pagbabayaran daw ang ginawa sa kanila and such. At first I thought she's creepy!" mabilis na paliwanag kay Dale ni Flare. Tiim-bagang lang na nakikinig ang lalaki. "Alam mo bang para siyang nakakita ng multo no'ng nasa grand staircase kami? Sa sobrang putla niya akala ko hihimatayin siya," nag-aalalang dagdag pa nito.

"Alam ko ang kalagayan niya. I'm her doctor," paliwanag niya rito.

"Baliw ka ba, kuya? Nagdala ka ng pasyente mo rito?" bulalas nito.

"She's my responsibility."

"Of course she is! Pero sa loob lang ng ospital 'yon, Kuya! You don't need to babysit her."

"Flare, I'm warning you. 'Wag kang gumawa ng eksena."

"Kuya, ikaw ang gumagawa ng eksena. Nagdala ka rito ng pasyente mo. Paano na lang pag nalaman nila 'yon? Baka mailang siya. Baka mas kailangan niya munang magpahinga sa hospital."

Nauubusan na siya ng pasensya, kanina pa nito pinipilit na malala ang kalagayan si Christine. But heck, no! Alam niya sa sarili niya ang tunay na kalagayan nito. Bumuntong-hininga siya.

"Right, she's in a mental institution. But that doesn't mean she's crazy! I'm her doctor and why I knew better what's happening to her," pagpapaliwanag niya sa nakababatang pinsan.

Nakauunawang tiningnan siya ng pinsan. Ngunit iba ang namutawi sa bibig nito. "Ewan ko sa 'yo, Kuya. I didn't believe that you'll fall hard with your own patient. Nabubulagan ka na."

"Flare," banta niya. Hindi niya masisisi ang pinsan dahil wala itong alam at nag-aalala lang sa kanya. Pagkuwa'y ngumisi ito ng malapad sa kanya't tumagos ang mga titig sa kanya.

"You're the one who should stop. Hindi ko sasabihin sa kanila 'to. Pero sana, matauhan ka na."

May narinig siyang mabilis na papalayong yabag. Matalim niyang tiningnan si Flare.

"Peace, kuya. Naiinis kasi ako sa 'yo," nakangising pahayag nito. "Dapat hinayaan mo na siyang magpahinga sa ospital you didn't see her awhile ago, she looked like she's really in pain."

"You better say sorry to her," madilim na sabi niya.

"Ohmygod, hindi ko naisip ang mararamdaman niya. S-Sorry..."

Hindi niya ito pinansin at iniwan niya na ito.

Alam niyang may naaalala na si Christine. Kaagad na sinundan niya ang dalaga.

NAPAGPASYAHAN ni Christine na sundan si Dale ngunit aksidente niyang narinig ang ilan sa usapan ng pinsan nito. Agad siyang lumayo at bumalik upang makihalubilo sa mga kamag-anak ng lalaki. Pilit na winawaglit sa isipan ang sinabi ni Flare.

"Hindi ka ba talaga girlfriend ni si kuya Dale?" tanong kay Christine ng isang dalaga na sa tingin niya ay hindi nalalayo ang edad sa kanya.

Napatingin siya rito at pinipilit tandaan ang pangalan nito.

"Oh, I'm Danielle, Dane for short," nakangiting sabi nito na mukhang naintindihan ang tumatakbo sa isip niya. "So, hindi talaga kayo?" tanong muli nito at umupo sa pwesto ni Dale. Hindi pa rin ito bumabalik simula ng kausapin ito Flare.

"Oo nga naman, Christine . How come na hindi kayo? Wala pa'ng dinadalang babae si Dale sa mga okasyong pampamilya katulad nito," anang Leomar, nakatatandang pinsan ni Dale. Sunud-sunod naman ang pagsang-ayon ng mga naroon at kinuyog siya.

Napabuntong hininga muna aiya bago nagsalita. "Hindi niya nga ako girlfriend. Ano... Uh, kasi.. pasyente niya ako," halos pabulong niyang sambit.

Nakita niya ang pagkagulat ng mg  ito sa sinabi niya. Wala ni isa ang nagsalita.

"Christine." Napabalikwas siya sa sobrang dilim ng tono ng boses ni Dale.

"Kuya, is it real that she's your patient?" kuryosong tanong ng isang pinsan nito. He gave them a warning look.

Napayuko siya. Nagdala si Dale ng pasyente nito, baliw na pasyente nito, at siya ang pasyenteng iyon. Nangilid ang kanyang luha. Sana pala hindi na ako sumama.

