Chereads / BREAK MY LIES / Chapter 7 - Sleeping

Chapter 7 - Sleeping

Chapter 5. Sleeping

NARIRINIG ni Christine ang mga boses na tila nagbubulungan sa kanyang tabi. Sa pakiwari niya siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Nang tuluyan ng magising ang kanyang diwa ay unti-unting lumilinaw na ang usapan ng mga ito.

"Nahihibang ka na ba? Buhay pa siya!" anang isang boses ng lalaki.

"Buhay siya pero patay na ang katawan niya," katwiran naman ng babae.

Pinipilit niyang dumilat pero tila napakabigat ng talukap ng kanyang mata. Sa huli ay napagpasyahan niya'ng 'wag gumalaw at makinig sa usapan.

"Ilang araw pa lang siyang hindi nagigising. May tsansa pa na—"

"Shut up, Mark! Hindi na magigising si Ate! Hinding-hindi na siya magigising at mapupunta na sa 'tin ang mga mana niya!" Napalakas ang boses ng babae.

Ngayon ay malinaw na sa kanya king sino ang dalawang nag-uusap, ang taksil niyang kasintahan at ang kanyang ahas na kapatid sa ina. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit gusto ng kapatid niyang si Mona na mamatay na siya? At ano'ng tinutukoy nitong pamana? Bakit parang pakiramdam niya ay mayroong mga bagay na namang nawala sa kanyang alaala?

Naputol ang mga bagay na kanyang iniisip nang marinig niyang bumukas ang pinto.

"Good afternoon. Iche-check ko lang ang vitals ni Christine," anang pumasok. Si Nurse Demi ang nagsalita. At pakiramdam niya ay narinig niya ang panlalamig sa tinig nito.

"S-Sige. Lalabas na muna kami para kumain," paalam ni Mona. Bago makalabas ay narinig pa niya itong bumulong. "Sa labas na tayo mag-usap."

"Hi, Christine. Kamusta ka na?" Magiliw na sabi ni Demi.

Hindi siya umimik. Hinayaan niya itong gawin ang lahat ng kailangang gawin.

Nang hindi na ito magsalita ay inakala niyang nakaalis na ito. Ngunit gayon na lamang ang pagkagulat niya nang marinig niya itong bumuntong-hininga.

"Gumising ka na, Cristine. Hahayaan mo bang magtagumpay ang masamang balak nila sa iyo?"

Nagulat siya sa isiniwalat nito. Maraming tanong ang namuo sa kanyang isip. Nang bigla na namang magsalita ang nurse.

"No'ng araw na dumating iyong babaeng si Mona, napulot ko ang dokumentong nahulog niya noon. Akala ko basura lang pero nang nabasa ko ang sinulat mo sa dokumentong iyon, alam ko na agad na hindi kayo malapit sa isa't isa. At nahalata kong may natatandaan ka na. Alam kong hindi naman naging malala ang sakit mo. Wala kang sakit sa pag-iisip, Christine. G-Gusto mo lang kalimutan ang lahat ng masasakit na bagay na nangyari sa iyo gaya ng sinabi ni Doc..."

What are you talking about?

"Just like what Selective Amnesia means." Saglit na natahimik ito. Narinig niyang suminghot ito. Sinisipon ba ito? Ngunit nalinawan siya nang muli itong magsalita. "Narinig ko rin sila kanina. Lumaban ka... Tutulungan ka namin." Humikbi ito.

Gusto na niyang magmulat pero nahihirapan pa siya. Mas pinili na lang niyang pumikit na lang at hayaang dumaloy ang luha sa kanyang mga mata.

"Gumising ka na, Christine. Gusto pa kitang maging kaibigan... Gusto kitang maging matalik na kaibigan..." pumiyok na sambit nito. Ilang sandali pa ay natigilan ito.

"Christine? Christine! Oh my God! Lumuluha ka! T-Tatawagin ko si Doc!" halu-halo ang emosyon niya.

