Chapter 3. Aphrodisiac
GABI-GABING napapanaginipan ni Christine na may kausap siya. Ilang araw na rin siyang sunud-sunod na gumigising at nakagapos ang kamay. Gaya na lang nang umagang 'yon, nakatali na naman ang magkabilang kamay niya. Alam niyang may ginawa na naman siya. It's funny that she can't even remember what she did. Sounds crazy, isn't it?
Naaninag ng mga nanlalabong mga mata niya si Nurse Jana na papalabas ng pintuan. Marahil ay uuwi na ito. Lumingon siya sa paligid, nakita niya sa may paanan ng kanyang kama si Nurse Chen. Mukhang inihahanda na nito ang kanyang almusal. "Good morning, Nurse Chen," masiglang bati niya.
Ngunit natigilan siya nang lumingon ito. Hindi ito si Nurse Chen. At hindi rin niya kilala ang lalaking ito.
"Good morning ganda. Napadaan ako kagabi dito... Nakita ko ang nangyari. Kung ayaw ka nilang pagbigyan, gusto mo ako na lang? Hindi ka magsisisi." Ngumisi ang lalaki. Napakunot ang noo niya. Ano ba'ng pinagsasabi nito?
Bago pa makapagsalita ay nilundag siya ng lalaki.
"Ang ganda-ganda mo. Ang sexy mo pa. Kasyang-kasya! Pero 'wag kang malikot, may baon akong medida. Magsusukatan muna tayo para malaman kung kasyang-kasya nga." Tatawa-tawang inalis nito ang pagkakarolyo ng medidang hawak nito.
"T-Teka! Ano ba'ng susukatin ang pinagsasabi mo? Umalis ka nga! Ang bigat mo!" Pagkasabi niya sa salitang mabigat ay umupo pa ito sa may bandang hita niya. Isang maling isod lang ay iba na ang mauupuan nito.
"Umalis ka r'yan!" Pilit na pinagsisipa niya ito. Hindi niya ito makalmot dahil nakagapos pa ang kanyang mga kamay. Hinampas lang sa kanya nito ang medida na hawak na animo'y isang latigo.
"Teka! 'Wag kang malikot! Hindi ko masusukatan ng maayos ang kleng-kleng mo." anang lalaki na animo'y isang batang nakikipag-usap sa kapwa bata.
"My what?!"
Ngumuso ito sa pagkababae niya't nahintakutan nang makuha ang sinasabi nito.
"Nurse Chen! Nurse Chen!" sigaw niya ngunit walang Nurse Chen na lumalapit. Nagpumiglas pa siya ngunit inupuan ng lalaki ang mismong binti niya kaya hindi na siya makakilos.
"It's sukatan time!" deklara at pilit na itinataas ang suot niyang hospital gown.
Tumili siya at pilit na pinagsisipa ang lalaki. Nanghilakbot siya nang makita ang paraan ng pagkakangisi nito.
"'Wag ka sabing malikot!" singhal nito. "Susukatin ko lang gamit ng medida! O baka gusto mo'ng bote ang ipangsukat ko? Ay, teka. 'Wag na 'yong bote, walang bote rito." Tumigil ito na tila may iniisip. "A-ha! Itong si manoy ko na lang ang ipangsusukat ko!" Hinagis nito ang hawak na medida at madaling lumuhod sa kinauupuan nito.
"Ihahanda ko na muna si manoy para kapag nagsukatan tayo, sigurado na!" Ibinaba nito ang suot na boxer shorts. Napatili siya. Nakita niya kung paano nito ginagawa ang sinasabi nitong paghahanda. Hindi niya magawang ipikit man lang ang mata sa pagkagulat. He just kept on stroking his flesh.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hayun siya, nakahiga at nakatali ang mga kamay. She's so helpless. Pumikit pa muna siya bago tumili. "Get off me! You, pervert! Nakakadiri ka!" sigaw niya at pinakawalan ang isang malakas na sipa.
Dahil mabuway lang ang pagkakaluhod nito ay nawalan ito ng balanse at nauna ang ulo nito nang mahulog sa kama. Mabilis itong nakabawinay tumayo, nanlilisik ang mga matang tumingin sa kanya.
