Chereads / BREAK MY LIES / Chapter 13 - Remember

Chapter 13 - Remember

Chapter 11. Remember

ISANG linggo matapos ng insidente ay inilibing ang mga labí ni ng kapatid ni Christine na si Christian. Dead on arrival na ito nang makarating sa ospital. Natamaan ang vital parts ng puso nito na dahilan ng pagkamatay.

Tumatangis ang kapatid sa inang si Mona habang inililibing ang kanyang kuya. Christine's too shocked to absorb what happen. Noong nakaraang linggo lang ay masaya pa silang kumakain sa hapag ng kanyang kuya.

Kuya... tangis niya.

Ni hindi siya ang sumasagot sa mga taong nakiramay sa kanila. Wala siyang pakialam kung ano ang isinaksak ni Mona sa kaisipan ng mga ito. Ngunit nasisiguro niyang kasabwat ito sa nangyari.

"Ipapakulong kita!" sigaw niya sa kapatid nang maalala ang lahat. Naghisterya siya sa sementeryo habang dinuduru-duro si Mona.

"Nababaliw ka ba? Hindi ko magagawa iyon sa asawa ko!" Diniinan nito ang salitang asawa.

Naiiling na tiningnan siya ng mga tao. Mapanghusga at puno ng awa ang mga tinging iyon.

"Ipapakulong kita..." nanghihinang aniya.

Lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Sa sobrang higpit niyon ay nasasaktan siya. Wala siyang lakas na lumaban. "Run, Christine, run... Kapag naabutan kita, patay ka," nababantang bulong nito sa kanya. Tinulak niya ito ng marahas. Hindi alintana ang mapanghusgang tingin ng mga tao sa kanya. Wala sa sariling umalis siya roon at dumiretso sa bahay.

Mabilis siyang nag-alsa balutan at lumuwas ng Maynila. Gamit ang kanyang savings ay nag-book siya sa isang hotel. Hahanap agad siya ng matitirhan kinabukasan dahil hindi niya magagawa ngayon gawa ng malalim na ang gabi.

Madaling-araw na nang magising siya dahil may tunatawag sa kanya. Sinagot niya iyon,

"Christine, baby..." namamaos na usal nito. Napahikbi siya. Nang isugod ito sa ospital ay hindi siya dumalaw. Hindi niya alam kung paanong kahaharapin ito gayong siya ang dahilan kung bakit ito napahamak. "Please open the door," sumamo nito. Nanlalaki ang mga matang tinakbo niya ang pinto at binuksan iyon.

"H-How...?" Hindi siya makaapuhap ng salita.

"Thru your phone," tipid na sagot nito. Tinutukoy nito ang GPS ng cellphone niya kung saan madaling mata-track ang location niya. She forgot to turn it off.

Muli siyang naiyak. Akala niya'y wala na siyang maiiyak pa ngunit nagkakamali siya. Pagkapasok na pagkapasok nito ay niyakap niya ito. Bahagya itong napasinghap kaya kumalas siya rito.

"Sorry." Impit na napahikbi siya nang maalala ang lahat. Iginiya siya nito sa sofa at hinayaang umiyak dito.

"Let's go home," panimula nito nang kahit paano'y tumahan siya.

Mabilis siyang umiling. "Ayokong umuwi sa bahay lalo pa't doon na tumira sina mama. Baka lokohin nila ako para makuha ang pamana ko. Underage pa ako." Natatakot na hayag niya. She may be turning eighteen soon but technically, she's still not on the legal age. "Ipinakulong ni mama ang asawa niya... pero natatakot ako'ng tumira kasama ng pamilyang sumira kay kuya."

"Live with me, then," alok nito. Tinitigan niya ito. Tinatantya kung gaano katotoo ang sinabi.

"Naaawa ka lang..." Shsighed, "I'll be okay here. Tumira naman na ako rito sa Manila noon," maliit ang tinig na aniya. She saw his pained look.

"I want to protect you, baby."