Narinig niya ang pag-angat ng telepono sa may bedside table. Pinatawag nito ang kanyang doktor. Ilang sandali pa ay may tinawagan na naman ito.

"Hello? Nar'yan ba si Doc. Sanchez?"

"Speaking."

"Doc! Si Demi ito. Pumunta ka sa ICU! Si Christine—"

"Ano'ng nangyari?"

"Lumuluha siya..."

"'Wag ka'ng aalis r'yan. Papunta ba ako." Mabilis na ibinaba nito ang telepono.

Hindi niya alam kung paano niyang narinig ang usapan ng mga ito. Noon pa man ay alam na niyang malakas ang kanyang pandinig. Ngunit hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya sa kakayahan niyang iyon.

Kaya nga narinig mo ang usapan ng kapatid at ng kasintahan mo noon, e. Dahil malakas ang pandinig mo, Sambit ng kanyang isipan.

Oo, tama si Demi. Naaalala na niya ang lahat. Naaalala na niya ang dahilan kung bakit napunta siya sa ospital na iyon. Naaalala na niya kung bakit mas pinili niyang kalimutan ang masalimuot niyang nakaraan.

"Totoo ba? Umiiyak daw si Christine?!" Nagulat siya nang bigla niyang marinig ang boses ni Mark. Mahina lang 'yon pero malinaw ang kanyang narinig.

"Damn! Bakit parang excited ka pa?" inis na tanong ng isang babae.

"Mona, nahihibang ka ba? Natural! Kailangan natin ang pirma niya para sa dokumento..."

"Bakit parang iba ang sinasabi ng mata mo, Mark?"

"Ha? H-Hindi..."

"Umayos ka. 'Wag ka munang magsasalita. Paparating na ang doktor niya."

"Sige," halos pabulong na sagot nito.

"Mag-uusap tayo ulit."

Hindi na niya narinig ang tinig ng mga ito dahil sa pagdalo ng ilang medical personnel sa kanya.

"SIGURADO ka ba'ng lumuha siya kanina?" tanong ni Dale kay Demi, ang nurse na nagbabantay kay Christine.

"Sigurado ako, Doc," she said confidently.

He sighed his relief. Nang tawagan siya nito para ibalitang nagpakita ito ng senyales nang paggalaw ay biglang sumikdo ang kanyang dibdib. Iniwan niya ang mga papeles na binabasa sa study ng kanyang tirahan at nagmamadaling pumunta sa ospital na iyon.

Ang sabi ng espesyalistang sumusuri kay Christine, wala naman daw 'tong problema sa katawan. Dapat ay gising na rin ito isang araw matapos nitong himatayin. Inilipat nila ito sa ICU isang araw matapos mawalan ng ulirat.

Umabot na ng tatlong araw ay hindi pa rin ito nagigising. Kinakabahan na siya. He had been checking on her since then. Akala pa naman din niya ay makikita na niya ang nagniningning na mga mata nito. Akala niya ay makikita na niyang muli ang magiliw na pagngiti nito. Akala niya ay maririnig na niya ang masiglang pagbuka ng bibig nito sa t'wing magsasalita ito. Marahas na bumuntong hininga siya.

"Pasyente nga ba ang turing mo sa kanya?" naalala niyang tanong ni Dr. Ramos, isang neurologist, sa kanya nang isang gabing binabantayan niya si Christine pagkatapos ng kanyang duty.

Ngumisi lang siya rito at bumaling sa maamong mukha ng babae.

Nakakuyom ang kanyang mga kamao nang maalala ang ex-boyfriend nito. Sa isipan ay bugbog-sarado na ang lalaking nanggago rito.

Higit pa sa pasyente ang turing ko sa 'yo, Christine. Kung sinuman ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan, magbabayad sila. Pagsisisihan nila ang panlolokong ginawa nila sa 'yo. Kaytagal kitang hinintay na balikan ako... Hindi ko hahayaang mapasakamay ka ng mga gagong 'yan. Hindi niya inalis ang pagkakatitig sa mukha nito habang nasa tabi nito ang kapatid at ang dating kasintahan.

