"Nakaisa lang ang pinuno kina Antonia at Diwa?" tanong ni Kimmy na alam naman narin niya ang sagot base sa mga kwento ni Alopesia. Una ay hindi sigurado sa motibo ni Antonia at pangalawa ay nasa partido ng mga matatanda na nag aabang sa posisyon ng Pinuno. "Ano ba ang meron sa Pinuno na nais nilang makuha? Ang pagka pinuno lamang ba? Di naman ganoon kalaki ang nasasakupan niya hindi ba?" pagtataka ulit ni Kimmy. Hindi naman siya ang presidente at lalong lalong hindi naman siya ang pinakamayaman sa buong lugar nila. Sa ibang mga bayan ay may mas magagarbo pang mga bahay.
"Sabi sabi kasi ng mga matatanda, noong sanggol pa ang Pinuno ay may isang matandang ermintanyo ang nakakita sa kanya at nagpanukala na gawing isang Pinuno ang sanggol paglaki nito. Sa pamamahala daw niya ay makakalikha siya ng mga pader na hindi magigiba ng kahit na sinumang dayuhang magtangka sa pinamumunuan niyang bayan." sagot nito.
"Yun naman pala eh, eh bakit pa nila gustong kunin ang pwesto niya? edi wala na silang proteksyon pag nawala siya?" nacurious tuloy si Kimmy sa katauhan ni Ramses.
"Sabi sabi nila, ang lahat ay naganap na kaya't panahon na ng magiging susunod na Pinuno." sagot nito. "Kaya't pila pila ang mga inaalok na babae sa kanya ngunit hindi ito pumipili hanggang sa ang mga magulang na niya mismo ang pumili, ikaw, ngunit tinanggihan karin niya noon sa pag aakalang nilapitan ng mga magulang mo ang magulang niya." dagdag pa ni Alopesia.
"Ganoon ba." biglang na guilty si Kimmy sa narinig. Ibig sabihin ay ang buhay ni Ramses ay punong puno ng pagdududa kaya pala naging napakatalino nito. Sa unang tingin palang niya noon sa kanya ay alam na niyang siya ang nakasiping nito kahit mukha pa siyang tuhod na tinubuan ng mukha noon.
"Kaya't hindi mo rin masisisi ang Pinuno." paalala ni Alopesia.
Napatingin si Kimmy kay Alopesia. "Aba teka Pesya. Parang scripted kana ah." sabi ni Kimmy.
"Esskriptid?" tanong nito.
"Nasaan na kaya ang Pinuno? Parang gusto ko na siyang pakasalan? Ay kaya bukas nalang para magbago pa ang isip ko." biglang sabi ni Kimmy.
"Teka teka tatawagin ko." biglang tumayo si Alopesia at lumabas tsaka sumenyas sa itaas ng puno. Pagkatapos magsenyas ay tsaka nalamang niya naisip ang ginawa niya. Lumingon ulit ito kay Kimmy at nakitang nakapamaywang ito habang nakatitig sa kanya na parang nangungumpronta. "Malalim na ang gabi, siguro ay aalis nako. Paalam binibini!" sabay sibat nito.
Naglakad patungo sa pintuan ng bahay ni Kimmy ng nag iisa ang Pinuno. Dinatnan niya si Kimmy na paupo na sa upuan.
Pumasok na si Ramses sa bahay nito at naupo sa upuan sa tabi ni Kimmy.
"Hindi mo kailangan abalahin ang iba para lang sa mga bagay na gusto mong sabihin. Lalaki kaba?" pang aasar ni Kimmy kay Ramses.
"Alam mong lalaki ako." matipid na sagot niya at seryoso ang pagkasabi nito.
"Tch. Hindi lang ganon ang pagiging lalaki." sagot ni Kimmy.
"Paano ko pa mapapatunayan?" lumapit ito sa tenga niya at doon pabulong niya tinanong.
