SAM'S POV
Nagmamadali kaming maglakad papunta sa isang bakanteng classroom.
Hila-hila pa rin siya, "Aray best..hinay2 naman....may pinag-uutangan ka ba?" reklamo niya.
Hindi pa rin ako nagsalita at patuloy lang sa paglalakad.
Buti na lang may isang classroom na walang tao. Hinawakan ko balikat niya at pinaupo.
At pabalik-balik akong lakad sa harapan niya.
"Teka nga lang best ...nahihilo ako sayo"
Tumayo siya at ako naman ang pinaupo.
"Ano bang meron?Ba't parang wala ka sa sarili mo?" Sabi niya habang nakapamaywang na nag-aantay ng sagot ko.
Kumurap-kurap, "S-si Lance" nauutal kong sabi.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin sa sobrang curious, "Bakit anong nangyari kay Lance?"
"-----" pero hindi ko masabi agad sa kanya.
Napatakip siya sa bibig niya, "Oh my gosh!.....bakla din siya!?"
Ang O.A naman oh.
"Hindiiii!" inis kung pagtanggi.
"Ah...hooh buti na lang crush ko pa naman yun....oh so ano nga?"
Wait lang. Ito naman. Bumubwelo pa ako eh.
Yumuko ako, "Si Lance...may...may gusto sa'kin si Lance" Nahihiya kung sabi.
"Sooooo. Anong prob—----wait...what?! (hinawakan niya ang balikat at itinayo ako)"
*Loading......
10%
.
.30%
.
.
60%
.
.
.
95%
.
.
100%
"Ahm...talaga..." slowly nodded pero bigla niya akong binitawan, tumalikod at naglakad ng kaunti.
Medyo na konsensya ako baka kasi nasaktan siya sa sinabi ko baka may gusto din siya Lance..
Patay nah!!!!
Haish ang tanga mo rin minsan Sam eh hindi ka nag-iisip.
Kinukulit ko siya, "Ui best OK ka lang?... hindi ko alam na---..."
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil humarap siya sa akin..
Kinakabahan nako sa reaction niya.HUhuhu
Hinawakan ko siya sa balikat, "Uy...Wag kang mag-alala.lalayuan ko na siya" wag ka lang magalit sa akin. Please!!!
Tapos...
Naging seryoso na mukha niya, "Masakit man sa'kin to pero ipapaubaya ko na siya...." sabi niya na parang naiiyak.
Best naman.huhu
Tapos nag-iba uli mukha niya na parang masaya, "Actually matagal ko ng napapansin na may gusto siya sayo."
Yun pala niloloko niya lang ako sa paiyak-iyak niya. Prankster talaga siya.
Wait lang, "Huh? Hindi ka..... galit?!?" Akala ko talaga umiiyak siya.
"Ba't naman ako magagalit.....Duh kahit gwapo yun hindi ko type yun..Tsaka matagal ko ng alam na may gusto siya sayo."
Oh?! WeEh? Di nGa?
Hinampas ko siya sa balikat, "Ehh...BA'T DI MO SINABI?!?"
"Aray naman!... alam bang mo kating-kati na kung sabihin sayo pero nung isang araw kinausap niya ako na wag ko daw sabihin sayo baka lumayo ka sa kanya. ...Tsaka mas mabuti ng sa kanya daw manggaling."
TALAGA BA?!
BA'T WALA AKONG ALAM!
Hindi ko napansin yun ah.
Pasensya na kayo kung ganito ako makapagreact first time kung may mag-confess sa'kin eh. Tsaka hindi ko talaga binibigyan ng malisya pagfriend ko yung guy...syempre...FRIENDS NGA Di BA?!?
"Best, sa tingin ko mabait naman si Lance....(She smiles and hold my hands).. Give him a chance"
Well totoo rin naman siya. I really thought bad boy siya at first kasi yun yung image na pinapakita niya pero pag nakilala mo na siyang mabuti...mabait, matalino at thoughtful naman.
Hmmmm parang he's more than just a pretty face.
PERO
.
.
Hai paano ba yan?. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
.
.
"Eh Ikaw ba...gusto mo ba siya?" tanong niya sa'kin.
Hindi agad ako na ka sagot kasi....
*S H O R T F L A S H B A C K*
When my face was close to his chest I could even hear his heartbeat.
Grabe sobrang lakas. It's so weird.
At nung nagtama ang mga mata namin....parang...parang may something sa tiyan ko na di ko maexplain parang nung unang kita ko kay sir Arthur yung feeling pero iba...
huh?Ano daw?nakakalito.
"Aishhhh.."
I shook my head at sinabunutan ko ang sarili ko.
So Ano Nga May gusto ka Ba?
Hindi ko alammmmmm!!!