Tumalikod siya at tuluyan nang lumabas sa ICU. Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan ang numero ng kanyang kaibigan, isang kilala at magaling na detective sa loob at labas ng bansa, may-ari rin ito ng isang prestigious security agency, and Eclipse. Tumawag siya upang kumpirmahin ang mga hinala niya noon pa man.

He hired his detective friend to investigate about Christine's life when he wasn't around. About how she ended up being in a mental institution. Nagsimula 'yon no'ng huling gabing kinausap niya si Christine sa pamamagitan ng hipnotismo.

"SASABIHIN mo na ba sa akin ang dahilan kung bakit mas pinili mo'ng kalimutan ang nakaraan at ikulong ang iyong sarili rito?" tanong ni Dale sa nahihimbing na pasyente. Sumagot ito ngunit hindi malinaw ang sinabi nito.

"Ano'ng sinabi mo?"

"M-Mark.. Ma.. Mona..." at tuluyan na itong humikbi.

Napamura siya sa sarili. Dalawang pangalan. Alam niyang ang dalawang pangalan na 'yon ang malaking dahilan kung bakit naghihirap ng ganoon si Christine.

Nilapitan niya ang kanyang pasyenteng nakahiga. Tumabi siya rito at niyakap ng mahigpit. "'Wag ka nanv iiyak. Hindi na ako magtatanong. Sleep for now, baby..." alu niya rito habang hinahagod ang likuran nito.

"Please... Don't let me think of past anymore." 'Yon lang at tuluyan na itong nakatulog.

"I won't let you think of the past anymore, Christine. I don't care if you have forgotten me. Basta huwag ka lang masaktan. Ako na mismo ang aalam kung ano'ng nangyari sa iyo," emosyonal niyang sagot sa sinabi nito. Nagpasya siyang magbakasyon ng ilang araw para tutukan ang mga bagay na gusto niyang malaman...

"YOSH! Dale! Nakikinig ka ba?" Bigla siyang natauhan at bumalik sa kasalukuyan ang kanyang diwa.

"What's the lead?" balewala niya sa tanong nito.

"What do you mean by that?"

"Come on! Speak up!"

"Oo na. Masyado namang mainitin ang ulo mo." Tumawa pa muna ito bago nagpatuloy sa pagsasalita. "You're right about your suspicions and deductions. Meet me at my office. Wala naman din akong lakad kaya hihintayin na lang kita rito."

Tinapos na niya ang tawag. He smirked evilly.

It's payback time!

Tiningnan pa muna siya kay Christine at pinakatitigan ang nahihimbing nitong mukha.

I'll be by your side. Please fight for yourself! And I'll fight with you.

NARAMDAMAN ni Christine na nag-iisa na lang siya. Kanina pa niya gustong imulat ang kanyang mga mata ngunit nahihirapan siya. Sinubukan niyang magmulat ngayon at hindi siya nabigo. Naaninag niya ang kaunting liwanag na nanggagaling sa lampshade sa may bedside table. Inilibot niya ang paningin sa kwarto. Parang sinadya itong maging comfortable kung sino man ang maglalagi roon at hindi amoy ospital.

Napangiti siya. Muli niyang inilibot ang kanyang paningin para tingnan kung sino ang nagbabantay sa kanya. Ngunit wala siyang naaninag na kasama sa loob ng kwarto. Gusto man niyang bumangon ay hindi niya kaya dahil nahihirapan din siya.

Ilang sandali pa ay naramdaman niyang bumukas ang pinto. Pumikit siya ng mariin bago pa man makalapit ang kung sino mang pumasok sa kanyang silid.

"Christine." Kumunot ang kanyang noo.

'Mark?' aniya sa isipan.

