Chereads / To My Youth (StudentxTeacher) / Chapter 24 - CHAPTER 23 He cares......

Chapter 24 - CHAPTER 23 He cares......

ARTHUR'S POV

Ilang araw ng nakalipas simula nung mapait na araw na iyon para sa pamilya ni Sam, buti na lang ay naitakbo namin ng hospital si Ninang nung gabi ding yun nagtamo siya ng mga sugat sa mukha, kamay at katawan. Si Mang Robert naman ay kinasuhan ng barangay at nakakulong na rin dahil sa pananakit sa pamilya niya.

Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit ganoon ang nangyari ay naging porsegido siyang mag-aral at natutuwa ako na napapanatili pa rin niyang maging mataas ang kanyang mga grado sa iba din niyang subjects kaya lang sa sobrang focus niya nawala na yung dating sigla sa mukha niya noon at napalitan na ng kalungkutan ngayon.

Since maaga kaming natapos sa lesson ngayon araw naisipan kung....

"OK class Alam ko boring ang math but since we finish earlier than the expected time...you can ask me anything"

"Wooahh! Yeaah!" nagsigawan naman lahat dahilan para mapatingin siya sa mga kaklase niya at sa akin.

One student raise her hand,

"Sir , Can we ask you a personal question?" Girl Student1

"Oo nga..sige na sir... matagal mo na rin kaming tinuturuan pero hindi ka pa namin lubusang nakikilala" pagpupumulit ni Girl Student2.

"Please...Please..Please!" sabi ng buong students.

Kunwari nag-isip muna ako saglit pero pumayag din.

Hawak sa baba, "Hmm...It depends on the questions... Bakit ano ba yon?" Turo ko sa isang estudyante.

Tumayo, "Sir, may girlfriend ka na po ba?" Girl Student3

I glance in Sam's side,

Hawak-batok, "...........wala....pa" nahihiyang sabi ko

At dahil sa sagot kong yun nagsigawan ulit sila.

"Uy girls may pag-asa pa tayo" nagbunyagi naman ang mga girls.

Another one asks, "Sir, ilang taon ka na?" Girl Student4

"23" sabi ko

May tumayong estudyante, "What?!...grabe sir ang baby face niyo po para lang po namin kayong klasmyt"

Medyo natawa ako sa reactions nila kaya ang sabi ko na lang "..ganun ba".

May humarit pa ng tanong,

"So Sir..Anong ideal girl niyo?" Boy Student2

Medyo mahirap yung tanong ah,

Napahawak sa lamesa, "Wow..that's a very hard question. Let me think (pause).....Ahm

I think having an ideal girl is not what you can really have in real life.

When your heart beats....( At nagtama naman ang mga mata namin ni Sam)that's it.

(I smile brightly to her) You're in love".

I gave them a simple and practical answer.

At muling nagkagulo ang mga estudyante dahil ata sa kilig,

"WAahhhh!!..." naghampasan at nagsigawan ang buong klase pero isang tao lang ang gusto kung makita ang reaksyon pero hindi ko mabasa ang iniisip niya. Siya lang ata ang hindi kinilig doon sa sagot ko.

"Sir!". naghands-up naman si Girl Student5.

"Yes!..Anna"

"Sir, may nagugustuhan na po ba kayong girl?"

"hmm siguro (hawak batok)...hindi ko alam eh" then bow my head

Sa totoo lang hindi ko rin talaga alam ang tunay na nararamdam ko para sa kanya at ayaw kung panguhan ito kasi maxadong komplekado ang situation namin.

"Naku sir mahirap yan" Girl student3

One student jokingly said, "Sir kung ayaw niya sayo...sa akin ka na lang sir" nagtawanan naman kaming lahat.

May tumayo, "Ito na lang sir...ano ang gusto mong sabihin sa girl na yun?" Boy student5

"Oy ang ganda ng tanong mo pre ha" sabay apir.

Tumahimik muna ako at tumahik din sila para nag-aabang ng isasagot ko pati si Sam.

(Ano kayang magandang background song sa moment nato?may suggestion kayo?hehe)

For a moment, as I look at Sam's eyes again, all the people around us are slowly disappearing which makes the atmosphere feel more serene as if I'm making this message just for her to hear.

"Ahm.....(hawak sa batok)..(medyo nahihiya pa)

Sorry (with a painful look) .....kasi wala ako sa tabi mo nung kailangan mo ko,

Thank you (painfully smile while holding back my tears).....kasi dumating ka sa buhay ko.

