Chereads / To My Youth (StudentxTeacher) / Chapter 31 - CHAPTER 30 Anong gagawin ko?

Chapter 31 - CHAPTER 30 Anong gagawin ko?

LANCE'S POV

Since sabado ngayon niyaya ko si Sam mamasyal pero syempre kasama si Joan kaya pumunta muna kami ni Joan para magpaalam sa mama niya.

Nagmano kami ni Joan, "Good morning po Tita".

Agad naman kaming pinapasok sa bahay nila. Maganda ang bahay nila halata mong alagang-alaga ito ng mama niya, may mga malalaking painting sa sala. Mukhang at home ako dito ah. Hehe.

"Umupo muna kayo sa sala ha at ipaghahanda ko kayo ng tanghalian. Para may laman yang mga tiyan niyo" Ang bait naman ng mama niya at ang ganda din kahawig niya.

*DING DONG*

May tao ata sa labas. Dahil busy si Tita sa kusina nagpresenta na si Joan na magbukas.

"Tita, ako na po ang magbubukas" tumakbo na siya sa may pintuan at pagbukas niya ay si....

"Si-Sir?Good morning po sir" nauutal niyang sabi.

Bumungad ang mukha ng lalaking karibal ko si sir Arthur. Tumayo ako at bumati sa kanya. Medyo nakita kung nagulat siya sandali ng makita ako pero ngumiti din siya ng makita si Tita.

ARTHUR'S POV

"Good morning po Ninang" bati ko.

Anong ginagawa nila dito?

Sumilip si Ninang sa pintuan ng kusina, "Andito ka na pala"

Nagexcuse muna ako doon sa dalawang estdyante ko na nasa sala at pumasok na rin sa kusina. Mabuti na lang at kurtina lang na beads ang pagitan at makikita mo pa rin ang sala nila mula rito.

Maharil nagtataka kayo kung anong ginagawa ko sa bahay nila Sam actually nagpapaturo si Ninang sa'kin paano magbake ng cake kaya almost every Saturday morning binibisita ko siya dito at kung akala niyo nakikita ko si Sam?

Hindi po.

Minsan nasa loob lang siya ng kwarto palagi pag nandito ako.

Minsan nasa labas pumupunta sa bahay nila Joan.

Alam ko naman na ayaw niya kong makita eh.

AFTER ILANG MINUTES...... bumaba na rin si Sam.

Sumilip ako sa may kurtina nakaSunday's dress siya. Saan naman kaya sila pupunta at ganyan ang suot niya?Nacurious ako kaya nagtanong ako kay Ninang.

"Mukhang may lakad ata sila ah" sabi ko habang naghahalo ng ingredients sa bowl.

Tumingin siya sa'kin, "Ahh oo birthday ata ni Lance ngayon sabi nila mamasyal lang daw"

So isi-celebrate nila together???

Tsss. Eh Ano ngayon. Nabeast mode ako bigla.

Tumingin uli ako sa kanila hindi ko napansin napalakas ata ang halo kaya tumalsik sa mukha ni NInang.

"Ay sorry po....hindi ko po sinasadya. Napalakas po ata ang paghalo ko" sabay punas sa mukha gamit ang kamay ko pero imbis na magalit siya tumawa lang ito.

"Nak, may galit ka ba a'kin o sa kanya?" ang mahiwagang tanong niya.

Huh?sinong sa kanya?

"Po?"....at tinuro niya ang bowl na hinahalo ko.

"Ahhh...hindi po"....akala doon sa isa yung nasa sala ang tukoy niya.

SAM'S POV

Pagkababa ko napatingin ako sa kusina.Hmmm. andito na pala siya.

"Sam, ang ganda mo dyan sa suot mo" sabi niya na mukhang tuwang-tuwa. First time niya siguro akong makitang nakaganito kasi palaging sa school lang kami nagkikita eh.

Humurit naman si Joan, "Uy best ang ganda mo nga jan"

Lumapit ako sa kanila at umupo sa sofa, "Salamat" hehehe.

Nakakahiya naman. Hindi ako sanay sa compliments.hehehe

"So saan niyo gustong pumunta?libre ko..." tanong ni Lance sa amin.

Medyo nagulat kami sa sinabi niya.

"Wow ikaw na talaga Lance ikaw na nga itong may birthday pero kami ang ililibre mo" sabay siko sa akin ni Joan.

