Chereads / Kakaibabe / Chapter 29 - 29 Mamamatay tao

Chapter 29 - 29 Mamamatay tao

Makalipas ng isang oras.

"Minsay hisang arahaw pusoy napa. ugh. sigaw" kumanta ng kumanta si Kimmy ng wala na sa tono habang hawak ang kamay ni Ramses at ginawang mikropono.

Napangiti si Ramses sa kalasingan ni Kimmy. Kung anu ano ang mga kinakanta nito at bawat sinasabi niya ay sumusobra ng letrang H. "Lasing kana?"

"Di ako lashing ano ba. Ano beh? ikaw lasheng eh noh?" sabay balibag ng kamay ni Ramses at niyakap si Ramses sa leeg nito at nagpakandong sa kanya. "Aalis kana beh?"

"Ayaw mo ba akong umalis?" tanong ni Ramses.

"Ugh." Sininok si Kimmy. "Haha, anong ayaw!? Gustong gusto ko pa nga eh! Haha. Wag ka beh." hinampas niya ng mahina sa balikat si Ramses.

"Maupo ka nga ng maayos." biglang nagseryoso si Ramses at iniupo si Kimmy sa dating pwesto. Nawalan ito ng ganang kausapin pa siya.

"Ane be yen beh." nagpabebe si Kimmy at niyakap ulit si Ramses. "Payakap muna bago ka umalish." Niyakap niya si Ramses ng naglilikot.

Namula si Ramses at humupa muli ang galit nito. Napakahirap guluhin ng mga kalaban ang emosyon ni Ramses ngunit pagdating kay Kimmy ay nagiging bagyo at araw ang emosyon niya sa isang minuto.

"Ikaw ha, dami dami mong babae jan naglalandi kapa. Malandi ka beh. Malandi ka..." padabog na sabi ni Kimmy kay Ramses.

Kasabay ng pagdabog ni Kimmy sa kandungan ni Ramses ang pagdabog din ng alaga nito.

"Ano beh. Bat nakakalat ang mikroponow?!" Sinubukang kuhanin ni Kimmy ang sinasabi niyang mikropono na naupuan niya. Akala yata nito ay nasa bidyokehan siya ng modernong panahon.

Pinigilan lang siya ni Ramses sa pagsakmal sa kanyang alaga. "Anong mikroponow?" tanong ni Ramses.

"Mikropono, hindi mikroponow. Ano ka? pabebe? hehehe" pang aasar nito kay Ramses gayong siya ang unang nagsabi nito.

"Anong Pabebe?" malapit ng maasar si Ramses sa kanya. Pakiramdam nito ay minumura na siya nito ng hindi niya nalalaman. Nauubusan na ng pasensya ito sa kalukaretan ni Kimmy sa kanya, lasing na ito pero wala parin itong napagtatapat sa kanya.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Kimmy, biglang inihiga sa upuan at galit na tinanong. "Ikaw ba ang babaeng minahal noon ni Lorenzo?!"

"Ugh!" naramdaman ni Kimmy ang pagbagsak niya sa upuan ngunit hindi niya maintindihan ang tinatanong ni Ramses. "Ha?"

"Mahal mo ba si Lorenzo?!" inulit ni Ramses ang tanong at mas lumapit ito sa mukha niya.

"Enzo? Ikaw si Enzo kamo?" nagtatakang tanong ni Kimmy. Medyo nahihilo na ito.

"Hah!"nagsimulang halik halikan ni Ramses sa pisngi si Kimmy na parang tigreng kakain dito.

Nagwala naman si Kimmy at pinagtutulakan niya ito. "Wag! Manloloko! Wala kang kwenta! Manloloko! Wala kang kwenta! Layuan mo ako!" pinagtutulak niya ito at sumipa sipa. Nag wala ito sa ilalim niya. "Hindi ka lalaki!"

Nagalit muli si Ramses at lalo niyang hinigpitan ang paghawak dito ng makuha niya ang mga kamay niya. "Gusto mong malaman kung gaano ako kalalake?!" hamon nito sa kanya. Muli niya itong hinalikan sa pisngi, tenga, sa baba hanggang sa leeg.

"Wag. Pakiusap Enzo.Hindi na kita mahal." wala ng magawa si Kimmy kaya't nakiusap nalang ito sa kanya, umiyak siya ng umiyak sa takot. Ang akala niya ay siya daw si Enzo.

Napatigil si Ramses sa ginagawa niya kay Kimmy. Binitawan niya ang kanyang mga kamay at hinarap ng maayos si Kimmy.

