Chereads / TOTOY [Filipino Novel] / Chapter 7 - Pagkamatay

Chapter 7 - Pagkamatay

Kaarawan ko ngayon. Nasorpresa ako dahil pinag-ipunan pala ito ni Tatay. Dinala niya kami sa Cagbalete Island sa Mauban, Quezon. Habang naglalakad ako sa dalampasigan ay nakita ko ang paglubog ng araw. Masaya ako dahil sa unang pagkakataon ay nakita ko nang malapitan ang kagandahan ng takip-silim. Maraming nagsasabi na sa likod ng nakabibighani nitong kagandahan ay sumisimbolo ito sa katapusan ng búhay. Na tuluyan nang matatapos ang araw at sasapit na ang dilim. Na tapós na ang kasiyahan at tatakpan na ito ng pagsubok, sigalot, at trahedya. Ngunit, iba ang aking nararamdaman. Para akong dinadala sa kapayapaan ng imaheng ito. Ngayon ko lang nalaman na napakasarap pala sa pakiramdam kapag inaalala mo ang masakit na nakaraan. Dahil alam mong nakaligtas ka na at káya mo nang mabuhay nang masaya sa piling ng bagong tagpo ng búhay at kapayapaan.

Nakalipas na ang dalawang taon. Matagal na rin pala simula nang niloko at sinaktan ako ng unang babae na nagustuhan ko. Halos hindi ko na maalala ang mga pangyayari ng mga sandaling iyon.

Ang natatandaan ko lang, may isang laláki na naghatid sa akin sa bahay namin. Hindi rin daw kilala nina Nanay kung sino iyon, pero ayon sa kanila, kamukha ko ang lalaki. Pumasok sa isip ko ang larawan na iniwan sa akin ni Teacher K noon. Hindi kayâ ang kasama niyang lalaki ro'n ay ang lalaking naghatid sa akin? Imposible.

Hindi ko na nakita si Romelyn pagkatapos no'n. May mga panahon pa rin na gusto ko siyang kausapin at sabihin na umalis na siya sa grupo nina Sergio, ngunit kapag naaalala ko ang ginawa niya, parang ayaw na ng mga mata ko na makita siyang muli. Dahil alam kong masasaktan pa rin ako. Dahil alam kong madudurog at magdurugo pa rin ang puso ko.

Nagulat ako nang lumapit sa akin si Jocelyn. Masaya ako dahil mabilis niya akong napatawad. Dalawang linggo niya akong hindi pinansin noon kahit puro galos at pasâ ang katawan ko. Kahit anong pagmamakaawa ang gawin ko ay hindi niya pa rin ako pinapansin. Pero isang araw, bigla niya akong niyakap habang umiiyak. Hindi niya na raw ako matiis. Sinuntok niya ang mga pasa ko bilang kabayaran daw ng pananakit ko sa kaniya.

"Ano na namang iniisip mo, Totoy?" tanong niya

"Wala. Napakatsimosa mo talaga."

Bigla niya akong binatukan. "Ang sama mo. Itinatanong ko lang naman."

"Iniisip ko lang kung paano kita mabubuhat mamayang gabi nang hindi ka nagigising at paano kita ibabaon nang buháy sa buhangin."

Nagulat ako nang batuhin niya ako ng buhangin sa mukha. Tawa siya nang tawa dahil sa hitsura ko. Tumalikod ako at kunwaring nagálit sa kaniyang ginawa.

"Hoy! Galit agad? Para kang babae."

Mabilis akong dumakot ng buhangin at ibinato rin sa kaniya. Hinabol niya ako nang hinabol dahil may pumasok daw sa bibig niya. Binasag ng aming mga tawa ang katahimikan ng lugar. Sulit ang napakahabang biyahe dahil parang nakarating kami sa isang paraiso. Malayong-malayo ang lugar na ito kung ihahambing sa lungsod. Masarap dito dahil bago sa aking paningin ang lahat. Hindi na ako nakakikita ng mga pulubing parang langgam sa paghahanap ng pagkain, ng mga batang sumisinghot ng rugby at nagsasakitan. Napakaraming bago.

Pagód na pagód si Jocelyn dahil sa habulan namin. Umupo kami sa buhangin at sabay na pinanood ang paglubog ng araw.

"Kung bibigyan ka ng pagkakataon na ipinta ang gusto mong mundo, ano'ng gagawin mo?"

Napakunot ang aking noo. "Para saan naman ang tanong na 'yan? Para ka namang si Betong." Napatawa ako. "Pero kung mabibigyan ako ng pagkakataon? Ipipinta ko ang isang mundo na kung saan nakangiti ang lahat. Na lahat ay pantay-pantay. Lahat ng tao ay gumagalaw nang malaya at walang alinlangan. Isang mundo na walang nakakabulag na kasinungalingan. Hindi mo na kailangang magsuot pa ng maskara para matanggap ka ng iba. Hindi mo na kailangang pilitin na maging perpekto para hindi ka nila masaktan. Isang mundo na punô ng kapayapaan. Katulad natin. Sa lugar na ito."

"Pero mahirap din naman na laging masaya, Totoy. Hindi mo na lang namamalayan, nagsasawa ka na at nawawalan ng gana. Dahil gusto mo ng kakaibang pakiramdam. Kung saan mararanasan mong makita kung paano ka tulungan ng iba sa iyong pinagdaraanan," sabi ni Jocelyn. "Ang kalungkutan ay parte na ng pagiging isang tao. Minsan, mas masarap damhin ang kalungkutan dahil sa sandaling iyon, doon mo malalaman kung kaya mong tumayo at sirain ang pader ng problema. Kung paano ka magiging malakas."

"Aba, ano'ng nangyari? Ang lalim mo ngayon. Nakakagutom."

"Mamaya ka na kumain. Minsan na nga lang ako magdrama, e. Kayâ kita tinanong kasi alam ko alam ko naman na iyon ang isasagot mo. Alam kong gusto mong kalimutan ang lahat at mabuhay nang hindi nararanasan ang sakit. Pero, gusto ko lang malaman mo na lagi lang akong nasa tabi mo. Na hindi mo na kailangan pang pumunta sa lugar na katulad nito para takasan ang lahat." Hinawakan niya ang kamay ko. "Dahil ako, sasama sa 'yo sa iisang mundo. Magkasama nating lalabanan ang lahat. Kaya huwag mo na ulit ako sasaktan. Huwag mo na akong sungitan. Huwag mo na lalagyan ng ipis ang mga damit ko. Huwag mo na akong sabihan ng mataray. Mahal kita, Totoy. Bilang kapatid. Hinding-hindi kita iiwan kahit kailan. Happy Birthday, pangit."

