Chereads / TOTOY [Filipino Novel] / Chapter 13 - Paglisan

Chapter 13 - Paglisan

Hindi ko alam kung paano magsisimula. Ito kadalasan ang nagiging problema ng marami: ang paghahanap ng simula. Madali ang paggawa ng gitna at wakas, dahil sa oras na mayroon nang nasimulan, ito ang magdirikta ng mangyayari. Ngayon, nakita ko na lámang ang aking sarili sa harapan ng Copy Paste Computer Shop. Huminga ako nang malalim. Binuksan ko ang pintong gawa sa salamin. At alam ko, dito ko sisimulan ang kabanatang ito ng aking búhay.

Nakita ko sa loob ang singkit na matabang lalaki. Nakaupo ito sa bukana at nakatingin sa akin. "Ano sa 'yo? Ikaw ba rent ng computer?"sabi niya.

"Hindi po. Naghahanap po kasi ako ng trabaho, tápos, nakita ko sa harapan ng shop n'yo na nangangailangan kayo ng janitor."

Tumango-tango siya. "Gusto mo trabaho?" tanong niya. "Ilan taon ka na ba?"

"18 po."

"Wala ka ba dalang birth certificate?"

Kinuha ko sa aking bag ang kaniyang hinihingi. Iniabot ko ito sa kaniya.

"500 suweldo every month. Ako na sagot sa pagkain mo." Tumingin siya sa mga kabataang gumagamit ng mga computer. "Madali lang trabaho mo. Sa umaga, ima-mop mo sahig, sa tanghali, walis-walis lang, sa gabi naman, aayusin mo ayos ng computer. 'Yong keyboard, kailangan, kapantay ng dulo ng mesa, tuwid din dapat ang posisyon ng mouse. Intindi mo? Hindi mo kailangan mag-stay rito whole day. Punta ka lang kapag kailangan kita."

Tumango ako. Mukha naman siyang mabait. "Sige po, kukuhanin ko na 'yong trabaho."

Nakipagkamay siya sa akin. "Ako si Shao Ang," saad niya.

"Ako naman po si Totoy."

Pinauwi niya muna ako pagkatapos ng aming pag-uusap. Búkas pa raw ako magsisimula. Hindi ko alam kung bakit nangangailangan pa siya ng janitor. Maliit lang naman 'yong shop, kayang-kaya niyang linisin. Pero, ang mahalaga, mayroon na akong trabaho. Ang problema, maliit lang ang suweldo. Sabagay, ano ba ang dapat kong asahan?

Kailangan kong maghanap pa ng ibang trabaho, ng mas malaki pang oportunidad. Dahil nasimulan ko na, madali nang dumiretso. Noon, pangarap kong gumising sa isang napakalambot na kama. Tatayo upang maligo, magsusuot ng mamahaling long sleeves, itim na itim na slacks at leather shoes. Isusuot sa akin ng aking magiging asawa ang aking kurbata. Sasamahan niya ako sa kusina upang kumain. Pagkatápos, sasakay na ako sa aking kotse na milyon-milyon ang halaga. Makikipagsabayan ako sa traffic sa EDSA, patutugtugin ang radyo, dadamhin ang malamig na hangin na ibinubuga ng aircon ng sasakyan. Pagkarating ko sa opisina, sasalubingin ako ng mga trabahador. Babatiin nila ako ng "Good morning, sir." Tatango ako, ngingiti. Hanggang makarating na ako sa aking sariling opisina, uupo sa komportableng upuan, at doon magsisimula ang aking araw.

Ngunit ngayon, malabo nang mangyari ang lahat ng 'yon. Sasabihin ng mga matatanda, "Malabo pa sa patis labo," na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang kahulugan.

Habang naglalakad, naramdam ko ang pagkulo ng aking tiyan. Tanghali na. Kung uuwi pa ako sa amin para kumain, masasáyang lang ang aking oras. Ang mas nakababahala pa, sa aking pag-uwi, makikita ko na naman kung gaano kalungkot si Nanay. Kanina, ayaw niya akong paalisin ng bahay. Hindi ko naman daw kailangang maghanap ng trabaho, kaya niya naman daw kaming buhayin. Nakisabat din sina Jocelyn. Ilang buwan na lang naman daw, Grade 10 na kami. Sayang naman kung titigil pa ako. Pero, walang nanalo sa kanila para mapigilan ang aking gustong gawin. Sa huli, ako pa rin ang nagdesisyon sa alam kong mas makabubuti sa aming lahat.

Nakita ko ang isang karinderya. Pumunta ako, tiningnan ang mga ulam. Pritong isda na búkas ay nasa sinigang na, litsong paksiw na kahapon ordinaryong litson lang, pritong liempo na búkas ay kasama na sa sisig. Recycled, innovation. Iisipin ko na lang na ang mga ito ay kagaya rin ng mga water lily na ginagawang kagamitan kagaya ng bag. Nakatutulong na sa kapaligiran, nakatutulong pa sa búhay ng isang tao. Mabubusog din naman ako mga ulam na ito, wala namang mawawala.

