Chereads / PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay) / Chapter 26 - Vol. 2.0 Unfinished Bussiness!

Chapter 26 - Vol. 2.0 Unfinished Bussiness!

*Ang pagpapatuloy ng tamad!*

January 9, 2014

Almost 2 1/2 years ang lumipas ng muli kong balikan ang pagsusulat. Well, matagal na din pala 'yon! Masyado ng maraming naganap at nagbago sa ating mundo. Parang kailan lang tinalikuran ko na ang pagsusulat at iwan nalang ito sa isang sulok na nakatiwangwang. Parang kailan lang ang dami na palang nagbado. Matagal-tagal na din pala 'yon, ewan ko ba, kung minsan kasi parang ang hirap intindihin ng buhay. Kung kailan lang sisipagin 'don lang gagawa.

Sabi nga nila ay, "Patient is a virtue!" Ngunit kadalasan katamaran na ang namamayani sa'kin. Hanggang kailan pa ba ako maghihintay para mailathala nila ang gawa ko...? At mabasa ng mga taong walang magawa sa buhay kundi magbasa. Minsan kasi may galing ka na hindi mo pa nilalabas. Hinihintay mo pang maboryong ka bago mo ito ilabas ang iyong hidden talent. Sabi nga sa'kin ng isa kong kaibigan." Pare magaling ka, kulang ka lang sa push. Dapat sa'yo lumalabas sa lungga!" Napatawa nalang ako sa kanyang sinabi. Karamihan kasi sa mga pilipino husto lang sa umpisa.Maaring mapabilang ako doon, ikaw, sila, tayong lahat. Pero sayang naman di' ba kung may trabaho kang hindi mo natapos. Papaano mo makikita ang katapusan kung hindi mo naman kayang tapusin. Parang movie lang din 'yan, kapag hindi mo tinapos ang panunuod, hindi mo malalaman ang ending nito. Kung aasa ka na lang sa buod o summary, di' ba walang trill. Ang akala mo, alam mo na ang lahat pero may mga na miss ka pala.

Happy New Year! 2014 na! Anu na? Saan na tayo pupunta? Anu ng mga plano mo sa buhay?Magiging maganda kaya ang pagsipa ng kabayo sa'tin? Anu-anong mga new years resolution n'yo?... Ako wala! Hindi naman kasi ako naniniwala d'yan. Kung gusto mo talaga ng pagbabago, umpisahan mo muna sa sarili mo. Tulad ngayon, pasulat-sulat ulit ako, nasiyahan na naman. Salamat pa rin at tayo'y mga buhay pa. Umalis si 2013 ng napakaraming sinirang buhay, pangarap, pamilya, tahanan, ari-arian, ligaya. Minsan, parang ayoko ng makialam pa dahil alam ko naman na bahagi ito ng buhay. Natural law at lagi naman 'yan paulit-ulit na nagaganap, sa ibang panahon, sa ibang lugar at kahit noon pa man hindi ka pa tao, hindi pa ako tao. Sabi nga ng iba, masyado ng maraming tao kaya nagbabawas na ang langit. Ngunit tao lang tayo, may damdamin, nakikisimpatsa at nahahabag sa kapwa tao. Nagbibigay ng pagmamahal at pakialam.

Galit na daw ang Diyos dahil masyado na daw makasalanan ang mga tao ngayon. Sinisi pa ang Diyos,dapat ko pa bang ipaliwanag 'yan. Hindi naman ako pare o pastor na maraming alam sa bibliya para sagutin pa 'yan. Simple lang naman para sa'kin ang paliwanag ko. "Walang permanente sa mundo kung hindi pagbabago!" Lahat ng umpisa ay may wakas din.

Kung titingnan mo ng malaliman ang nangyari sa Visayas at Mindanao, nabuksan muli ang isipan ng sangkatauhan. Maraming bansa ang nagbukas ng pinto para tumulong. Mga nagvolunteer sa iba't ibang mga panig ng mundo maging sa medical man at iba pang larangan ng propesyon maging maliit man o malaki. Mga tulong pinansyal, mga sandamukal na mga relief goods, mga serbisyo at kung anu-ano pa. Meron din mga mahihirap na tumutulong pa. Meron nga akong nakitang pulubing namamalimos para itulong ang mga napalimos n'ya sa mga naging biktima ng delubyo. Mga simpleng tao na bukal na tumutulong ng buong puso kahit na sila'y wala rin sa buhay. Mga mayayaman at kung sinu-sino pang mga pulitiko, artista, musikero, mga negosyante. Pati nga siguro masasamang loob ay tumulong na din. Oh, di' ba! Ang galing! Nagkaisa ang mga tao.

Ang mga bansa na dati'y wala naman mga pakialam, ngayon nakialam na din. Ang mga taong sinasakripisyo ang okasyon may maitulong lang. Ang mga iba't-ibang mga relihiyon na nagaaway ay nagkaisa din para tumulong. At kahit sino pa kayo na tumulong, alam n'yo naman kung sino kayo. MABUHAY KAYO!

Nagkaroon ng humanity instead of inhumanity. Naalala ko pa kung paano nabuhay si Hesus, halos lahat ng kabutihan nasa kanya na.Isipan n'yo nalang, kung magiging katulad tayo n'ya. Di' ba, walang magiging problema ang bawat isa sa atin. Kaya naman natin maging katulad n'ya kung gugustuhin lang natin, ayaw lang natin gawin. Alalahanin sana natin kung paano nabuhay si Hesus. At kung paano n'ya trinato ang mga tao noong panahon n'ya.

Oh, tama na! Masyado na akong nagigigng emosyonal. 😊"Purihin ang Diyos!"

Dumadating sa ating buhay ang labis na kapighatian. Tanging panahon lang ang makakahilom nito. At muli panahon din ang magtutulak sa'tin upang magpatuloy sa BUHAY.

"Muling pagbabalik"

Naghihintay akong may pag-asa sa puso na muling makita at makasama ka

Gawin natin ang gaya ng nakalipas na punong-puno ng mga pagmamahalan at lambingan

Dadalhin kita sa talampas na punong-puno ng mga halaman at bulaklak at sa ilalim naman ang maamong alon ng dagat

Langhapin natin ang napakasariwang hangin sa paligid ng magandang tanawin

Humiga tayo sa kaparangan at paglaruan ang mga hugis ng ulap

Parang atin ang mundo sa mga oras na iyon

Nakakatuwang isipin na marami na ring taon na lumipas ng naging atin ang mundo

Nasaan ka na ngayon? Ang tagal mo naman magbalik sa aking kanlungan

Halos mamuti na ang mga mata sa aking paghihintay mahadkan ka lamang

Lalong lumalalim ang bawat gabi, tumatagal ang bawat sandali

Nalulunod na ako sa kakaisip sa'yo na muling makita kang muli

Kayhirap palang masanay sa bawat gabi ng hindi ka na kapiling