Napapikit siya. Kung iba ang sitwasyon, lulundag siya sa galak. "No, I'll do what kuya wants for me. I'll study in Italy. Tatapusin ko lang ang senior high dito." Buo na ang desisyon niya.

Marahas itong bumuntong-hininga. "I don't want to let you go."

"No, Dale."

"Baby..." nasasaktang tugon nito. "Please," sumamo nito.

Nangilid ang kanyang luha sa itsura nito. Pero buo na ang desisyon niya. Gagamitin niya ang trust funds niya para makaalis ng bansa.

Hindi niya sana balak um-attend sa graduation niya. Aniya ay kailangan na niyang lumipad pa-Italy. Dale insisted though.

"Sasamahan kita sa stage." anito. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ito. "I know what you were thinking. Don't think you are alone. You have me."

Hindi siya makaapuhap ng salita.

"Don't be embarrassed, you won't be alone," puno ng sinseridad na sambit nito. "I'm so proud of your achievements."

Hinaplos nito ang buhok niya. Namula siya. Magtatapos siya ng may karangalan. Inaalay niya iyon sa kanyang ama at kuya.

Mismong araw ng graduation niya ang kaarawan niya. Matapos ng graduation niya ay agad na hinatid siya ni Dale sa paliparan.

"I don't really want to let you go." Mahihirapan siyang umalis kung ganito ang maghahatid sa kanya. Nakayakap siya kay Dale at nasa airport sila.

"Dale," nanghihinang bulong niya.

"Alright," sumusukong sagot nito. "Let me just visit you then."

Mabilis na umiling siya. Alam niyang abala pa sa lahat ng busy ang lalaki. "Kapag pinuntahan mo ako roon, hindi kita papansinin," banta niya.

He just chuckled but his eyes were blue. "I've waited long enough. But I won't mind waiting if it's you," puno ng pagmamahal na sambit nito nang kumalas na sa pagkakayakap.

"I love you, Dale," biglang siwalat niya. Nanlaki ang mga mata nito na hindi makapaniwala sa tinuran niya.

"S-Say it again..." nanginginig na pakiusap nito.

Nanlabo ang mga mata niya. She just gave him her assurance. Umiling siya at nginitian ang lalaki, "Oras na. Baka maiwan ako ng flight," pag-iiba niya sa usapan.

"Damn, baby," he uttered a curse. "I'll follow you in Italy."

"I won't ever accept you in my life if you do that, Dale," banta niya rito. Bahagya itong natakot sa sinabi niya at napalitan din naman agad iyon ng kakaibang kislap.

"Stubborn, girl," sumusukong sambit nito ay kinintalan siya ng halik bago hinayaang makaalis. She knew she made the right decision. Lalo na't sa ngayon ay pareho nilang kailangang mag-focus sa pag-aaral.

CHRISTINE met Mark when she studied Culinary Arts in Italy. Bakasyunista ang lalaki roon nang makilala niya ito. Apat na taon siyang namalagi roon.

Graduating na siya nang mapagpasyahan niyang magbakasyon sa Pilipinas. Dumiretso siya sa mansyon nila Dale. Naabutan niyang nagliligpit ang mga kasambahay, ang sabi ng mga ito ay may party raw na naganap. Hindi na niya hinanap ang lola nito dahil ang sabi ay nagbakasyon daw ito sa Baguio.  Dumiretso na kang siya sa silid ni Dale upang sorpresahin ito. Ngunit siya ang nasurpresa nang maabutan niyang may babaeng nakapatong dito habang wala itong damit na pang-itaas. Hindi ito kumikilos habang ang babae ay kinakalas ang suot na damit.

Umungol si Dale at para siyang pinapatay nang marinig iyon. "Christine..." sambit nito nang magtama ang kanilang mata.

"Damn it, Gladys! Why are you here?" Mukhang natauhan ito at mabilis na itinulak ang babae.

Mabilis din siyang tumalikod para makalayo. Narinig pa niyang tumili ang babae at nagtawag ng tulong.

