Chereads / Kakaibabe / Chapter 31 - 31 Pag ibig at Parusa

Chapter 31 - 31 Pag ibig at Parusa

"Alam mo bang nandito siya?!" tanong ni Kimmy na may konting pagkairita at hinabol niya si Enzo hanggang sa labas ng bahay niya.

"...." natahimik si Enzo. Alam niyang nandito siya pero hindi niya ito agad ipinaalam kay Kimmy.

"Sumagot ka." lalong na curious si Kimmy sa relasyon ng dalawa. Anong gusto ng lalaking ito? Ang i two timer silang dalawa kahit sa panahong ito. Hindi siya tanga at hindi siya papayag na insultuhin nalang siya ng ganoong ganoon na lamang. Nagmahal siya ng tapat at hindi niya deserve ang lokohin kaya't ipaglalaban niya ang dangal niya!

"Oh, magandang umaga sa inyo, Ginoong Lorenzo at Binibini." bati ni Antonia na dinatnan ang kanilang eksena sa labas.

"Mali yata ang timing ko."

"Hindi kita inimbitahan sa bahay ko, kaya pwede ba!?" itinuro ni Kimmy ang gate ng bakuran palabas ng bakuran niya.

"Wew. Nakakatakot. hahaha" sabay tawa ni Antonia sa kanya na parang nang iinsulto.

"Toni. tama na." pagpipigil ni Enzo kay Antonia.

"Bakit? Ano bang ginawa ko?" pang aasar pa nito. "Kimmy, sorry ha? nasaktan ba kita ng malaman mong ang bestfriend mo at ang boyfriend mo ay naglalampungan sayong likuran?" natutuwa ito na napipikon niya si Kimmy. Matagal na niyang gustong matalo ang bestfriend niyang ito. Mula ng naging magkaibigan sila, naging puro na lang sa kanya ang atensyon, ang masaklap pa doon pati ang mga magulang niyang minamaliit siya ay ipinagmamalaki sa kanya si Kimmy. Si Kimmy ganito, si Kimmy ganyan. Nakakarindi na. At nang magkaroon ito ng pagkakataon ay nakuha niya ang nais niyang maramdaman ni Kimmy. Ang matalo at masaktan siya katulad ng nararamdaman niya sa tuwing kinukumpara siya ng mga tao dito.

Kumalma si Kimmy at napangiti sa tanong ni Antonia sa kanya. "Pathetic." Sino ba ang gumawa ng mali? Hindi ba sila? Bakit pa siya masasaktan? Nagagalit lang siya ngayon sa pangungulit ng lalaking nanloko sa kanya. Nakakainsulto, yun lang.

Nagulat si Antonia sa sagot ni Kimmy. Pathetic? Larawan na nga ba siya ng pagiging Pathetic na tao? Oo, pero dahil yun sa kanila lalo na sa kanya. Pinagtaasan nalamang niya ng kilay si Kimmy at akma na sana siyang lalabas ng pumasok naman ang Pinuno.

Tinignan ni Ramses si Antonia at si Enzo pagkatapos ay kay Kimmy.

"Babalik ako bukas Kimmy." pagpapaalam ni Enzo kay Kimmy tsaka humarap kay Ramses. "Magandang umaga Pinuno."

"Magandang umaga Pinuno." bati naman din ni Antonia kay Ramses.

"Magandang um..." pagbati sana ni Ramses sa dalawa ng biglang may yumakap sa kanya sa may baywang.

Nagulat ang lahat pati na ang mga bantay na kasama ni Ramses. Alam nilang lahat na ayaw na ayaw ng Pinuno ang niyayakap ng babae sa publiko. Ayaw na ayawa din nito ang iniistorbo sa pagsasalita ngunit ginawa ito ni Kimmy sa harapan nila.

'Bagay sayo. Malandi.' sa isip ni Antonia na ini imagine na ang pagtutulak sa kanya ni Ramses ng malakas.

"Kimmy, huwag!" pagpipigil nito kay Kimmy pero huli na ang lahat. "Pinuno, ako na po ang humihingi ng tawad para kay Katarina." lumuhod si Enzo sa harapan ni Ramses.

"Huh? Anong ibig sabihin non, Ramses?" mula sa pagyakap sa baywang nito mula sa tagiliran ay umusog ito patungo sa harapan niya.

Tinitigan ni Ramses si Kimmy dahil nagtataka ito sa biglaang paglalambing nito sa kanya. Alam niyang may kinalaman ang pagparito ng dalawa. Alam niyang may dating relasyon ang dalawa sa isang panahon at lugar na hindi nila nalalaman, pero hindi na pwede ngayon. Hindi sa panahong siya ang Pinuno!