Niyakap ko siya. Nagpapasalamat ako dahil kinupkop din siya ng mga magulang ko. Hindi ko alam na ang kinaiinisan kong bata ay magiging kasangga ko sa kahit saang bagay.

Salamat, Jocelyn.

***

Ilang linggo na simula nang nakauwi kami rito sa lungsod. Habang naglalakad ay nakita ko ang mga batang laláki na naninigarilyo sa labas ng eskuwelahan namin. Hindi ako makapaniwala na sa kanilang murang edad ay natuto na silang gumamit ng ganoon. Minsan, naiisip ko, wala na nga sigurong bata ang matatawag na normal sa paligid ko. Mga batang umusbong at naging laman ng kalsada, sinusuong ang mapanganib na mundo, kasabay ng mga usok at kumpulan ng mga tao. Mga batang sumisinghot upang maibsan ang kumakalam na sikmura. Mga batang rebelde na pinababayaang bumaba ang kanilang grado sa likod ng kanilang magulang na naghihirap.

Nagulat ako nang mayroong umakbay sa akin. Tiningnan ko kung sino. Si Leo, ang kaklase ko na kilala sa pagiging barumbado. Mula sa kaniyang kalbong ulo, sa morenong kutis, at sa malalaki niyang tainga ay kinatatakutan ng maraming estudyante sa eskuwelahan namin. Kasama niya ang mga kabarkada niya mula sa iba't ibang grado. Hindi ako nakararamdam ng takot sa tuwing nilalapitan niya ako dahil mabait siya sa kaniyang mga kaklase. Wala na siyang magulang at ngayon, nakatira siya sa kaniyang tiyuhin na bading. Hindi niya ito ipinagsasabi at iniiwasang may makaalam dahil ito ang ikasisira ng kaniyang imahe. Sino ba naman ang matatakot sa isang siga na nakatira sa bahay ng isang bakla? Nalaman ko lang iyon nang nakasalubong ko sila noon sa palengke. Nakita kong hiyang-hiya si Leo. Kinabukasan no'n, kinausap niya ako. Sinabi niyang huwag akong mag-isip ng masama sa nakita ko. Tito niya raw iyon at huwag kong ipagsasabi kahit kanino.

"Totoy, sumama ka sa amin. May gagawin lang tayo," maangas niyang sabi sa akin. "'Wag ka mahiya, wala naman doon si Tito Ed."

Inialis ko ang kaniyang pagkakaakbay. "Hindi na, Leo. Kailangan ko nang umuwi kasi hinahanap na ako nina Nanay."

"Ano ka ba naman? Sandali lang táyo. Masaya naman ang gagawin natin, e."

Sumang-ayon ang mga kasama niya? Tama ba kung sasama ako sa kanila? Alam kong mababait sila pero alam ko rin na mayroon silang ginagawa na kakaiba. Paano kung turuan nila ako gumamit ng droga at sigarilyo? Hindi ako makatatanggi dahil bakâ pag-initan nila ako.

"S-Sige. Pero sandali lang."

Nakipag-apir siya sa akin. "Iyon! Astig ka naman pala."

Habang naglalakad ay nagkukwentuhan at nagtatawanan ang barkada nila Leo. Hindi ako makasali sa kanila dahil ngayon ko lang sila nakasama. Nadaraanan namin ang mga bahay na katulad ng tinitirhan namin dati. Kahit marumi at masikip, may kakaiba pa ring atmospera na hinahanap-hanap ko. Na sa paggising ko pa lang sa umaga ay maririnig ko na ang murahan ng mga tao. Sa tanghali, maririnig ko ang mga batang nagkakainitan ng ulo habang naglalaro. At sa gabi, kung hindi bugbugan ay naandoon ang napakaingay na inuman.

Tumigil kami sa bahay nina Leo. Hindi ito ganoon kaliit. Gawa sa semento ang haligi hindi 'gaya ng mga tirahan na nasa paligid nito.

"Pások kayo sa aming mansyon."

Malinis ang loob ng bahay. Makikita na kahit papaano ay mayroong kaya ang tiyo ni Leo.

"Saan pumunta ang tito mo?" tanong ko.

"Nanlalalaki." Napatahimik kaming lahat. "Joke! May trabaho na kasi 'yon ngayon sa office kaya wala rito tuwing umaga hanggang hapon. Nakakainip kasi mag-isa kaya isinama ko kayo."

Tumango ako. "Ano ba'ng gagawin natin?"

"Manonood," sabi niya kasama ang isang kakaibang ngiti.

Binuksan niya ang computer. Nakita ko ang malagkit na tingin ng mga kabarkada rito. Nakita ko na mayroon siyang itinipa sa keyboard: xxxvideos.com.

Nagulat sa nakita ko. Ngayon lang ako nakakita ng mga imahen ng lalaki at babaeng nagtatalik. Gusto kong nang umalis. Ayaw kong makapanood ang mga ganoon dahil maaalaala ko lang ang nangyari sa amin ni Teacher K.

Tumayo ako at akma nang aalis nang bigla akong pinigilan ni Leo. "Saan ka pupunta? Normal lang ito, Totoy. Mas matanda ka sa amin pero ayaw mo sa ganito?"

Napilitan akong mapaupo muli. Pinindot niya ang isang video. Nakita ko na naghuhubad ang babae. Malagkit ang tingin dito ng mga kasama ko. Hindi ko alam pero kakaiba ang naramdaman ko. Unti-unti na rin akong nag-iinit.

Pagkatapos maghubad ng babae ay sumayaw ito. Nakita kong hinipo ng mga kasama ko ang kanilang mga ari.

"Ano? Ganiyan ka na lang, Totoy? Bakla ka ba kaya hindi ka marunong?" maangas na tanong ni Leo habang sinasalsal niya ang kaniyang ari.

Dahil sa sinabi niya, nahamon ang aking pagkatao. Binuksan ko ang shorts ko at inilabas din ang aking ari. Ginaya ko rin ang kanilang ginagawa. May laláki na sa palabas. Hinihimas na nito ang ibabang bahagi ng babae kaya nagsimula na itong umungol. Ang ungol na iyon ang lalong nakapagpataas ng aming libido. At ilang sandali pa'y, nakarating na kami ng mga kasama ko sa rurok ng kaligayahan.

Ngayon lang ito nangyari sa buong búhay ko. Ngayon ko lang ginawa ang bagay na iyon nang may kasama. At aaminin ko, kahit alam kong mali, hindi ako nagsisi na sumama sa kanila.