"Isa nga pong pritong tilapya," sabi ko sa tindera, "at isa ring rice."

"Kain or take out?"

"Kain po."

Naglagay siya ng plastic sa kanang kamay, kinuha ang isang pirasong tilapya, inilagay sa plato. Binuksan niya ang kaldero, dumakot ng isang cup ng kanin, inilagay sa kalapit ng tilapya. "40 pesos lahat."

Kinuha ko ang aking pitaka. 50 pesos na lang ang laman. Ibinigay ko ito sa babae.

"Wala ka bang barya?"

Umiling ako.

"Sandali lang, ha. Magpapapalit lang ako sa tindahan."

Bago siya umalis, nakita ko ang nakapaskil sa kanilang dingding. Wanted: Dish washer.

"Wait lang po," sabi ko. Tumingin siya sa akin. "Naghahanap po kayo ng dish washer."

"Oo, umalis kasi 'yong dati naming dish washer, si Romelyn. Namatay kasi 'yong nanay."

Naisip ko si Romelyn na nanloko sa akin. Hindi kaya siya 'yong tinutukoy ng babae? "Ano pong hitsura no'ng Romelyn?"

Napakunot ang kaniyang noo. "Bakit?" nagtataka niyang tanong. "Maganda 'yong batang 'yon. Mabait pa."

Tumango-tango ako. Kung si Romelyn man iyong tinutukoy ng babae, nalulungkot ako para sa kaniya. Naalala ko, ginamit niya nga pala ang nanay niya sa panloloko sa akin noon. Napangiti na lámang ako nang mapait. "Mayroon na po ba kayong nakuha?" sabi ko sa babae.

"Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko. May nakuha na nga pala si Ma'am kahapon." Inialis niya ang nakapaskil sa dingding.

Tumango lámang ako bilang sagot. Umalis na ang babae upang magpapalit sa tindahan.

Sinimulan ko na ang pagkain. Noon, kapag kasama namin si Tatay sa pagkain ng bangus, lagi niya sa aking ipinakikita ang isang tinik na kahugis ng maliit na isda. At sasabihin niya, "Totoy, o, mayroong anak 'yong bangus." Paniwalang-paniwala ako na anak nga iyon ng isda noong bata pa ako. Pero, no'ng ako'y nagkaisip na, lubos kong iniisip kung saang parte ng bangus makikita ang ganoong klase ng tinik. Sabi ni Tatay, ituturo niya raw sa akin pagdating ng araw. Pero, hindi na darating ang araw na iyon.

Pagkarating ng babae, ibinigay niya sa akin ang sampung pisong sukli.

Nang natápos na akong kumain, sinimulan ko ulit ang paghahanap ng trabaho. Kung saan-saan na ako nakarating. Vulcanizing shop, junk shop, tindahan ng damit sa palengke. Lahat sila, hindi naghahanap ng trabahador. Napatingin ako sa kalangitan. Nagsisimula nang dumilim. Napahinga ako nang malalim. Mukhang iyon na nga ang para sa akin. Janitor sa computer shop. Minsan, babalik at babalik pa rin talaga sa simula upang doon magwakas.

Ngunit, ang inaakala kong katapusan ng aking paghahanap ay nasa kalagitnaan pa lámang pala.

Nakasalubong ko 'yong crew noong araw na nagkita kami ni Romelyn sa Dyolibi. Nakaputing t-shirt na lámang ito at sukbit ang kaniyang asul na bag. Napatingin siya sa akin. Kinilatis ang aking mukha, tila iniisip kung saan niya ako nakita.

"Ace." Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang kaniyang pangalan.

"Sorry," sabi niya. "Pero, saan nga kita nakita?"

Napatawa ako. "Sa Dyolibi. Naging customer ako ro'n, tapos ikaw ang kumuha ng order ko."

"Ay!" Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay "hindi ko pa rin tanda." Tumawa siya. "Napakarami na kasing mukha ang nakahaharap ko araw-araw. Bihira lang 'yong natatandaan ko talaga."

"Ganoon?" Ngumiti ako. "Sige, uuna na muna ako, ha."

Nang naglalakad na ako, bigla siyang nagsalita. "Saan ka nga pala galing, a, ano'ng pangalan mo nga pala?"

"Totoy." Iniabot ko ang aking kanang kamay, iniabot niya rin ang kaniya. Pagkabitiw, ngumiti siya sa akin. "Naghahanap kasi ako ng trabaho."

Napatahimik siya. "Kailangang-kailangan mo ba talaga?"

"Sobra."

"Kahit ano, gagawin mo?"

Napatango ako.