"Wala! Lalaking lalaki kana eh noh?" sabay pilit nitong pagtawa habang palayo ito ng palayo sa kanya sa kinauupuan hanggang makarating ito sa dulo ng upuan.
"Bakit kaba lumalayo sakin?" tanong ni Ramses na may konting pag ngiti.
"Bakit ba kasi lapit ka ng lapit?" nagtakip ito ng mukha gamit ang mga kamay niya at palad na nagtatakip sa mukha ni Ramses.
Niyakap ni Ramses si Kimmy at binuhat papunta sa silid nito.
"Hi.hi.hindi ako pwede." pagpapaalala ni Kimmy kay Ramses.
Inihiga ni Ramses si Kimmy sa higaan niya at tumabi ito sakanya.
Tumalikod si Kimmy kay Ramses habang nakahiga. "May dalaw ako."
"...." niyakap naman ni Ramses si Kimmy mula sa likuran nito.
"Ugh." nanginig sa sakit si Kimmy. Biglang sumakit ulit ang puson nito.
Naramdaman ni Ramses ang panginginig nito at ang pamamawis nito ng malamig kaya't alam niya na sumasakit nanaman ang puson nito gaya ng sabi ni Alopesia sa kanya kanina.
Tinanong naman ni Ramses sa kanyang aliping yaya kung ano ang maaari nitong gamot at ang sabi nito ay ang panghahaplos ng lalaking dapat managot sa babaeng nananakit ang puson ang lunas. Hindi man sigurado si Ramses kung tama ang sagot o tama ang pagkakaintindi ng matanda sa kanya ay susubukan niya parin.
Sinakmal ni Kimmy ang telang banig nito dahil sa sakit. "Sorry sa mga taong sinabihan kong nagiinarte lang kapag may dysmenorrhea sila. Tama na." bulong nito. Hanggang sa naramdaman niya ang init ng palad ni Ramses na humahaplos sa puson nito. Hindi madiin at hindi rin magaan sakto lang ito para makaramdam siya ng ginhawa.
Naramdaman naman ni Ramses ang pagkalma ng katawan ni Kimmy nang haplusin nito ang puson niya kaya't tinuloy nalamang niya ito.
Naging maginhawa naman ang katawan ni Kimmy at pinayagan na niyang ipagpatuloy ni Ramses ang ginagawa nito sa kanya. Nakaramdam ito ng dampi ng halik ni Ramses sa buhok niya at nanigas ulit siya tsaka namula.
"Masakit parin?"pabulong na tanong ni Ramses kay Kimmy.
"Me.medyo masakit pa." sagot ni Kimmy.
"Hindi ba mabisa? Ititigil ko na?" tanong ulit nito at akmang aalisin na ang kamay nito.
"Wait!" pinigilan niya ang kamay ni Ramses sa pag alis sa puson nito. "Tuloy mo lang." nahihiyang sabi ni Kimmy.
Binalik naman ni Ramses ang palad nito ngunit ipinasok nito ang kamay niya sa kasuotan nito para talagang mahaplos nito ang puson niya ng walang tela.
Nagulat si Kimmy pero dahil wala naman itong ibang ginawa sa kanya maliban sa paghihilot ng puson niya ay hinayaan na niya ito. Naririnig naman niya ang malakas na pagtibok ng puso niya at puso ni Ramses sa kanyang likuran.
"Nilalagnat ka ba?" biglang uminit ang katawan ni Kimmy.
"Hi.hindi. baka sa panahon lang." nahihiyang sagot ni Kimmy. Bakit ba ito nag iinit sa malamig na panahon? at bakit ang lakas ng tibok ng puso niya. At bakit pinayagan niyang pumasok sa kwarto niya si Ramses? Hindi kaya?
Napangiti naman si Ramses sa sagot ni Kimmy. Nakumpirma nito na gusto na siya nito hindi niya lang maamin sa kanya. "Dito muna ako matutulog." inilapit ni Ramses ang ulo nito sa buhok niya.
"Ah? Sige."