"Masaya 'di ba? Sasama ka ulit sa susunod?" nakangiting tanong ni Leo.

"O-Oo."

Napangiti lalo si Leo nang malaki kasabay ng hiyawan ng mga barkada niya. Umuwi na kami pagkatapos.

Pagkarating ko sa bahay ay nakita ko ang kakaibang tingin ni Nanay at ni Jocelyn.

"Saan ka galing?" pagalit na tanong ni Nanay.

"Bakit mo kasama sina Leo? May ginawa kayo, ano?" mataray na tanong naman ni Jocelyn.

"W-Wala. Ipinasyal lang nila ulit ako sa dati nating tinitirhan. Nami-miss ko na ang mga kapit-bahay natin. May asawa na pala si Aling Cristina. Mas bata nga raw nang sampung taon sa kaniya, e." Tumawa ako nang pilit. Sana ay bumenta sa kanila ang palusot ko.

"Sinungaling! Aminin mo kung saan kayo galing. Sa labas ka matutulog mamaya kapag hindi mo sinabi ang totoo!" naiiritang sabi ni Nanay. "Wala na si Cristina ro'n sa lugar natin dati. Pumunta na sa ibang bansa. Ginawaan mo pa ng tsimis!

Lumaki ang mga mata ko. "Pumunta lang kami sa bahay nina Leo kasi nanood kami ng anime."

"Anime?" tanong ni Nanay. "Iyon ba 'yong cartoons? Siguraduhin mong iyon talaga ang pinanood n'yo, ha. Huwag ka na ulit sasama sa kanila kasi sabi ni Jocelyn, barumbado raw ang mga 'yon. Magbihis ka na dahil amoy araw ka na."

Sinamaan ko ng tingin si Jocelyn. Ang hilig niya talaga magsumbong kahit kailan. Ganoon ba talaga ang mga babae?

Habang nagbibihis ay bumalik sa aking isip ang tagpo kanina. Bigla na namang nag-init ang katawan ko. Ginawa ko ulit ang ginawa namin kanina sa bahay nina Leo. Napapapikit ako dahil rito. Mararating ko na ang rurok kaligayahan nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Nakita ko si Jocelyn. Namumula ang mukha.

Unti-unting pumasok sa isipan ko ang nangyari. Nakita ni Jocelyn na ginagawa ko ang bagay na 'yon? Parang gusto ko nang mawala na parang bula o lumubog sa lupa. Nag-init ang mukha ko at dali-daling isinara ang pinto pagkatapos kong itulak papalabas ang nakatulalang si Jocelyn.

Simula no'n, ilang araw niya akong iniwasan. Kinakausap niya ako ngunit halata na naiilang siya.

Nakita kong namumula ang mukha niya sa klase namin sa Science dahil pinag-uusapan ang bahaging 'iyon' ng katawan namin. Nagtatawanan ang mga kaklase kong laláki sa tuwing nababanggit kung paano nagkakatagpo ang dalawang nilalang at nagkakaroon ng supling. Nangunguna rito si Leo. Normal na sa amin na ganoon siya, laging nangunguna sa pag-iingay sa klase Hindi na siya pinapansin ng mga guro namin dahil mas lalong hindi siya titigil.

Nasa harapan namin ngayon ang babaeng guro namin sa Science. Si Ma'am Lualhati N. Argente. Maikli ang maitim at makintab niyang buhok. Mayroon siyang malalaking mga mata na laging kapansin-pansin. Pero ang pinakatumatak na katangian niya sa aming mga magkakaklase ay lakas ng kaniyang boses.

"Totoy!" Nagulat ako sa kaniyang boses. Kahit naman sino siguro ay magugulat din kapag tinawag niya. Siguradong tatayo ang kanilang balahibo dahil parang pumapások sa buong pagkatao ang lakas ng kaniyang pananalita.

Tumayo ako. "Bakit po?"

"Dahil pinag-uusapan natin ang pagbubuntis ng isang babae, paano mo masasabi na ang isang babae ay handa mong pakasalan at bigyan ng anak?!" pasigaw niyang tanong.

Narinig kong nagtawanan ang aking mga kaklase. Bakâ dahil sa reaksiyon ko. Gulat na gulat kasi ako sa tanong niya. Sino ba naman kasi ang hindi magkakaganito kapag tinanong sa harap ng maraming tao?

"Siguro po kapag naramdaman ko na ang tinatawag nilang pag-ibig. Mahirap po kasing magsalita ngayon nang tapos kasi puwedeng hindi pala iyon ang hinahap ko. Baka nabubulag lang ako na ang babaeng magandang pakasalan at anakan ay maganda. Bata pa po kami kaya puwede pang magbago ang lahat."

Tumaas ang kaniyang kilay. "Sinasabi mo ba na puwedeng laláki rin ang hanapin mo kasi nagbago ang pananaw mo?! Masyadong malalim ang isip mo! Minsan ay magandang maging praktikal din tayo, ano po?!

Umiling ako. "Hindi naman po. Sinasabi ko lang na bílang isang bata at bílang isang nilalang na wala pang muwang sa mundo ng pag-aasawa at pag-aanak, wala pa sa isip namin ang bagay na 'yon. Pero, sasagutin ko na po ang tanong n'yo. Ang gusto ko, isang babae na mahinhin, mahina ang boses, at alam kung nasa lugar ba ang kaniyang mga sinasabi o wala."

Umupo na ako. Hindi na siya nakasagot sa sinabi ko. Bakâ napagtanto niya na pinatatamaan ko siya. Natahimik na rin ang mga kaklase ko. Siguro ay hindi sila makapaniwala na káya kong sagutin ang isang guro na kinatatakutan ng marami.

Pagkatapos niyang magturo ay nilapitan ako ng isa pang nakaiinis. Si Miraquel. Iba naman ang pustura niya ngayon. Sa halip na maraming ipit ay pinalitan na ito ng makukulay na piraso ng pekeng buhok na nabibili sa tapat ng eskuwelahan. Hindi ko naman masabi na mukha siyang daga na kinulayan. Baka hampasin niya pa ulit ako ng libro kagaya noong isang beses na tinanong ko siya kung ano ang pakiramdam na may malaking ngipin sa unahan.

"Aba, Totoy. Iba ka na ngayon. Sinasagot mo na si Torotot."

Torotot ang tawag ng marami kay Ma'am Lualhati. Kapag nagsasalita kasi siya ay parang nakanguso.

"Ganoon talaga. Alangang gumaya ako sa inyo na takót."