"Sige, sumama ka sa akin. Ilang taon ka na ba?"

"18."

"Puwede na."

"Saan?"

Hindi niya ako sinagot. Sumakay siya ng dyip at sumunod ako sa kaniya. "Dalawa pong Pasig," sabi niya pagkaabot ng bayad.

Ngayon lang ako sumama sa táong hindi ko pa masyadong kilala. Mukha naman kasing katiwa-tiwala ang mukha niya. Pero, kung mayroon siyang balak gawin na masama sa akin, bahala na. Inilibre niya naman ako ng pamasahe.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa isa ko pang pinagtatrabahuhan."

Gabi na pero bago pa lang siya papasok sa trabaho? Baka sa isang call center company kami pupunta. Hindi naman ako masyadong hirap sa pagsasalita ng English. Kaya ko naman siguro ang trabahong 'yon.

Tahimik lámang kami habang nasa biyahe. At hindi ko namalayan, pumara na pala si Ace.

Sumunod lang ako sa kaniya paglalakad pagkababa namin. Malayo-layo rin ang pupuntahan namin. Nakasalubong ko sa daan ang mga estudyanteng papauwi, ang mga tindera na nag-aayos sa palengke, ang mga bata na maingay na naglalaro. Ngunit, napapansin ko na habang tumatagal, dumarami ang nakasasalubong namin na mga bakla. Iyong iba sa kanila, may mga kasama nang lalaki.

Tumigil si Ace sa paglalakad. "Naandito na tayo."

Napatingin ako sa lugar na aming tinigilan. Sa harapan, nakagalay ang Romeo's Universe Club.

Pagkapások namin, narinig ko ang mapang-akit na tugtugin. Nagulat ako nang aking nakita ang mga nagsasayaw na lalaki. Hubad. Gumigiling sila sa harapan ng mga nag-iinumang customer.

"Nasaan tayo, Ace? Ano 'to?" kinakabahan kong tanong sa aking sa aking kasama.

Hindi niya nasagot ang aking tanong dahil nilapitan siya ng isang bakla. Nakapambabae itong bihis. Makapal ang make up sa mukha. "Ace, late ka na naman. 'Di ba, sabi ko sa 'yo, bawal ma-late rito!"

"Sorry na, Mommy Lily," nanlalambing na sabi ni Ace. "Heto, may kasama ako. Si Totoy."

Tiningnan ako no'ng Mommy Lily. "Guwapo, ha," sabi niya. "Hoy, Ace, magbihis ka na nga!"

Pagkaalis ni Ace, kinausap ako no'ng bakla. "Gusto mo magtrabaho rito? Tanggap ka na. Ayos ka naman, e."

"A-Ano pong gagawin ko?"

Napatawa si Mommy Lily. "Ganiyan." Itinuro niya ang mga nagsasayaw sa maliit na stage. Maliit na saplot lámang ang kanilang suot na nagtatakip sa kanilang ari. Nagsisigawan ang mga customer habang papabilis nang papabilis ang kanilang paggiling. Nagulat ako nang nakita kong nakatingin sa akin ang isang nagsasayaw na lalaki. Ngayon ko lang napansin kung sino 'yon. Ang leader ng Tropang A.S.O, ang ama ng anak ni Miraquel─ si Sergio. Putang-ina, napakaliit ng mundo. Kung hindi lang maraming tao rito, kanina ko pa siya sinapak.

Nakangisi sa akin si Sergio. Itinaas niya ang kaniyang dalawang braso habang dinidilaan ang kaniyang labi.

"Iyon si Adonis," sabi ni Mommy Lily. "Sikat 'yan dito sa bar. Pero, mas sikat 'yong kaibigan mo."

Naghiyawan lalo ang mga tao nang lumabas si Ace. Suot nito ang isang pulang brief. Nagsimula na rin itong gumiling. Napakalayo sa hitsura niya kanina.

"Go, Machete!" sigaw ng isang bakla. Iba rin pala ang ginagamit nilang pangalan dito. Mayroon ding suot na maskara.

"Macho, 'te!" sabat ng isa pa. Nagtawanan ang ibang customer. Marami sa kanilang matatanda na. Mukha nang mayroong anak 'yong iba o kaya, apo.

Umalis ang ibang dancer. Naiwan si Sergio at Ace sa stage. Bumukaka si Ace habang gumigiling, lumuhod si Sergio at sumuot sa ilalim niya. Hindi ko inaasahan na makikita ko sa ganitong lugar si Sergio. Ang dating siga, ngayon, dancer na sa isang gay bar.

"Tingnan mo 'yon," sabi ni Mommy Lily. Itinuro niya ang isang matabang lalaki. Napamura ako sa aking isipan. Ano'ng ginagawa ni Sir Shao rito? "Siya 'yong boss namin? Aba, kapag nagustuhan ka niya, malaki ang ibibigay sa 'yo. Galingan mo."