May mga yabag na nagmamadaling tumungo sa kwarto niya. Bago pa makasigaw ay sinampal siya ng lalaki.
"Bakit mo ako inihulog sa kama? Handa na si manoy! Susukatan na kit—" Hindi nito natapos ang sasabihin nang biglang dukwangin ito ng isang lalaki at suntukin.
"D-Dale..." nahahapong tawag niya nang makilala kung sino ang naglayo nito sa kanya.
"Nurse Chen! Nurse Miel!" sigaw ng doktor. Nagtatatakbong lumapit ang dalawang nurse at tinulungan si Dale sa nagpupumiglas na pasyente. Napuno ng pagsigaw ang kanyang kwarto. Ilang sandali lang ay tumahimik rin dahil tinarakan ng pampatulog ang hula niya'y pasyente rin diin.
Hindi pa rin siya makakibo. She was too shocked on what happened. Kung nagkataong nahuli ng dating ang kanyang doktor, marahil ay pinagpipyestahan na ng lalaki ang kanyang katawan. Sa isiping iyon ay nanghilakbot siya. Hindi niya napigilan ang humagulgol.
Agad na nilapitan siya ni Nurse Chen. "Christine? Christine, tahan na," anito at kinalagan na siya. "Maupo ka muna. Teka, ikukuha kita ng tubig." Umalis na ito sa kanyang tabi.
Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Bakit bigla ay parang gusto niyang mahalikan? Ni Nurse Chen? Napailing siya. Hindi niya gusto si Nurse Chen. Lumingun-lingon siya sa paligid. Bakit ganoon ang nararamdaman niya? Gusto niyang mayakap at mahalikan. Tiningnan niya si Nurse Chen, napailing siya. Hindi ito ang taong gugustuhin niya ng higit pa sa kaibigan. Pero bakit tila ayaw mawala ng kanyang nararamdaman? Pinagpapawisan na siya ng malagkit. Hindi niya mapigilan ang pag-iinit ng kanyang katawan.
"N-Nurse Chen! 'Wag mo akong lalapitan!" bulalas niya nang makitang papalapit ang nurse na may dalang isang basong tubig.
"Bakit? Anon'ng nangyari sa 'yo?" nag-aalalang tanong nito. Hindi siya nito pinakinggan at nilapitan.
"L-Lumayo ka. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. I just want to have sex— Ah! No! I suddenly felt horny. A-Ano'ng nangyayari sa 'kin?" Naguguluhang tanong niya. Nakita niya ang lalong pag-aalala sa mukha ni Nurse Chen. Malungkot ang mukhang kinuha nito ang syringe sa may bedside table.
"Sorry, Christine. Pero patutulugin muna kita bago ka pa uli lumala. H-Hindi na kita kayang itali pa. Nasugatan ka na," sabi pa nito bago ihanda ang syringe na itutusok sa kanya. Tama nga ito. Mas mapapadali kung tatarakan siya ng pampatulog.. Nararamdaman kasi niya ang hapdi sa kanyang pulsuhan.
"Si Christine?" sabay silang napalingon ni Nurse Chen sa may pintuan. Hinihingal si Dale at parang tumakbo ito. Hula niya ay napakalma na nito ang pasyenteng nagwala sa silid niya kanina.
Tinitigan niya ang papalapit na pigura nito. Pawis na pawis ang kanyang doktor. Napalunok siya. Ibinaba niya ang kanyang paningin. Bagay na gusto niyang pagsisihan dahil napukol ang tingin niya sa bandang paitan ng hita nito. Agad niyang inalis ang tingin sa bandang iyon. Napatitig uli siya sa guwapong mukha nito. Saglit na naghinang ang kanilang mga mata. Siya lang ba? O nakita niyang talaga ang apoy sa mga mata ng doktor?
Nilapitan siya nito at may mga sinasabi ngunit hindi niya maintindihan. Naliliyo siya sa panlalaking samyo ng lalaki, maging ang presensya nito ay nakalalasing. Mas lumala ang nararamdaman niya.