"Ay, ang yabang! Hindi kayâ ako takot sa kaniya. Tingnan mo, kapag tinanong ako no'n búkas, tatarayan ko."

Ako pa talaga ang mayabang? Siya nga, tinanong ni Torotot noong isang beses, hindi siya nakasagot. Naihi pa nga raw sa palda sabi ng iba naming kaklase.

Tumayo na ako at lumapit kay Jocelyn. Napansin niya ako ngunit kaagad siyang umiwas ng tingin. "Jocelyn. Hanggang kailan mo ba ako iiwasan? Kalimutan na natin 'yong nakita mo."

Tumingin siya sa akin, ngunit, hindi sa aking mata. "Iniwasan? Hindi naman. Kailangan ko lang talagang mag-aral nang mabuti," mahina niyang sagot.

"Kasama ba sa pag-aaral nang mabuti ang pag-iwas sa akin? Sige na, Jocelyn. Bumalik na ulit táyo sa dati. Ayaw ko na ganiyan ka sa akin. Gusto ko, sabay pa rin táyong pumasok at umuwi. Sabay táyong gagawa ng assignments. Mas maganda at masaya 'yon 'di ba?"

"Babae ako, Totoy. Hindi sa akin normal ang mga ganoong bagay. At 'yong sinasabi mo na kalimutan na natin? Siguro, sa'yo madali. Pero mahirap para sa akin. Hindi ko lang matanggap na ang lagi kong kasama ay magagawa ang bagay na 'yon. Nakakadiri lang."

Nakadidiri na pala ako ngayon? Kahit gusto kong ipamukha sa kaniya na normal lang ang bagay na 'yon at wala siyang dapat ipag-alala ay alam kong mahihirapan siyang intindihin dahil isa siyang babae. Bakâ nga parte ito ng pagdadalaga at pagbibinata. Malalaman mo na may pader palá talagang namamagitan sa babae at laláki. Bumalik na ako sa aking upuan pagkatapos naming mag-isap. Siguro, hahayaan ko na lang siyang mag-isip muna. Baka kailangan niya pa ng oras.

Nilapitan ako ni Leo noong uwian. Nagyayaya na naman. Gusto ko sanang sumama pero bigla kong naisip si Jocelyn kaya tumanggi ako sa alok niya. Buti na lang, hindi niya ako pinilit.

Pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko ang isang laláking hindi ko kakilala na nakaupo sa aming sala.

"Naandiyan na pala si Totoy," sabi ni Nanay nang napansin niya ako.

Ngumiti sa akin ang laláki. Siya 'yong nasa litrato na iniwan sa akin ni Teacher K. Nakita ko ang sayá sa mga mata niya. Parang natagpuan niya ang isang malayong bituin na gusto niyang makamit. Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap.

Nagulat ako. Hindi sa kaniyang biglaang pagyakap kung hindi dahil sa epekto nito, sa kakaibang tibok ng aking puso.

"Mabuti naman at okay ka na. Awang-awa ako sa 'yo no'ng nakita kita. Bigla nga kitang napanaginipan kagabi. Nagmamakaawa ka. Tinatawag mo ako."

Naisip ko na bakâ siya 'yong naghatid sa akin noong binugbog ako nina Sergio. Hindi ko inaasahan na magkakatotoo ang aking hinala. Siya nga 'yong nasa larawan na iniwan ni Teacher K.

Ngumiti ako sa kaniya. "Salamat nga po pala sa paghahatid sa akin noon, Kuya."

Nakita kong napatawa siya dahil sa sinabi ko. "Masyado na akong matanda para tawagin mong kuya. Tawagin mo na lang akong Tito Julius. Julius Mercado. Teacher ako sa school na malapit sa inyo. Nagkataon naman na noong pinuntahan ko ang kaibigan kong teacher sa school n'yo, nakita kita. Hindi kita tinawag kasi bigla kong naisip na hindi mo nga pala ako kilala."

Pinagbihis muna ako ni Nanay. Binigyan niya ng pagkain ang aming bisita. Hindi ko alam pero napakagaan ng loob ko sa kaniya. Sa tuwing kausap ko siya, pakiramdam ko ay protektado ako.

Posible kaya na siya ang totoo kong tatay? Hindi. Ayaw ko nang makilala kung sino man 'yon. Ayaw ko nang makita ang tunay kong magulang. Hindi ko matanggap na nagawa nila akong iwan. Kahit kailan, hinding-hindi ako sasama sa kanila. Lumuhod man sila sa aking harapan.

Pinuntahan ko si Tito Julius pagkatapos kong magbihis. Ngumiti siya sa akin. Mas lalo kong nakita ang sarili ko sa kaniya pagtanda.

Umupo ako sa tabi niya. Inaalok niya ako ng tinapay na ibinigay sa kaniya ni Nanay pero tumanggi ako. "Anong grade mo na, Totoy?

"Grade 4 pa lang po. Matanda na po kasi ako nang ipasok."

Muling siyang ngumiti. "Ayos lang iyon. 'Yong iba nga kasing tanda ko, nasa elementary pa lang. Nasa tao naman kasi 'yon. Kung gusto mo makamit ang iyong pangarap, gagawin mo ang lahat, kahit pa husgaan ka pa ng iba."

"Kaya nga po. Mayroon na po ba kayong pamilya?"

Naging malungkot ang maaliwalas niyang mukha. Marahil ay hindi maganda ang kuwento ng kaniyang búhay. Iba ang nagagawa ng ngiti. Kaya nitong itago ang lahat. Kaya nitong wasakin ang takot.

"Wala. Ako lang mag-isa. Mayroon akong asawa . . . noon. Iniwan ko siya noong . . ." Napatigil siya. "Basta, madrama ang búhay ko. Ikaw ba, ano'ng gusto mong kuhaning course?"

"Wala pa po. Hindi ko pa po 'yon iniisip."

"Naku, pag-isipan mo na hanggat maaga pa. Sayang ang panahon." Tiningnan niya ang orasan. Inihanda na niya ang kaniyang mga gamit at tumayo. "Kailangan ko na palang umalis. Magtse-check pa ako ng mga test paper. Salamat naman at nakilala na kita."

Narinig ito ni Nanay at nagpasalamat din ito sa kaniya. Kinagabihan ay maraming dumaan na ambulansya. Binuksan namin ang T.V. at nagulat kami sa balita. Tinutupok ng apoy ang lugar na aming tinitirhan noon. Hanggang ngayon ay hindi pa nila alam kung ano ang dahilan ng sunog.

Pinag-uusapan ang nangyaring sunog kinabukasan. Hindi nakapasok ang iba kong mga kaklase dahil dito. At isa na rito si Leo.