Napatingin si amin si Sir Shao. Nagulat siya nang nakita ako.

"Mukhang nabighani sa 'yo si boss. Lapitan mo."

"Ano po?"

"Lapitan mo. Sabihin mo, bago ka rito."

Wala akong nagawa. Nilapitan ko si Sir Shao.

"Totoy, ano gawa mo rito?" bulong niya sa akin.

"Naghahanap po kasi ako ng iba pang trabaho," sagot ko. "Tapos, niyaya ako no'ng kaibigan ko. Si A─, si Machete."

Tumayo siya. Naglakad papunta kay Mommy Lily. Nakita kong nag-uusap sila habang nakatingin sa akin.

Nilapitan ako ni Mommy Lily. "Aba, 'toy, unang gabi mo pa lang, jackpot ka na kaagad." Inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tainga. "Gusto kang iuwi ni boss."

Nagulat ako. Para lang akong hayop na hihiramin. "Ayaw ko po."

"Anong ayaw mo?" naiinis na tanong ni Mommy Lily. "Wala ka nang magagawa. Bayad ka na."

Lumapit sa amin si Sir Shao. "Totoy, tara na. Uwi na tayo."

Wala akong nagawa. Nakita ko na lámang ang aking sarili na sakay sa kaniyang kotse. Napatingin sa akin si Ace nang nakitang umalis ako papaalis si Mr. Shao. Parang sinasabi ng kaniyang mga mata: "Ano'ng ginagawa mo, Totoy? Ako dapat ang iuuwi niya."

Pagkarating namin sa bahay ni Sir Shao, napansin ko ang mamahalin niyang mga kagamitan.

"Feel free, Totoy. Dalawa lang tayo ngayon. Nasa China pa asawa at anak ko."

Nakita ko ang malaking painting nilang pamilya na nasa sala. Nanlaki ang aking mga mata nang nakita kong hubad na si Sir Shao. Kitang-kita ko ang kaniyang malaking tiyan at mabalahibong katawan. "Hubad na ikaw, Totoy. 'Pag ikaw nasa shop ko na, gagawin din natin 'to bago ka umuwi. Babayaran kita malaki."

Napansin niya na ayaw kong sundin ang kaniyang utos. "Puta naman, Totoy! Hubad na ikaw!" sigaw niya. Lumapit siya sa kaniyang bag na nakapatong sa sofa. Nagulat ako nang inilabas niya ang isang baril. "Kapag ikaw hindi sunod, babarilin kita!"

Nanginig ang aking buong katawanan. Naramdaman ko ang aking pagtulo ng aking pawis. "Huwag, boss."

"Edi hubad na ikaw!" mas lalong lumakas ang kaniyang boses.

Dahan-dahan kong hinubad ang aking t-shirt. Napangiti siya sa aking ginagawa.

"Giling ikaw Totoy," masaya niyang sabi. "Giling!"

Sinunod ko na lang ang kaniyang utos dahil hawak niya pa rin ang kaniyang baril. Hinubo ko ang aking suot na shorts habang sumasayaw.

"Hubad mo na brief mo! Patingin ako alaga mo!"

Tumulo ang luha sa aking mukha. Itinutok niya sa akin ang baril. Dali-dali kong hinubad ang aking brief.

Ngumiti siya. "Malaki ka, Totoy. Malaki."

Nagulat ako nang lumuhod siya sa aking harapan. Isinubo niya ang aking ari. Hindi ko maiwasang mapaungol. Ngunit, hindi ako nasasarapan. Nanggigigil ako sa galit.

"Putang-ina mo, boss!" sigaw ko. Ngumiti siya nang malaki habang subo-subo ang aking ari.

Napatingin ako sa malaking larawan ng kaniyang pamilya. Isa siyang ama. Ngunit, bakit niya ito nagagawa? Pumasok sa aking isipan sina Nanay. Siguradong nag-aalala na ang mga iyon dahil hindi pa rin ako umuuwi.

Ilang minuto akong pinagsamantalahan ng putang-inang si Shao. Ilang sandali pa'y nilabasan na ako. Nilunok niya lahat.

"Fresh ka talaga, Totoy. Favorite na kita." Tumawa siya. Kinuha niya ang kaniyang pitaka. Kumuha siya ng limanlibo at iniabot sa akin. "Iyan tip ko sa 'yo. Hindi na ganiyan kalaki ibibigay ko sa susunod, ha."

Dali-dali kong isinuot ang aking damit at lumabas na ng bahay. Sinalubong ako ng dilim. Nanggigigil kong ginusot ang hawak kong limanlibo habang pinipigilan na lumuha. Ang dumi-dumi ko na.

Ngayon, isa lang ang tumatakbo sa aking isipan.

Hinding-hindi ko na hahanapin ang simula.