"Sigurado ka ba?pwede namang chip-in2x na lang tayo may pera naman ako dito" Parang sobra naman ata yun.

"Oo nga...meron naman kami pera oh" sabay pakita sa wallet niya.

Hindi naman kami pulibi, may pambayad kaya kami.

"Ok sa susunod kayo naman manglibre...basta ngayon ako muna ang taya..."

Nagtingin muna kami ni Joan at napakibit-balikat. Well gusto niya kaya pumayag na rin kami.

Samantalang busy kami sa pag-uusap bigla namang nagsalita si Mama.

"Nak, wag mo na kayong umalis ha malapit na tong maluto itong ginagawa namin ni Arthur"

Nakita ko siya sa likod ni Mama na nakasilip din sa amin. Nagkatingin kami sandali pero una akong umiwas mahirap na baka isipan niya...basta yun na yun.

Wala kaming magawa kundi maghintay muna sandali at maya-maya pay lumapit naman sa harapan naming si Kaycee na may hawak na bola.

Lapit kay Lance, "Kuya, laro tayo" sabi niya ng nakangiti at tumingin muna silang dalawa sa akin at wala din akong nagawa kaya pumayag naman ako.

"Oh sige" kinuha ang bola sa kamay ni Kaycee at tumakbo sa labas naglalaro sila sa may garden namin sa labas.

Kaya ang naiwan sa sala ay kami na lang ni Joan. Bigla siyang tumayo at tumitingin sa mga larawan sa may likuran ko.

Tapos naglean siya sa may sofa sa likod at lumapit sa gilid ng mukha ko at bumulong,

"Best, kailan mo sasagutin si Lance?"

Napa-isip ako sa tanong niya.

Hala Oo nga noh medyo matagal-tagal na rin pala siyang nanliligaw sa akin.

Napabuntong-hininga, "Sa totoo lang.....(tumingin sa side nila Lance) hindi ko pa talaga alam eh".

Minsan naawa na rin ako sa kanya. Baka kasi maging panakip-butas ko lang siya.

Hindi ko naman sinasadyang ibalewa ang nararamdaman niya sa'kin.

"Hmmmm..ganun ba..eh nakamove-on ka na ba kay..(pointing her lips to Arthur)?" Isa pa tong tanong na toh na hindi ko rin alam ang sagot.

Nagkibit-balikat, "Hindi ko rin alam eh"

Gusto ko na sanang kalimutan siya eh pero sa tuwing naiisip ko yun may kung anong hindi ko alam na naglalapit sa amin tulad ngayon..hmmp.

So pano ako magmomove-on aber?

Na nanadya yata si tadhana eh?Haiishh ewan ko.

"Alam mo best ang hirap ng sitwasyon mo ngayon ha (hinawakan ang ulo galing sa likuran at ibinaling sa kanan sa side ni Lance na masayang naglalaro sa kapatid ko)...

Yung taong gusto ka pero hindi mo sure kung gusto mo o...

(baling ang ulo sa kaliwa sa side nila sir Arthur na masayang nagluluto kasama si Mama)... Yung taong gusto mo pero hindi mo sure kung gusto ka?..."

Dahil sa sinabi ni Joan napaisip tuloy ako ng malalim.

Ano nga ba ang gagawin ko?

Binitiwan na niya ang ulo ko at pumunta sa harapan para umupo sa tabi ko,

"Best, kung hindi mo gusto ang isang tao wag mo ng paasahin pa. Masasaktan lang siya" sabi niya na alam kung patungkol kay Lance yun.

Hinawakan niya braso ko, "At huwag ka ng umasa sa taong impossibleng maging kayo. Masasaktan ka lang." Payo niya patungkol kay sir Arthur

Oouucccch.

Ang sakit nun ah!.

Hindi naman ako umaasa ah...konti lang.As in konti lang.

AFTERWARDS....

Nasa hapagkain na kaming lahat biglang lumabas si Artur sa kusina at nagpaalam na umuwi.

"Ahh Ninang mauna na po ako" paalam niya.

"Ano ka ba dito kana kumain ng tanghalian...(tumayo si Mama at hinila siya papunta sa lamesa)...umupo ka dito."

At sa tabi ko pa talaga siya nakaupo ha. Ma, nanadya ka ba?.haiish.Nawala tuloy ang gana ko sa pagkain.