"Bawal ba?" biglang nalungkot kunwari si Kimmy at nag alis ng mga kamay niya sa pagkakayakap kay Ramses ngunit kinuha ulit ito ni Ramses.

"Tumayo ka Lorenzo, walang pagkakamali ang binibini." utos ni Ramses.

Sa sinabi niyang ito ay mas nagulat ang lahat ng naroon lalo na si Antonia. Noong siya ang sumubok nito ay halos mangudngod ito sa buhanginan. Ngayong si Kimmy naman ang gumawa ay 'walang pagkakamali'.

Sa tuwa ni Kimmy sa ekspresyon ng mukha ni Antonia ay napalundag ito sa pagyakap sa leeg ni Ramses. Nagpakarga ito sa kanya na papasok ng bahay niya na parang prinsesa.

Nakatingin naman ito kay Antonia habang naglalakad sila papasok ng bahay tsaka niya ito pinandilaan na parang batang nang aasar sa kaaway.

Nakita ni Ramses ang ginawang pang aasar nito kay Antonia at naisip niyang may malalim itong inis sa babae niya. Nagseselos ba ito sa mga babae niya? Napangiti ito.

"Huwag kang tumawa, walang nakakatawa." saway ni Kimmy kay Ramses. Alam nito ang iniisip nito sa kanya, kitang kita naman sa mukha nito na akala niya ay nagseselos si Kimmy sa babae niya. "Hindi ako makikipag agawan sa isang lalaki no. hmp!" bumaba si Kimmy sa mga kamay ni Ramses.

"Tsk.walang utang na loob na babae." mahinang sabi nito.

"Anong sabi mo!?" inis na tanong ni Kimmy kay Ramses. Mukha ngang highblood siya sa araw na ito. Bakit nga ba napakasama ng araw niya ngayon?

"Anong relasyon mo kay Lorenzo?" diretsong tanong ni Ramses kay Kimmy.

"Ah? Wala!" sagot nito ng nagtataka. Tumingin ito sa malayo para iwasan ang titig niya na parang nanghuhuli ng sinungaling.

Lumapit si Ramses dito at hinarap ang mukha niya sa kanya. "Huwag kang magsisinungaling. Marami akong kayang gawin para magsalita ka sa akin ng totoo kaya't habang mabait pa ako. Sabihin mo na ang lahat."

Nagulat si Kimmy sa pananakot ni Ramses sa kanya. Ito ba ang tunay na ugali ni Ramses? Kahit ang tigre ay matatakot sa kanya pero paano nya sasabihin ang totoo kung napakahirap paniwalaan nito? " Ano ba ang gusto mong marinig sa akin? wala nga kaming relasyon." sagot ni Kimmy.

"Wala nga o wala na?" hinawakan ni Ramses ng mahigpit ang baba nito para hindi umalis ng tingin sa kanya. "Mas marami akong alam maliban sa inaakala mo."

Tinignang mabuti ni Kimmy ang mga mata ni Ramses at iniisip kung ano ba ang iniisip ng mataba niyang utak. Napuno na ba ito ng cholesterol kaya nagbabara na? "Eh alam mo na pala eh bakit mo pa ako tinatanong?!" asar na sagot ni Kimmy, talagang naaasar na siya dito.

Hinila ni Ramses ang mukha nito at hinalikan ng mas mapusok at kinagat ang labi nito hanggang masugatan ng konti.

Nakaramdam ng init sa labi nito at mala bakal na lasa si Kimmy sa sarili niyang bibig. Ang halik ni Ramses ay parang pag ibig at parusa sa kanya. Hindi na lang nagsalita ito para hindi na maasar pa si Ramses.

"Aalis ako at sa pagbalik ko...." tumayo na si Ramses at naglakad patungong pintuan tsaka tumingin sa kanya. "Sasabihin mo sa akin lahat." pagkatapos magsalita ay lumabas na ito.

"Tsk, kung may dadatnan kapang Katarina dito. tsk" pinunasan ni Kimmy ang dugo sa labi nito. "Hunghang! ouch!" nakaramdam ng biglang pagsakit sa puson ito ng may kasunod na pag agos ng mainit na likido. Nang tignan ni Kimmy ang kanyang pang ilalim na kasuotan ay nakita niya ang maraming dugo. "Red alert! kaya pala ang moody ko ngayon." sabay pasok sa banyo nito at naglagay ng homemade pasador ito sa pang ilalim nitong suot.