Chapter 6. Can't Breathe
KUNG nagdilim ang paningin ni Dale nang abutan niya si Mark sa ICU kanina, ngayon naman ay napuno siya ng takot at pangamba. Kinakabahan sa kung ano ang maaaring maaaring mangyari kay Christine.
"Christine, wake up! Kagigising mo lang, h'wag ka munang matulog ulit!" Niyugyog niya ito sa balikat at pilit na ginigising. "Fuck!"
Nang hindi na ito kumilos at tuluyan ng tumulo ang kanyang luha. "Christine, wake up..." tila nanghihinang sambit niya. Sakto namang narinig niya ang boses ng doktor nito. Hindi ito si Dra. Aronce. Ayaw kasi niyang patingnan sa ibang lalaking doktor si Christine pero hindi na niya inisip ang bagay na iyon. Agad siyang tumayo at nilapitan si Bien.
"Bien! Check her! Damn it! Wake her up!" natatarantang sigaw niya. Alam niya sa sarili niya na hindi niya kailangang mag-panic sa mga oras katulad nito. But he can't help it. He's afraid of the possibilities that something wrong might happen to her.
"Calm down. We're going to bring her to the ER," mahinahon na sabi ni Bien. Tinutukoy ng Emergency Room ng ospital.
"Then do it faster!" singhal niya. Nakita niyang inililipat ng mga nurse si Christine sa isa pang kama na de-gulong. Napamura siya dahil matatagalan pa sila sa ginagawa nila.
"Umalis kayo r'yan!" ma-awtoridad na utos niya sa mga nurse na nag-aasikaso rito. Binuhat niya ito at nagmamadaling lumabas papunta sa ER. "Sundan niyo 'ko, bilisan ninyo!"
Nang hiniga na niya si Christine sa kama ay saktong pagdating naman ng mga mag-aasikaso rito. Nilapitan siya ni Bien na siyang huling pumasok sa ER.
"Maghintay ka na muna sa labas, Dr. Sanchez. May mga pasyente ka ring kailangang tingnan," baling nito sa kanya.
"I can't... Nando'n din si Dr. Perez, hindi niya pababaya—"
"Jerome Dale!" singhal nito sa kanya. Mukhang nawawalan na ito ng pasensya.
Doon siya natauhan. Sa huli ay sumuko rin siya. "Alright, I'll wait outside. Just... do anything to save her."
Bien tapped his shoulders to reassure him. Parang sinabi na rin nito na hindi niya kailangang mag-alala't maliligtas si Christine.
Ilang oras na siyang naghihintay nang sawakas ay lumabas na si Bien. Sinalubong niya ito.
"How's she?" puno ng pag-alalang tanong niya.
"She's alright."
He sighed in relief. "Pero bakit siya hinimatay?"
"I'll tell you later. Let's have a coffee first." Sa halip ay sambit nito.
Agad naman siyang tumalima. Nang makabili na ito ng kape sa isang vending machine ay umupo sila sa isang bench doon. Wala ring gaanong tao sa parteng iyon dahil malalim na rin ang gabi, tulog na halos lahat ng pasyente.
"Tell me the results."
"Propofol," tipid na sagot nito.
"Propofol?" ulit niya. Alam niya kung ano iyon. Propofol is a sedative-hypnotic agent. It is used to help you relax before and during general anesthesia for surgery or other medical procedures. However, Propofol is administered under a physician's supervision. Dose depends on the condition being treated and the patient's weight. At kapag na-overdose ang isang pasyente, maaaring magkaroon ng malalang side effects ang pasyente gaya ng pagbilis o pagbagal ng pagtibok ng puso, pagko-kombulsyon, at iba pa na maaaring ikamatay nito kung hindi agad naagapan o nalunasan.
"Yes," kumpirma nito. Kinabahan siya. Alam niya ang side effects ng gamot na iyon kaya nama'y hindi niya napigilan ang takot na nadarama.
"H-How is she? Gumising na ba siya? Malala ba ang naging epekto sa kanya? Was that bastard overdosed her with Propofol?" sunud-sunod na tanong niya. Kung lumala ang kondisyon ni Christine, hindi ko na alam kung ano'ng magagawa ko sa gagong iyon! Nagpupumiyos na sambit niya sa isip.