"Katarina." bahagyang naawa ito sa pagpupwersa sa kanya dahil nakita niya ang mga bakas ng higpit ng pagkahawak nito sa mga kamay niya at namumula sila.

"Hindi na kita mahal, matapos mo akong lokohin." nagtakip ng mukha si Kimmy. "Hindi na tayo babalik sa dati."

"Ako to Katarina." sagot ni Ramses.

Nagulat si Kimmy sa boses nito, bahagya itong nahimasmasan sa kalasingan dahil sa pag iyak. Tinignan niya ito at nakitang si Ramses ang nasa harapan niya. "Ramses!"

niyakap ni Kimmy ito ng mahigpit na parang isang tagapagligtas niya.

"Tahan na." pagpapatahan ni Ramses dito habang niyayakap siya nito. Hinalikan niya ito sa buhok. "Tahan na. Patawad."

Nanigas bigla ang katawan ni Kimmy sa nadinig. Anong ginawa ni Ramses sa kanya para humingi ng tawad? Bigla niyang naalala ang mga naunang eksena kung kailan ang akala niya ay siya si Enzo. Parang binuhusan siya ng isang timbang yelo. " Ramses!!!! " biglang isinigaw nito ang pangalan niya.

Natawa si Ramses sa pagsigaw nito sa pangalan niya, mukhang narealize na ng babae ang di nila pagkakaunawaan ngunit sa di nila pagkakaunawaan ay may hindi maganda nga namang ginawa ito sa kanya.

"Bastos!" tinulak niya ng malakas si Ramses at napalayo ito sa kanya. Tumayo si Kimmy at naglakad ng mabilis palabas ng bahay nito.

Abot langit ang ngiti ni Ramses sa reaksyon ni Kimmy, kahit pa wala itong nababanggit na hinaharap at iba pang tungkol sa kanya ay masaya na itong malaman na hindi na raw niya mahal si Lorenzo. Tumayo ito at akma nang maglalakad papasok sa kanyang silid ng may bumato sa bubungan nila ng mga bato.

"Manyakkk!!!!" malakas na sigaw ng isang babae sa labas ng bahay ng mga Marapao.

Nagising at nagulat ang mga bantay sa ginawa ni Kimmy.

Nang makita ni Kimmy ang mga bantay na akmang hahabol sa kanya ay nagsimula na itong tumakas.

Natuwa ito sa pagtakas sa kanila. Nagpahabol ito sa kung kanikaninong sulok sulok ng bahay papunta sa sarili niyang bahay.

Naalarma ang mga bantay at ginising nila ang iba pa. Malapit nang magliwanag ay hindi parin nila nahuhuli ang babae.

Tuwang tuwa si Kimmy ng makapasok sa secret exit nito sa kanyang bahay. Dumiretso ito sa kanyang banyo at naligo tsaka tuluyang nawala ang kalasingan nito sa lamig.

Nagbihis ito at nagpapanggap na kakagising lamang nang may kumakatok sa pintuan niya.

"Anong kailangan ninyo mga ginoo?" tanong ni Kimmy na bahagya lamang niya binuksan ang pintuan niya. "agh ahh" kunwari itong naghikab.

"Binibining manggagamot, pasensya na po sa istorbo. May narinig po ba kayo ng kalampag o ingay sa loob ng bahay ninyo? May nakapasok po kasing mamamatay tao sa loob." paliwanag ng isang bantay.

Maraming bantay ang naghihintay ng sagot niya sa labas.

"Pasensya na ginoo. wala akong narinig." sagot ni Kimmy. "Pero teka sandali. Parang may narinig akong ingay sa bandang likuran papunta sa kagubatan. Hindi ako sigurado kung kalaskas lang iyon ng mga puno." dagdag pa ni Kimmy. Plano nitong puyatin pa ang mga bantay ng Pinuno.

"Sa Kagubatan!" utos ng bantay. "Maraming salamat Binibini at patawad sa pang iistorbo ng iyong gabi" sabi ng bantay.

"Ayos lang ayos lang." 'maghanap lang kayo ng maghanap.' sabi nito sa sariling isip.

"Aalis na po kami. Tawagin niyo lamang po kami kung may kailangan po kayo binibini." paalam ng bantay.

"Wait! sandali!"pagpigil bigla nito sa bantay. "Pakiabot naman ng mensahe ko sa Pinuno. Pakisabi sa kanya na lubos akong nagpapasalamat sa ginawa niya sa akin kagabi at maging masaya sana siya sa regalo ko sa kanya. Yun lamang."

"Opo." at umalis na ang bantay tsaka nagpatuloy sa paghahanap sa mamamatay tao kuno.