Ah last, (trying to calm myself)... I promise to protect you (clears throat)...because I care so much about you"

Then tears automatically fall from my eyes. I look at her and...

*KRINGGG!*

The bell rings means it's time to go. Immediately wipe it off. They might think something strange about me.

"Yaay!" reklamo ng iba.

"Ayy!" Excited umuwe yung iba.

Fix my clothes, "OK class I think that's enough... Be sure to be early tomorrow for your exam ....you can go home now"

I bow down for a moment to collect myself.

'What just happened?'

It's the question that keeps repeating in my head. I did not plan this.

As I lift my head up she is already gone and suddenly one student grabs my hand on the side,

"Sir, kaya mo yan..." smile and hurriedly left the room.

That's so nice of her.

Yeah...I hope so.

SAM'S POV

NANG HAPON DING YUN...

Nasa library ako ngayon mag-isa dahil nagpaalam nang umuwi una si Joan hindi ko rin nakita si Lance ngayon araw. Dahil sa nangyari sa aming pamilya imbis na maghinanakit ako kay papa ay nagsumikap akong mabuti at naging motivation ko pa ito para mga-aral ng maigi.

Habang nagsusulat ng assignment may naalala akong scene kaninang hapon.

*SHORT FLASHBACK *

"Ah ....Sorry kasi wala ko sa tabi mo nung kailangan mo ko, Thank you kasi dumating ka sa buhay ko and last, I promise to protect you because I care so much about you"

Nilagay ko yun ballpen sa baba ko habang hawak ito sa gitna sabay sabing, "bakit sa tuwing may tinatanong sa kanya parang....parang sa akin siya tumingin parang nafeel ko talaga yun kanina". Pero isa pang kinagulat ko ay nung nakita kung tumulo ang luha niya.....hindi ko mapigilang mapatanong...'Dahil kaya sa akin yun?"

Dahil dun napalo ko ang ballpen sa ulo ko para matanggal ang distraction sa utak ko.

Isa pa ayaw ko rin mag-assume hindi ko na lang pinansin baka..hindi naman ako ang tinutukoy niya.

Ilang minuto pa ay napatingin ako sa may bintana, "Oh madilim na pala mabuting umiwi nako" nagimpake ng gamit at umuwe na.

Habang naglalakad ako may napasin akong nag-iinuman sa kanto medyo kinakabahan ako ngayon kasi hindi naman ako sanay umuwi ng gabi na.

"Kaya ko to", sabi ko sa sarili habang nilalakasan ko ang loob ko.

Nakarinig ako ang tahol ng aso dahilan para mapahinto ako sa ilalim ng poste ng ilaw dumagdag pa ang patay-sindi nitong ilaw. Dahan dahan akong lumingon sa likod ko plano ko sanang bumalik sa pinanggalingan ko kaya lang naisip ko since andito na naman ako ba't di ko pa ituloy kaya nagpasya akong maglakad muli.

Papalapit ako ng papalit sa mga tambay na nag-iinom, hinawakan kung mabuti ang bag ko na inilipat ko sa unahan para gamiting pandepensa kong sakaling may mangyaring hindi maganda pero wag naman sana.

"Dios ko po tulungan niyo ko" dasal ko na unti-unting binabaybay ang daan patungo sa bahay namin.

"Oh pre tagay tayo" ayan na sila nasa tapat na nila ako.

Bigla silang napahinto sa pagkwewentuhan ng makita ako, "Oy iha ikaw lang ba mag-isa?" habang nakangising manyakis.

Huhu TULONG!

Tumayo ang isa pa niyang kasama at aktong lalapitan ako pero hindi niya nagawang gumalaw dahil may sumigaw sa likuran namin.

"Sam!" Nanlaki ang mga mata ko ng may brasong humawak sa likuran ko palapit sa kanyang bisig at nang tumingala ako para tignan kung sino ito...

.

.

si sir Arthur!.

Nagsalita naman siya, "Pasenya na kung medyo na late ako ng dating...tayo na" Napansin kung sobrang basa ng mukha niya ng pawis na halata mong galing ito sa pagtakbo.

Napatingin lang ang mga tambay sa tabi at tuluyan na nga kaming nakalayo sa kanila.

HUHUHU Buti na lang dumating siya halos atakihin ako sa puso sa takot ko kanina.