"He passed out!" anito sa isang kasambahay. Hindi na siya lumingon at umalis na ng tuluyan. Hindi alintana ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi.

She booked a flight back to Italy right after she want back in Manila. Nagpaloko siya sa lalaking iyon. Hinding-hindi na niya paniniwalaan ang mga sasabihin nito.

She was welcomed by Mark when she came back. Iniyak niya ang lahat dito. For the past four months, lagi niyang kasama si Mark. Nililigawan siya nito noong mga panahong iyon. Right after her graduation ay sinagot niya na ito. She needed to strive. At hindi niya iyon magagawa kung makukulong siya sa alaala nila ni Dale.

Agad na umuwi siya nang Pilipinas nang matanggap siya bilang isang sous chef sa five-star hotel ng mga Sandoval. Bumili siya ng bahay sa kalapit na subdivision at ganoon ang naging pamumuhay niya.

Isang gabi na binisita siya ni Mark dahil anniversary nila kinabukasan at pinagluto siya nito ng pagkain.

"Inaantok ako, Mark," nanghihinang aniya. Tumayo siya at muntik ng mabuwal kung hindi lang siya agad nito inalalayan. Dinala siya nito sa kanyang kwarto and tucked her in the bed. Sa nanlalabong paningin ay nakita niya ang isang pamilyar na pigura sa pintuan.

Nang magising siya'y tantiya niya ay madaling-araw na. Gusto niyang imulat ang mga mata ngunit hindi niya magawa. Mabigat din ang pakiramdam niya. Narinig niya ang usapan mula sa kabilang kwarto. Boses iyon ni Mark at ni...

Mona? piping tanong niya.

Ano'ng ginagawa niya rito?

"Ahhhh..." ungol nito.

"Fuck!" mura ng boyfriend niya. "You're really turning me on, Mona."

"Ahhhh..." mahabang ungol nito, "...fuck me more. Fuck me hard! My sister can't give you this pleasure."

"Fuck you, Mona! Don't compare yourself to Christine." May diin ang pagkakasabi ni Mark.

"Aray...! nasasaktan ako. Ahhhh...!" duda siya kung nasasaktan nga ito sa tono ng boses nito. "Harder!"

Sabay pang umungol ang mga ito bago natigil ang pagkalampag na naririnig niya. Tumulo ang kanyang luha. Gising na siya ngunit wala siyang lakas na harapin ang mga ito.

"Let her sign these papers." Pagkuwa'y nagsalita si Mona. "Magbibihis lang ako't aalis na," dagdag pa nito.

Kinabukasan habang nakaupo siya sa kanyang hardin habang nag-iisip ng malalim ay nilapitan siya ni Mark.

"Christine..." May dala itong tray ng pagkain.

"Fuck off, Mark," malamig niyang tugon.

Nagtatakang tinitigan siya nito.

"I don't love you. Let's break up."

"No, Christine. We're getting married, aren't we?"

Tumiim ang bagang niya.

"Why?"

"I heard you. You were fucking someone."

Napaatras ito. "What are you talking about?"

"Damn you!" mura niya.

"You're impossible. Your room is soundproof. It's impossible you heard—" he stopped in mid-sentence. Malakas talaga ang pandinig niya at hindi soundproof ang kanyang kwarto gaya ng inaakala ni Mark. "You're just tired, Christine. I'll just go back after my vacation." At iniwan siya nitong nag-iisa.

Ilang linggo ay hindi siya makapagtrabaho ng maayos. Nag-leave siya at nag-stay sa bahay. She must plan on how to get rid of her mom and her sister in their mansion. Hindi iyon pag-aari ng mga ito. Walang karapatan ang mga ito na tumira sa bahay ng kanyang ama.

Hindi na rin siya pinuntahan pa ni Mark simula nang huling pagkikita nila.