"Luckily, she wasn't overdosed. Tatanungin na lang namin siya paggising niya kung mabigat pa ba ang nararamdaman niya. Pero nasisiguro kong maayos na siya."
"Bakit hindi pa rin siya gumigising kung maayos na siya?"
"Nanghihina pa kasi ang katawan niya kaya hinayaan na muna namin siyang matulog para makapagpahinga. Hindi rin siya makausap ng maayos. She's confused. Naguguluhan siya kung bakit nandito siya samantalang nasa silid pa lang niya raw siya kanina. Pero wala kang dapat ipag-alala, isa rin yon sa side effect ng Propofol kapag nasaksakan ng kaunting dose," esplika nito kahit alam naman nitong alam niya ang nga iyon.
He never felt this thankful in his life. Salamat at maayos na siya. Mas aalagaan ko siya pag nakabalik na siya sa kanyang silid. Palagi ko na rin siyang aayaing lumabas at mamasyal. At—
"Dale?" pukaw ni Bien sa atensyon niya.
"Thank you, dude." ignora niya sa nagtatanong nitong ekspresyon. Ngunit hindi siya nakaligtas nang magsalita ito.
"I don't know anything about that woman. Alam kong may nararamdaman ka sa kanya. But you should know your limits... She's your patient. You should take more care of her. Wala siyang problema sa katawan niya. Alam ko 'yon, dahil Physician ako."
"Alam ko. I waited for her. Hindi ko na hahayaang takbuhan niya ang nakaraan. Kaya nga ginagawa ko ang makaalala na siya," aniya tsaka ngumiti ng makahulugan. Saglit na dumaan ang kalituhan sa mukha ni Bien at unti-unting sumilay ang mapanuksong ngisi sa labi ng huli.
"Dude! Nakakadiri ka! Ngumingiti kang mag-isa!"
Binatukan niya ito. Tinawanan lang siya nito.
"At isa pa, 'yang style mo, p're, bulok! Kung hindi ko pa alam na..." sinadya nitong ibitin ang sasabihin. He's glad that everything's fine. Pero hindi siya gaanong makakapampante kung hindi pa niya makimitang gising si Christine.
"'Lol! Akala ko ba walang 'pare-pare' sa ospital?" pang-iiba niya sa usapan. Bukod kasi sa nagtatrabaho sila sa iisang ospital ay magkaklase rin sila ni Bien sa Medical School noon. Malapit din sila sa isa't isa dahil parang magkapatid na rin ang turingan nila.
"'Ugok! Mukhang maayos ka na. Akala ko pa naman kanina, i-a-admit na kita sa kabilang department." Ininguso nito ang direksyon kung saan siya nagtatrabaho, sa mental institution ng ospital na iyon.
"Aalis na ako. Hinihintay na ako ni Maja loves." Tinutukoy ay ang chart nito. Hindi na siya nito nahintay na gumanti ng paalam dito dahil nakalayo na ito.
Naiwan siyang nakapaskil ang maginhawang ngiti sa kanyang labi. Nagpasya siyang puntahan si Christine sa silid kung saan ito inilipat. Nang makarating ay agad niya itong nilapitan.
"Magpahinga kang mabuti, ha? Dahil bukas na bukas, gagawa na ako ng paraan na mapalapit sa iyo. I'm going to ask you out... I won't hold back again," matamang usal niya habang hindi inaalis ang pagkakatitig dito. Hinalikan niya ito sa noo at hindi umalis sa tabi nito.
NAPABALIKWAS ng bangon si Christine nang maalala kung ano ang nangyari. Ngunit natigilan siya nang mapansing may nakaupo sa may tabi niya at nakayuko ang ulo nito sa kama. Hinawi niya ang buhok nito na bahagyang nakatabing sa mukha nito.
"Dale..." bulong niya. Unti-unting nawala ang pagkatarantang nararamdaman niya at napalitan 'yon ng seguridad na ligtas na siya sa tabi ng lalaking ito.
"Ang gwapo mo pala talaga," kinikilig na sambit niya habang titig na titig dito. Tila kinakabisa ang bawat anggulo ng mukha nito.
