Chereads / Kakaibabe / Chapter 28 - 28 Tanggera

Chapter 28 - 28 Tanggera

Nagpaabot na ng gabi si Kimmy bago umuwi para bukas nalang ito mag iisip ng paraan magpalusot sa Pinuno.

Iniwasan nito ang mga bantay sa pagpasok. "Buti nalang konti lang nagbabantay ngayon." bulong nito sa sarili ng muntikang mahuli ito.

Nagtungo muna ito papunta sa mga puno ng Narra. Mabilis itong nakapunta doon at umakyat sa pinakamalaking puno sa gitna.

Lumingon lingon muna ito sa kaliwa at kanan hanggang sa derederetso itong umakyat nang nakakapa siya ng isang paa at agad niya itong inalis.

Sinubukan niya ulit kapain kung talaga bang paa ang nakapa niya ngunit ng makapa ulit ay paa pala talaga. Biglang namutla si Kimmy. Tumigil siya sa pagkapa at Inalis ng dahan dahan ang kanyang kamay "Tabi tabi po."

Pumikit si Kimmy habang pababa ulit ito ng Puno nang bigla siyang nakarinig nang tumalon mula sa puno bumagsak pababa.

"Katarina!"

Nagulat si Kimmy at nadulas tsaka nabitawan ang hawak at bumagsak. Buti nalang ay sinalo ito ng isang lalaking may pamilyar na amoy.

Kinabahan ito ng sobra at namumutla ng magmulat ito ng mata at makita kung sino ang nakasalo sa kanya ay nakita niya si Ramses "Pi.Pi.Pi.Pinuno."

Hindi alam ni Ramses kung ano ang gagawin sa babaeng ito. Bakit ba niya siya iniiwasan pagkatapos ng lahat ng ginawa nila. Hindi man lang ba nito pahahalagahan ang reputasyon niya? o hindi siya nito gusto at may iba na itong pinagpapantasyahan kahit na may nangyari na sa kanila? "....."

Nagdilim bigla ang paligid ni Kimmy sa anino ni Ramses.'Mag isip ka Kimmy, Magsalita ka! yung hindi siya magagalit! Kumukulo na siya.' sabi nito sa sarili. Nag ipon muna ito ng lakas ng loob bago makapagsalita."Anong ginagawa mo dito?"

"...." Hindi sumagot si Ramses sa tanong ni Kimmy at tinignan niya lang ito ng masama.

"Ay sayo nga pala mga punong ito. hehe" sabi ni Kimmy na nagpipiga ng utak para mapatawa o mapahupa man lang ang galit nito. "Pwede mo nakong ibaba Pinuno." pilit na nginitian si Ramses.

"....." hindi parin sumasagot si Ramses sa kanya pero hindi niya ito binaba bagkus dinala nya pa ito sa loob ng bahay niya.

Iniupo niya ito sa sala hawak hawak ang palad nito na parang ayaw niya itong tumayo.

"Manang Selya." tinawag nito ang matandang aliping yaya nito mula pa noong pagkabata. Madalang na lang niya itong utusan lalo na sa mga mabibigat na gawain pwera nalang sa mga bagay na siya lamang mapagkakatiwalaan nito.

"Panginoon." sagot ng matanda na bigla nalang lumitaw sa kung saang sulok siya nanggaling.

"Nais kong muling matikman ang alak na ibinigay ni Ginoong Enzo noon." sagot nito sa matanda ng may respeto.

"Opo." umalis na ang matanda at nagtungo sa isang silid na parang wala namang kakaiba sa silid na pinasukan niya.

"Magluto ka ng pulutan." sabi ni Ramses kay Kimmy.

"Ah sige!" excited na puminta sa kusina si Kimmy dahil ito ang madalas niyang gawin kapag may inuman sa mga katrabaho niya noon sa modernong panahon. Agad agad itong sumunod kay Ramses na parang sanay na sanay na itong nagluluto ng pulutan para sa inuman.

