Chereads / PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay) / Chapter 31 - MGA KAKULITAN at KAPILYUHAN... Edad apat hanggang siyam na taong gulang ako.

Chapter 31 - MGA KAKULITAN at KAPILYUHAN... Edad apat hanggang siyam na taong gulang ako.

Lahat tayo ay may mga kakulitan at kapilyuhan noong kabataan pa natin. 'Yung iba sa'tin may mga kakulitan pa din magpahanggang sa ngayon. Naaalala ko pa ang mga kapilyuhan ko noon at napapangiti na lang ako ngayon.

Ito ang mga ginawa ko base sa mga pagkaka-alala ko... Kumukuha ako ng mga panindang kakanin na paninda ni Mama ng hindi nagpapaalam at nilalagyan ko 'yon ng maraming gatas. 'Pag-uwi n'ya, kinukupit ko ang mga barya n'ya na pinagtindahan ng mga kakanin. Ibibili ko 'yon ng mga chitchirya o mga holen at teks. Kapag may nakita akong laruan sa kapit bahay, kinukuha ko iyon ng palihim. Madalas akong tumatakas sa bahay kaya malimit din akong mapalo noon ng sinturon, kahoy, walis tambo, walis ting-ting at hanger. Madalas din akong magtulog-tulugan kapag ako'y pinapatulog ni Mama, at kapag s'yay nakatulog na. Maglalaro na ako o 'di kaya'y tatakas na sa bahay, s'ya ngayon ang nakatulog.

Ang aking kababata kong kalaro noon ay nagustuhan ang laruang kotse-kotsehan ko na de tali at hinihila. Pinaghubad ko sila ng mga damit at short kasama ang batang babae. At nu'ng makita kami ng isang nanay ay tinuro ko sila. HOY! ANUNG GINAGAWA N'YO D'YAN??? SIGAW NG NANAY!!! Dali-daling nagbihis ang batang lalaki at tumakbo. Iniwan sa damuhan ang batang babae na walang saplot. Tawa ako ng tawa noon habang ang batang babae ay umiiyak na.

Mahilig din ako mangaway ng mga kalaro ko noon at magpaiyak sa kanila, at ako man din ay umuuwing iyakan. Pero malimit hindi ako nagsusumbong kila Mama, nagtatago lang ako sa aking mga kasalanan.

Mga lima hanggang anim na taong gulang ako noon. Ang sabi ng aking Ama, huwag na huwag mong papakawalan ang mga alagang manok ko, tandang at inahin na nakakulong. Sa kakulitan ko,tinawag ko ang kalaro kong si Mandy. Kami lang dalawa noon sa bahay, kinuha namin ang mga manok sa kulungan at pinagtripan. Maya-maya pa'y nakawala ang mga ito sa'ming mga kamay. Hinabol namin ang mga manok sa loob ng bahay pero, mabilis na tumalon ang isa sa bintana at ang isa naman ay sa pintuan... (Kinabahan na ako noon!) Gabi ng umuwi si Papa galing trabaho, inagahan ko ng tulog noon para hindi n'ya ako mapagalitan. Hindi ko na din maalala kung napalo ako kinabukasan.

Sobrang nagalit sa'kin si Mama ng ubusin namin ng kapatid kong si Dan ang piniritong taba-taba ng baboy na ginayat para ipangsahog sa gulay. Lumabas s'ya noon para bumili ng rekado sakto naman ang pagdating namin sa bahay nu'ng si Mama ay lumabas. Hinanap n'ya ako sa labas ng bahay na may dalang pamalo. (Galit na galit s'ya noon) Ha!Ha!Ha!

Nilagyan ko ng maraming hantik (itim na malalaking langgam) ang loob ng bahay ng kapit bahay namin.Inihagis ko iyon isa-isa mula sa kanilang bintana. Ginupit ko ang buhok ng kaklase kong lalake noong grade two kami. Galit na galit sa'kin ang nanay n'ya dahil sa napakalaking uka sa bumbunan ng kanyang anak. Kinukuha ko ang mga sipit ng aming kapit bahay na nakasipit sa kanilang sampayan. Inuuwi ko iyon sa bahay at ginagawang robot-robotan.

Madalas din akong umaakyat sa bubong ng kapit bahay namin para maglaro sa taas ng kanilang bubong. Nakakalampag ang bubong nila at nagagalit sa'kin ang nanay. Kaya kapag umaakyat ako sa bubong nila ay tahimik na lang ang paglakad ko para hindi ako marinig.

Nagalit ako noon kay ate nu'ng naligo kami sa labas ng bahay at inubusan ako ng tubig. Tinapon ko ang sabon sa kanal ng nakababad sa maruming tubig. Noong ginamit na ni Mama ang sabon ay nangati daw ang kanyang katawan, at napagalitan ako.

Inuuto ko ang mga kalaro ko para bigyan nila ako ng pagkaing hawak nila. Naging manipulator ako sa mga kalaro ko. Nagalit sa'kin ang nanay na taga sa'min ng bandalan ko ang kanilang bakod. Nilagyan ko ng maraming drawing gamit ang pentel pen iyon. Binato ko noon ang kalaro ko ng makita kong kalaro n'ya ang chrush ko. Iyak s'ya noon at dali-dali akong tumakbo.

Halos lumuha ang mga mata sa galit ng taga sa'min ng kamuntikan naming masunog ang kanilang bakuran. Hinuhukay namin ang mga bunga ng talbos ng kamote na tanim ng taga sa'min pati din mga tubong tanim nila para kainin. Pinalo ko sa ulo ang kalaro kong binubully ako. Bukol ang ulo n'ya sa gamit kong walis tambo, at umakyat ako ng bahay para magtago.

Hindi ko pa alam noon kung tama o mali ba ang ginagawa ko dahil sa pagiging hilaw at musmos pa ng kamunduhan ko. Wala akong ideya na mali na pala ang mga bagay na 'yon. Malalaman mo na lang na mali na ang ginagawa mo kapag napalo ka na at humiyaw sa sakit ng palo ng magulang mo.

Ang maganda sa pagiging bata, madali kang nakakarelease. Ang mga pag-iyak, madaling maghilom. Ang mga away bata, maya-maya'y bati na kayo ng kalaro mo. At ang mga nanay n'yo naman ang magkakaaway. Hindi mo din kayang magtanim ng sama ng loob, kusang nawawala agad ito. Madali kang matakot at maniwala. Madali kang umiyak at tumawa. Magalit at malungkot. Kinabukasan... IBA NA NAMAN!