Hindi ko alam kung nasaan sila. Maraming nagsasabi na ang mga nasunugan ay pansamantalang sumisilong sa ilalim ng tulay.

Madarama sa aming classroom ang kalungkutan. Sana ay tulungan sila. Sa dami ng mga tao roon, tiyak na karamihan sa kanila ay wala nang matinong mapupuntahan. Maaaring matulog na lang sila sa karton o mamalimos sa tabi ng kalsada.

"Ano ba 'yan! Para kayong namatayan! Magpasalamat na lang kayo dahil hindi kayo nasunugan! Makinig na lang sa akin!"

Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Ma'am Luhalhati. Hindi na ako nakatiis at bigla akong tumayo. "Normal lang naman po na maging malungkot kami kasi pamilya na ang turing namin sa isa't isa. Mabuti nga po at pumasok pa kami ngayon. Dapat ay pinuntahan na lang namin sila."

"Aba! Ako pa ngayon ang may kasalanan?! Ignorante! Wala kang alam, Totoy!

Masakit ang kaniyang sinabi. Hindi na ako makapagsalita. Nagulat ako nang tumayo na rin si Jocelyn. "Grabe naman po kayo makapagsalita. Naturingang Lualhati ang pangalan n'yo, ganiyan kayo kumilos. Dapat ipinabago mo na 'yon. Hindi po kasi bagay. Si Totoy, ignorante? Ikaw po ang ignorante. Wala kang alam sa amin tapos manghuhusga ka?"

Dahil sa galit ay napalabas bigla ng pintuan ang aming guro. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman. Masasaktan pa rin ba ako o matutuwa dahil ipinagtanggol ako ni Jocelyn?

Walang umimik sa aming lahat.

"Aalis muna ako. May kailangan lang akong puntahan." Tumayo ako at kinuha ang aking mga gamit. Hindi ko alam pero gusto kong puntahan si Tito Julius. Wala rin naman mangyayari kung mananatili ako sa aming classroom.

Habang naglalakad ay pabilis nang pabilis ang tibok ng aking puso. Parang sasabak sa giyera. Pero ang kaibahan sa giyera na nangyayari sa iba't ibang lugar, ito ang giyera na tanging pag-iisip lang ang magiging armas. Isang giyera na malaki ang posibilidad na matalo. Ito ang pagbabalik sa nakaraan.

Tahimik ang paligid. Naroon pa rin ang mga gusali. Marahil ay nagkaklase pa ngayon ang mga estudyante. Hindi ko alam kung paano ko mahahanap si Tito Julius. Wala naman akong ideya kung ano ang tinuturuan niya.

Biglang napunta ang tingin ko sa gusaling pinagtalunan ni Betong. Naalala ko na naman ang kanta niya, ang kaniyang mga kuwento. Ngunit, kailangan ko maging matibay. Ang kalungkutan ay parang isang kadena na magtatali sa isang tao upang hindi ito makakilos at matagpuan ang dapat niyang maramdaman. Kailangan kong makatakas dito. Kailangan kong isabuhay ang sinabi ni Jocelyn.

Naglakad-lakad ako. Hindi ko makita si Tito Julius. Umupo na lang muna ako, sa lugar na pinag-upuan ng mga sumira ng puri ni Jocelyn noon. Biglang pumasok sa aking isipan ang mga imahe na ayaw ko nang nang maalala. Si Teacher K. Ang mga haplos. Ang halik.

Sumasakit na ang aking ulo, unti-unti na itong pinupuno ng masasakit na alaala. Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa aking mukha. Pinipilit kong huwag lumuha. Hanggang sa unti-unti, nawala na ang lahat ng sakit nang mayroong kamay na humawak sa aking balikat.

"Totoy?"

Hindi ako maaaring magkamali. Boses iyon ni Tito Julius. Iminulat ko ang aking mata at siya nga ang aking nakita.

"Ano ang ginagawa mo rito? May problema ka ba?" nag-aalala niyang tanong.

"W-Wala naman po. Gusto ko lang kayong makausap."

Hindi ko kayang sabihin ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. May bumubulong sa akin na dapat ko nang iwaksi ang lahat. Pero mayroon pa ring pumipigil. Oo nga naman, hindi ko pa siya kilala nang husto. Paano kung hindi pala siya mapagkakatiwalaan? Kailangan ko munang mag-ingat.

"Tara sa canteen," pagyaya niya sa akin. "Kain tayo."

Tumayo ako at sumama sa kaniya. Hindi ko alam pero biglang nawala ang lungkot na aking nararamdaman. Inaasahan ko na mag-aalala ako dahil pupunta kami sa lugar na naging parte rin ng masasamang ginawa nila Sergio sa amin. Ngunit wala na ang takot . . . sa ngayon.

Bumili ng pagkain si Tito Julius para sa aming dalawa.

"Nasunog pala 'yong lugar na malapit sa inyo." Ipinatong niya ang pagkain sa aming lamesa. "Okay lang ba kayo?"

Tumango ako. Napabuntong-hininga siya. "Huwag na nga lang natin pag-usapan 'yon. Bakit ka nga pala naandito?" Tiningnan niya ang kaniyang relo. "May klase pa kayo, 'di ba?"

"Sinungitan po kasi kami no'ng teacher namin. Sinasabi na huwag na naming isipin 'yong mga nasunugan. Hindi po ako nakatiis kasi mayroon din naman po akong kabigan na nadamay ro'n. Iyon, sinagot-sagot namin. Umalis tuloy."

Napailing siya. "Kayo talaga," sabi niya. "Pero oo, may point naman kayo. Kaya lang mag-sorry pa rin kayo, ha. Teacher n'yo 'yon, e."

Ngumiti na lang ako bilang kasagutan. "Wala po ba kayong klase ngayon?"

"Katatapos lang. Nagkataon naman na nakita kita. Bakit nga ba lagi kitang natatagpuan sa hindi inaasahang lugar?"

Napatawa kami.

"Aba, Sir Julius. Hindi mo sinabi na may anak ka pala," singit ng isang babaeng guro.

Tumingin sa akin si Tito. "Anak? Hindi. Kakilala ko lang siya. Si Totoy."

Nagulat siya. "Talaga? Sobra kayong magkamukha!"

Tinitigan ako ni Tito Julius. Marahil ay kinikilatis niya kung totoo ang sinabi ng guro. Tumango-tango siya. "Oo nga, 'no." Napatawa siya.

Nagpaalam na rin ang babaeng guro.

