Chereads / Kakaibabe / Chapter 34 - 34 Sulat

Chapter 34 - 34 Sulat

Sa unang pagkakataon ay nakatulog ng maayos si Kimmy. Walang iniisip na maaring mangyaring masama sa kanya sa pagtulog dahil may kasama siya at naiibsan ang sakit ng kanyang puson sa bawat paghahaplos ni Ramses dito.

Naramdaman niya bigla ang pagod ng katawan at pag iisip sa bago niyang pamumuhay, mula sa dating pamumuhay hanggang sa kasalukuyan niyang kalagayan.

Siguro'y masyado na itong nagdepende sa sarili niyang kakayahan kaya't ngayong may taong biglang mag iibsan ng pagod at sakit niya ay parang nakaramdam siya ng kaginhawahan, parang ina na galing sa trabaho na sinalubungan ngbyakap ng anak pagkauwi sa bahay. Ganoon ang pakiramdam na nararamdaman niya ngayon.

Sa unang pagkakataon naman ay nakita ni Ramses ang pagkahiya nito sa kanya. Hindi man katulad noong dati na hinahabol habol siya nito pero mas ramdam na niya ngayon. Ito ang ekspresyon na lagi na niyang hinahanap sa kanya magmula ng malaman niyang siya ang babaeng nakasiping nito.

At sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng pagsisisi. Kung bakit pa niya kasi tinanggihan si Kimmy noong una. Sana ay wala ng tsansa pang maagaw ito ng iba. Hindi. Subukan man nila ay hindi sila magtatagumpay.

Sa labas ng bahay ni Enzo, gabi na ngunit nasa bakuran parin si Lorenzo nakatingin sa buwan. Sa unang tingin iisipin mong siya ay isang anghel sa ilalim ng buwan. Ang sinag ng buwan ay nagpapaliwanag sa buong katawan nito. Nakaupo ito sa isang malaking lamesa sa bakuran niya na gawa sa puno na napapalibutan naman ng mga malililit na troso ng puno na ginawang upuang walang sandalan. Sa seryosong mukha nito hindi mo alam kung ano ang iniisip niya.

Maiiwan ang pamamalakad sa bario bukas kay Enzo at sa mga katandaan. Magiging mahirap ito dahil madalas itong gawing pagkakataon ng mga katandaan upang makuha ang pwesto nito ngunit hindi sila nagtatagumpay sa tulong narin ni Enzo. At dahil planado ang lahat ni Ramses ngunit sa pagkakataong ito mas mahirap ang magiging sitwasyon. Mas matagal ang panahong mawawala ang Pinuno.

Kinabukasan, nagising nalamang si Kimmy na mag isa na siya sa higaan. Tinanghali ito ng gising. Nag unat ng mga kamay at paa tsaka siya tumayo. Tinatamad pa ito ngunit ng mapansin ang liwanag na pumapasok sa mga malililit na butas ng mga sawali ay nabigla ito. Bigla itong pumasok sa banyo at dalidaling naligo at nag sipilyo. Nag sipilyo ng ginawa niyang baking soda. Tsaka nag ayos at nagbihis.

"Binibini." bati ng aliping yaya nito ngunit di ito pinansin ni Kimmy bagkus tuloy tuloy itong naglakad palabas ng bahay papunta sa bahay ng Pinuno para makita ito bago man lang umalis.

Ngunit kinabahan ito ng makitang walang ibang tao sa bahay nito maliban sa sampong tagabantay. Pumunta ito sa labas ng compound nila pero wala din. "Tch!" asar nito sa pangyayari. Anong klasing lalaki naman ang aalis ng hindi magpapaalam sa pinopormahang babae? Kung kailan namang nagdesisyon itong hindi na aalis. Pinagsisipa nito ang buhanginan. "Argh! Arggghhh!"

"Kimmy." bati ni Enzo kay Kimmy na mukhang nagdadabog, kasama nito ang labing limang bantay ng Pinuno.

