Iniisip ni Kimmy kung ano ba ang mga pwedeng mangyari kung mahuli sila ng mga katandaan sa baryo. Maaaring maging dahilan si Antonia para pansamantalang kunin ang Pagiging Pinuno ng baryo. Sasabihin nilang hindi kayang pamahalaan ni Enzo ang baryo.
Maaari ding isalba ng mga katandaan si Antonia pagkatapos dahil marami sa kanila ang lihim na ka alyansa ng matandang manggagamot na nahuli noon.
"Pero bakit ang dayuhang iyon? Hindi ba nila naisip na baka magbackfire ang plano nila?" tanong ni Kimmy sa sarili habang papasok sa bahay. "Aw!" hinawakan ni Kimmy ang puson nito. "Bakit di nalang mga lalaki ang dinadalawan?! nakakainis!" naglakad ito ng nakayuko papasok sa silid.
"Binibini." nakita ng aliping yaya ang Binibini na nahihirapan nanaman sa kanyang buwanang dalaw. Mabuti nalang at naisipan nitong ipaglaga siya nito ng luya, kumuha agad ito ng isang baso at iniabot sa Binibini.
Naamoy na ni Kimmy ang luya kaya't tinanggap niya ito. Nakaginhawa naman ito ng bahagya sa kanyang nararamdaman. Napagtanto bigla ni Kimmy ang napaka alaga ng kanyang aliping yaya sa kanya. "May anak kana ba?"
"Huh?" nagtaka ito. "Mayroon na Binibini. May tatlo akong anak." malumanay na sagot nito.
Tinignan ni Kimmy ito mula ulo hanggang paa. "Hindi halata ah?" napaka slim parin kasinng katawan nito. Kung di niya nalaman ay iisipin niyang nasa trenta taong gulang palang ito. "Mukhang mahal na mahal ka ng asawa mo, nakatatlo kayo ng anak pero heto ka at nagtatrabaho sa amin." pagbilib ni Kimmy sa aliping yaya.
Bahagyang nahiya ang aliping yaya. "Wala ho akong asawa Binibini." tsaka na ito yumuko sa hiya. Alam nito na magkahalo parin ang nagiging reaksyon ng mga tao doon sa pagkakaroon niya nito ng anak at walang asawa.
Nagulat si Kimmy, "Sino ang nagbabantay sa kanila?"
"Ang aking Ina, ako na lang nagtatrabaho para sa kanila dahil wala narin ho ang aking ama." paliwanag ng aliping yaya.
Lingid sa kaalaman ni Kimmy na ito ay anak ng matandang aliping yaya ni Ramses. Matatapat silang tao kaya't kahit sabihin mang disgrasyada na ang isa sa kanyang anak at may tatlo na itong apo sa kanya ay hindi ito naging issue sa kanilang mga alipin. Liban na lang kung malaman nito ng mga Dayuhan at mga miyembro ng mga kristyano.
Sa modernong panahon ay parehas na magiging kasalanan ng lalaki at babae ang ginawa nila pero sa panahong ito. Ang mga babae ang laging may kasalanan at normal sa lalaki ang mambabae ng mambabae. Sa puntong iyon ay hindi rin masisi ni Kimmy ang relihiyon. Dahil magagandang aral naman ang binibigay nito ang toxic lang ay ang mga taong gumagawa ng masasama o ginagamit ang Diyos para sa mga personal na mithiin.
"Sandali lang." Kumuha ng isang maliit na bag si Kimmy sa loob ng kanyang kwarto at nilagyan niya ito ng mga alahas tsaka ibinigay sa aliping yaya nito. "Isama mo ito sa panggastos ng iyong pamilya." kinuha nito ang kamay niya at inilapag doon ang bag.
Nagulat ang alipin at naramdaman ang bigat ng maliit na itim na bag na iyon. "Hindi ko po ito matatanggap Binibini." gustong isauli ng aliping yaya ang bag ngunit kaagad na pumasok sa kwarto si Kimmy.