Umupo naman siya na parang nahihiya. Bale nasa gitna si Mama tapos ako sa kabilang side. Magkatapat si Artthur at Lance tapos si Joan at Kaycee.

Habang kumain na kami biglang tinitigan ni Kaycee si Lance tapos kay Arthur tapos balik uli kay Lance na parang kinikilatis niya silang dalawa.

"Ahm..mga kuya (tumingin naming sila sa kanya pati na rin ako)..sino po sa inyo ang boyfriend ng ate Sam ko?"

Napalingon si Lance at Arthur sa akin na para bang nag-aantay ng sagot pero bago ko pa mubuka ang bibig ko sa sobrang out-of-the-blue na tanong ni Kaycee may nabulunan at hindi ako yun, hindi rin silang dalawa kundi si...Mama.

"Ma!"

"Tita!"

"Ninang!"

Oo sabay kaming lahat na kinabahan para sa kanya. Imbis na magreak kami sa tanong hindi natuloy kasi nga nabulunan siya.

Himas sa likod, "NInang, ok ka lang?"

"O-oh Ok lang" nakainom na rin si Mama ng tubig at bumuti na ulit ang pakiramdam niya.

Naku patay sa'kin to mamaya si Kaycee. Tumingin ako sa kanya at pinandilatan ko na wag mu na ipaalala.

Ilang minute pa nanahimik kaming lahat kaya nagpasya si Mama na magslice ng cake at pinakain sa amin.

"Hmmm...Ma ang sarap naman nitong cake na gawa niyo"..mukhang sarap na sarap nga si Kaycee

"Naku nak si Arthur talaga gumawa niyan....Ang sarap noh?..Oh dali tikman niyo.." Naglapag naman ng platito si mama sa harap ko.Wala rin akong choice kundi kumain.

Medyo naawkward akong sumubo kasi si Lance, Mama at Arthur ay nakatingin sa akin na para bang hinihintay ang reaksyon ko.

Sumubo akong konti, "......." infairness masarap nga gusto ko pa sana sumubo kaya lang baka isipin niyo nasarapan ako..No Way!

"Oh nak...ano masarap ba?" Tumango lang ako.."Sabi sa inyo masarap eh" sabay tawa.

Sumubo na rin si Joan, "Hmmm.wow grabe ang sarap naman nito Tita. Parang galing restaurant (subo uli) hmmmm ang sarap talaga." Hindi naman maitago ni Joan ang pagkatuwa ng matikman niya ito.

"Alam mo sir pwede ka ng magrestaurant..Ang sarap po ng gawa niyo..Kung ganito ba naman kasarap yung cake...bibili ako araw2"

Hawak-batok, "Ganun ba?.Actually gusto ko ngang magkarestaurant baling araw eh" nahihiyang sabi niya.

"Naku sige sir magpapaturo na rin ako sa inyo" itong si Joan maxadong excited sa nakain niya kaya pinandilatan ko siya ng mata para tumugil na siya sa kadadaldal.

'Umayos ka' sabi ko gamit ang kilay at mata ko tumugon naman siya ng 'Sorry'

Tumayo ako bigla, "Ma, mauna na po kami (hawak ang kamay ni Lance)...baka gabihin pa kami mamaya..tayo na"

Hindi tumingin si sir Arthur sa akin kundi sa kamay na hawak ko kay Lance. Tumayo na rin si Joan at nagpaalam.

"Ahh sige po Tita, ah sir mauna na po kami" paalam ni Joan.

"Wag po kayong mag-alala Tita ibabalik kong ligtas at walang galos si Sam..Salamat po pala sa cake sir...ang sarap" sabi ni Lance na siya naman ang nakahawak sa kamay ko at nakita ito ni Arthur..

"Oo sige ingat kayo" sabi ni Mama.

Paglingon ko sa likod saktong nagkatingan kami ni sir Arthur ng ilang segundo habang unti-unting sumasara ang pintuan.

Nakita ko nagsmile siya pero ang lungkot ng mga mata niya.

At nang maisirado na ito ay hinala naman ako ni Lance, "Tayo na" sabi niya na halatang sobrang saya niya.

Ako naman hindi maiwasang isipin ang naging reaskyon ni sir Arthur sa pag-alis naman.

Parang nakonsensya ako ng konti doon ha.