"Christine, patawarin mo ako sa gagawin ko."

Kinabahan siya sa tinuran nito. Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang noo. Naamoy niya ang hininga nito. Amoy-alak ito pero hindi naman gaanong matapang.

"Babe..." halos pabulong na sambit nito.

Napagpasyahan niyang imulat na ang mga mata at nakita niyang may hawak na syringe ang dating nobyo. Parehong nanlaki ang kanilang mga mata nang magtama ang ka ilang paningin. Ilang sandali sila sa ganoong posisyon, hawak ni Mark ang syringe at ang isang bahagi ng kanyang swero, at siya nama'y napako ang paningin dito.

"Christine," bulalas nito kasabay ng pagtulo ng mga luha nito 'tsaka binitawan ang pagkakahawak sa kanyang swero. Laglag ang mga balikat habang nakatingin sa kanya.

Nagtatanong ang mga matang tinitigan niya ito.

"Hindi ko alam kung gising ka na nga ba talaga o dahil lang sa kalasingan ko ito. Pero gusto kong humingi ng tawad sa 'yo sa ginawa kong pananakit sa 'yo. Mahal kita. Mahal na mahal kita..." He sighed. "Sana bumalik na tayo sa rati. 'Yong walang nakaraan... 'Yong walang Mona na nanggugulo. 'Yong tayong dalawa lang... Sana..."

Hindi nito naituloy ang sasabihin nang biglang may sumuntok dito.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Anong binabalak mo? Gago! Hindi mo mapapatay si Christine para makuha ang gusto niyo sa kanya!" Sinuntok muli ng galit na galit na si Dale si Mark at nakita niyang pumutok ang labi ng huli. "Hindi mo na na siya masasaktan pang muli!" At sinuntok pang muli ang mukha ng ilang beses bago tinigilan. "Mabubulok ka sa kulungan!" Nagpupumiyos sa galit na sigaw nito.

Ano'ng pinagsasabi ni Dale? May alam ba siya aa nakaraan ko? Pero paano? W-Wala naman ako'ng pinagsabih...

Biglang sumakit ang kanyang ulo nang biglang maalala ang isang tinig na kumakausap sa kanya sa tw'ing siya'y natutulog. Pagkuwa'y napatitig kay Dale.

Could it be that...

Hindi niya naituloy ang iniisip dahil sunud-sunod ang pagdating ng ilang nurse na nagtataka sa dinatnan nila.

"Magpatawag kayo ng security!" sigaw ng isa sa mga nurse na unang nakahuma sa nangyayari.

"Hawakan n'yo siya!" utos ni Dale at ibinigay si Mark sa dalawang lalaking nurse na naroon "Huwag ninyong hahayaan na makatakas," Dale's authorative voice.

Mabilis na nilapitan siya nito at nag-aalalang hinawakan ang kanyang mukha.

"Ayos ka lang ba? Nakikita mo ba ako? Naririnig? May masakit ba sa 'yo?" sunud-sunod na tanong nito. Hindi siya makasagot sa sobrang pagkagulat. Pagkuwa'y narinig niya itong napamura ng malakas.

"Pakitawag si Bien!" Baling nito kay Nurse Demi na kadarating lang. Napamura ito ng malakas. "Shit! No! Si Dra. Aronce ang tawagin mo." Ang physician niya ang tinutukoy nito.

Mabilis na tumalima si Nurse Demi at may tinawagan sa cellphone. Ilang sandali pa ay sinabi nitong papunta na si doktora.

Ano ba'ng nangyayari? Bakit naninikip ang dibdib ko? Tsaka... bakit parang inaantok ako?

"Fuck! 'Wag mong ipipikit ang mga mata mo," nanginginig na sambit ni Dale.

Gusto man niyang sundin ang sinabi nito ay hindi niya magawa dahil naipikit na niya ang kanyang mga mata sa sobrang bigat ng kanyang nararamdaman.