Chereads / Kakaibabe / Chapter 27 - 27 Letsugas!

Chapter 27 - 27 Letsugas!

Sumunod na araw. Sa bahay ni Kimmy.

Tinanghali nanaman ito ng gising at ng tumayo ay masakit pa ang katawan nito. Dahan dahan itong naglakad patungo sa kanyang cabinet at kumuha ng damit na pagbibihisan tsaka pumasok sa banyo ng kwarto niya.

Napatingin ito sa malaking salamin na inilagay niya doon at nakita ang hubad niyang katawan na punong puno ng kissmarks ni Ramses.

"Letsugas!" biglang napasigaw si Kimmy sa ginawa ni Ramses sa katawan niya. Pinuno niya ito ng kissmarks kaya imbes na naghihilamos lang siya sa banyo ay naligo na ito, hindi siya makakaligo sa batis ng ganoon ang katawan dahil sa panahong ito. Masamang babae ang nakikipagsiping sa lalaki ng hindi sila kasal.

Paglabas nito ng kwarto ay sinalubong agad siya ng kanyang mga alipin.

"Ginang, pinapasundo po kayo ng Panginoon." sabi isang alipin.

"Leche Flan! umagang umaga. Ang liwanag pa ng araw." sabi ni Kimmy. "tsaka sinong Ginang? Anong ginang!" sabay tingin ng masama sa alipin.

"Patawad po Binibini." yumuko ito kay Kimmy.

"Sige na! Mauna kana. Susunod nalang ako." sagot ni Kimmy habang pinapaypay ang alipin na bumalik na.

Bumalik ang alipin sa trabaho ng nagtataka kung bakit mainit ang ulo ni Kimmy umagang umaga, gayong nagkasama naman sila ng kanyang Panginoon kagabi.

"Ayoko nito. Makukulong ako dito." dali daling nag ayos ng mga halamang gamot si Kimmy sa isang box na ginawa niyang lalagyan. Nagbihis muli ito na para lumabas. Tatakasan niya si Ramses at magtutungo sa bahay pagamutan, doon siya mag iisip kung paano makakaalis na ng baryo.

Sa bahay ni Ramses.

Nakaupo ang Pinuno at naghihintay ng Kimmy na magluluto sana ng tanghalian nila ngunit mag iisang oras na ay wala pa siya.

May isang alipin na nagmamadaling pumasok para mag report sa pinuno.

"Nasa bahay pagamutan po ang Binibini." sabi ng alipin.

"Bahay Pagamutan?" tanong ni Ramses kung tama ba ang kaniyang narinig sa report niyo. 'tatakasan mo ulit ako?' ngumiti siya habang nagsalukbaba sa inuupuan. 'Gusto mo ng laro? sige.' sa isip ni Ramses.

Sa Bahay Pagamutan.

Biglang nagulat si Adlaw pati na ng mga pasyente sa taong nakabalabal sa ulo at mukha na biglang pumasok sa bahay pagamutan.

"Sino po sila?" tanong ni Adlaw.

"Wait." sagot ni Kimmy habang patingin tingin sa mga bantay sa labas kung nakilala siya.

"Bakit ka nakabalot binibini?" pagtataka ni Adlaw. Nagsalita ito ng kakaiba kaya nahulaan niya kung sino siya.

"Ah eh." nakita ni Kimmy na napakaraming pasyente ngayon na nakatingin sa kanya. "Ay ang inet!" biglang nagpanggap ito na parang naiinitan at hinubad ang balabal.

"Ang binibining manggagamot!" sigaw ng ilan sa loob na narinig ng mga bantay sa labas. Napatingin sila sa loob at nakita si Kimmy tsaka may isang patagong umalis, ang nagreport sa Pinuno.

Nagandahan ang mga pasyente ng makita muli siya. Mas lalong humaba ang malambot nitong buhok at mamulamula ang puti nitong pisngi na parang naarawan ng konti at saktong pula.

"Binibini. Anong sikreto ng kutis mo?" tanong ng isang ginang.

"Ano nga po?"

"Pakiusap. Palitan mo ang mga perlas na ito."

"Binibini ako din, ng ginto."

Marami sa mga pasyente na babae ang nagtanong sa kanya at gustong bumili ng produkto niya. Kumislap naman ang mga mata ng ating bida.