Kailan pa ba ako nahilig sa sex? Ngayon lang yata ako nagkaroon ng interes sa ganitong bagay...
Sa isang iglap ay nawala na siya sa tamang pag-iisip at napuno ng makamundong kaisipan. Naramdaman niyang mas lumapit sa kanyang tabi ang kanyang doktor. May sinasabi na naman ito ngunit hindi na niya talaga maintindihan. Tinitigan niya lamang itong nagsasalita. Wala siyang ibang iniisip kundi sakupin ang mapang-akit na labi nito.
Wala sa sariling isinukbit niya ang magkabilang braso sa batok nito 'tsaka hinila papalapit sa kanya. Walang pakundangang hinalikan niya ang huli na animo'y uhaw na uhaw sa mga halik nito. Ang akala niya itutulak siya nito o pipigilan. Maiintindihan naman niya iyon. Ngunit laking gulat niya nang maramdamang sinagot nito ang kanyang halik. At mas mapusok pa ito kaysa sa kanya!
She didn't want to stop. Pero may maliit na bahaging nagsasabi na tigilan niya iyon dahil hindi tama. Hindi naman sila magkaanu-ano nito para maghalikan.
Labag sa loob na tinapos niya ang halik. Nakita niya ang pagtatanong sa mga mata ni Dale ngunit bigla iyong napalitan ng blankong tingin. Lumingon siya at nababakas ang pagkagulat kay Nurse Chen.
"Ah... T-Tubig," alok ng nurse at iniabot ang isang basong tubig.
Ininom nito ang kalahati ng baso at pagkuwa'y iniabot sa kanya ang tira nito.
"Uminom ka muna."
Nanginginig ang mga kamay na tinanggap niya ang inumin. Hindi na niya inisip na iinumin niya ang tirang inumin ng ibang tao.
Nahihiyang iniabot niya ang baso pagkatapos inuman.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" masuyong tanong nito.
"Ah, pasensya na... Hindi ko kasi alam kung ano ang ginagawa ko. Basta a-ano. naramdaman ko na lang na.. na gusto k-kitang h-halikan... Dale," utal-utal na hayag niya.
"'Wag kang hihingi ng tawad pagkatapos mong manghalik ng tao," walang emosyong wika nito.
"Ha? Pero... I'm not sorry I kissed you," she said honestly. Napakagat siya sa ibabang labi.
"How are you feeling?" pag-iibang tanong nito sa kanya. "Nurse Chen, we'll check on her. Bigyan mo siya ng pamlakalma.. She's aphrodisiac again." Binalingan nito ni Nurse Chen.
"Opo." Agad na tumalima ang nurse sa inuutos nito.
"Teka! Naguguluhan ako, Nurse Chen. Ano bang aphrodisiac ang pinagsasabi ninyo? Nakakainis! Hindi ko kayo maintindihan! Pati si Nurse Jana lagi akong sinasabihin ng aphrodisiac sa t'wing matutulog ako. Naguguluhan din ako kung bakit nagigising ako ng nakagapos ang mga kamay ko. Tsaka bakit ganito? Wala akong maalala? Bakit... Bakit pakiramdam ko pamilyar ang halik mo? Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong maalala! Nakakasakit ng ulo!" Puno na siya ng kalituhan.
Totoo ang huling ipainahayag niya. Na naiinis siya dahil wala siyang maalala. At masakit na naman ang sentino niya.
Tumili siya at pagkatapos ay wala sa sariling tumulo ang kanyang mga luha.
"Hindi ko naman ginustong walang maalala, e. Gusto ko nang makaalalang muli pero s-sadyang wala na akong naaalala," gumagaralgal ang kanyang tinig.
Nilapitan siya ni Dale at yinakap. "H'wag kang mag-alala. Nandito lang ako't tutulungan kita. Aalagaan kita. At hindi ko pababayaang maramdaman mong muli ang kalungkutan na tinakasan mo." Puno ng sinseridad ang tono nito.
Hindi na siya nakapagsalita. Hinayaan ang sariling umiyak sa piling ng lalaking hindi siya sigurado ngunit nararamdaman niyang malapit siya rito.