Chereads / Kakaibabe / Chapter 30 - 30 Bisita

Chapter 30 - 30 Bisita

Isang oras pagkatapos huminto sa paghahanap ang mga bantay sa mamamatay tao kuno ang siyang tanging oras na naitulog nila. Pati na ang singkwentang alipin na makakasama ng Pinuno sa pag alis.

Ika lima ng umaga.

Naghahanda na ang lahat sa pag alis. Hinihintay nalamang ng Pinuno ang mga iba pang kagamitan ng mga aliping bantay niya.

Napansin nito ang mga kakaibang awra nila. Mukha na silang zombie. May mga itim na guhit ang ilalim ng mga mata nila. Namumutla at Inaantok.

"Anong nangyari?" tabong ni Ramses sa alipin.

"Pinuno. May nagtangkang pumatay sa inyo po kagabi." sagot ng puyat na alipin.

"Nasaan siya?" nagtatakang tanong ni Ramses sa alipin. Paano at Kailan may nagtangka sa buhay niya? Bigla niyang naalala si Kimmy dahil siya ang kasa kasama niya kagabi. "Kumusta ang binibining manggagamot?" pag aalala ni Ramses.

"Mabuti po." sagot ng alipin. "Dumaretso po sa kakahuyan ang mamamatay tao kaya't nahirapan na po kaming habulin siya."

"Mabuti naman at ligtas ang binibini. Bakit hindi ninyo agad sinabi saakin?" tanong ni Ramses sa alipin nito.

"Iniutos po ninyo kagabi na huwag po namin kayong istorbohin kahit anong mangyayari." sagot ng alipin.

Bigla ngang naalala ni Ramses ang utos nito nang dalhin niya si Kimmy sa kaniyang bahay.

Naalala niya ang mga nangyari kagabi pati na ang pagkawala ng kontrol niya sa sarili.

Pinagmasdan ng Pinuno ang mga alipin niya kaya't iniutos niyang bukas nalang sila aalis at papagpapahingahin nila ang isa't isa kada apat na oras dahil di nila kakayanin ang paglalakbay ng nanghihina ang mga katawan. At kailangan niyang imbestigahan kung sino ang nagtatangka ng harap harapan sa kanyang buhay.

"May pinapasabi po pala ang binibini, Pinuno."

sabi ng alipin. "Nagpapasalamat daw po siya sa ginawa nyo sa kanya kagabi at sana raw po ay magustuhan ninyo ang regalo niya sa inyo ngayon." tuloy ng alipin tsaka na umalis para ipatupad ang utos ng pinuno sa kanila.

Napapikit si Ramses sa sinabi ng alipin. So pakana pala lahat ng loko lokong babaeng iyon. Ayaw ba siya nitong umalis kaya't pinuyat niya ang mga bantay nito? Naghanda ito at nag ayos para bisitahin ang nagpapapansin niyang asawa, este nililigawan.

Masayang masaya namang gumising si Kimmy. Kagaya ng nakaugalian niya, mas late itong nagising kumpara sa lahat ng nakatira doon. "Hayy sarap ng walang boss. Walang trabaho pero may ginto." naalala niya ang mga ginto niya na itinago.

"Binibini" pagtawag ng alipin ni Kimmy sa pintuan ng kwarto niya.

"Yes?" binuksan ni Kimmy ang pintuan ng kwarto niya kahit naka bra at shorts lang siya. Ayos lang para sa kanya na makita siya ng kanyang alipin dahil puro babae naman ang mga ito.

Pero hindi si Enzo.

"Kimmy" hindi napansin ni Enzo ang suot nito dahil sanay na siyang makita noon na ganoon lang ang suot niya. Lalo na kapag nasa bakasyon sila. Hindi kabastusan ang naramdaman nito kundi pangungulila.

Nagulat si Kimmy sa kanyang bisita. Anong kailangan nito ng ganoong kaaga?

