Chereads / To My Youth (StudentxTeacher) / Chapter 22 - CHAPTER 21 Something's wrong...

Chapter 22 - CHAPTER 21 Something's wrong...

SAM'S POV

NAKALIPAS ANG ILANG MGA ARAW....

Nasa sala kami ngayon ni mama, Siya nasa sofa nagtutupi siya ng mga damit namin habang ako at si Kaycee malapit sa harapan ng TV nanununod ng anime. Paborito kasi naming manuod nito tuwing hapon.

Siya nga pala nung nagfill-up kasi ako ng form sa school kaninang hapon hindi ko nasagutan kung ano ang work ni papa kaya naitanong ko ito ngayon na ikinagulat naman niya.

Lumingon ako sa likod, "Ma, ano ba talaga work ni papa? Kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin alam wala tuloy ako mailagay sa fill-up form ko kanina..." matagal ko na talagang naisip to nakakalimutan ko lang maitanong.

"Tanungin mo na lang ang papa mo" She coldly reply

Palagi ko talagang napapasin pag pinag-uusapan namin si Papa kung hindi siya magagalit ay tatahimik siya. May problem kaya sila ni papa?

Hmmm. Wala naman siguro.

Simula bata palaging once or twice a month pumupunta si Papa sa bahay. Although palagi siyang wala pero pagdumating siya marami siyang dalang pasalubong kaya masaya pa rin kami ni Kaycee. Hindi ko napansin ang mga pagkukulang ni papa hanggang sa nagdalaga na ako kasi palagi namang nakasuporta si Mama sa amin ni Kaycee.

*FAST FORWARD*

[Hello Pa, may meeting po sa school kailangan daw po pumunta ang parents, eh hindi pwede si Mama sa isang araw kaya Pa pwede ikaw na lang?] paglalambing ko.

[kailan ba yung meeting?]

[Sa Monday na po] sagot ko.

[Naku nak, hindi ako pwede medyo busy din kami dito sa opisana pag.ganyang araw]

[Pa naman, minsan lang naman to] pagmamakaawa ko sakaling pumayag siya.

[Hindi talaga pwede nak eh. Tatawagan ko na lang si Mang Raul para maging proxy ko]

[palagi naman kayong ganyan eh] pagtatampo ko

[Nak, wag kanang magtampo babawi ako sa susunod] sabi niya.

[yan din ang sabi nyo noon hanggang ngayon....3rd year nako] halos magiyak2 na sabi ko.

[pasensya na talaga nak ha para din naman sa inyo to] Tama din naman si papa.

Biglang nalumo, [Naiinintindihan ko naman po. Sige po. May gagawin pa ko] unti-unti ng tumulo ang luha ko.

*call ended*

Palagi na lang siyang ganyan walang time sa amin ni Kaycee. Puro tawag at regalo lang siya. Hindi ba pwedeng mag-effort din siya kahit kaunti.