"Umalis kana sa pamamahay ko kung hindi mo tatanggapin." sabi nito mula sa loob ng kwarto. "Hindi iyan libre. Bonus yan mula sa akin." dagdag pa nito.
"Bonus?" nag isip ang aliping yaya kung ano ang bonus.
Naalala ni Kimmy ang mali sa sinabi niya. "Sabihin mo sa lahat ng alipin na nasa aking pamamahay. Magkakaroon din sila ng Bonus mula sa akin kapag naging tapat sila sa paglilingkod sa akin."
"Masusunod po Binibini." bahagya na itong yumuko at nagtungo sa kwarto ng mga alipin. Binuksan niya ang bag at nakita nito ang napakaraming alahas. "Ito ang Bonus?!"
Nagulat ang mga alipin at nagising sa pagkakahimbing. "Ma ma magnana..."
sabi ng isa na ngayon lang nakakita ng ganong kadaming alahas at nasa kauri pa niya ng estado sa buhay.
"Bigay ito ng Binibini mismo sa akin." Binalik niya sa bag ang mga alahas." Simula daw ngayon, lahat ng aliping magiging tapat sa kanya ay magkakaroon din ng Bonus."
"Bonus?"
"Bonus?"
"Bonus ang tawag ng Binibini sa pabuya." huling sagot nito sa kanila at nag ayos na ng higaan tsaka natulog.
Hindi naman makatulog ang mga alipin lalo na ang dalawang espiya ni Antonia. Noon lang nakakita ng ganong kadaming alahas ang mga ito. Biglang nagdesisyon ang dalawa na bumaliktad na kay Antonia at maging tapat na alipin kay Kimmy.
Kinabukasan, humarap ang dalawa kay Kimmy at nagpakilala.
"Binibini, kami po ay mga espiya ng Ginang Antonia at nais po naming ialay sa inyo ang aming katapatan." nakaluhod ang dalawa sa harapan ni Kimmy.
Napangiti si Kimmy, sinubukan lang ni Kimmy ang pinaka madaling paraan para bumaliktad ang dalawa sa kanilang amo. Ang hindi nito inaasahan ay napakadali lang nilang malinlang. Sinadya nito na magbigay ng ganoong kalaki sa alipin niya. "Sa anong dahilan at ibinibigay ninyo sa akin ang inyong katapatan?" tanong nito sa dalawa.
Nagtinginan ang dalawa. Naisip nilang hindi pala makitid ang pag iisip nito na gaya ng iniisip ng marami. Mabuti nalang at nakapaghanda ang mga ito sakaling tanungin. niya sila. "Kami po ay pinapahirapan ng Ginang. Pinagmamalupitan at pinapagawa nya po sa amin ang mga bagay na ayaw namin gawin, ngunit ginigipit niya po kami gamit ang aming mga sweldo." madramang sagot ng mga ito.
Kung hindi lang matalino si Kimmy ay maaawa ito sa dalawa. Bakit kung kailan nakakita sila ng malaking pabuya ay saka lang sila magsasalita? "Ngunit hindi iyan ang kailangan kong marinig sa inyo." tinignan sila ni Kimmy habang kumakain ng hopia.
"Magtanong po kayo Binibini." sagot ng dalawa na agad na nakuha ang pahiwatig ni Kimmy. Gusto nito ng impormasyon tungkol sa kanilang Pinuno.
"Mahusay." nginitian niya ang dalawa. "Ano ang relasyon ni Antonia sa dayuhan?"
Bakas sa mukha ng dalawa ang pagtataka. "Kailan lang po niya ito nakilala." sagot ng isa.
"Mukha pong may relasyon sila." sabi pa ng isa.
"Alam ba ito ng katandaan?" tanong ulit ni Kimmy habang tinitignan ang ekspresyon ng mukha ng dalawa ng mabanggit ni Kimmy ang mga katandaan. Ngunit bukod sa pagtataka ay wala nang ibang ekspresyong nakita si Kimmy sa dalawa. Mukhang wala silang alam o hindi ito plinano ng katandaan.