"But you don't look like one tho," anang Danielle, ang naglakas-loob na bumasag sa katahimikan.

"Of course she doesn't look like one. I think, she's just trolling us," sambit pa ni Angel, isa sa mga nakababatang pinsan nito.

"Enj," babala ni Dale dito. Nagsitayuan ang balahibo niya siya paraan ng pagkakasabi nito at pagkuwa'y hinila siya papalayo at dinala ro'n sa bukana ng mala-gubat sa lugar.

"A-Anong ginagawa natin dito? It's getting darker."

"Don't mind what they were saying," balewala nito sa tinanong niya.

"But... they aren't saying anything wrong."

"Bakit mo sinabing pasyente kita?"

"Totoo naman," nakayukong tugon niya.

Hs looked really frustrated.

Nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang magkabilang balikat niya at hinalikan. Magaan lang 'yon at pagkuwa'y tinitigan siya.

You must get used to it, you know... Aniya sa isipan.

"I don't kiss my patients," anito na lalong ikinagulat niya.

"B-Bakit mo sinasabi sa 'kin 'yan?"

"'Cause I want you to know that I still feel something for you!" naiiritang sambit nito. "Damn it! When will you remember me?" he murmured darkly.

"Ba't naninigaw ka?"

"I'm sorry," bulalas nito nanh matauhan. Niyakap siya nito at hinaplos ang likuran niya. "I'm sorry I shouted at you. I was just frustrated because I want you to live your life again." Nalungkot siya sa tinuran nito.

"Am I not really normal?" tanong niya na ikinakunot naman ng noo nito.

"What do you mean?"

"Uh, wala."

Napabuntong-hininga ito. "Alam kong masakit. Pero gusto kitang makalaya." Tumikhim pa muna ito bago nagsalita. "I'll help you remember everything," makahulugang sambit nito.

Kumalas siya sa pagkakayakap nito at pagkuwa'y pinagsusuntok ang dibdib nito. "No! I'll stay in the asylum." Napalakas ang sabi  nya. "Bakit ba lahat kayo gusto akong gumaling? Lalo ka na! Hindi mo ba alam na ayoko ng gumaling? Ayoko nang umalis sa ospital! I feel safe with you at the hospital." Sa paghalu-halo ng nararamdaman niya ay hindi niya namalayang lumuluha na pala siya.

I am normal, for Pete's sake! I just don't want to get away from you!

"Fuck, Christine! I don't know what to do with you." Nakita ng nanlalabo niyang mata na lumambot ang mukha nito. Parang nasasaktan din ito. Doble pa sa sakit na nadarama niya.

"Kayo na lang ang pamilya ko. Kaya, please..." sinisinok na sambit niya.

"I'm sorry. Alam ko'ng mahirap pa para sa 'yo. I'm sorry for rushing you off," pagod na tugon nito. "I'll wait." Hinigit siya nitong muli at mahigpit na niyakap. Sa ginawa ay tila lalo siyang napahikbi. Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng damit nito habang pilit na pinipigilan ang pag-iyak.

"Hush... I'll stop talking about it. Just... hush now, please."

Natigilan siya ng marinig ang mga katagang 'yon. Saan ko na nga ba narinig ang boses na ito? Tanong niya sa sarili.

Nanatili sila sa ganoong kalagayan hanggang sa tumigil na siya sa pag-iyak.

"Do you feel better now?" tanong nito nang kumalas na siya sa pagkakayakap mula rito.

"Oo. P-Pasensya ka na, nabasa ko pa ang damit mo," hinging paumanhin niya.

"Ayos lang. Marami naman ako nito." Napangiti siya sa tinuran nito. Alam niyang pinagagaan nito ang sitwasyon.

"Yabang!" biro niya. "Pero maggagabi na. Hindi pa ba tayo babalik?"

"Mamaya na, baka kuyugin nila ko't sabihing pinaiyak kita. Gusto mo bang magmukhang panda sa harapan nila?"

Napaungol siya bilang protesta.

"You shouldn't sound like that, you know?"

"Huh?"

"Wala. Sabi ko, ang cute mo kahit namumula ang ilong mo," anito at pinisil ang ilong niya.

"Ah!" protesta niya at wala sa sariling niyakap niya ito. She heard him chuckle before he spoke.

"Sige, tsansingan mo lang ako hangga't gusto mo," natatawang sambit nito. Ngumiti siya at hinigpitan ang pagyakap sa lalaki.