"Hmp!" pang iisnab nito kay Enzo.

"Hindi mo ba titignan ang Pinuno sa huling pagkakataon?" tanong nito. Mukhang namang hindi interesado si Kimmy kay Ramses kaya hindi na siya nangangamba dito.

Nagulat si Kimmy at dahang dahang nag iba ang awra nito sa kanya. Mula sa pagka asar hanggang sa pagiging magkaibigan, "Nasaan na ba sila?"

"Huh?" hindi ba siya updated? "Nasa dalampasigan na sila, gagamit na sila ng bangka. Sumabay kana saamin." sagot nito.

"Sige!" masayang pagsang ayon ni Kimmy kay Enzo at nakisabay sa kanila.

"Binibini!" sigaw ng aliping yaya ni Kimmy ngunit hindi na sila nito naabutan. May sulat panaman ang Pinuno na ipinapabigay ngayong umaga kay Kimmy pagkagising nito. Mukha panamang napakahalaga ng liham nito ngunit agad agad namang umalis ang binibini.

Sa dalampasigan,

Naghahandang maglayag ang mga tauhan ni Ramses ngunit hindi parin sila umaalis. Mukhang may hinihintay parin ito. Nagdesisyong mag layag nalamang sila sa dagat ang Pinuno dahil mas magiging maikli ang araw na makakarating sila sa pupuntahan.

Alam naman ng mga tauhan kung sino ang hinihintay ng Pinuno, sino ba naman ang wala sa mga taong nakahilera sa kanya.

"Mukhang hindi na siya sisiputin." sabi ng isang tauhan.

"Maghintay lang tayo. Mukha namang may pag asa pa." sagot ng isa.

"Tanghali na." sabi ulit ng isang tauhan.

"Hehe. Kakagising lang ng binibini sa oras na iyan." sagot ulit ng isa pa.

"Eh lalong hindi na siya sisipot, hindi ba dapat agad itong gumising kung may pakialam ito sa Pinuno?" sabad pa niya.

"Hindi mo ba alam?" biglang lumapit ang tauhang siguradong sigurado na sisipot si Kimmy sa tenga ng kontrabidang tauhan. "Magdamag natulog ang Pinuno sa bahay ng binibini."

"Huh?" pagtataka ng isa. "Ahhhh" biglang natuwa ito ng marealize ang ibig sabihin ng kausap niyang kapwa alipin.

Dinig ng Pinuno ang pag uusap nila kahit pa nasa kabilang bangka siya nakatayo.

"Ang Ginoong Lorenzo po ay papunta na." pagbabalita ng isa pang tauhang kakagaling lang sa di kalayuan.

Tumango nalamang si Ramses at nag senyales ng kamay sa mga tauhan na maghanda na. Naging malungkot ang awra nito.

"Mukhang hindi na talaga siya sisipot." bulong ng tauhan sa kausap nito.

"May oras pa." sagot ulit ng isa. Boto ito sa binibini para sa Pinuno niya dahil kita naman na hindi banta ito sa Pwesto ng Pinuno.

Hinintay na ni Ramses si Enzo sa kinauupuan, siya nalang ang kulang at aalis na sila. Mukhang ito na ang sagot ni Kimmy sa kanya. Nag iwan ito ng sulat na magbibigay ng patutunguhan sa kanila. Kung darating ito upang magpaalam sa pag alis nila, ibig sabihin ay tatanggapin nito ang relasyon nila. Ngunit kung hindi ito sumipot ay titigil na ito sa panliligaw sa kanya, na hindi naman niya talaga gagawin ang pagtigil pero umaasa ito na tatanggapin na nito ang relasyon nilang dalawa. Madissappoint parin ito kahit wala naman talagang balak na gawin ang sinabi niyang pagtigil sa panliligaw sa kanya, marami itong alam na paraan.

"Wow! Sobrang laki naman ng mga to!"