Habang nasa hardin bigla na lang siyang nilapitan ng mga taong nagpakilalang kapitbahay niya. Nagduda siya kaya pasimpleng lumakad upang makapasok sa kanyang bahay. Ngunit mabilis siyang nasundan at may pinaamoy ang mga ito sa kanya bago tuluyang hinimatay.

Pagkagising niya ay nasa isang ospital siya at nang maalala ang nga nangyari sa kanya ay nagwala siya at pumalahaw ng iyak.

(Present Time)

NAGISING si Christine nang makaramdam siya ng uhaw. Hinihingal din siya sa pagbuhos ng mga alaalang pinilit niyang kinalimutan. Mariing pumikit muna siya bago mabilis na bumangon siya at uminom ng tubig na nasa bedside table. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa kwarto pa rin siya ni Dale. Iginala niya ang mata sa loob ng kwarto ngunit napagtanto niyang mag-isa lang siya. Nanlumo siya. Akala niya ay mabubungaran niya ang lalaking naghihintay sa kanyang paggising. Mukhang kailangan niyang masanay na sa mundong kinagagalawan niya, nag-iisa na lamang siya.

At si Dale... Baka naaawa lang siya sa 'kin.

She saw some clothes on the chair beside the bed and assumed that it was for her. She sighed and she went straight to the bathroom. Nang matapos sa pagligo ay sinuot niya ang roba na nasa banyo. Iniwan niya ang mga damit sa loob ng kwarto dahil balak niyang patuyuin muna ang buhok bago magbihis. Dire-diretso siyang naglakad papuntang couch para itutok sa electric fan ang basa niyang buhok. Wala naman kasi siyang dalang blow-dry.

Narinig niyang marahas na napasinghap ang kung sino man ang nasa loob ng kwarto. Kinabahan siya, ang alam niya'y mag-isa lang siya. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Dale, nakamaang na nakatitig sa kanya habang nakaupo sa kama. Matagal na naghinang ang kanilang mga mata. Pagkuwa'y mabilis itong tumayo at lumapit sa pinto. He locked the door.

"Damn," he cursed. "My cousins don't know you slept here. Baka puntahan nila ako. I don't want them to see you like that." Nakaramdam siya ng hiya.

"Sorry, akala ko kasi mag-isa lang ako kasi iniwan mo ako."

"Nag-prepare lang ako mg breakfast kaya ako lumabas. And I didn't realize you were taking a shower when I came in," paliwanag nito. Gumaan ang kanyang pakiramdam sa nalaman. Tumayo siya at nilapitan ang lalaki na nasa tapat pa rin ng pinto.

"Thank you," masayang tugon niya at niyakap niya itong mahigpit.

"Fuck!" malutong na mura nito.

Nanlalaki ang mga mata niya nang maalala kung ano ang itsura niya ngayon. Dale kissed her without saying a word. With one swift move, they changed positions. Isinandal siya nito sa pintuan nang hindi pinuputol ang halik. Bumaba ang laylayan ng suot niyang roba at mas lalong lumalim ang halikan nila. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa batok ng lalaki at tila napaso siya nang dumainti ang katawan nito sa kanyang dibdib.

Marahas na napamura ito nang pinutol ang halik at niyakap siya ng mahigpit. Nararamdaman niya sa kanyang puson ang matinding pagnanasa nito at kung hindi nito pinutol ang halikan nila ay baka isinuko na niya ang lahat dito.

"I'm no saint, baby," napapaos na usal nito, mahigpit pa ring nakayakap sa kanya. Pilit siyang kumalas sa pagkakayakap nito. Ilang sandali pa ay pinakawalan siya at yumuko upang l-um-evel ang paninigin nito sa kanya. "Look at me, Christine," he pleaded.

She didn't. She suddenly remember the pain when she saw him with a girl riding on top of him. Gayunpama'y naririnig niya ang malakas na kabog ng kanilang dibdib. Inayos nito ang suot niyang roba. Pagkuwa'y nagsalita siya,

"I remember you now, Jerome Dale Vergara Sanchez."