SAM'S POV
My last year in High School buti na lang napakiusapan namin ang teacher ko na tanggapin si Joan sa section ko halos nagmakaawa kaming dalawa kasi nga last year na namin gusto ko pag nagkayearbook na kami ay nasa isang section lang kami.
Nasa bench kaming dalawa ngayon ni Joan since free time namin naisipan naming magkwentuhan muna.
"Grabe noh ang bilis ng panahon parang kailan lang nung excited pa tayong pumasok sa School nato tapos ngayon last year na natin." sabi ko habang inaalala ang mga kahapon.
"Oo nga seniors na tayo...ang tanda na natin mahirap na tuloy akong makakita ng crush kasi mas matanda na tayo sa kanila" pamumublema niya.
"Kaw hanggang ngayon yan pa rin nasa isip mo" sermon ko sa kanya.
"Nga pala best. Ano yung gusto mong ilagay sa yearbook natin?doon sa what is your dream when you grow up?" bigla niyang naitanong.
Umayos ng upo, "Hmmm basta ako di ba sabi ko sayo gusto ko maging Flight Attendant. Eh ikaw ba anong gusto mong kunin sa kolehiyo?" proud na sabi ko.
"Ah sure ka na talaga jan ha...ehmm sa totoo lang hindi ko pa alam ang gusto ko eh. Sabi kasi ni mama dapat nurse daw kunin ko kung hindi eh hindi niya ko pag-aaralin. Tsaka pangarap daw niyang maging nurse since hindi niya natupad yun ako raw ang magtutuloy".. pagmamaktol niya.
(Aminin may mga magulang talagang ganyan gusto nila sila ang masusunod sa kurso na kukunin mo sa kolehiyo)
"Ang hirap naman yan bes. Ba't di na lang yung mama mo ang mag-nurse?.....Pero anyways ano man ang gusto mong gawin mo sa buhay mo nandito lang ako nakasuporta sayo" We hugged each other.
"Ahhh best..natouch ako don...." she fake a cry. She added "Uy best after natin magcollege wag muna tayong magwork, magtravel muna tayo together for one year gusto ko talagang pumunta sa Paris eh, tapos invite mo ko sa kasal mo ha pagkinalimutan mo ko magwe-wedding crash talaga ako, tapos maghang-out pa rin tayo kahit may mga babies na tayo ha isama natin sila minsan magshopping.heheh. Promise?" lakas ng imagination niya nakikita na niya ang future namin.hehehe
"Promise" I smiled back while looking at the sky. Sana nga mafulfill namin ang aming mga pangarap.
.
FAST FORWARD
.
.
Palabas na ako ng gate ng may may tumawag sa akin..
"Sam!"
Paglingon ko si Lance pala hindi kami magkaklase ngayon kaya minsan lang kami magkita. Nanligaw na pala siya sa'kin nung last Christmas at nagpaalam din pala muna siya kay mama.
Dapat lang!
Ngumiti siya habang patakbong lumapit sa'kin, "Samahan na kita pauwe"
"Naku hindi na malapit lang namin eh tsak---" He suddenly grab my bag and my things.
Napatulala na lang ako sa ginawa niya.... ang sweet naman niya. Gentleman din talaga imposibleng walang mahulog na babae dito.
"Tayo na" sabay hila ng kamay ko.
Habang naglalakad kami ay nasa kabilang side pala namin sila Ma'am Mina at sir Arthur. Palagi ko na silang nakikita sa school pati ba naman ngayon pati sa bahay nila pupunta din siya? Well anyways bahala sila WALA AKONG PAKIALAM!!!!.. Tsk.
Pero di ko pa rin mapigilang tumingin sa kabilang side. Dala niya ang gamit nung babae at mukhang ang saya nila tignan. Actually bagay nga sila eh. Edi kayo na.
HMMMMP!
Habang focus ako doon sa mga tao sa kabilang side hindi ko namalayan nasa hulihan na pala si Lance patay naiwan ko ata siya.
"Sam!" tinawag niya at agad ko naman siyang nilingon.
"Huh?"
He shouted, "I love you!"..hoy baliw ba siya baka ano pang isipin ng ibang taong makarinig kaya tumakbo ako papalapit sa kanya..
Pinalo ko siya sa balikat, "hoy..anong ginagawa mo?may mga tao oh?"...
Lumingon sa kanan at kaliwa, "Ahh ...Wala naman ahh" palusot niya.
"Tsaka baka nakalimutan mo kasi..( *Tssup*)....pinapa-alala ko lang" kiss me on the cheek at tumakbo..
"Hoy! Lance!"..at hinabol ko rin siya. Ayun nagkulitan kami sa daan.
I suddenly hug him, "Thank you"
I know he's just doing this to make me feel better.
Nafeel niya sigurong nakatingin ako sa kanila.
Inangat ko ang ulo ko para makinig sa sinabi niya, "Sa susunod hindi na ako tatanggap ng Thank you"
Kunot-noo, "huh?Eh ano na lang?" tanong ko.
Linapit niya ang mukha niya sa tenga ko at bumulong, "Dapat.....I love you too na" he smirked..
Dahil sobrang cheesy niya kaya napalo ko siya.
"Ahhh Aray" kunwari nasaktan siya at humawak sa braso na pinalo ko.
"Ang OA ha" bigla na naman kaming nagtawanan.
Pagkasama ko si Lance parang pinapafeel niya sa'kin ma mahal niya talaga ko.
Sana nga ikaw na lang ang minahal ko at hindi siya.
Sa kabilang banda may isang tao naman nagmamasid lang sa kanila at nasasaktan.