Pero ang palagi kung pinagtataka bakit kaya sa tuwing nasa panganib ako ay siya lage ang nagliligtas sa'kin?

Hmmm hindi ko rin talaga alam.

Walang imik kaming naglalakad habang nasa balikat ko pa rin ang kamay niya at imbis na mawala ang kaba ko dahil sa takot kanina ay mas lalo pa itong nadagdagan dahil ito na yati ang unang beses na nahawakan niya ko ng matagal na parang feel ko safe na safe ako.

Maya't maya pa ay hindi ko mapigilang lingonin ang mukha niya paminsan-minsan. Nang nagkaroon ako ng chance na masulyapan ito ay bigla akong napaisip, "Ba't kaya sobrang seryoso ng mukha niya, galit na naman ba siya sa'kin?"

Nang makarating na kami sa bahay bigla niyang napagtanto na nakahawak pa pala sa akin kaya humakbang siya ng konti palayo at hindi muna nagsalita ng ilang segundo.

Yumuko ako at nagpasalamat sa ginawa niya, "Salamat" medyo nahiya ako kaya tumalikod na ko para buksan ang gate pero bigla siyang nagsalita.

"Pwede ba sa susunod wag kang umuwe ng gabi na hindi mo ba alam kung gaano ako ka----" sabi niya na parang nagpipigil ng emotion.

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya kaya lumingon ako ulit para tignan siya pero imbis na ituloy ito ay tumitig lang siya sa akin na parang naiiyak??Hindi naman siguro.

Inaantay ko ang dugto ng sinabi niya pero bigla niyang binuksan ang gate ng bahay niya at pumasok agad ng walang paalam at naiwan akong mag-isa sa labas.

"Anong problema niya?" tanging naitanong ko sa sarili.

ARTHUR'S POV

Mga alas-sais ng hapon ng isauli ko ang hiniram kung libro sa library.

Habang inaabot ko ito sa librarian ay may nakita akong pamilyar na tao sa dulo.....si Sam.

Halata mong sobrang busy siya sa pag-aaral naisipan kung hablutin ang isang magazine at kunwaring nagbabasa at mga ilang minute pa ay nung nakita ko siyang nag-impake ng gamit niya at dumaan sa gilid ko ay naitago ko ang mukha ko sa libro ng di oras..

MAYA-MAYA PA AY...

"Sir hihiramin niyo rin po ba yan?" tanong ng librarian.

Tinignan ko ang magazine, 'Vogue' isang fashion magazine pala ang nadampot ko kaya ngumisi na parang nahihiyang sabi, "Ahh..hindi po" sabay alis.

Palabas nako ng school nakatingala sa langit, "gabi na ata siyang umuwi ah" kaya naisipan kung sundan siya pauwi.

"Sobrang dilim naman dito" Napansin kung medyo madilim sa parte na dinadaan niya at napahinto sa may ilaw ng poste na mukhang sira pa, natakot at siya sa tahol ng aso.

Nung napatingin siya sa likuran niya ay napatago ako ng di oras sa halamanan sa gilid ko. Buti na lang di niya ko nakita.

Nang magpasya siyang maglakad ulit nakita kung may mga tambay doon sa unahan at akmang lalapitan siya kaya...

"Sam!" pasigaw ako sa pangalan niya.

Napatakbo ako palapit sa kanya at kinabig siya papunta sa bisig ko. Sobrang natakot ako nung muntik na siyang lapitan ng mga lasingong yun. Hindi ko maiwasang kabahan sa kanya buti na lang napagpasyahan kung samahan siya pauwi kung hindi naku.....wag naman sana.

Sobrang pag-iisip ko hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa bahay namin kaya napabitaw ako bigla at napalayo sa kaya.

Ang gulo na ng utak ko simula pa kanina at ngayon na sobrang pinag-alala niya ko kaya hindi ko mapigilang makapagsalita sa kanya..

"Pwede ba sa susunod wag kang umuwe ng gabi na hindi mo ba alam kung gaano ako ka----"

Hindi ko magawang tapusin ang sasabihin ko dahil ....baka iba pa ang masabi ko kaya iniwan ko siya at pumasok ng bahay.

SA LOOB NG KWARTO...

Pagkatapos kung maligo humarap sa salamin at napahawak sa may dibdib na napakunot ang ulo.

Napahiga sa kama, "Hindi ito pwede(hawak sa dibdib)...hindi ko to pwedeng maramdaman...hindi" kinuha ang unan at tinakpan ang mukha ng unan.