"Sige na, Totoy. Gusto mo bang sumama sa classroom ko o babalik ka na sa inyo? May gagawin pa ako, e." Hindi ko alam pero parang mayroong halong kaba ang kaniyang pananalita.

"Hindi na po. Babalik na lang din ako. Salamat po rito."

Naghiwalay na kaming dalawa. Kailan kaya ako makababalik pa ulit dito? Nakahihiya naman kasi kung araw-araw akong pupunta.

Pagkarating ko sa school namin ay natagpuan ko ang papauwing mga estudyante. Isasabay ko na lang si Jocelyn papauwi. Sana ay hindi na talaga siya naiilang.

Nakita ko siya na papalabas ng classroom. "Sabay na tayo," sabi ko.

Tumango lámang siya. Walang nagsasalita sa amin habang naglalakad. Nagpapakiramdaman. Naiilang pa nga talaga siya.

"Saan ka galing?" pagtatanong niya. Ngunit, nakatingin pa rin siya sa daan.

"Wala." Ngumiti ako. "Pumunta lang ako sa canteen. Medyo nagutom kasi ako."

Hindi na siya sumagot pagkatapos no'n.

Pagkauwi namin sa bahay ay nakita ko si Nanay na nagluluto.

"Nandiyan na pala kayo. Alam n'yo ba na hinahanap ng mga pulis ngayon si Leo?"

Nagulat kaming dalawa ni Jocelyn. "Bakit po?" tanong ko.

"Nagnakaw kasi siya," sagot ni Nanay, "sa tindahan daw. Sabi no'ng mga kapit-bahay natin."

Nagulat kami nang nagkakagulo ang mga tao sa labas. Hanggang sa nakarinig kami ng putok ng baril. Napasigaw si Nanay at si Jocelyn. Pagkalabas ay nakita namin ang duguang si Leo. Nakahimlay ito sa kalsada. Kasama ng pulis, hawak ang kaniyang baril.

Napakabilis ng mga pangyayari. Dinala si Leo sa ospital samantalang tinakasan na ng pulis ang kaniyang responsibilidad. Alam niya kasi na mapaparusahan siya sa kaniyang ginawa.

Naging masaya ako sa balita. Daplis lang daw ang nangyari kay Leo. Sa ngayon, kailangan niya munang magpahinga sa ospital nang ilang araw. Sana ay matauhan na siya. Dahil ngayon, ang nasa tabi niya lang ay ang taong nagmamahal at nag-aaruga sa kaniya nang buong puso. Ang kaniyang Tito Ed.

Nilapitan ako ni Jocelyn habang nagninilay-nilay sa harap ng aming bintana. Tiningnan ko siya. Nakita ko sa mga mata niya na may nais itong sabihin.

"Ano 'yon, Jocelyn?" marahan kong tanong.

"Sorry, ha. Simula ngayon, hindi na kita iiwasan. Naisip ko rin naman na masama ang hindi pamamansin sa'yo. Wala ka namang ginawang masama sa akin," nahihiya nitong sambit.

"Kalimutan na natin ang lahat." Niyakap ko siya.

Pagkatapos naming kumalas sa yakap na iyon ay nakita ko ang ngiti sa kaniyang mukha. Ano ang meron? Bakit habang tumatagal, parang gumaganda siya?

"Gusto mong puntahan natin si Leo sa ospital?" tanong niya. "Magpasama tayo kay Nanay."

Pagkarating namin sa ospital ay tinanong namin kung nasaan si Leo. Inasistahan kami ng isang nurse papunta sa kuwarto niya. Nakita ko ang isang lalaki na nakaupo. Baka iyon ang Tito Ed niya. Napakunot ang aking noo. Hindi naman kasi siya mukhang bakla. Magkamukha sila ni Leo. Kung hindi ko alam na tito niya 'yon ay iisipin ko na iyon ang tatay niya.

Kami kaya ng aking ama, magkamukha rin? Pumasok sa aking isipan si Tito Julius. Hindi naman siya ang ama ko. At siguradong hindi ko naman kayang harapin ang totoo kong ama.

Kumatok si Nanay sa pinto. "Magandang umaga po. Gusto pong bisitahin ng mga anak ko si Leo," sabi ni Nanay. "Kumusta na po siya?"

Tumingin siya sa amin. "Mabuti naman at nakapunta kayo." Ngumiti siya. "Okay naman siya, sabi ng doktor."

"Mabuti naman kung ganoon. Tara, Jocelyn, bumili muna tayo ng makakain. Sasama ka ba, Totoy?"

"Hindi na po."

Tumango si Nanay at naglakad na sila ni Jocelyn papaalis. Naiwan kaming dalawa rito ng tito ni Leo. Gusto ko siyang makausap.

"Ikaw si Totoy, tama?"

Tumango ako.

"Kumusta naman ang pamangkin ko sa school? Balita ko, sakit siya ng ulo sa mga teachers at nang-aaway ng mga estudyante."

"Ganoon lang po talaga siya. Sanay na po kami sa ugali niya. Pero, mabait naman siya sa amin."

Tumango siya. "Mabait naman talaga 'yon. Kaya lang, no'ng namatay si Kuya, 'yong Papa ni Leo, nagbago na ang ugali niya," sabi niya. "Pero kanina? Ipinakita niya na mayroon pa rin siyang pagmamalasakit sa akin. Naaawa raw siya kasi wala na akong pera. Hindi ko naman alam na magnanakaw siya." Biglang tumulo ang kaniyang luha at kaagad niya rin itong pinahid gamit ang mapipilantik na mga daliri.

"May dahilan naman po ang lahat ng bagay. Ang pagiging ganoon niya, may dahilan. Ang pagkakabaril sa kaniya, may dahilan."

Binigyan niya ako ng isang pilit na ngiti. Napatingin kami kay Leo nang narinig namin ang pag-ungol niya. Mulat na ang kaniyang mga mata. Ngunit halatang nanghihina pa rin siya.Nang mapansin niya ako ay pinilit niyang ngumiti.

"Kumusta ka na, p're?" tanong ko.

"A-ayos na," nahihirapan niyang sagot.

Tiningnan niya ang kaniyang tito. "Tito, salamat po. Sorry rin."

Umiyak ang kaniyang tito at niyakap siya. Isang napakagandang imahe. Ang paglambot ng puso ni Leo. Ang mainit na yakap.

Dumating na rin sina Nanay. Mayroon silang dalang mga pagkain. Kumalas na sa yakap ang kaniyang tito.

"Kumusta ka na, bakla?" tanong ni Jocelyn.

Bakla ang tawag ni Jocelyn kay Leo. Nang-aaway raw kasi ito ng babae.