Lumapit siya ng bahagya rito para mas lalong matitigan ang napakagwapong mukha nito. Mula sa makakapal nitong kilay ngunit bumagay naman sa singkit nitong mga mata, na kapag tumitig sa kanya ay para siyang yelong natutunaw. Ang ilong nito na animo'y hinulma dahil perpekto ang pagkakatangos niyon, at ang labi nitong sa pakiwari niya'y talaga namang biniyayaan dahil mapupula iyon. Parang gusto tuloy kitang halikan...
Sinuklay niya ang kanyang mga daliri sa buhok nito. Napahinto siya at napatitig na naman dito. "Grabe! Hindi ko inakalang may lalaki pa akong makikilala na katulad mo."
Nanlaki ang mga mata niya nang bigla itong magmulat. Ngumiti ito. Oh, heavens!
Papagkuwa'y nagsalita ito, "Katulad ko na ano?" nginisian pa siya nito na animo'y alam nito na pinagnanasaan niya ito.
Napatuwid siya ng upo. "Ah.. Ano... K-Kumain ka na ba?" Hindi pa siya kumakain! Kagigising lang niya, 'di ba? Pangungutya niya sa sarili. Napailing siya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong na lang niya.
"Umaga na pala. Good morning, darling," nankangiting bati nito. "Aalis din sana ako kagabi pagkatapos kong pagsawaan sana ang pagtitig sa 'yo. Kaso nakatulog na ako't lahat-lahat, hindi pa rin ako nagsasawa. I want to look at you every moment."
Ano raw? 'Darling'? piping-tanong niya.
"Nauuhaw ako. T-Tubig..." nabubulol na sambit niya. Totoong nauuhaw siya ngunit hindi niya 'yon gaanong ininda dahil naging abala siya sa pagnanasa— este, paninitig sa mukha nito kanina. Isa pa, parang wala na siyang malunok na laway habang nakikinig sa mabulaklak na mga salita nito. Nagulat siya sa isiniwalat nito. Was he flirting with her a while ago? Hindi ba dapat ay nako-corny-han siya? Pero bakit parang kinikilig pa siya? Muli siyang napalunok at inubo siya dahil nasamid siya.
"Teka, ikukuha na kita ng maiinom." Mabilis na ipinagsalin siya ng tubig sa baso na nasa katabing mesa lang.
Agad niyang ininom iyon.
"Gusto mo pa?" tanong nito. Natigilan na naman siya.
Gosh! Bedroom voice! Ang husky. Nagawa pa niyang kiligin sa sitwasyon niya.
"Christine? Christine? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong nito.
Doon naman siya natauhan. "Ayos lang ako."
Hinalikan siya nito sa noo at niyakap ng mahigpit. "I'm glad you're okay," sambit pa nito.
"Ahh... H-hindi ako makahinga," reklamo niya. Hindi siya makahinga sa presensya nito.
"Sorry," dispensa nito at niluwagan ang pagkakayakap sa kanya.
"C-Can't breathe.. Lumayo ka muna."
Mabilis na lumayo ito at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Nagtama ang kanilang paningin. Bakit parang nabasa niya sa mga mata nito ang matinding pagnanasa sa kanya? Napalunok siya at napansing agad na napalitan ng matinding pag-alala ang nakaguhit sa mukha nito.
"Hindi ka makahinga? Damn that Bien! Sinabi niyang sigurado siyang maayos ka na. Mukhang nagkamali siya." Umigting ang mga panga nito.
Walang sabi-sabing kinuha nito mula sa pagkakasabit ang dextrose at binuhat siya, dinala sa ER.
Ninamnam niya ang bisig nitong nakabuhat sa kanya. Wala sa sariling napayakap siya rito.
"O, Dr. Sanchez? What brings you here? Bakit buhat-buhat mo si Ms. Del Puerto?" puna ng doktor na may hinahawakang chart, tila binabasa iyon. Sa pakiwari niya ay naistorbo nila ito ang ginagawa nito.
"Shut up, Bien! You made sure that she's already fine! Pero bakit nahihirapan siyang huminga ngayon?" Galit na tanong nito. Napansin niyang namumula pati ang mga tainga nito.
"Relax, Dale. At bakit namumula ka?" Nahimigan niya ang panunukso ni Bien kay Dale.
"Because I'm furious! Bakit parang wala lang sa 'yo na nahihirapang huminga si Christine?!"