Nang makapagluto ito ng kinilaw na tulingan at maanghang na sinangag na mais doon pa lang niya naisip na parang may mali. Sinilip muna ni Kimmy si Ramses sa sala kung ano ang ginagawa nito ngunit nakita niyang naghihintay lang ito sa kanya habang hawak na niya ang alak. "Hindi naman siya galing sa modernong panahon diba?" pagdududa ni Kimmy. "Pero bakit may inuman at pulutan sa gabi na kami lang dalawa? para mag usap ng puso sa puso? Uso narin ito dati?" sinipat sipat ni Kimmy si Ramses sa buong matipuno nitong katawan inaalam kung katulad lang ito ni Antonia na hindi niya agad nakilala pero wala talaga itong kamukha sa modernong panahon.

Naalala ni Ramses ang mga sinabi noon ni Enzo sa kanya. Mula nang magising ito pagkatapos na madaganan ng nagwawalang kalabaw.

"Kimmy! Kimmy!" sigaw ng binatang Enzo. napaupo ito sa hinihigaan at nilapitan siya ng kanyang ina.

"Lorenzo apo. Ako ito ang iyong Lola." sabi ng isang matanda.

Nasa tabi lang noon ng pintuan si Ramses at kasama niya ito ng bigla nalang nag iba lahat ng pagkatao niya.

Sa tuwing nalalasing ito ay naikukwento nito na siya ay galing sa hinaharap at ang mga kaugalian at pagkain doon. Noon ay akala ni Ramses ay nakapanaginip lang si Enzo ng mga pangitain at kalaunan ay tumigil na ito sa pagsasabing siya ay galing sa hinaharap hanggang sa ikwento naman nito ang babaeng minahal niya.

Kasama sa nakwento nito ang pagluluto ng pulutan at pag iinuman sa tuwing may nais kang malaman na problema ng isang tao. Magiging madali lang ito kung si Kimmy ay galing din sa panahong pinanggalingan ni Enzo.

"Dalian mo na." sabi ni Ramses na nagpikit ng mata. Kanina niya pa alam na pinagmamasdan siya nito ni Kimmy habang may hawak hawak na plato ng mga pulutan.

Nagulat si Kimmy at nahiya. Dinala na niya ito sa lamesita sa sala kung nasaan ang alak at isang maliit na baso.

"Shot glass?" bahagyang natawa si Kimmy at sa itsura ng baso na kahoy.

"Samahan mo ako ngayong gabi." sabi ni Ramses kay Kimmy.

"Anong okasyon ngayon?" tuwang tuwa si Kimmy dahil makakainom ito ng malaya ngayong gabi na di nag aalala na may magbalak ng masama sa kanya dahil kasama niya ang Pinuno, ang taong kinatatakutan ng lahat doon. Pero teka, si Ramses ba walang gagawing masama sa kanya? Napatingin si Kimmy kay Ramses habang naghihintay ng sagot. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. 'Sayang.'

"Aalis ako bukas." sabi ni Ramses kay Kimmy.

"Ahhh..." nagulat si Kimmy sa sinabi nito. May konting panghihinayang dahil bukas malaki na ang tsansa niyang makaalis sa baryo ngunit bakit parang may pinanghihinayangan siya?

Nagbuhos ito ng alak sa baso at ibinigay kay Ramses. "Mag iingat ka palagi."

Ininom ni Ramses ang alak at siya naman ang nagbuhos nito para kay Kimmy. "Magiging matagal akong mawawala pero gagawa ako ng paraan para makabalik agad."

"Hindi." nilagok ni Kimmy ang alak sa baso. "Gawin mo ng perpekto at maayos ang dapat mong gawin, wag kang mag aalala dito." at inulit muli ang pagbuhos ng alak para sa pinuno.

"Hintayin mo ako." kinuha ni Ramses ang baso ng alak at ininom ito. Ibinalik niya ang baso kay Kimmy at si Kimmy na ang tumayong tanggera.

______

Good Evening po sa lahat.

Salamat po sa mga sumusubabay ng Kakaibabe.

Sa ngayon po dalawang story ang inaupdate ko araw araw at sinusubukan ko pong makapag update everyday, pinakamatagal na po ang umabot ng dalawang araw.

Hangga't may nagbabasa, nagcomment at nagrereview. itutuloy ko po siya.

Maraming Salamat po sa suporta!

Check niyo rin po ang "School Gangs"

Lukresya. x