Ang alipin ang mas nagulat sa kanilang dalawa. Ang binibini ay nakahubad at parang hindi nahihiya habang ang ginoo naman ay nakatingin sa binibini na parang walang ginagawang masama. Biglang naalala ng alipin ang Pinuno. Di ba't espesyal ang trato nito sa kanya? May papasok na ibang alipin kaya't sinara niya ng biglaan ang pintuan ng kwarto. Tsaka agad nagpanggap na kararating lang niya. "Binibini, may bisita po kayo."

Nagulat si Kimmy sa ginawa ng alipin ngunit agad din niyang naintindihan ito. Naalala niyang naka bra at shorts lang siya at may kausap siyang binata. Buti nalang, magaling ang aliping ibinigay ng Pinuno sa kanya kung hindi ay isang kasal nanaman ang iaalok sa kanya. "Dalhin mo siya sa salas at susunod na ako." sagot ni Kimmy sa alipin at pumasok na ng banyo niya sa kwarto tsaka na naligo.

Dumaan ang dalawang alipin sa harapan nina Enzo at ng aliping yaya ni Kimmy.

"Ginoo, doon po ang palikuran." pagpapanggap ng aliping yaya sa pagdaan ng dalawang alipin. May kakaiba sa mga ito, para silang umaali aligid sa binibini kaya't sa tagal na nito sa paninilbihan at sa ilalim ng pagtuturo ng kaniyang tiya ay alam na niya kung may masamang balak ang mga tao sa paligid niya. Ang kaniyang tiya ay ang tapat na matandang aliping yaya ni Ramses. Malaki ang utang na loob ng mga ito sa Pamilya ng Pinuno kaya't hindi lang paninilbihan ang ginagawa nila kundi pagpo protekta sa pamilya at sa namumurong maging miyembro ng pamilya sa hinaharap.

"Maraming Salamat, hindi pa ba gising ang binibini?" tanong ni Enzo na nakisakay sa drama ng mag amo.

Nagbubulungan ang dalawang alipin pagkalayo ng dalawa sa kanila.

Hindi na muna sila kinumpronta ng aliping yaya dahil ayaw niyang maalarma ang kung sinomang nagpapa espiya sa binibini. "Ginoo, alam ko ho na may espesyal din kayong pagtingin sa binibini." sabi ng alipin at tumingin sa kanya. "Ngunit hindi po nararapat na pumasok sa silid ng dalagang babae."

"Ang binibini at ako ay..." sasabihin niya sana na sila ay magsyota ngunit hindi pa uso yun. "Matalik na magkaibigan, hindi ko napansin ang ayos niya kanina, patawad." bawi nito.

"Sa sala na po tayo" pag anyaya ng alipin kay Enzo sa sala ng makitang nakalayo na ang dalawang alipin.

Dumiretso na sa sila sa sala at di nagtagal ay dumating na rin si Kimmy.

"Anong kailangan mo Enzo?" agad na tanong ni Kimmy pagkaupo nito sa upuan.

"Kimmy, mag usap tayong dalawa." sagot ni Enzo.

"Wala naman tayong dapat pag usapan Enzo pero kung iyon ang makakapagpigil sa yo sa pangungulit sa akin, Sige! Sabihin mo na." paliwanag ni Kimmy na parang may konting galit parin ito sa kanya.

"Mukhang sa ibang araw nalang," napansin ni Enzo na galit parin ito sa kanya at kahit anong ipapaliwanag niya dito ay hindi din siya paniniwalaan.

"Hindi. Ngayon na.!" sagot ni Kimmy "Ano bang gusto mong sabihin sakin? ha? Na inakit ka lang ni Toni kaya kayo nagkantu... ganoon ba?" tanong ni Kimmy sakanya ng pasigaw.

"Tsaka na lang tayo mag usap." bawi ni Enzo at tumayo na ito sa kinauupuan.