"May isang Mestisong mangangalakal sa bayan ng kabilang baryo. Siya ay kalahating dayuhang Tsino at kalahating Malay. Nagbebenta siya ng Shampoo,Lotion at Sabon panligo." sagot ni Kimmy habang minomodel ang buhok at balat sa mga tao.

"Ay naku. Napaka layo yata niyon binibini." sabi ng isang ginang.

"Ay Opo." sagot ulit ni Kimmy. "Kung lalakarin ay aabutin kayo ng limang araw." sabay taas ng tatlo niyang daliri na parang money sign.

"Ha? limang araw?" tanong ng isa pang pasyente.

"Wala pa pong stop over yun." dagdag pa ni Kimmy ng pa iling iling.

"Istap Ober??" nagtaka ang lahat ng nakarinig doon sa sinabi ni Kimmy.

"Istap Ober? Stop Over? Ah. ibig ko hong sabihin limang araw po iyon. Walang tigil. Walang iihi o dudumi sa loob ng limang araw ay makakarating po kayo." paliwanag ni Kimmy. Hindi niya talaga mapigilan ang mag taglish. Taglish na nga yata ang national language ng mga Millennials ngayon eh.

"Napakahaba non iha," sabi ng isang ginang habang hinila palapit sa kanya si Kimmy. "Kung iyong mamarapatin ay kapag bibili kana ay isabay mo na ang sa akin. Doble ang bayad." bulong nito kay Kimmy dahil talagang nais nitong lumambot ang buhok niya.

"Ako din ho binibini, Kahit tatlong beses na higit pa ang bayad!" sabi ng isa pang ginang na nakarinig sa bulong ng nauna.

"Ako rin."

"Ako rin."

Abot tenga ang ngiti ni Kimmy sa nangyari. Mukhang magiging sobrang yaman nito sa panahong ito. Salamat sa Additional Home Economics Subject niya noong nag aaral pa siya!

Umupo si Kimmy at nag umpisa ng mag check up sa mga sakit nila, pagkatapos masuri at mabigyan ng gamot ay ibibigay naman nila ang bayad para sa mga produkto niya. Tuwang tuwa ito sa isang baul ng alahas. Kakuntsaba si Adlaw ay ibinaon nya ito sa ilalim ng lupa. Naghukay ito ng malalim sa ilalim ng mesa ni Adlaw dahil mas takot makialam ang mga tao noon sa mga pag aari ng mga mambabarang.

"Boss." tawag ni Adlaw kay Kimmy nang maubos na ang mga nagpasuri. Silang dalawa nalang ang natitira sa bahay pagamutan. May iniaabot itong parang manika na maliit.

"...?" nagtaka si Kimmy kung bakit.

"Isang lotion para sakin at isang shampoo para kay Alopesia. Pakibigay nalang sa kanya ang shampoo Boss. Heto ang katawan ni Antonia." paliwanag ni Adlaw. Wala pa itong maraming pag aari kaya wala siyang pambili kaya't gagamitin nalang nito ang control kay Antonia.

"Ah. eh. itapon mo na yan." Tinapik ang kamay no Adlaw na may hawak ng manika. "Kasama ko si Alopesia sa kalakaran nito kaya't wag kang mag alala. Meron na siya ng kahit kailan nya gustuhin. Para sa iyo naman ay bibigyan na kita ng libre, bayad sa pamamahala mo dito sa pagamutan." binigyan niya ito ng sabon at lotion na dala niya kanina. Nagdadala lagi ito ng mga produkto sa loob ng katawan niya para laging handa kapag kailangang kumita.

"Maraming salamat Binibini." malaki ang pasasalamat nito dahil sa muling pagtitiwala sa kanya at pagkakataon na mamuhay muli.

"Magmove on kana din kay Alopesia. Mahirap maging kalaban si Ramses." paalala ni Kimmy.

"Oo Boss." tumango ito at itinago nalang ang manika para kung sakaling kailangan nila ito.

"Isa nalang ang problema." bulong ni Kimmy habang nakatingin sa labas ng pagamutan. Ang langit ang nagtatakipsilim na. "Paano ako uuwi." naalala niya bigla ang masamang tingin ni Ramses sa kanya.