"T-Tumigil ka nga, yagit."

Yagit naman ang tawag ni Leo kay Jocelyn. Nakita niya kasi ito isang beses na marungis at naglalaro sa kalsada. Simula no'n, lagi na silang nagbabangayan.

"S-Salamat at dinalaw n'yo ako," sabi ni Leo.

"Kain na nga tayo. Ano'ng gusto mo, Leo? Marami kaming binili para sa 'yo," singit ni Nanay.

"Ikukuha na kita. Ano'ng gusto mo rito?" tanong ko.

"Mamaya na. Wala pa akong ganang kumain. Ikaw, Tito. Alam kong gutom na gutom ka na. Kumuha ka na riyan. Mamaya n'yo na ako isipin."

Hindi ko alam pero may kakaiba sa pagsasalita ni Leo ngayon. Parang mayroon siyang iniindang sakit na hindi niya masabi.

Habang kumakain kami ay tinawag ni Leo ang kaniyang tito.

"Tito, alagaan mo ang sarili mo. Huwag mo ako laging isipin. Maraming salamat talaga sa lahat. Sorry sa mga kasalanan ko."

"A-Ano ka ba naman, Leo? Bakit ganiyan ka magsalita? Siyempre naman kailangan kitang alagaan. Hindi puwedeng hindi, baka multuhin ako ng Papa mo." Tumawa siya. "At hindi mo naman kailangang mag-sorry. Wala ka namang kasalanan."

Napangiti si Leo. Isang malaking ngiti. "S-Salamat." At unti-unti, napapapikit na ang kaniyang mga mata.

"L-Leo! Leo!" sumisigaw na sabi ng kaniyang tito. Nagulat kaming lahat.

Napatulala ako sa aking puwesto. Naramdaman ko na lang na dali-daling lumabas si Nanay para tumawag ng doktor. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagmumulat ang mga mata ni Leo. Mukhang alam ko na ang dahilan pero hindi ko matanggap. Umiiyak na rin si Jocelyn na nasa aking tabi.

Nagmamadaling pumasok ang doktor kasama ng ilang nars. Mayroon silang ginagawa kay Leo. Pilit siyang ginigísing. Umaasa ako na magagawa niya ito. Alam kong malakas si Leo. Kaya niya ang hamon na ito.

Pinagpapawisan na kaming lahat. Pero bigla na lang gumuho ang aming mundo nang umiling ang doktor.

"Time of death, 10:00 A.M." sabi ng doktor.

Dali-dali naming nilapitan si Leo. Niyakap ito kaagad ng kaniyang tito habang tumatangis. Lahat kami, umiiyak.

Ngayon, alam ko na ang dahilan ng pagkakabaril kay Leo. Upang mabuksan ang isang lagusan patungo sa pagpapatawad at pagmamahal.

SA tatlong gabi ng burol ni Leo, hindi kami nawala ni Jocelyn. Tinulungan kami ng mga kasamahan sa trabaho ng kaniyang tito upang magkaroon nang maayos na burol at libing si Leo.

Habang nasa likod kami ng sasakyan ng kaniyang karo, napatingin ako sa kalangitan. Totoo bang doon pumupunta ang mga taong mabubuti? Hindi ko alam pero hindi ako naniniwalang may langit o impiyerno. Naniniwala ako sa pagsilang ng isang tao ay nasa loob na nito ang dalawang pagkatao. Pinamumunuan ito ng dalawang diyos. Sila ang mamumuno kung ano ang gagawing desisyon ng bawat nilalang. Ngunit nasa tao na 'yon kung sino ang gusto niyang patayin sa dalawa. Kung ang diyos ba na mabuti o ang diyos na magtutulak sa kaniya patungo sa kasamaan.

Marami ring nagsasabi na kailangang paghirapan ang pagpunta sa langit. Ano ba ang paghihirap na 'yon? Magsisimba ka tuwing Linggo, magdarasal araw-araw, magpapakita ng kabutihan at sasamba sa Panginoon ngunit hindi ginagamitan ng puso? Karamihan sa mga relihiyosong gustong pumunta sa langit ay ang mga taong nagpapakitang tao lang. Hindi nila isinasapuso ang kanilang ginagawa.

Habang naglalakad kami ay hindi tumitigil ang pag-iyak ni Tito Ed. Sinasaliwan ito ng malungkot na kanta. Hindi ko alam kung bakit kung ano-ano ang aking naiisip ngayong araw ng libing ni Leo. Bakit sa halip na umiyak ako ay mas pinili kong mag-isip ng mga ano-ano?

Sawa ka na kasing umiyak, bulong ng aking isip. Hindi ko na lang ito pinansin.

Bigla akong nagtaka. Bakit kailangan, habang naglalakad ang mga tao sa isang libing ay may malungkot pa na kanta? Ngunit ang hindi mawawala, ang walang kamatayang Hindi kita Malilimutan ni Basil Valdez. Ito ang dahilan kung bakit mas tumatangis at nalulungkot ang mga naiwan ng namatay. Sa halip na maging payapa na ang kalagayan ng mga ito ay mas lalo pang nalulumbay. Siguro bago ako mamatay, mag-iiwan ako ng isang sulat. Nakasulat doon 'yong mga gusto ko kapag ako ay ililibing na. Gusto ko na walang tugtog. Ayaw ko na nakakulay itim o puti ang mga tao. Ayaw ko ng mahabang panahon para sa aking burol. Magagawa ko naman siguro 'yon dahil ramdam naman ng isang tao kapag siya ay mawawala na. O gagawin ko na iyon nang mas maaga dahil baka maaksidente akong bigla.

"Ano'ng problema mo, Totoy? Bakit ka nakatulala? 'Wag mo masyadong isipin ang pagkamatay ni Leo. Baka mabaliw ka," bulong sa akin ni Jocelyn.

"May iniisip lang ako. Kapag ako namatay, siguraduhin mong naandoon ka sa burol at libing ko. Kahit pa may nagawa ako sa'yong kasalanan. Kahit pa nasaktan kita."

"Baliw! Ano ba 'yang iniisip mo? Kapag iyan nagkatotoo, malulungkot talaga ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala na akong makikitang pangit."

Bigla kong naalala. Buháy pa kaya ang aking mga magulang? Mali. Hindi ko na sila iisipin. Wala na akong pakialam sa kanila kung may ginagawa pa ba sila rito sa mundong ibabaw o tuluyan na silang naglaho. Sila ba, may pakialam sa akin? Hindi ba nila inisip na kung walang makakita sa akin sa loob ng kahon ay maaaring mamatay ako? Siguro ay hindi. Siguro nga ay hindi nila ako mahal.