"Dude, bakit hindi mo muna siya ibaba?" sa halip ay sinabi nito. Marahan siya nitong ibinaba.
"Ano pa'ng hinihintay mo? Tingnan mo na siya!"
Nilapitan siya ni Bien at literal na tiningnan.
"Ano ginagawa mo?" Iritadong tanong ni Dale.
"Tinitingnan ko siya," nakangising sagot naman ni Bien.
"'Wag mo akong pinipilosopo baka hindi ako makapagtimpi sa—"
"Easy, dude. I already checked everything awhile ago and I can assure you, she's totally fine," putol ng huli sa pagbabanta ni Dale. "Mukhang alam ko na kung bakit nahihirapan siyang huminga."
Napakurap-kurap siya nang lapitan siya ng Physician.
"May ginawa ba sa iyo ang ungas na ito?" baling nito sa kanya habang nakaturo ang daliri kay Dale.
"Huh?" nagtatakang tanong niya. Pero naalala niya ang nangyari, maging ang tinging ipinukol sa kanya ni Dale kanina. Tuluyan na siyang namula.
"I told you, she's fine. Basta 'wag kang masyadong lalapit sa kanya. It's obvious," nanunukso ang tinig nito habang nagsasalita.
"Let's go to Dra. Aronce. Wala tayong makukuhang matino rito." Hinila sa kanya ni Dale papalabas sa silid na 'yon.
"Matino ako rito. Ikaw ang hindi." Narinig pa niyang pang-aasar ni Bien.
Naguguluhan siya sa ikinikilos ng dalawa. Ganoon ba talaga mag-usap ang mga doktor?
Huminto muna sila saglit at hunarapan siya ni Dale. "Pasensya ka na sa kaibigan kong 'yon. Malakas talagang mang-asar 'yon lalo na pag wala pang tulog."
"Kung gayon ay kaibigan mo pala siya? Kaya pala gano'n kayo mag-usap," komento niya.
Tumango ito at ngumiti. Pagkiwa'y nagpatuloy na sila sa paglalakad. Naalala niya kung paano siya nitong dinala roon kanina.
Binuhat-buhat mo ako papunta rito... Nagngingitnit na sambit niya sa isipan.
Napatingin siya sa mga kamay nila. Hindi niya namalayang magkahawak-kamay pa rin pala sila.
Okay na rin na hindi mo na ako binuhat pabalik sa kwarto. Bumawi ka naman sa holding hands. Kinikilig na pakikipag-usap niya sa kanyang sarili habang nakatitig lang sa mga kamay nila nang bigla siyang natisod. Mabuti na lang at magkahawak pa rin ang mga kamay nila kaya hindi siya tuluyang humalik sa sahig. "Ay, tanga!" naisambit pa niya.
He muttered a curse. Pagkuwa'y binuhat siya nito katulad kanina.
Dream come true ulit!
"I shouldn't let you walk. Alam ko'ng nanghihina ka pa." Nahimigan niya ang sinseridad sa tinig nito. "At wala kang sapim sa paa." Parang sinisisi nito ang sarili.
Ay, gano'n? Akala ko pa naman feel na feel niya talagang buhatin ako, Dismayadong pakikipag-usap niya sa sarili.
Loka! Ano'ng feel? Ang bigat mo kaya, beh! pangongotra ng kabilang bahagi ng kabyang isipan.
"Darling, are you alright?"
"H-Huh?" aniya na pinapaulit ang tinanong nito.
"I'm asking you if are you alright. Is there something wrong?"
Ay, bingi na rin ata ako. "Ah, oo. Okay na ako. Hindi rin ako nanghihina." walang ganang sagot niya. Kaya ko na ring maglakad. 'Di ba ine-exercise naman ako no'ng tulog ako? Pwede mo na akong ibaba," dagdag niya pa. Ewan ba niya pero parang alam niya ang nangyayari sa kanya o sa paligid niya no'ng tulog pa siya. Alam din niya kung ilang araw siyang natulog.
"Mamaya na," balewala nito sa sinabi niya.
"Pero baka nangangalay ka na."
"No. It feels good, actually," namamaos na sagot nito. Tiningnan pa siya nito at nginitian na ikinatili niya... sa kanyang isipan.
Malapad ang ngiti niya nang yumakap siya rito.