Hindi ko namalayan na nasa simbahan na pala kami. Dahan-dahang inialis sa sasakyan at binuhat ang kabaong ni Leo. Nakatulala na lang ngayon ang kaniyang tito. Natapos na kasi ang tugtugin.

Pagpások ko sa simbahan ay naroon na ang ibang mga taong mas piniling mauna kaysa makipagsabayan sa init at trapiko. Naging tahimik sila nang makitang ipinapasok na ang kabaong. Ang mga mata nila ay may halong kalungkutan. Isa ito sa ugali ng mga Pinoy na aking nagustuhan. Ang pagpapakita ng pagmamahal nila sa ibang tao na namayapa. Ngunit minsan ay nakapagtataka. Bakit sila lumuluha noong namatay ito? Samantalang noong buháy pa ang kanilang iniiyakan ay lagi nilang pinagtatawanan, nilalait at pinagkukuwentuhan.

"Alam mo minsan, nakakatakot na 'yang mga tingin mo. Bakit ba ang sama mo tumingin sa paligid?" singit ni Jocelyn sa aking pag-iisip.

"Masama ba'ng mag-obserba? Hindi ka na nasanay sa akin."

"Maiba tayo. Tingnan mo." Tumingin siya sa guro namin na nakasalamin at mayroong panyo. "Nakilibing pala si Ma'am Lualhati."

"Siguro ay nagsisisi sa mga pinagsasabi niya. Lagi ba naman niyang sigawan si Leo na walang ginagawa. "

"Kumusta na nga pala sa school? Siya pa rin ba ang teacher natin?" tanong ko kay Jocelyn.

Ilang araw na kaming hindi nakakapások. Wala akong balita sa mga nangyayari.

"Sabi ni Miraquel, si Torotot pa rin daw. Pero nagtataka sila kasi mahina na ang boses niya kapag nagsasalita. Tapos, medyo bumait daw."

"Ganoon? Kinakausap mo pala si Miraquel. Akala ko, naiinis ka rin sa kaniya."

Inirapan niya ako. "Ikaw lang. Hindi naman ako suplado kagaya mo."

Natigil ang aming pagkukuwentuhan nang nagsalita na ang pari sa unahan. Naging tahimik na ang lahat.

Habang nagmimisa ay hindi ko maiwasang magtaka. Napakabilis magsalita ng pari. Parang nagmamadali. Narinig kong nag-uusap ang mga tao sa aking likod. Ganoon daw pala talaga ito magsalita. Pero bakit hindi niya magawang baguhin? Walang emosyon. Hindi ba niya naisip na ang kaniyang binabasbasan ay ang isang batang binaril ng isang pulis?

Tinawag na ang mga kamag-anak ni Leo upang basbasan ito ng Agua Bendita. Pagkatapos itong lagyan ni Tito Ed ay nagsimula na naman itong umiyak. Kasama kami sa pagbabasbas dahil wala nang ibang pamilya si Leo. Habang ginagawa namin iyon ay nagsasalita si Jocelyn. Nagpapasalamat siya sa mga nakiramay at sa mga nagawa ni Leo noong ito ay buháy pa. Nang hawak ko na ang bote, dahan-dahan kong ipinatak ang tubig sa kaniyang kabaong. Nakangiti ang kaniyang mukha. Marahil ay masaya siya dahil bago natapos ang kaniyang paghinga ay naging maayos na ang relasyon niya sa kaniyang tito.

"Maraming salamat po sa mga nakiramay. Siguradong matutuwa si Leo dahil sa ipinakita n'yong pagmamahal sa kaniya."

Hindi ko namalayan na tumutulo na rin pala ang aking luha. At ganoon din ang iba kong kasama pati na rin ang nagsasalitang si Jocelyn.

"K-Kahit ganiyan 'yang si Bakla, mahal namin 'yan. Lagi kaming nagsasagutan pero hindi ako nakakaramdam ng inis sa kaniya. Mabait siya, kung alam n'yo lang. Ang tingin ng karamamihan sa inyo barumbado at pariwara siya. Pero kapag nakilala n'yo siya, mararamdaman n'yo ang kaniyang pagmamahal. Kapag naging kaibigan n'yo siya, hindi niya kayo pababayaan." Nahihirapang magsalita si Jocelyn dahil sa kaniyang pagtangis. "Sana, kahit wala na siya ay patuloy pa rin ang pagmamahal n'yo sa kaniya. Dahil sigurado ako, hinding-hindi niya makalilimutan ang mga masasayang pangyayari na kasama niya tayo.

"Nagulat ako noong sinabi nila na ako raw ang magsasalita. Sino ba naman ako sa kaniyang búhay? Ako lang naman kasi ang dakila niyang kaaway at kasagutan. Pero naisip ko, gusto ko ring maibahagi ang lahat ng kaniyang ginawa. Kaya tinanggap ko ang iniatas nila sa akin nang buong puso. Hindi ako gumawa ng kodigo. Para saan iyon? Gusto kong ibihagi ang aming naging pagsasama nang walang tinitingan. Na ginagamitan lang ng totoong alaala at pagmamahal."

Marami pa siyang sinabi na nagdulot ng pag-iyak ng halos lahat ng mga tao sa loob ng simbahan. Nakita ko na nagpahid din ng luha ang pari na kanina ay parang walang pakialam.

Pagkatapos ng misa ay dinala na siya sa sementeryo. Ito na ang huling bahagi. Dito na talaga matatapos ang lahat. Dito na matatapos ang lahat ng magagandang alaala.

Mas lumakas ang pagtangis ng kaniyang tito habang nilalagyan na ng semento ang kaniyang paghihimlayan sa loob ng napakahabang panahon.

Bigla kong naalala ang kaniyang sinabi sa akin nang minsan kaming nagkalapit sa upuan.

"Siguro kapag namatay ako, walang makikilibing. Masama na ang tingin nila sa akin. Hindi ko na iyon mababago kahit anong gawin ko. Pero ayos lang. Ang mahalaga ay nagawa ko ang mga bagay na gusto ko nang walang pumipigil. Nagawa ko ang mga bagay nang malaya ako, na hindi ko kailangang maging mabait at perpekto para maging maganda ang tingin sa akin ng iba. Mamamatay ako nang masaya dahil alam kong nabúhay ako gamit ang aking buong pagkatao."

Noon ko lang siya narinig magsalita nang ganoon. At iyon ay ang panahon bago magkaroon ng sunog sa kanilang lugar.

Paalam, kaibigan. Hindi kita malilimutan.